Mom payed for another room, just beside dad's room. Noong una ay siya ang nagpahinga doon at ako ang nagbantay kay dad. It didn't take long when mom returned and told me to take my rest for a while. Paumaga na rin naman kasi at hindi pa ako nakakapagpahinga. I got a little worried because I know staying up too late and not taking enough sleep is not good for the baby.
Nang lumapat ang likod ko sa kama ay napabuntunghininga. Mas maliit ang kama ng ospital kaysa doon sa kama sa kuwarto ko. Mas malambot din iyon at mas komportable pero hindi na alintana sa akin kahit pa hindi ganoon kalambot ang kama dahil talaga namang ramdam ko ang pagod at pagbagsak ng katawan ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog pero naalimpungatan ako ng maramdaman ang isang kamay na marahang humahaplos sa buhok ko. I also felt a hand caressing my arm in a slow and soothing manner. When I opened my eyes, I got blinded by the bright lights in the ceiling. Umikot ako sa pagkakahiga para iiwas ang mata ko sa nakakasilaw na liwanag.
“Hey, baby. . .you okay? May masakit ba?”
Nangunot ang noo ko at agad na napabaling sa kung saan ko narinig ang boses. Nanlaki ang mata ko ng makita si Caesar na nakatunghay sa akin. Bakas ang pagaalala sa kaniyang mukha habang nakatingin sa kabuuan ng aking mukha.
“C-caesar. . .” Nandito na siya agad?
“Yes, baby? Do you need anything?”
Kinagat ko ang labi at saka dahan-dahan na umiling. Umalalay siya sa akin ng maupo ako sa kama.
“What time is it?” Nahilot ko ang sentido at napapikit ng maalala ang lahat ng nangyari kagabi. “Where's mom?”
“It's almost noon,” sabi niya at saka kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik. “Your mother is in your father's room. He's awake now so you don't have to worry.”
Tumango ako. “K-kailan ka dumating?” Napanguso ako. Hindi ko man lang namalayan na nandito na siya.
“Kaninang ten a.m.” Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. “Are you hungry? May gusto ka bang kainin? I bought food kanina bago ako nagpunta dito but I'm not sure if you're okay with pasta? Or you want some rice meal? It's healthier.”
Umiling na lang ako. “Kakainin ko iyong dala mong pagkain.”
I ate heavy last night kaya hindi pa ako halos na makaramdam ng gutom. Marami akong nakain kagabi dahil madami ring naglalaro sa isip ko na hindi ko namalayan na ganoon na pala kadami ang kinain ko. Kung gaano naman karami ang nakain ko kagabi ay siya namang kaunti ang kinain ni mama.
But then for now, pasta it also carbs din naman and it's enough.
Pinanood ko si Caesar na asikasuhin ang pagkain ko. Akala ko ay ibibigay niya sa akin iyong plate na may laman na pasta pero hindi niya ginawa. Ipinatong niya sa edge ng kama ang plate na may pasta bago siya naupo sa visitor's chair na nakalagay sa may gilid ng bed.
Hindi na rin naman ako nagkamali sa susunod na nangyari. He started feeding me like I am someone injured and incapable of eating alone.
We stayed silent for a while. Pareho kaming mukhang malalim ang iniisip. I sighed and turn to look at him.
“Caesar. . .”
Nilingon niya ako, nagtatanong ang mga mata. “Yes, baby?”
Ngumuso ako. “Ano'ng iniisip mo?”
“You tell me what you're thinking first.”
Kinagat ko ang labi at nagbaba ng tingin. Kung sasabihin ko sa kaniya ang nasa isip ko ngayon, papayag kaya siya? Will it be okay for him if I would ask him to postpone our wedding until my family fix our problem?
