CHAPTER 11: FIRST

425 16 6
                                    

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto kung nasaan ako ngayon. It was already late in the night and Caesar told me to stay in here. May isang kuwarto dito sa studio ang he let me use it dahil hindi naman na siya pumayag na umuwi ako sa Provins ngayong gabi.

Bumuntunghininga ako at saka naupo sa kama. Naalala ko kanina iyong naging pag-uusap namin. He told me he likes me and that he wants to date me. Hindi ako nakasagot dahil sobrang nagulat ako sa out of nowhere confession niya.

Nakagat ko ang labi. A smile slowly crept on my lips. Kanina he look so embarrassed and shy noong sinasabi niya iyon. He was even blushing. So cute.

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ng bumukas iyon. Pumasok si Caesar dala ang purse at phone ko. Naglakad siya papalapit at huminto sa may harapan ko.

“Here's your purse and your phone.”

Maliit akong ngumiti at saka kinuha iyon sa kaniya. “Thanks.” Ipinatong ko iyon sa kama at muling nag angat ng tingin sa kaniya.

His eyes were looking so serious as it stares at me making me a little nervous.

“A-are you sure that it's okay for me to stay here?” I asked then averted my gaze from him. “Hindi ba magagalit si Yohann?” Nabanggit niya kanina na si Yohann nga ang may ari ng studio na 'to.

“Don't worry. He won't mind, ma chérie.”

Napabaling ako sa kaniya ng maupo siya sa kama. Sa tabi ko. Natahimik kaming dalawa. It was a freaking awkward silence. Kinuha ko ang phone ko at nag tipa doon para mabawasan ang pagkailang na nararamdaman ko lalo na't ramdam ko ang titig niya sa akin.

“That night. . .”

Napalingon ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niya habang mariin na nakatitig sa phone ko.

“Did you gave your number to anyone in that bar?” Bumaling sa akin ang mata niya.

Batid kong ang tinutukoy niya ay iyong isang gabi na nakita niya ako sa bar na sumasayaw.

Kagat ang labi akong umiling. Gusto ko sanang sabihin na wala namang naghingi ng number ko noon kaya kanino ko ibibigay pero hindi ko na sinabi.

“B-bakit ka nga pala nandoon?” Tanong ko.

Tumiim ang kaniyang bagang at saka bahagyang nagdilim ang mukha. “Yohann was there and he texted me that he saw you dancing with some random guy.”

Naitikom ko ang labi at saka dahan-dahan na tumango.

“What about you? Why are you there?” He asked.

I raise my brows. “Bawal ba ako magpunta doon?” I asked.

Alam kong mas lalo siyang maiinis sa naging sagot ko kaya jindi ko siya nilingon.

“You could've called me,” sumbat niya.

“Malay ko ba naman. Baka busy ka pa sa potential investor mo.” I mocked.

He groaned in annoyance. “Are we still not over that?”

Kunot ang noo ko siyang nilingon. “Over about what?” Hamon ko. “The fact that you didn't went back into my unit that night because you had sex with your potential investor?”

He heaved a sigh, obviously trying to control his temper. “I didn't had sex with anyone, Ricca.”

Umirap ako sa hangin. “Inamin mo na nga sa akin kagabi, 'di ba? Tapos ngayon-”

“I lied!” He shouted making me look at him. “I lied, okay?” Naiinis niyang inihilamos ang kamay sa mukha. “I just said that because you are so stubborn and you keep on insisting it.”

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now