⚠️ WARNING: Slight Matured Content.
"What song will you be singing tonight?"
Magkatabi kaming nakaupo ni Caesar sa backstage ng isang exclusive club dito sa city. It's eight in the evening at nandito kami dahil magpe-perform sila ng banda ngayong gabi.
"Closer by the Chainsmokers." Sagot niya at saka pinatakan ng halik ang pisngi ko. "Why? You have any request?"
Ngumuso ako at saka napatitig sa kaniya. "Can I?"
He shrugged his shoulders. "I guess. As long as they can play it."
Nilingon niya sina Yohann, Zoren, at Clyde na nakaupo doon sa isang mahabang sofa. Wala si Christian dito sa backstage pero nakita ko naman siya kanina. I have a feeling that he likes to spend his time all by himself.
Si Clyde ang unang nagsalita sa kanila.
"What's your song request, babe?" Ngumisi siya saka kinindatan ako. "Tell me and I'll sing it just for you."
Mahina akong tumawa ng bigla na lang siyang batuhin ni Caesar ng water bottle. Masama ang tingin nito kay Clyde.
"I'm the vocalist here, you fucker!" Asik niya na ikinatawa naming lahat.
Nang bumaling sa akin si Caesar ay masama ang mukha niya. "Don't laugh," nakasimangot na sabi niya.
I rolled my eyes at him before I turned to Clyde once again. "It's a Filipino song."
Ngumiwi naman si Clyde at saka dahan-dahan na tumango. "I don't know a freaking Filipino song. I'm sorry, babe-"
"Will you stop calling her that!?" Muli na naman siyang binato ng water bottle ni Caesar.
"Caesar," saway ko at saka hinawakan ang braso niya.
Masama ang mukha niya ng muling bumaling sa akin pero agad din na lumambot ang ekspresiyon ng makita ang nakanguso kong mukha.
"They don't know Filipino songs," nakangusong sabi ko.
He smiled then slightly pinch my cheek. "I know some Filipino songs," sabi niya. "Ano bang kanta ang gusto mo?"
Ngumiti ako. "Hanggang Kailan by Orange and Lemons." Mabilis na sagot ko. "Alam mo?"
Ngumisi siya at saka direstong tumitig sa mga mata ko. Umawang ang labi ko at agad na nag-init ang aking pisngi ng bigla niyang kantahin ang unang linya ng kanta.
"O-okay na." Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. "Mamaya mo na lang kantahin."
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya bago yumakap sa baywang ko ay kaniyang braso at mas hinila ako papalapit. Kulang na lang ay maupo ako sa kandungan niya.
"Cute," natatawang komento niya at akmang papatakan ng halik ang labi ko pero iniwas ko iyon.
"May mga tao, Caesar." Pinanlakihan ko siya ng mata.
Nilingon niya rin ang gawi nina Clyde, Yohann, at Zoren na nagkukunwaring may ibang pinagkakaabalahan noong nakatingin kaming dalawa.
Napanguso ako at muling tumingin kay Caesar na nakangisi habang ang paningin ay nasa labi ko.
"They won't mind, ma chérie."
Bago pa ako tuluyan na makaiwas ay inangkin niya na ang labi ko at malalim akong hinalikan. Hindi ko rin napigilan ang mahinang pagdaing lalo na ng kagatin niya ang lower lip ko.
"Uh. . .Caesar, we have to go." Narinig ko ang boses ni Yohann.
"We're being called in the stage now, dude." Sabi naman ni Zoren.