CHAPTER 35: PIE

365 19 1
                                    

“Don't think too much.” Nakapikit ako habang hinahaplos ni Caesar ang buhok ko. “It' not good for you.”

I already calmed down kanina. I told him kanina na wala naman akong plano na ipa-abort ang baby kung sakali. And when I said that, mukha siyang nakahinga ng maluwag. Hindi ko ipapalaglag ang bata pero natatakot pa rin ako. I'm just holding on to what Caesar said earlier and besides. . .I'm sure he won't leave me alone in this.

Ngayon ay nakahiga na ako sa kama katabi niya. Nakaunan ako sa kaniyang braso habang naka-yakap naman iyong isa sa aking baywang.

“Ano'ng oras na?” Nakapikit kong tanong.

I felt him reach for his phone on the bed side table. “Almost five in the afternoon.”

Napanguso ako. Maaga pa naman pero inaantok na agad ako.

“Why? You wanna rest now?” Bahagya niyang sinilip ang mukha kong nakatago sa kaniyang dibdib ngayon.

Tumango ako. Umayos siya ng puwesto para maging mas komportable ako. He continue to caress my hair. I sniff on his chest then sighed contentedly. I like his smell. Mabango. Kanina pa siya nandito pero ngayon ko lang naamoy. Ang bango niya.

“I like your smell,” nakangusong sabi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya habang may naglalarong ngisi sa kaniyang labi. Hindi naman na siya nagsalita kaya nanatili na lang kaming dalawa na tahimik. My eye lids were getting heavy already and I suddenly feel so tired kaya naman ay hindi ko na napigilan na tuluyan nang makatulog habang nakayakap sa kaniya at nakaunan sa kaniyang bisig.

Nothing is more comfortable than his arms.

Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. But he left a letter on my bed side table saying that he left and didn't bother waking me up since he knows that I'm tired. When I went downstairs, one of my maid inform me that Caesar even cooked for my dinner tonight before he left.

Hindi ko maiwasan na mapangiti habang nakatingin sa chicken soup na niluto ni Caesar para sa akin. He's such a sweet guy!

“Ma'am, sabi rin nga po pala ni Sir Caesar ay kumain raw po kayo ng marami.”

Tumango ako at ngumiti sa isa sa aming mga katulong. Sinimulan ko ng kainin iyong niluto niya at masarap iyon. Medyo matabang pero puwede na.

“Siya lang ba mag-isa ang nag-luto nito?” Tanong ko ulit sa katulong.

“Siya po ang nag-luto pero nag-tanong po siya ng kaunti kay Manang Issa kung paano ang pasunod-sunod na gagawin.” Sagot noong isang kasambahay. “Hindi niyo po ba nagustuhan, ma'am?”

“Nagustuhan ko!” Ngumiti ako. “Salamat sa inyo.”

“Walang anuman po, at saka si Sir Caesar po talaga ang nag-abala sa paglu-luto niyan. Napaka-suwerte niyo po sa boyfriend ninyo, ma'am. Guwapo na, maalaga pa.”

Ngumiti na lang ako sa kaniya dahil tama naman ang sinabi niya. “Sina mommy ba hindi pa dumadating?” I asked instead.

Umiling ang katulong. “Hindi pa po dumadating ang mga magulang mo, ma'am. Pero baka po mayamaya ay nandito na sila.”

Tumango ako at saka sumulyap sa suot na wrist watch. Late na. . .may problema kaya ulit sa kompanya?

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako ulit sa kuwarto. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bed side table at saka nagsimula na magtipa ng mensahe para kay Caesar.

Ricca:

    Hey, I'm up. Thank you for the soup, baby! I love it.

Hindi ko na hinintay ang reply niya at pumasok na rin naman ako agad sa banyo para simulan ang night routine ko bago ako matulog. I took a quick bath and applied all the necessities of my skin. Pumasok ako sa aking walk in closet at kumuha ng isang komportableng pajama. It was a purple paired sleep wear. I was combing my hair as I walk towards the bed and sat down.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now