Liar.
Before he left my unit last night, he told me na babalik din siya kaagad pero matatapos na lang ulit ang buong mag-hapon ay hindi ko pa rin nakikita kahit na ang anino niya.
Naiinis kong kinuha ang cellphone at nagkakaroon pa ng pagtatalo ang kalooban ko kung iti-text ko ba siya o hindi. Bumuntunghininga ako at saka mariin na ipinikit ang mata.
Why would I text him anyway? Why would I look for him? Dapat nga ay nagpasalamat pa ako na wala siya kasi at least hindi sasakit ang katawan ko at hindi ako mapapagod. Dapat nga ay hilingin ko pa na 'wag na muna siyang magpakita.
Pero hindi ganoon. . .
Hindi ko alam kung bakit halos mabaliw na ako kakaisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat pagtuunan ng pansin. I shouldn't be worrying about him or how did his meeting with his potential investor went.
Kinagat ko ang mariin ang labi. Baka naman hindi lang business meeting ang ginawa nila. I smiled sarcastically. If I know, he did fuck that Hilary Jimenez last night kaya hindi siya nakabalik.
Padarag kong binitawan ang aking cellphone bago ako naglakad patungo sa gawi ng aking kuwarto.
Wala akong pakialam kahit pa mag-sex sila buong mag-damag. Hell I care if they had so much fun last night. I can also have so much fun if I want to.
I smirked. Magsasaya rin ako. Hindi ko naman kailangan si Caesar. Hindi lang naman siya ang guwapong lalaking nakita ko dito. He's not the only man I found attractive. There's nothing so special about him.
He's good in bed. Really good.
Mas lalong nangunot ang noo ko when my subconscious mock me.
I don't care! I'm pretty sure he is not the only man who's good in bed.
Isang pulang crop top tube at high waist leather shorts ang napili kong isuot. I am going out tonight and have some fun. I paired my outfit with my knee high boots. I applied a dark make up, thick mascara and red lipstick to match my look. I put my long wavy hair in a high ponytail.
I stared at myself on the mirror and smirked when I realize that there's something missing on my outfit. I opened my jewelry box at kinuha ko doon ang isang itim na Gucci choker para isuot.
Muli ko pang tiningnan ang sarili sa harap ng salamin bago ako tuluyang lumabas ng unit dala ang isang maliit na purse.
I hailed a cab when I was already outside the hotel building.
“Bonne soirée madame.” The driver said when I opened the cab's door. “Où dois-je t'emmener?”
I smiled and just showed him my phone para malaman niya kung saan ako pupunta. I don't understand a thing about what he just said but I think he greeted me a good evening or not?
After a few minutes that felt like forever, he pulled over in front of a building. Napapalibutan ng iba't ibang naggagandahan na mga ilaw ang labas ng building. Sa may itaas naman na bahagi ay nandoon naka-ukit ang pangalan ng bar.
Le Lounge Bar des Remparts
A security guard greeted me as I entered the looby of the building. Dumiretso ako sa elevator at saka pinindot ang eight floor kung saan nandoon ang bar. May ilan pa akong nakasabay sa loob ng elevator na hula ko ay doon din papunta.
Nang bumukas ang elevator ay agad na sumalubong sa akin ang maingay na paligid. Nakakasilaw ang iba't ibang mga kulay ng ilaw na nagpapaikot-ikot sa buong lugar. Bukod sa ingay ng music ay maingay din ang mga nagsisigawan na mga tao habang nasa dance floor. Ang iba naman ay nagsasaya sa kani-kanilang mga table.
