__________
Celestine's POV"Bakit ngayun ka lang!?" Singhal ni Tita ng makapasok ako. Lampas alas sais na kasi ng makadating ako dahil dumaan pa ako kay Aling Rosa para magbilang ng aming kinita.
"Pasensya na po, ito po yung kinita ko." Sabi ko ay ibinigay sa kanya ang 8% ng kinita ko at akin naman ang 2% na natira. Agad niya itong kinuha. Hindi ko na din sinabi na may natira sa akin dahil kilala ko sila.
Hindi nila ako titigilan.
"Osya magluto ka na nang hapunan at paparating na din si Vina. Pupunta pa iyon pagkakain sa Montelijo Hacienda" Sagot nito. Ngayun pala siya makikipagkilala sa mga apo ni Senyora. Kung si Wacks ang kikilalanin niya ay ayus lamang dahil masayahin ito.Pero knowing Vina gusto nya yung seryoso at may pagka silent type. Kaya kahit hindi niya sabihin alam kong si Shintaro ang lal*ndiin este kikilalanlin niya.
Ewan ko nga lang kung kayanin niya ang presensya ni Shintaro. Pero Sa ugali niyang iyon, alam kong hindi siya sumusuko kaagad.
Agad akong nagtungo sa kusina at nagsimulang magluto.
Pagkaluto ko ng kanina ay ulam naman ang niluto ko. Ginisang ampalaya ang niluto ko dahil iyon ang meron dito sa kusina."Ito na lang anak, mas maganda!" Saad ni Tiya. Batid kong namimili sila ng damit para mamaya.
Sabado ngayun at may salo-salo kinda Senyora. May salo-salo daw kasi ngayung gabi at lahat ay inimbitahan nila. Siguro ay pa welcome party sa dalwang apo niya.
" Tiya kakain na po" Napalingon sila sa akin. Tinaasan lang nila ako ng kilay.
"Sinong may sabing dito kami kakain? Dun kami kakain kinda Senyora. Ang pangit ng niluto mo!" Mataray na sabi ni Vina. 'Bakit nila ako pinagluto eh hindi pala sila dito kakain?' Bulong ko. Mahina ang loob kong sumagot kaya kadalasan ay bulong lang ang ginagawa kong pag rereklamo
" Oh ikaw! Magbihis kana. Siguradong hahanapin ka ni Senyora " Iritang sabi ni Tiya. Tumango lamang ako at nagtungo sa aking kwarto upang magbihis.
Pinili ko ang kulay blue na jumper dress na pinarisan ko ng t-shirt na white. Paglabas ko ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Sayang naman kasi ang niluto ko kung hindi ko kakainin.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang plato na ginamit ko bago lumabas sa sala. Nadatnan kong nag m-make up si Vina. Bumaba ang tingin ko sa suot nito. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang cle*v*ge nya.
Umangat ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay bago nag liptint. Eh paano siya kakain nyan?Hindi kaya ito malasahan?
"Welcome party ang pupuntahan natin hindi park tch." Inis na sabi niya. Eh bakit sya naka lingerie? Akala ko ba ay pantulog iyon ng mga mayayaman kapag bagong kasal. I mean nakikita ko kasi sa pelikula. O honey moon kung tawagin, hindi ko akalaing pwede pala itong gamitin pang alis.
O kaya naman ay may iba siyang plano. Hindi kaya may balak syang i-seduce ang isa sa apo ni Senyora? . Kung ano man yun labas na ako dun. Ayaw kong masali sa kahit anong gulo.
[Si Vina na aatend ng welcome party pero naka lingerie]
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...