CHAPTER 8: ANNOYED

419 16 0
                                    

Pinunas ko ang luhang tumulo sa aking pisngi habang nanatiling nakatutok sa pinapanood ang aking mata. Hindi ko talaga maiwasan na maging emosyonal lalo na kapag may kinalaman sa pamilya ang mga movies at series na pinapanood ko. Minsan ay nakaka-relate ako sa pinapanood. . .minsan naman ay naiinggit ako at lihim na hinihiling na sana kagaya ng sa pinapanood ko ay nararanasan ko rin.

“We shouldn't have watch this movie.”

Nag-angat ako ng tingin kay Caesar ng marinig kong sabihin niya 'yon. Nakaupo siya ngayon sa tabi ko at nakakunot ang noo na nakatitig sa luhaan kong mukha.

“You're crying," puna niya at pinunas ang basang pisngi ko.

Nag-iwas ako ng tingin at saka napabuntunghininga. “Sorry. May naalala lang ako.”

“About?” Ipinulupot niya ang braso sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kaniya. “Your family?”

Nakagat ko ang labi at sumulyap ng bahagya sa kaniya. Tipid akong tumango at saka napabuntunghininga. Humilig ako sa mga balikat niya at ipinikit ang mata. Sobrang komportable sa pakiramdam. Nanatiling tahimik kaming dalawa. Hindi na siya muling nagtanong at nagsalita at nanatiling nasa tv ang atensyon.

“Close ka ba sa family mo?” I asked out of a sudden.

Ramdam ko ang paglingon niya sa akin pero nanatiling nasa tv ang mga mata ko.

“We're fine.” Sagot niya pagkaraan ng ilang sandali. “We barely see each other since I'm staying in here and they are living in Singapore. But nevertheless, we are okay.”

Maliit akong ngumiti. “Sa Singapore pala sila nakatira?” Malayo pala sila sa isa't isa. “Hindi mo ba sila namimiss? Ang layo mo sa kanila.”

He smiled a little then sigh. “Well, I do miss them most of the time.” Hinawakan niya ang buhok ko at saka 'yon marahan na hinaplos. “After I graduated in highschool, I flew here in Paris alone to continue my studies. My parents always supports me so they agreed since they knew that living alone will surely do me good.” Pag kuwento niya. “Along with studying, I started handling the wine company which I inherited from my deceased grandparents.”

Tumango-tango ako at saka nag-angat ng tingin sa kaniya. “Pareho pala tayo.” I said. “I was also sent abroad to study and practice law.”

“So. . .how was the experience?” He asked while staring intently at me.

Maliit akong ngumiti. “It was fine. I learned to be more independent and to do most of the things alone.” Natigilan ako ng muling maalala ang mga naunang araw ko sa ibang bansa. Every night I would cry because of loneliness. I was also having a hard time coping up with the new environment.

“But?” He asked then raise his brows. “I cam sense a but, ma chérie.”

“But it was hard.” I pursed my lips. “I don't have the support that I need. Nalulunod ako sa sobrang pressure at expectations ng mga magulang ko sa akin.” Nagbaba ako ng tingin at nilaro ang aking mga daliri. “H-hirap na hirap ako na gawin 'yong mga bagay na gusto nila kasi hindi naman 'yon ang gusto ko.”

Hinawakan niya ang baba ko at saka inangat para hulihin ang mga mata ko. “You don't want to be an attorney?” He frowned.

Kinagat ko ang labi at saka nag-iwas ng tingin. “It wasn't my dream. . ." I trailed off. “I don't actually know what I really want kaya sinunod at pinilit ko na lang ding gawin at gustuhin ang gusto nila para sa akin.” Maliit akong ngumiti. “Along the way, natutunan ko na rin na gustuhin at mahalin ang trabaho ko.”

Sobrang hirap lang talaga sa parte ko noon dahil pakiramdam ko mag-isa ako. Tapos kapag nandoon naman si mom o kaya si dad, imbes na gumaan ang lahat para sa akin, parang mas lalong humihirap at bumibigat.

ABCD Series #1: AxellWhere stories live. Discover now