"Hindi pa ba tayo babangon?" Nilingon ko si Caesar na nakahiga sa gilid ko. Nakapikit ang magagandang uri ng kaniyang mata pero alam ko namang gising siya.
He groaned then tightened his embrace on my waist as he pulls me closer to his side. "Later, baby."
"Pero baka magising na si Callum." Dito agad ang punta ng batang 'yon kung sakaling magising.
Hindi pa naman kasi siya ganoon kasanay na matulog mag-isa sa room niya kaya tuwing umaga na magiging ay laging siyang nagpupunta dito.
Bahagya siyang nagmulat ng mata at tumungin sa wall clock. He sighed, probably realizing that I am right. Bumangon na siya at naupo sa kama. I watch him. . .i watch the sheets of the bed fall of from his body allowing me to see his nakedness and glory.
Ngumuso ako at bahagyang nag-iwas ng tingin. Last night was a long, hot, and tiring night for the both of us.
Nang pumasok siya sa loob ng banyo ay bumangon na rin ako at naupo sa may edge ng bed. Nakayakap sa kahubadan ko ang puting kumot. Nilingon ko ang pinto ng banyo ng lumabas doon si Caesar na nakasuot na ng isang itim na boxer at may tuwalyang nakasampay sa may balikat niya.
Ngumiti ako nang lumapit siya at bahagyang yumuko para patakan ng halik ang aking noo.
"I love you," he whispered.
I chuckled and give him a peck on his lips. He smiled at me before he scoop me in his arms and take me inside the bathroom.
Mabilis lang kaming naligo dahil baka magising na din si Callum. Sa loob ng tatlong taon mula noong ikasal kami, sa tuwing matatapos naming gawin ang bagay na iyon, siya palagi ang nagbibihis sa akin. Katuwiran niya'y siya naman daw ang nag-alis kaya siya na ang magbabalik.
Ang pag tira dito sa France kasama nila, nang pamilya ko, ay isa sa pinakamalaki at pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko na kahit na kailan ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Even though I have left a lot in there, especially ang trabaho ko. . .masayang-masaya ako dito. Sobrang saya. . .
Lumabas kaming dalawa ng magkahawak ang kamay. Saktong nakasalubong naman na namin si Callum na naglalakad na patungo sa gawi ng aking kuwarto.
Agad ko siyang sinalubong. "Callum, baby. . .mommy's here." Kinukusot niya ang kaniyang mata at tila inaaninag ang mga bagay sa paligid.
"Mommy. . ."
Binuhat ko siya at agad naman siyang yumakap sa akin. I felt Caesar behind me. Bahagya siyang yumukod para mahalikan ang ulo ng anak.
"I love you both so much," he said with a smile on his face.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at saka ngumiti. "Let's go downstairs. Baka naka-ready na breakfast. Maaga pa naman, pumasok ka sa opisina."
He sighed like he didn't want to do so but he didn't have a choice.
"You don't want to go to work today?" Tanong ko habang naglalakad kami pababa sa hagdan.
Kinuha niya na sa akin si Callum na ngayon ay muli na namang nakatulog habang yakap at buhat ni Caesar.
"I want to stay with the both of you for today and well. . .maybe relax."
Iniyakap niya sa baywang ko ang isang kamay para alalayan ako sa pagbaba ng hagdan. Nang makababa kami ay hinawakan niya naman ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa gawi ng dining.
Kagaya ng inasahan ko ay inihahanda na ng mga kasambahay ang aming umagahan.
"Ako lang din naman ang maiiwan dito sa bahay ngayon eh," sabi ko at saka nilingon siya. "Tumawag kasi si mom kahapon at gusto nilang isama si Callum sa lakad nilang dalawa ni daddy. Pumayag naman ako since matagal na rin noong huling beses na naka-bonding ni Callum sina mommy at saka hindi naman sila magtatagal dito sa France."
