CHAPTER 21: NOT HIM

301 12 2
                                    

The dinner with the Dior ended, with me barely breathing and speaking. I could barely comprehend what was going on in that table as I couldn't help but to stare at the man in front of me.

While staring at him, I slowly figured out the difference that I have been looking for between Caesar and Acel. My Caesar has this blue eyes like the sky while Acel has a light electric blue eyes.

Nanghihina akong napaupo sa kama at hindi pa rin maalis sa isipan ang nangyari kanina doon sa dinner. He might think that I am weird because I keep on glancing and staring at him but I couldn't care less. Mas mabuti na ngang isipin niya na weird ako baka sakaling umayaw siya na magpakasal sa akin.

Nagpalit na ako ng damit na pantulog at saka nahiga sa kama. Saglit akong tumitig sa kisame bago ipinikit ang mata ngunit muli lang akong napamulat ng rumehistro na naman sa aking isipan ang mukha ng lalaki kanina.

I admit. . .I am completely bothered by his looks. Hindi dahil sa pangit siya o kung ano pa man kundi dahil magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Caesar.

Nasasaktan din ako kanina dahil. . .may kaunting parte sa puso ko na hinihiling na sana si Caesar na lang talaga si Acel. May parte sa akin na iniisip na hinanap niya ako kahit na sobrang impossible naman noong mangyari.

Hindi si Caesar si Acel at. . .hindi niya ako hahanapin. He might be living his life the way he did before and I guess that's better. He should just continue his life there and be happy dahil hindi na rin naman ako babalik doon. . .hindi na ako makakabalik pa sa kaniya.

He came into my life in the most unexpected way and brought me so much joy and happiness. At kung gaano kabilis ang lahat na nangyari, ganoon din kabilis na nawala ang lahat.

But nevertheless, I will be forever grateful to him because of that. Wala naman na akong ibang magagawa ngayon kung hindi ang pahalagahan na lang at patuloy na alalahanin iyong lahat ng bagay na ginawa niya para mapasaya ako.

I can't do anything but to only reminisce how he used to embrace all my flaws and insecurities and kiss all my worries away.




“Do I look like someone that you are longing for, Miss Rivera?” Tumaas ang kilay ni Acel at saka sinalubong ang tingin ko sa kaniya.

Saglit na umawang ang labi ko at nag-init ang mukha dahil sa sinabi niya. I cleared my throat then look away, embarrassed.

“S-sorry. You just look like someone from. . .the past.”

He called me earlier this morning so we can meet up. Noong una ay nagtataka pa ako kung sino iyong nag-text, buti na lang at nagpakilala din naman siya agad.

“Oh I see.”

Nang lingunin ko siya ay seryoso lang ang kaniyang mukha. Sumimsim siya sa tasa ng kape habang nakatingin sa labas ng glass window nitong coffee shop kung saan namin napagkasunduan na magkita ngayon.

I cleared my throat once again to get his attention. “W-what is it that you want to talk about?”

Nang tumingin siya sa akin ay muntik pa akong mahulog sa kinauupuan. Hindi ko talaga maiwasang hindi mailang lalo na at parang siyang si Caesar. Kung hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba nila pagdating sa mata ay malamang kanina pa ako hindi napapakali.

Ipinatong niya ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa at saka ipinagsiklop ang kamay. He lean on his chair as he put his hands on top of his crossed legs. He was sitting on the chair like a boss and I am his freaking employee.

“A party will be held two weeks from now.” He started.

Nakagat ko ang labi at saka marahan na tumango.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now