CHAPTER 12: CLINGY

453 14 3
                                    

“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko habang hawak-hawak niya ang kamay ko at naglalakad kami papunta sa nakaparada niyang itim na BMW.

Hindi ko alam kung ilan ba ang sasakyan niya dahil halos iba-iba ang ginagamit niya.

“Just trust me.” Ngumisi siya at saka kinindatan ako.

It's already seven at night nang bigla na lang niya ako niyayang lumabas. He told me to get dressed kasi may pupuntahan daw kami. Nagpalit lang ako ng isang simpleng itim na dress at pinatungan ko iyon ng isang denim jacket. Flats lang din ang isinuot ko sa aking paa.

Umirap ako at saka bumaba ang paningin sa nakasabit na camera sa leeg niya. “Para saan ang camera?” Tanong ko at bumaba na rin ang paningin sa suot niyang damit.

Isang puting t-shirt, itim na shorts, at saka itim na leather jacket ang sout niya. Isang puting sapatos naman ang suot niya sa paa. May nakasabit din na shades sa may damit niya.

“To take some pictures, of course,” sarkastikong sagot niya.

Sumimangot ako. Ngumiti naman siya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Sumakay naman ako at saka isinuot ang seatbelt. Pinanood ko siya na umikot papunta sa may driver seat at saka sumakay.

Inalis niya ang nakasabit na camera sa may leeg niya at ipinatong iyon sa upuan sa likod. Nakangisi siyang bumaling sa akin at saka inabot ang kamay sa akin.

“Ready?” Nakangiting tanong niya.

Sisimangot sana ako pero ng makita ko ang pagkinang ng kaniyang mata dahil sa excitement at kasiyahan ay hindi ko na rin napagilan ang mapangiti.

Nakangiti akong tumango. “Ready.”

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Sa tinatahak naming daan ay mukhang papunta kami sa city. Hindi ko lang alam kung ano'ng gagawin namin doon.

“Are you sleepy?” He suddenly asked.

Nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot.

Nakangiti akong umiling kahit medyo inaantok na ako. “Eyes on the road, Caesar.”

Kaagad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Nagbaba ako ng tingin sa magkahawak naming kamay. Nakapatong iyon sa hita ko. Whenever he is going to change the car gears, saglit niyang bibitawan ang kamay ko pero muli rin namang hahawakan ng mahigpit pagkatapos.

“What's wrong?” Nangunot ang noo niya. “You don't want me. . .holding your hand?”

Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kamay naming dalawa. Nag-angat ako ng tingin at saka nahihiyang nag iwas ng tingin sa kaniya.

“H-hindi naman.” Ngumuso ako. “Ayos lang.”

Muli akong napatingin sa kaniya ng ilapit niya sa may labi niya ang likod ng aking kamay at patakan iyon ng halik. Umawang ang labi ko at saka nagugulat na napatitig sa kaniya. Ilang segundo akong nabingi dahil sa malakas na tibok ng puso ko.

He chuckled. “Why don't we play something?”

Nakagat ko ang labi bago nag-iwas ng tingin. “Ano'ng laro naman?”

“Twenty questions?”

Tumaas ang kilay ko at saka sinulyapan siya. Nasa daan na ang paningin niya.

“Okay,” sabi ko. “I'll start.”

“Sure.”

“Why do you like me?” I asked.

Nakita kong saglit siyang natigilan bago sumulyap sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ang magiging sagot niya. It was the first question that came into my mind and I also want to know.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now