CHAPTER 1: CAESAR

993 23 0
                                    

I sip on my coffee as I proceed on reading the magazine I got from the counter of this coffee shop. I looked outside when I heard a loud honking of a car.

The traffic is a little bad. I look down at the wrist watch that I am wearing and saw that it's already nine-thirty am meaning it's already time for the Parisian rush hour until ten am.

I've been here in Paris for almost a month now but I'm not staying here in the city. I am currently staying at a hotel in Provins, the La Demeure des Vieux Bains.

Pumupunta lang ako dito sa city para maupo dito sa loob ng coffee shop at mag-masid ng mga tao at sasakyan na dumadaan. Sa loob ng halos na isang buwan ko dito ay wala akong nakakausap na ibang tao. More like. . .I don't like to talk to anyone in here.

I run away from home and my parents must have sent people to look for me. I can't trust anyone here right now.

I stayed inside the coffee shop for a couple of hours before I decided to leave and started walking around. I look up into the sky and smiled. It's the peak season in here. This weather here in Paris is perfect for sight-seeing. Narinig ko din sa usapan ng ibang tao sa loob ng shop kanina na madalas ay tuwing peak season din nagaganap ang mga festivals dito. Iyon nga lang ang naiintindihan ko dahil hindi naman ako gaanong nakakaintindi ng French.

I haven't had the chance to encounter one festival though.

I was looking around while walking in the busy streets of this city. Habang tumatagal ako dito ay mas lalo ko lang minamahal ang lugar na 'to. Kahit na wala akong masyadong makausap dito ay pakiramdam ko malaya ako.

Walang mga matang nakatingin sa akin at mga bibig na handang humusga kung mabibigo at madadapa man ako. Walang nakakakilala sa akin dito. Wala dito. . .ang mga magulang kong nag-kulong sa akin sa nakakatakot at nakakapagod nilang mga standard para sa konsepto ng isang perpekto at masunuring anak.

Simula noon ay laging sila ang nagdi-desisyon para sa akin. Akala ko noong una ay ganoon talaga ang mga magulang. Akala ko noon. . .lahat-lahat ng sabihin nila ay dapat nating gawin at sunduin kahit pa ayaw natin itong gawin. Pero habang tumatagal. . .nakakasakal na mabuhay, iyong para kang puppet na kinokontrol at minamanduhan nila at hindi isang anak na dapat ay iniintindi at pinapakinggan man lang.

Hindi ko lubos na maisip na aabot pa sa pagkakataon na pati ang pagpapakasal ko sa isang lalaki ay sila pa rin ang pipili at magdi-desisyon.

That's why I left. That's why the reason I chose to break free from their hold. I don't want to marry a complete stranger. I don't even know his name, kung ano'ng ginagawa niya sa buhay o kung mabango man lang ba ang hininga niya.

And besides, for me marriage is something special and needed to be treasured. It shouldn't be force. . .like what they want me to do. This should be shared with someone that you truly love. . .with someone that you really want to spend your whole life with and not just because your company or family would have the benefit of money and power because of it.

It's not how I want my marriage to be. . .that's why I chose to leave. Maybe they'll realize na may karapatan din akong mag-desisyon para sa sarili ko at tumanggi para sa buhay ko.

Natigilan ako sa paglalakad ng makarinig ng tilian sa may kabilang gawi ng kalsada. Sa kabilang bahagi ay mayroong fountain at iilang bench na nagsisilbi yatang upuan ng mga dadaan doon at kukuha ng litrato. Nakukuryosong napatingin ako doon at nakitang maraming nagkukumpulan na mga tao, karamihan ay mga babae.

Mula sa kinatatayuan ko ay sinubukan kong silipin kung ano ang tiningnan nila doon. Maliit akong napangiti ng makita ang limang lalaki na nakatayo sa harapan. Sigurado akong sila ang dahilan ng tilian ng mga kababaihan na nandoon.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now