CHAPTER 33: TAKE OUT

297 16 2
                                    

Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse. I can feel the heavy atmosphere in between us and I don't have any idea how to break it.

Nabaling ang atensyon naming dalawa ni Caesar kay Isabel ng marinig namin siyang umungol habang nakahiga sa backseat ng kotse ko. Pagkatapos ay walang sabi sabi na kinuha ni Caesar sa akin ang susi ng kotse ko at siya na ang mag-maneho paalis.

I didn't had the chance to tell him the truth about how I feel and why I decline the marriage between us. At ngayon naman ay hindi ko alam kung paano sisimulan!

We already dropped off Isabel to her house and now we're on our way to mine.

I glance at him only to see his hands gripping tightly on the steering wheel. His eyes were on the road but he is clenching his jaw. I can almost hear his gritting teeth.

Kanina ay halos gusto ko siyang sapakin dahil sa inis pero ngayon ay para na akong maamong tuta. I also feel that the liquor that I drunk kanina is already kicking in because I can feel my eyes getting heavy.

Nakagat ko ng mariin ang labi nang matanaw na malapit na kami sa bahay. How do I tell him and clear things out between us?

“I'll borrow your car. I left mine at the bar's parking area,” malamig na sabi niya at saka inihinto ang kotse sa tapat ng gate namin.

“P-paano ako papasok sa trabaho bukas?” Marahan na tanong ko.

Sinulyapan niya ako saglit at saka bumuntunghininga. “I'll fetch you.”

Ngumuso ako at saka tumango.

“Pumasok ka na sa loob.”

Bumuntunghininga ako at saka tumingin sa kaniya. I saw him watching me intently.

“A-are you mad at me?” Nakangusong tanong ko.

Bahagyang nangunot ang kaniyang noo na para bang may ginawa ako na hindi dapat. Nag-iwas siya ng tingin bago dahan-dahan na umiling. He look so defeated.

“I could never get mad at you, Ricca,” napapaos na sagot niya.

Hindi ko maiwasan na mangiti sa naging sagot niya. He is such a cutie!

“I'm sorry for the things I said kanina,” panimula ko. “Iyong tungkol sa pagtanggi ko sa kasal. . .hindi gaya ng iniisip mo ang dahilan ko, Caesar.” 

That got his attention. Bumaling siya sa akin. His eyes were attentive. Handang-handa na makinig sa kahit na ano mang sasabihin ko sa kaniya.

“What is it then?” He asked.

He look so eager to know about it dahilan para bahagya akong mailang sa paraan ng pag-tingin niya sa 'kin.

“Why did you say-”

“Hindi ko gusto kung ano ang maaaring isipin ng ibang tao.”

Natigilan siya at napatitig sa akin. Nangunot ang kaniyang noo, tila ba hinahanap kung paano makakatulong ang sagot ko sa magulo niyang isip. I sighed and averted my gaze.

“They might think that I only married you for the wealth and power. Ganoon din sina mommy at siguro sina. . .Tita Annabel. Sigurado akong ganoon din ang iisipin nila at. . .iyon ang ayaw ko.”

Siguro for him hindi importante ang sasabihin ng iba. Siguro para sa kaniya, ayos lang ang ganoon. Pero hindi ganoon sa akin. I don't think I'll be able to sleep at night when there are people thinking about me as a gold digger because I married Caesar.

“You knew that I don't want to follow orders from my parents anymore. You knew that if I would marry someone, I would marry that person because of. . .love and not for the sake and convinience of anyone.”

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now