Chapter 25

80 2 0
                                    

Engagement party

___________
Celestine's POV

Tinulak ko nang dahan-dahan ang pintuan at bumungad sa akin ang madaming tao. They are happily talking with each other.

Nakakamangha din ang theme nang party. Ngunit hindi ko pa din alam kung bakit Ako dinala ni Mikael dito. At kung bakit siya humihingi ng tawad.

"C-celes?I-ikaw nga anong ginagawa mo dito?"  Si Alexa! Nag aalala ang mata nyang nakatingin sa akin.

"Dinakip kami ni Senyora at dinala dito t-teka? Nakita mo na ba si Senyora?"  Takang kong ani. Nanlaki ang mata niya at hinawakan ako sa braso.

"Kailangan mong umalis dito Celes."  Biglang turan niya na ikinakunot nang nuo ko. Bat parang tinataboy nya ako?

"Hindi ka dapat nandito! Wacks!"   tinawag nya si wacks at napalingon naman ito. Naguguluhan itong tumingin sa akin. At ganun din ako. Hanggang ngayun hindi ko alam anong nangyayari.

"C-celes, Alexa bakit siya nandito?" Hindi ko sila maintindihan!

"Dinakip daw sila ni lola sa Hacienda."  Sagot ni Alexa. Mahihimigan ang pag kabahala dito.

"Kailangan na natin siyang ilayo dito bago magsimula ang–Good evening ladies and gentlemen"  Hindi na natapos ni Wacks ang sasabihin nang may magsalita sa unahan.

"We're here to witness the engagement party Of Mr. Motelijo and Hermosa."  Natigilan ako sa sinabi niya. H-hindi.

Hindi maaari!

"A round of applause to Mr. Shintaro and Ms. Ivy!"  Kasabay nang palakpak nang mga tao ang paglabas nang dalwang taong hindi ko inaasahan.

B-bakit? Nanghihina ang tuhod ko at gusto kong maglupasay sa narinig. Akala ko ba nangako siya?

Hindi ba totoo lahat nang iyon. Napakagat labi akong napahawak sa tuhod ko. Hindi ko mapigilang pangilidan nang luha.

Nakita ko na siya, ngunit hindi sa paraang inaasahan ko. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

Unti-unting umatras ako. Hindi ko na kaya!

Natigilan ako nang makitang nakatingin sya sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa mata nya ngunit sandali lang iyon at napalitan nang malamig na expression ang mata niya.

Ganuon na lang ba iyon? HAHAHA sabagay sino ba naman ako? Bakit ang t*nga ko! Sino ba naman ako para mahalin ng isang taong kagaya niya. Isa lamang akong Ulila.

Napaluha ako sa naisip
Umiling-iling ako. Ang t*nga-t*nga ko! Sana naisip ko ito nuon palang. Hindi kami pwede. Malayo at malabo.

Tuluyan na akong humagulhol at tumalikod sa kanya. Hindi nga pala lahat ng nangako ay dapat asahan. I'm such a f*ol.

"C-celes!"  Dinig kong sigaw ni Wacks pero hindi ko siya pinansin at tuluyang tumakbo palabas nang lugar na iyon.
Hindi ko na kaya!

Palagi na lang akong nasasaktan! Palagi na lanag akong nahihirapan, palagi na lang!

Bakit hindi pa ako natuto!?
Ang akala ko masakit na ang mag pa api. Mas masakit pala pag pinangkuan ka tapos sa iba tinupad.

hinigit ko ang malaking pinto at lumabas. Bumungad sa akin si Mikael at akmang hahawakan ako nito nang lumayo ako.

"Salamat huh, kung di dahil sayo hindi ko malalaman na ant*nga ko pala HHAHAA"  Mapait kong sabi. Nakita ko ang pagkaguilty sa mukha nya. Pero wala na siyang magagawa nangyari na.

"C-celes!"  Tama na ang pagiging Mahina! Ayaw ko na! Hindi ko na kaya!
Natigil ako nang hablutin niya ang braso ko.

"Ano pa ba! May sasabihin ka pa ba!" Galit kong sigaw. Ito ang unang beses na sumigaw ako sa galit.

"Si Ivy ang nagpadakip sa iyo."  Kahit nagulat ay tinalikudan ko sya.

"Hindi na mahalaga iyon. Aalis na ako. Makikisabi sa dalwang yun Congrats at salamat sa pag imbita"  Pinilit kong huwag ma utal at tuluyan na ngang nag lakad palayo.

'Kaya mo yan Celes! Ikaw pa nakaya mo nga nuon diba?'  Bulong ko sa sarili kahit na hinang-hina na ako,.

Nanlalabo na din ang paningin ko at parang kahit anong oras ay tutumba na ako. Oo nga pala hindi ako kumakain kakahintay sa kanya.

Napahawak ako sa sentido ko nang kumirot iyon. Nasa labas na ako nang malaking building na pinanggalingan ko.

Napahawak ako sa poste nang mas lalong sumakit ang ulo ko. Nahihina akong na paupo. Ayoko na!

"S-Shintaro"  Huling salitang nasabi ko bago bumagsak sa kalsada, at nilamon nang kadiliman.

Shintaro's Obsession (Montero series #1)Where stories live. Discover now