Aunt comes to visit.
__________
Celestine's POV"You're Mine Celes, And you can't do anything about it" Singhal nya na ikinatigil ko. Hinawakan nya ang panga ko at itinapat sa mukha nya.
"Do you understand!?" Madiing sabi niya. Bakit niya ginagawa ito? Kakakilala ko pa lamang sa kanya noung nakaraan pero parang sinasabi niya na sa kanya ako!
"H-hindi kita maintindihan," Kinakabahan kong turan. Anong nagawa ko para maging ganito siya. Halos mangiya-ngiyak na ako sa sakit nang paghawak nya.
"Then i will make you understand, Mark my Words Celes!" Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay marahas nya ako binitawan.
Nanghihina akong napayuko. Hindi ko mapigilang maiyak sa nangyayari. Nanganganib ako sa kanya, Baka kung ano pang gawin niya sa akin kung hindi ako aalis!
Pero saan ako pupunta? Ang gusto ko lang naman ay makaipon pagkatapos ay aalis din ako para hanapin ang iba kong kamag-anak.
Pinagbubuhatan ako nang kamay nang tiya ko kaya nag kakaroon ako nang takot sa maaaring gawin ni Shintaro. Nag s-suffer ako sa depression habang tuwang-tuwa sila. Pati social anxiety nakuha ko na.
Akala ko makakalaya na ako sa mga pasakit, Hindi pala. Siya naman ang pumalit. Hanggang kailan ba ito matatapos!?
"Oi Celes andiyan ang tiya mo, Binibisita ka daw" Agad kong pinahid ang mga luha ko. Sinigurado kong walang natirang bakas sa mukha ko bago ko hinarap si Alexa.
"ay sige," Ngiti kong sabi. Ngumiti lang ito at iniwan na ako. Anong ginagawa nila tiya dito!? Bakit nila ako naisipang bisitahin gayong wala naman silang pake sa akin?
Napabuntong hininga ako bago sumunod kay Alexa. Batid kong nasa Salas sila ngayun ni Vina at kausap si Senyora, Kaya tumungo ako doun. Tama nga ako, Nadatnan ko silang nag m-meryenda.
Hindi talaga sila nahihiya.
"Ah tiya bakit po?" Ngiti kong sabi kahit na hindi maganda ang nararamdaman ko. Palagi akong ganito sa lahat, sanay akong sinasarili ang lahat. Siguro ay magaling talaga akong magtago nang nararamdaman, wala ngang nakahalata sa akin.
"Ay Celes, PWEDE ba tayong mag-usap YUNG TAYONG dalwa lang" Saad ni Vina. Bahagyang kumunot ang nuo ko nang diniinan nya ang ibang salita nya. Ano naman ang pag-uusapan namin.
Tumango na lamang ako. Agad naman itong tumayo at lumapit sa akin. Pagkalapit ay hinawakan ako nito sa braso na ikinangiwi ko. May galit ba siya at ang higpit ng hawak nya?
Dinala nya ako sa bandang gilid nang mansion. Hindi naman gasinong malayo sa kanila.
"Umuwi ka na Celes!" Ang kaninang ngiti nito ay napalitan nang nakataas nyang kilay habang naka halukipkip. Ano na naman ang balak nya?
"Bakit?" Sagot ko.
"Tch. Umuwi ka na! Walang gumagawa nang gawaing bahay! Masusugat ang mga kamay ko. Atsaka Malinaw na kaya mo lang naman gustong mag trabaho dito ay dahil sa mga apo ni Senyora. Two faced b*tch." Mahabang sabi niya ay bahagya pa akong dinuro-duro. Ito na naman siya.
"hindi totoo iyan Vina!" Madiing sagot ko. Kaya ko ginagawa ito ay para makaipon, Ni hindi ko nga man lang kinakausap ang mga apo ni Senyora. Sila ang nauunang kumausap sa akin. At hanggat maaari nga ay hindi ko nais mapalapit sa kanila.
"Kung ganun bumalik ka sa amin!" Tinulak nya ang kabila kong balikat. Napaatras naman ako sa ginawa niya,tutumba pa sana ako nang maramdaman ang kung anong matigas na bagay sa likod ko.
Hindi ako natumba dahil dito. Nanlaki ang mata ni Vina na para bang gulat na gulat ito.
"Shintaro" Mahinang usal ni Vina. Kumunot ang nuo ko bago nilingon ang tinitingnan niya. I gulped. Sinalubong ako nang masamang tingin na si Shintaro.
"S-senyorito" Tanging nabanggit ko. Bahagya ako nitong tiningnan at agad na pinukol ang masamang tingin kay Vina. Nakita kong napalunok si Vina bago ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"Shintaro, Hehe pinapauwi ko kasi si Celes sa amin. A-ano kasi–CELES IS NOT LEAVING" Natikom ni Vina ang bibig nang hindi siya patapusin ni Shintaro.
'Deserve' Kinurot ko ang sarili sa naisip. Hindi ko dapat isipin iyon!
[Sinubukan ko din naman maging mabait gaya ni Celes pero nevermind. HAHAHHA ~BTW TYSM FOR READING]
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...