CHAPTER 18: IN LOVE

282 9 2
                                    

Maaga akong gumising dahil gustong-gusto kong makita ang sun rise. Gigisingin ko sana si Caesar para isama kaya lang ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Naawa na rin ako at hindi na lang siya ginising dahil alam kong pagod siya kagabi. Ilang oras din silang kumakanta at tumutugtog kagabi para magpa-saya ng tao dito.

Cellphone lang ang dala ko para kumuha ng litrato. Wala pang ibang tao na nandito sa shore maliban sa akin at doon sa mga naglilinis nang mga kalat dulot ng kasiyahan kagabi. Unti-unti na ring inaalis ang pagkaka- set up ng stage.

Naglakad ako ng ilang metro pa palayo mula doon sa may gawi ng stage bago ako naupo sa buhangin at tinanaw ang kalawakan ng karagatan. Unti-unti na ring sumisilay ang haring araw.

Bumuntunghininga ako at saka nakagat ang labi. Suddenly, I feel gloomy. Bigla ay hindi ko na naramdaman ang saya ko kanina.

Habang nakatitig sa kawalan ay pumasok sa isip ko ang aking pamilya. Kung kumusta na ba sila? Kung hinihintay ba nila ako na bumalik? At kung babalik ba ako. . .possible bang may mag bago pa? Possible kaya na hindi na nila ipipilit sa akin na pakasalan ang lalaking hindi ko naman mahal? Possible kaya na kahit ngayon lang. . .kahit na ngayon lang ay pakinggan naman nila ako?

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at saka mapait na napangisi. Nilingon ko ang paligid. Gustong-gusto ko ang lugar na ito. Pakiramdam ko ay napakalaya ko sa lugar na ito. Walang huhusga, walang kokontra, at wala ring pipigil. Iyon nga lang ay wala sila. Wala ang pamilya ko. . .iyong magulang ko. Kahit naman ganoon ay inalagaan nila ako, pinakain, binuhay, at higit sa lahat, kahit hindi madalas ay sinuportahan.

And even though I feel happy in this place, I also can't help but to feel so alone sometimes.

Buti na lang nandito si Caesar. Sinasamahan niya ako na gawin at puntahan iyong mga lugar na hindi ko pa nalilibot dito. He always. . . always make me feel the feeling of freedom and acceptance. Kapag nandiyan siya hindi ako natatakot na magkamali kasi alam ko na hindi niya ako iiwanan. Hindi niya iyon isusumbat sa akin. Kahit most of the time seloso siya. . .he's still the sweetest for me.

I'm lucky that I met him in here. I found someone to talk to and share all my thoughts with. I found someone who's willing to take care of me and let me do what I want to.

“You wake up too early. . .”

Hindi ko pa nagagawang lumingon sa gawi ng boses ay may naupo na agad sa may tabi ko at agad na yumakap sa akin. Hindi ko na rin naman kailangan na tingnan pa dahil amoy pa lang niya ay kilalang-kilala ko na. Napangiti ako nang ihilig niya ang ulo sa aking balikat.

“I want to catch the sunset,” nakangiting sabi ko. “Ikaw? Ba't gising ka na agad?”

“You weren't beside me when I woke up,” seryosong sabi niya at bahagyang nakakunot ang noo. “I thought you left me.”

Tumaas ang kilay ko at saka natatawang lumingon sa kaniya. “Ba't mo naman naisip iyan?”

Tumitig siya sa akin bago umiling. He sighed. Tumingin siya sa gawi ng araw na unti-unti nang lumalabas at nagpapakita. Nilingon ko din iyon at saka napangiti nang mapagmasdan kung gaano iyon kaganda.

“It look so magical,” mahinang sabi ko.

“It's beautiful.” Pinatakan niya ang halik ang aking pisngi at saka bumulong. “Like you.”

Nag-init ang pisngi ko. Ngumuso ako para itago ang ngiti sa aking labi. Bumuntunghininga ako at saka ipinihit ang mukha sa gawi niya. Halos magdikit ang mga labi namin dahil malapit lang ang mukha namin sa isa't isa. Our nose were already touching.

Bumaba ang tingin niya sa aking labi at tumitig ito doon. I bit my lip slightly before rolling my tongue over it. He pursed his lips as his eyes turn into slits as he stares at my lips.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now