CHAPTER 6: WANT

548 19 1
                                    

⚠️ WARNING: MATURED CONTENT AHEAD.

When I woke up in the morning Caesar had already left with a note written on a small piece of paper.

Ma chérie,

    I left early and didn't want to wake you up. Thanks for the food and for letting me stay the night.

Umingos ako. As if I have a choice kagabi. Natutulog na siya pag-pasok ko at kung nakahilata sa kama ay parang siya ang may ari. Bumangon ako at pumasok ng banyo para maghilamos. I change my sleepwear into a shirt and a pajama. I feel like being cozy right now. I tied my hair in a messy bun before I made my way in the kitchen.

Imbes na magluto ng agahan ay tinapay at fresh milk na lang ang ginawa kong breakfast. I don't have the leisure to do things and go somewhere right now. Gusto ko lang na maupo at mag-isip ng mga bagay-bagay.

Pagkatapos kumain ay kinuha ko ang laptop ko. I opened the skype and I am contemplating of I should contact someone in the Philippines. I was thinking about calling May or France para mangumusta. I didn't told them where was I. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino tungkol sa pag-alis ko kaya wala kahit na isa sa kanila ang nakakaalam na nandito ako ngayon.

I spent half of the day just laying down in the sofa and watching a Netflix series. Pero kahit na nanonood ako ay hindi tumitigil ang utak ko sa kaiisip ng paraan on how can I ensure my family's safety. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natatakot at nag-aalala. I know the Gutierrez capability and power. I am aware on how they can turn heaven into hell.

Worried and anxious, I called Josiah to ask for some update. He told me if we could meet in person and talk about it and I agreed. May mga bagong information daw siyang nakuha. Hindi naman na ako nagulat na mabilis siyang nakakakuha ng information. He has a lot of connection afterall. Magkikita at mag-uusap ulit kami mamaya. Same place and time.

When the lunch time came, I decided to just make some creamy and cheesy carbonara. While I was preparing the ingredients, I heard a knock on my door. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nasa labas ng pinto ay alam ko na agad na si Caesar 'yon. Bukod sa siya lang naman ang nagpupunta dito sa unit ko ay siya lang din ang kilala ko na parang sisirain ang pinto sa tuwing kakatok.

Bumuntunghininga ako at saka nagtungo sa gawi ng pinto para buksan 'yon. Tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha. Ang isang kamay ay may buhat na paper bag.

“Hey, I brought some food.” Itinaas niya ang ang hawak na paper bag.

Tumango ako at saka niluwagan ang pinto para papasukin siya. “Hindi pa ako kumakain dahil nagluluto pa lang ako.” I stated then walked towards the kitchen.

Alam kong nakasunod lang naman siya sa akin.

“I can't entertain you right now, Caesar.” Nilingon ko siya at saka tinaasan ng kilay.

Nakakunot ang noo na ibinaba niya ang dalang paper bag sa counter. “First, I already brought some food with me. And second. . .” He raise his brows. “Entertain me?”

I sighed before rolling my eyes. “Thank you for the food.” I stated. “And yes. Entertain you.”

Hindi ko napigilan ang muling pag-irap ng makita ang pagtataka sa mukha niya. Hindi niya ba naiintindihan ang ibig kong sabihin?

“What I meant was. . .I can't have sex with you right now.” Inilahad ko ang kamay sa ginagawa ko bago siya dumating kanina. “Nasimulan ko na 'to kaya tatapusin ko na rin para hindi masayang 'yong pagkain.”

Saglit na siyang natigilan habang nakaawang ang labi. He look so stunned because of what I said. Nangunot ang noo ko. Ano naman ang nakakagulat doon?

Nang makabawi ay mahina siyang tumawa bago naglakad papalapit sa gawi ko.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now