We stayed at the beach for a couple of days. Kauuwi lang namin dito sa Provins kahapon. And because Caesar was gone for a few days maraming trabaho ang naghihintay sa kaniya sa opisina. Like today, he said he have a couple of meetings to attend to with his investors and board members.
Natigil ako sa ginagawang paghiwa ng onions nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Lumabas doon si Caesar habang nag-aayos ng necktie niya. Sa isang braso niya ay nakasampay ang isang itim na coat. He's wearing a white long sleeves and a black slack pants. He paired it with a black leather shoes.
He look so formally handsome and hot.
Nakagat ko ang labi at saka maliit na ngumiti ng lumingon siya sa gawi ko.
“A-aalis ka na ba agad?” I asked. “I'm preparing breakfast for us.”
Tinapos niya ang pag-aayos ng necktie bago naglakad papalapit sa gawi ko. Ipinatong niya muna ang coat sa counter bago tuluyan na lumapit sa akin.
“I need to be at the office early.” Nagbaba siya ng tingin sa suot na gold wrist watch. “I don't think I can still have the time to eat breakfast.”
Nakagat ko ang labi at saka tumango. I sighed and look down on the onion that I am chopping. I'm only preparing a light breakfast but I wanted to eat with him sana kaya lang busy talaga siya.
“Okay, ingat ka.” Maliit akong ngumiti. “Sa office ka na lang kumain ng breakfast. Kahit busy ka dapat hindi ka nagpapalipas ng pagkain. It's not good for the health.”
He stared at my face for a moment before he sighed. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng bigla na lang siyang yumakap sa baywang ko. He even place a peck on my cheek.
“What are you cooking?” He asked then glance at the pot on the stove where I am cooking a chicken soup.
“Just some chicken soup.” I pouted. “Magluluto din sana ako omelet.”
I suddenly miss this kind of food. Noong mga nakaraan kasi ay halos bread and pastries ang breakfast namin since it's the common food for breakfast here in France.
He nod his head. Humiwalay siya sa akin at naupo sa isang kitchen stool. Nagtataka naman akong napatitig sa kaniya.
“Hindi ka pa aalis?”
He raise his brows at me. “Don't you want to eat breakfast with me, ma chérie?”
“Syempre, gusto ko!” Napanguso ako. “But you said you need to be at work early.”
“It wouldn't hurt to be late for a couple of minutes. I own the business anyway.” Ngumisi siya. “And besides I wouldn't want to miss your cooking, baby. The food you make are the best.”
Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiti at pairap na inalis ang tingin sa kaniya para itago ang kilig at pamumula ng aking pisngi.
“Bibilisan ko na lang ang pagluto para hindi ka ma-late. Mabilis lang din naman ito maluto.”
“Take your precious time, ma chérie.” Nakangiti siya habang pinapanood ang ginagawa ko. “I won't leave. . .not until I have a taste on your cooking so don't worry.”
Kahit sinabi niyang I can take my time, binilisan ko pa rin ang galaw habang nagluluto. While I was cooking, he stood up and started preparing the table for us to eat after.
Nang maluto na ay kumain na kami agad. Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan si Caesar na mabilis na kumakain dahil mahuhuli na talaga siya sa sinabing oras para sa unang meeting niya. Paano ba naman kasi ay hindi ko malaman kung gusto niya pa bang kumain o hindi na? He seems to be enjoying eating the food so much but he needed to stop and leave since he's already late for work.
