CHAPTER 34: BABY

359 17 1
                                    

“Shit!”

Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at saka lumuhod sa harapan ng bowl para dumuwal. I've been having this sickness for three days now and it's killing me. Nasira siguro ang tiyan ko sa sandamakmak na fast foods na kinain ko noong isang araw.

“Gosh, what is wrong with me?” Sapo ko ang aking ulo at saka dahan-dahan na tumayo dahil bahagya akong nakakaramdam ng pagkahilo.

Pinili ko talagang hindi na muna pumasok ngayon dahil hindi nga maganda ang pakiramdam ko. Kahapon sa opisina ay ilang beses akong pabalik-balik sa bathroom. Mabuti na lang din at wala masyadong kliyente nang mga panahon na iyon.

Nanghihina akong naupo sa kama at saka napatingin sa cellphone ko ng tumunog iyon. It was a message from Caesar.

Caesar:

    You didn't go to work? Wala ka rito sa opisina mo.

Ricca:

    I'm at home. I'm not really feeling well right now kaya I skip work. You went to my office?

Caesar:

   Yes. I was planning to surprise you. Anyway, can I just go to you right now?

Ricca:

   If you're not busy.

Ibinalik ko ang phone sa bed side table at saka ako nahiga sa kama. Wala naman akong lagnat o sipon at ubo pero masama talaga ang pakiramdam ko. I feel like my body is too heavy for me to walk and move around. Pumikit ako at saka bumuntunghininga. I found myself getting comfortable in the bed and the next thing I knew I was already asleep.

Nagising lang ako nang marinig ko ang pagtawag ng isa sa mga maid namin mula sa labas ng kuwarto.

“Ma'am? Nandiyan po ba kayo?”

Nakakunot ang noo ko na umupo mula sa pagkakahiga.

“May bisita po sa baba. Boyfriend niyo daw po siya.”

Ang nakakunot kong noo at naiinis na mukha ay napalitan ng pagkagulat ng marinig ang sinabi niya.

Boyfriend? Gosh, I'm sure as hell that it's Caesar!

Wala akong sinayang na oras at mabilis na tumayo ngumiti agad din naman akong natumba pabalik sa kama dahil nakaramdam ng pagkahilo dahil sa mabilis kong pag-tayo.

Hawak ang ulo at marahan akong naglalakad ng lumabas nang kuwarto. Naabutan kong nakatayo doon iyong kasambahay namin na gumising sa akin.

Pinauna ko na siya sa pagbaba at inutusan na bigyan ng juice ang bisita. Agad naman siyang sumunod. Mabagal lang akong naglakad pababa dahil ramdam ko na naman ang pagbigat ng pakiramdam ko.

I was in the middle of the stair when I saw Caesar sitting comfortably in the sofa. Nakapatong ang dalawang braso niya sa tuhod at magkasiklop ang kamay. Kunot ang kaniyang noo na tila ba naiinip na maghintay sa pagbaba ko.

Napanguso ako ng bumaba ang paningin sa suot niya. He look clean and fresh in his plain black polo and khaki shorts. Dumagdag pa iyong white shoes na suot niya. This is the first time I saw him wearing this kind of clothing and it looks good on him. . . though I like him more in his muscle tees. I suddenly regretted na hindi man lang ako nagsuklay o tumingin man lang sa salamin bago bumaba.

And I didn't had the chance to run back to my room because when he look up, our eyes met. Mabilis siyang tumayo ng makita ako. Ang naiinip na mukha kanina ay napalitan ng ngiti. Napabuntunghininga ako at wala ng nagawa kundi ang tuluyan na maglakad pababa para mapuntahan siya.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now