Avoiding him.
___________
Celestine's POVNARAMDAMAN kong nag-init ang mukha ko kaya agad kong inalis ang braso nya sa beywang ko at tumayo.Walang imik ako tumakbo paalis sa kanya.
"Celes!" Dinig kong tawag nya. Binalot ako ng matinding kaba.
'Bakit nya ginawa iyon? Bal*w ba siya?' Turan ko sa sarili. Tumigil ako sa kwarto ko. Nanghihina akong umupo sa sahig. Mas lalo yatang nadagdagan ang takot ko sa kanya.
Ano kaya kung mag resign na ako? Pero hindi pwede! Ayaw kong itakwil ng tuluyan ninda Tiya. Kahit na hindi maganda ang trato nila sa akin. Pamilya ko pa din sila.
'Pero what if nga diba?' Napapikit ako ng maalala ang sinabi ni Clyde. Naguguluhan na ako sa sitwasyon at dinagdagan pa nang Clyde na iyon ang kaguluhan sa isip ko.
Isa pa si Shintaro. Bigla-bigla na lamang nanghihila.
Mukhang mapapaaga yata ang pag alis ko sa trabahong ito pag nagkataon.Napabuntong hininga ako. Habang maaga pa kailangan ko nang umiwas. Isa pa pansamantala lamang naman talaga ako sa trabahong ito. Gusto kong makita at makilala ang mga kamag-anak namin.
Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na hanapin sila.
Alas sais na pala nang umaga. Napagpasyahan kong tumayo at lumabas ulit. Kinakabahan akong naglakad pabalik sa kusina.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na si Shintaro dito. 'Mabuti naman at wala na siya dito' Lumapit ako sa pinagkapehan nya para hugasan ito. Ngunit malinis na ito at halatang hinugasan.
Medyo na guilty tuloy ako. Ako dapat ang gumawa nun bilang maid nya, Pero kasalanan nya din naman!Kung hindi siya nanghihigit ehdi sana hindi siya naghugas.
Nagkibit balikat na lamang ako lumabas ng dining area.
Pupunta na lang ako sa laundry room upang maglaba. Liliko na sana ako nang makita ang seryoso nyang mukha na papalapit sa direksyon ko.'Naku Celes! Liko!' Turan ko sa isip. Agad naman akong lumiko nang malapit na siya. Sa kabutihang palad ay malapit na din pala ako sa laundry room. Agad akong pumasok dito.
Amoy ng mga sabon na halatang mamahalin ang sumalubong sa akin. Isinara ko ang pinto at bahagya pang napasandal dito.
' Phew! Buti na lang hindi ako naabutan' Lumapit ako sa mga labahin na nasa laundry. Medyo madami ito mabuti na lamang at may washing machine sila. Sabagay handwash nga ang gamit ko pag pinaglalaba ko si tiya eh.
Una kong inihiwalay ang mga di-kulay sa mga puti. Pagkatapos ay naghanap ako ng sabon na maaaring gamitin. Grabe! Ang dami nilang panglaba at iba-iba pa.
*Click*
Natigil ako sa pamimili nang sabon nang marinig ang pagbukas ng seradura ng pinto. Napalunok ako. Hindi ko man tingnan kilala ko na ang pabango nito.
Nang maramdamang papalapit siya ay agad akong kumuha nang hindi tinitingnan na panglaba. Pagkatapos ay bumalik ako sa dati kong pwesto na medyo malayo sa kanya.
Napansin kong kumunot ang nuo nito. Naku, Nawawalan yata ako ng respeto! Nanginginig kong hinawakan ang mga labahin.
"Are you avoiding me?" Napalunok ako at mariing napapikit. Nahalata nya pala ang pag-iwas ko?
Hindi ko siya pinansin dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka kung ano na naman ang gawin niya. Hindi ako komportable!
Isinalang ko ang mga labahan sa washing at akmang papaikutin ko na ito nang hablutin niya ang kamay ko. He's glaring at me intensely na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya
I gulped. Tinatakot nya na naman ako!
Napatili ako nang higitin nya ako palapit sa kanya. Hindi parin na aalis ang mata nito sa akin. Medyo napangiwi ako nang maramdaman na naman ang higpit nang pagkahawak niya."Don't ignore me, It pissed me off."
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...