Nakanguso ako habang nakatitig sa screen ng phone ko at naghihintay sa message ni Caesar. Umalis siya kahapon papuntang Paris dahil nagkaroon ng problema sa kompanya niya. Something about the transaction and deliveries yata ng mga wine products nila. Pagkatapos niyang asikasuhin iyong problema sa kompanya niya ay saka kami magsisimula sa pagpili ng mga gowns and dresses na gagamitin para sa wedding. Iyon na lang naman ang kulang sa mga kailangan para sa kasal.
“Sabi niya tatawag siya,” mahinang bulong ko.
Napahawak ako sa tiyan ng makaramdam ng gutom. I am suddenly craving for some apples. Parang ang sarap ng apple na maraming-maraming ketchup. Nag tipa ako sa cellphone at saka nag send ng message kay Caesar.
Ricca:
I'm craving for some apple while waiting for your call.
Nainip ako sa kahihintay sa magiging reply niya kaya naman ay nag-decide ako na magpunta muna aa kusina para kumuha ng apple at ketchup. Naiisip ko pa lang ang magiging lasa no'n ay natatakam na talaga ako.
Mabuti na lang dahil nag-grocery kami bago umalis si Caesar. Maraming fruits sa loob ng fridge at marami din iba't ibang pagkain. Noong bumibili kasi kami ay kahit na ano'ng makita kong mukhang masarap ay kinukuha ko at nilalagay sa cart. Hindi rin naman nagreklamo si Caesar at hinayaan lang ako sa mga gusto kong kunin. Marami akong kinuhang chocolates, cookies with different flavors, and also ice creams.
I took an apple and rinse it with clean water first before I slice it into pieces. I put some ketchup on a small bowl. Dinala ko ang hinandang pagkain sa pabalik sa kuwarto. Naupo ako at saka muling sinilip ang phone kung nag reply na ba si Caesar. Agad naman akong napangiti ng makitang may reply na siya.
Caesar:
I'm sorry, baby. I can't call right now because I'm in the middle of a meeting. Anyway, we have some apples on the fridge. Eat a lot and enjoy! I love you.
Napangiti ako at saka nagtipa.
Ricca:
I love you too! Miss you, uwi ka na.
I took a picture of my apple with the ketchup sauce and also sent it to him. Pagkatapos kong mai-send ang picture ay hindi ko na muna hinintay ang reply niya dahil natatakam na rin naman talaga akong kumain.
Inilapag ko muna ang hawak na cellphone sa kama at saka sinimulan na kainin ang apple habang isinasawsaw sa ketchup.
Napapikit ako habang ninanamnam ang lasa ng apple na may ketchup. I was in the middle of eating when my phone beeped. At first, I thought it was Caesar but then I'm a little surprised that my mother sent me a message. I know that she and dad are mad because of my decision when I asked for a prenuptial agreement. They're cold to me after that and it's not like I didn't expect it to happen. I had expected it in the first place.
Mommy:
We are at the hospital right now. You're father had an attack again. He still unconscious.
Nang mabasa ang mensahe niya ay halos mahulog ako sa kama para lang makatayo ng maayos at agad na umalis. I didn't bother changing my clothes into a more presentable ones dahil talagang natataranta na ako.
He is my father. And he is having an attack once again. What could have caused it this time? Is it because of the prenuptial agreement that's stressing him out?
Isang taxi ang sinakyan ko papuntang ospital. Nagtanong ako sa receptionist kung nasaan ang kuwarto ni dad at agad naman nitong sinabi sa akin. Pagkarating ko doon ay naabutan ko si mommy na nakaupo sa may gilid ng kama ni daddy at umiiyak.
