CHAPTER 2: WHATEVER HAPPENS, HAPPENS

649 15 0
                                    

The next day I woke up with a throbbing headache. Nasabunutan ko ang sarili dahil sa sakit at pagkahilo na nararamdaman. Matagal na noong huli aking nakainom at hindi naman talaga ako sanay na uminom.

Dahan-dahan akong naupo sa kama at saka mahinang napadaing dahil sa biglang pagkirot mula sa aking ulo. Nang imulat ko ng tuluyan ang aking mga mata at ilibot ang aking paningin sa kung nasaan ako ay agad na nangunot ang aking noo ng makita ang isang hindi pamilyar na kuwarto.

It was quite spacious. . .the furnitures inside looks expensive. Napanguso ako ng mapagtanto na Versace ang kama na inuupuan ko ngayon.

Where the hell am I?

Kunot ang noo ko na sinubukan na inalala kung ano ba ang nangyari kagabi and how did I end up being in here.

I was drinking in a bar then a man approached me. A man named Caesar. . .the hot vocalist of the band I saw yesterday. He was also there and we we're. . .he was flirting with me. Mariin kong ipinikit ang mata ng maalala 'yong ginawa kong paghalik sa kaniya.

Shit, Ricca! You even passed out on him. What if may ginawa siya sa akin! So stupid!

Dahil sa sariling naisip ay agad kong inangat ang kumot na tumataklob sa kalahating parte ng katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang kompleto pa naman ang suot kong damit.

Thank you, Lord. Hindi ako nakahubad!

Kahit na nahihilo pa rin ako ay mabilis akong umalis sa kama.

Nasaan kaya ang tao dito? Hindi ko sigurado pero malakas ang kutob ko na kay Caesar ang kuwarto na 'to. I mean, he was the last person I am with last night so this must be his, right? Besides, he said that he's gonna take me go his condo last night since I couldn't even remember where I am staying.

Parang gusto kong sampalin ang sarili sa tuwing naaalala ang mga katangahan ko kagabi. First, I kissed him. Second, I acted like a freaking child in front of him.

Jesus, abogado ba talaga ako sa lagay ko na 'yon?

Nilingon ko ang pinto, iyon ata ang banyo. Mukhang wala namang tao doon. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kuwarto.

I pursed my lips when I still saw no one in there. Wala bang nakatira dito? Malinis ang kusina, ni walang hugasan na mga pinggan doon o kung ano pa man. Malinis din ang sala. May isang wooden guitar na nakapatong sa sofa at isang nakabukas na notebook ang nakapatong sa small glass table sa gitna ng sala.

Nang mapatingin ako sa wall clock ay agad na umawang ang labi ng makitang kalahating minuto na lang ay twelve pm na.

Jesus! Ganoon ang katagal na nakatulog? God, hindi na talaga ako iinom kahit na kailan. It's energy draining and time consuming. Wala naman akong nakukuha kundi sakit ng ulo kinabukasan.

Mukhang lumabas lang muna si Caesar dahil bahagya pang nakaawang ang pinto ng unit na 'to. Balak ko sana na maghintay sa kaniya para man lang sana makapag-pasalamat at makapagtanong na rin sa kaniya ng mga bagay na nangyari kagabi pero mukhang hindi ko na siya mahihintay.

May kailangan akong kitain sa Provins. Kailangan ko ng magmadali para makabalik agad doon dahil nakakahiya naman sa ka-meeting ko kung paghihintayin ko pa siya doon ng matagal. Two pm naman ng hapon ang usapan namin pero halos dalawang oras ang magiging byahe ko pauwi kaya kung magtatagal pa ako dito ay siguradong male-late na ako.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone at bag ko na nakita kong nakapatong din doon sa sofa katabi noong gitara. Saglit akong natigilan ng mapatingin sa nakabukas na notebook.

Blangko at walang sulat ang pahina kaya naman ay kinuha ko ang lapis na nakalagay sa isang pencil holder at saka sinulatan ang blangkong papel.

Umalis na 'ko. Thank you for the last night.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now