Chapter 19

79 3 0
                                    

IVY

____________
Celestine's POV

"Alam mo Celes yung kinanta ni Shintaro pinag-isipan niya yun nang matagal"  Sabi Yanna, nakadikwatro ito habang nagsasalita. Tumawa pa ito na animoy may naalala.

"Natatawa ako sa kanya kagabi, aba! Ay gusto ka ba namang haranahin sa mismong loob nang kwarto mo HAHHAAHHA"  Tumatawang sabi ni Clyde. Napakamot naman ako sa batok. Hindi ba nila alam na ang awkward nang pinag-uusapan namin?

"Nakailang change pa ng cloth,"  sabi naman ni Alexa. Wala dito si Shintaro kaya naman malakas ang loob nilang magsalita tungkol sa kanya.

Agad namang tumahimik kami nang dumating si Shintaro. Ang sabi ni Yanna pumunta daw ito nang jewelry shop, kahit hindi ko naman tinatanong.

Ngumiti naman ito nang dumapo ang tingin sa akin. Iniwas ko ang tingin dala nang pagkailang.

"Ito na ang lover boy tara na't masakit sa mata ang mga susunod na eksena."  Saad ni Clyde at naunang tumayo. Sumunod naman ang tumatawang si Wacks.

"Sige bahala na kayo jan"  Saad ni Yanna at nagkibit-balikat bago sumunod. Napatingin ako kay Shintaro nang mariin nitong tiningnan si Alexa.

"What? Papalisin mo rin ang pretty na pinsan mo!"  Saad nito. Napatawa ako nang mahina sa tinuran niya. Maldita talaga ang babaeng ito.

"Leave now Alexa, or else your Lamborghini will be on trouble"  Madiing turan ni Shintaro. Napalunok si Alexa at agarang tumayo.

"Ay oo nga pala, I haven't Paint my kuko pa."  Sabi nito at maarteng tiningnan ang kuko nya. Pagkatapos ay patakbo itong sumunod sa tatlo. Napailing-iling na lang ako, sino ba naman ang hindi matatakot kay Shintaro.

Tindig pa nga lang nya ay kinakabahan na ako.

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Napangisi ang lalaki nang makita ang pamilya Hermosa sa kanyang harapan, kasama ang nag-iisa nitong anak. The spoiled heir of Hermosa clans.

"Good Afternoon Mr. And Mrs. Hermosa, please have a seat"  Sabi niya. Nginitian naman siya  at tumango pa ang mag-asawa. They greeted him back as a respect.

Sabay-sabay silang naupo sa couch nang opisina.

"So we we're talking about your business proposal, Right Mr. Hermosa?"  Makahulugang sabi nang lalaki. Tila ba hindi ito makapaghintay at kating-kati na. Ngumiti si Mr. Hermosa at itinuro ang kanyang kaisa-isang anak.

"My daughter, will be the one who will make a business proposal with you Mr. Montelijo"  Ngiting sabi nito. Bumaling siya sa dalaga na ngayun ay nakangiti na din sa kanya. Sa nararamdaman nya ay may nais itong hingin na pabor sa kanya base sa makahulugang ngiti nito.

"Ehem, Good Afternoon Mr. Montelijo. I'm Ivy Hermosa, And i would like to discuss about my proposal" Litanya nang babae. Umayos naman nang upo si Mr. Montelijo sa sinabi nito.

"Go on, Ms. Ivy, Your name means poisonous right?"  Nagkibit-balikat lang ang babae at muling nagsalita.

"I'm going straight and directly to the point Mr. Montelijo, It is about arrange Merriage."  Nakangising saad nito. Napangiti naman siya, May mga pamangkin siya na maaaring i-arrange Merriage dito.

"Ohh, You want to get married and have a happy family. I have tree nephews and it's up to you." Saad nito. Natutuwa siya na ito lamang ang hinihingi nang pamilyang Hermosa kapalit nang Sampung milyon.

"I'm not Here to choose Mr., I already decided that i want Shintaro To be my life partner"  Ngiting usal nito. Hindi maitatago na matagal niya itong pinaghandaan.

Noun pa lamang ay gustong-gusto na niya ang binata. Ngunit hindi siya nito binibigyan ng pansin. Kaya naman gumawa na siya nang hakbang.

"No problem, But He's on a vacation right now. With his Grandmother.My mama actually"  Sagot nito. Natitiyak nyang wala pa itong naiibigan at perpektong-perpekto kung si Ivy ang mapapangasawa nito.

"Tch. Then I'll go to him, and Tell him personally."  Matapang nitong sagot bago tumayo. Tumayo din ang mga magulang nya at umalis na nang lugar na iyon.

Napangiti naman ang lalaking naiwan. Maganda ang business proposal nang dalaga. Bukas na bukas ay sasamahan nya ito sa probinsiya nang kanyang mama para personal nitong makausap ang kanyang  soon to be  'Fiancee'.

"That Ivy is quite Wise hmm. She's perfect for him."  Turan niya sa sarili. Sampung milyon ang kanyang makukuha sa pamilyang Hermosa kung mapapapayag niya si Shintaro.

"Malapit na akong maging isang ganap na CEO kapag nasagawa ko ito."  Ngiting usal niya. Determinado na sya sa gusto niyang gawin. At hindi niya hahayaang may sumira sa plano niyang pag - unlad.

Shintaro's Obsession (Montero series #1)Where stories live. Discover now