Cleaning His clean room.
_________
Celestine's POVMatapos akong iwanan ni Yanna sa kwarto ko ay naisipan kong pumunta sa likod ng mansion. Wala pa namang pinapagawa si Shintaro at hindi ko din alam kung asan siya.
Napangiti ako ng makita ang mga bulaklak. Grabe dalawang araw akong hindi naka pasyal dito. Namiss kong Manguha ng bulaklak!
"Celes!" Tawag ng kung sino. Humarap ako dito at napagtantong isa ito sa mga tauhan ni Senyora. He's Mikael.
"Oh ikaw pala Mikael, kumusta?" tanong ko, Kapatid niya si Michaella na lagi kong kasama sa pangunguha ng bulaklak.
"Ayus lang, para sayo nga pala " Sagot nito. Sabay lahad ng madaming bugkos ng iba't - ibang bulaklak. Wahhh ang gaganda!
"Salamat" Nakangiting sabi ko. Handa ko na sanang tanggapin ang bulaklak ng may umagaw dito. Agad akong Napalingon dito.
Seryoso itong nakatingin sa aming dalwa ni Mikael.
"Ikaw pala Senyorito, magandang umaga" Bati ni Mikael. Hindi ito pinansin ni Shintaro. Ang rude nya talaga.
"Leave." Madiin ngunit malamig niyang ani. Napalunok ako. Galit na siya? May iuutos ba sana siya? Naku, patay ka Celes.
"Pero –I said LEAVE and don't ever come near her again." Napitlag ako sa pagsigaw nya. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa gulat.
Agad namang lumakad paalis si Mikael. Kawawa naman siya nasigawan pa ni Shintaro. Ano bang problema nya? Hindi ko siya maintindihan.
Nagulat ako ng hawakan ako nito sa braso at higitin nang marahas. Napakagat labi ako ng maramdaman ang pwersa nya. May nagawa ba akong ikinagalit niya?
Dapat pala hindi ako umalis ng walang permiso nya. Nakakatakot siya.
"M-masakit po senyorito" Mahinang daing ko. Binitawan nya lamang ako ng malapit na kami sa Main Exit ng mansion.
Napayuko ako. Huwag nya sana akong alisin sa trabaho!
Pag nangyari iyon tiyak na magagalit si Tiya."Stay away from that guy Celestine." Biglang singhal Nito na bahagya kong ikinagulat. Napalunok ako ng mapatingin sa mata nyang nanlilisik na kahit anong oras ay parang handa ka nyang saktan.
Hindi ko siya naiintindihan. Kakikilala ko lang sa kanya ngunit bakit ganito ang ginagawa nya. Dati ko naman nang kakilala si Mikael.
" A-ano?" Naguguluhang ani ko. Sa pagkaka tanda ko ay wala naman ako sa kanyang kasalanan o ano pa man.
"Tch. Clean my room." Biglang utos nito. Nangunot ang nuo ko nang mapansing namumula ang tainga nya.
May sakit ba siya?Isinawalang bahala konna lamang iyon nang nauna na siyang lumakad. Sumunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan ang kwarto niya.
Umakyat kami ng hagdan at lumiko sa kaliwa. Grabe ang lawak ng bahay nila. Siguro kung hindi personal maid ang nakuha ko itong boung bahay ang lilinisin ko. Napangiwi ako sa naisip.
"Ouch" Nasabi ko nang mauntog ako sa likod niya. Hindi ko namalayan na tumigil na pala siya sa paglalakad. Napahawak ako sa nuo.
'Antigas ng likod nya, ang sakit tuloy.' Saad ko sa isip. Binuksan nya ang pinto at bumungad sa akin ang sobrang linis at organized na kwarto. Eh?
Anong lilinisin ko dito? Mukha ngang walang alikabok eh.
Napabuntong hininga na lang ako. Ganun ba siya kalinis? kahit walang dumi ipapalinis nya?Ang bango naman ng kwarto nya! Ano kayang gamit niyang perfume?
Teka? Ano bang pake ko duon? Andito ako para mag linis ng... Ng ewan ko ba kung anong lilinisin ko dito eh wala namang dumi.
"Ah senyorito, Anong lilinisin ko?" tanong ko. Malinis naman na kasi.
"Just change my bed sheet" Maikling sabi niya. Nagkibit balikat naman ako at agad na lumapit sa kama nya. Inumpisahan kong tanggalin ito. At dahil malaki ang kama nya ay nahirapan ako alisin iyon.
Nang tuluyan ko na iyong maalis ay inilagay ko muna aa sahig. Lalabahan ko naman iyon. Kumuha ako ng pampalit
na comforter sa ibabaw ng cabinet nya.Pabalik na sana ako ng aksidente kong maapakan ang comforter na nilagay ko sa sahig kani-kanina.
*BLAG*
"Aghh" Daing ko nang bumagsak ako sa sahig. Grabe ang sakit ng balakang ko!
"Tch. Careless" Medyo nagulat ako sa sinabi ni Shintaro. Agad nya akong nilapitan at tiningnan ang bandang paa ko. Kaya naman napalunok ako.
Natulala ako sa ginawa nya. A-anong?
"S-senyorito ayus lang ako." Mahinang sabi ko. Naptingin naman siya sa akin at tinulungan akong bumangon. Agad akong lumayo sa kanya nang malamang magkadikit na kami.
"Stop being careless. " Napangiwi ako ng tumalikod siya. Alam ko namang lampa ako hindi kailangang ipamukha!
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...