CHAPTER 30: MAKE LOVE

368 15 0
                                    

Pagod pero kontento naman ako habang papasok nang lobby ng aking tinutuluyan na hotel. Marami akong ginawa at napuntahan ngayong araw pero sobrang worth it naman ng pagod.

I enjoyed every bit of it so much!

I walk inside the elevator with a slump shoulder. Nang sumara iyon ay pinindot ko agad kung nasaang palapag ang aking unit bago ako sumandal sa malamig na wall ng elevator.

I close my eyes for a brief moment then sigh. Gosh, gusto ko nang matulog. Hindi ako sigurado kung makakapagbihis pa man lang na muna ako dahil baka makatulog ako agad pagkapasok ko pa lang ng aking kuwarto.

With my half open eyes, I walked towards the unit I am occupying. Ilang metro pa ang layo ko mula sa aking tinutuluyan na unit ay agad natigilan nang makitang may naka-upong lalaki sa tapat noon. Nakasandal ang lalaki sa dingding malapit sa pinto habang nakayuko at nakatago ang mukha sa mga tuhod. Mukha siyang natutulog doon.

Nakakunot ang noo ko na nagsimula na muling humakbang palapit pero agad ding natigilan ng unti-unti kong mapagtanto kung sino iyong lalaking naka-upo sa tapat ng aking unit.

Mula sa buhok at hubog ng kaniyang katawan, sa paraan ng pananamit. . .his classic white t-shirt and faded denim jeans. Fuck! That is Caesar! I am so fucking certain that it is him.

What is he doing here? And how did he. . .

Bago pa man ako muling makagalaw sa kinatatayuan ay nag-angat na siya ng tingin. Kagaya ng inaasahan ko, si Caesar nga siya. I unconsciously bit my lip when our eyes met. He stood up looking so serious and started walking towards me. I panicked a little but I freaking fake it to be calm in front of him.

“W-why are you here?” Iyon ang mga salitang lumabas sa aking bibig.

He clench his jaw as his eyes turns into slit. Tila ba hindi niya nagustuhan ang narinig.

“I ask your office mates and they said that you took a vacation.” Bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling bumalik ang tingin sa aking mata. “And your best friend told me that you're here in Baguio.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Best friend? “You talked to May Ann?!”

“Yes,” maikling sagot niya at tinaasan ako ng kilay. “Is there a problem with that? I've been texting you and you're not replying. I was so damn worried and you left me no choice.”

Natigilan ako at napanguso. He's worried, huh?

“I took a three days vacation. . .”

Tumango siya, bahagyang nakanguso. I feel like he wanted to say something but he's stopping himself.

“I can see that. Are you with someone in this vacation?” His voice was cold that it kinda scared me a little.

Umiling ako at agad na nag-iwas ng tingin. “I. . .i was going to i-invite you b-but. . .”

Kinagat ko ang labi at saka huminga ng malalim. Why the hell am I explaning?

“But?”

“I w-wanted some time for myself.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakanguso akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

He was only looking at me with nothing on his face. He doesn't look happy nor mad. He's just blankly staring at me.

“A-are you mad or what?” Napipilitan na tanong ko dahil ilang minuto na ay hindi siya nagsasalita.

Nangunot ang noo niya at saka marahan na umiling.

“No, why would I be? It's also important to give yourself some time to enjoy. . .alone. But at least tell me next time, alright?”

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now