Prologue.
——————————
His Point of View.
I keep on staring at the girl who I just bumped into awhile ago. Nangangamoy pa nga yung uniform ko nang natapong juice dahil sa pagkakabunggo sa'kin ng babaeng tinitignan ko ngayon. She said sorry pero hindi man lang niya nagawang tignan ako sa mukha ko. She just said sorry tapos, tapos na. Pero imbes na magalit, mas inalala ko pa kung natapunan siya pero mukhang hindi naman. Ako lang yata ang naapektuhan sa nangyari. Aangal talaga dapat ako kanina kaso agad kong nasilayan ang mukha niya. At napadako ang mata ko sa mga mapupungay niyang mata. Hindi ganun kalaki pero hindi rin ganun kaliit. Hindi siya chinita pero ngayong nakikita ko siyang nakangiti, nawawala ang kaniyang mga mata. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Nakakahawa ang kaniyang ngiti. She's beautiful. Honestly, hindi naman siya ganun kapansinin. She's not a typical girl na may makinis na mukha, kissable lips, sexy, long legs etc. No. Pero she's too appealing. She has this aura na mahohook ka. Paano na lang kapag nakilala ko siya diba? Baka.. baka masarap din siyang kausap at kasama. How does it feel to be her friend kaya? Sino ba siya? Ngayon ko lang siya nakita dito sa Academy. Freshman? I guess so. I am sure she's a journalism student dahil na rin sa suot nitong uniform. Honestly, bagay na bagay sa kaniya ang uniform nila. It's like she's the model of their uniform. Nawala ang ngiti niya. Mukhang seryoso na yata ang pinag-uusapan nila ng kaibigan niya. She's intimidating kapag seryoso ang mukha. Maawtoridad. I wanna know her name.
"Bro.."
Nilingon ko ang katabi ko. He's looking at me as if nagtataka sakin. Well after what happened kanina hanggang sa pag upo namin dito naging tahimik na ako.
"Di ka ba magpapalit ng uniform? Wala kang dala? I can lend you my extra uniform, bro."
Umiling ako.
"Later."
Yun lang ang tanging naging sagot ko. Nandoon pa rin ang atensyon ko sa babaeng yun. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. The hell! Hindi nga ako naniniwala sa pagmamahal eh. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon but the only sure thing right now is.. I like the girl. I like her. I don't know why!
"Bro.. who are you staring at?"
Hindi ko siya kinibo. Pakiramdam ko nga mag-isa lang ako dito ngayon. Ewan ko ba. Nawawala yung mga tao sa paligid ko at pakiramdam ko ako at siya na lang ang nandito sa cafeteria. She's laughing now. At mas gumaganda siya kapag tumatawa siya.
"Storm Thompson to earth!"
Sigaw niya sakin. At masaklap sa mismong tenga ko pa nagawa niyang isigaw. Siniko ko siya at sinamaan ng tingin. Potek talaga! Kahit kailan isang malaking istorbo talaga 'to sa buhay ko.
"What?!"
Singhal ko sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na akala mo sumusuko na siya sa mga pulis. Nginisian niya ako.
"Bro kanina pa ako nagsasalita dito pero parang di mo ako naririnig. Nakatitig ka lang dun sa babaeng nakabunggo sayo!"
Hindi ko napigilan ang hindi umirap sa kaniya. Oo umirap ako. Hindi lang babae ang pwede umirap. Hindi ko siya inimik.
"Na-love at first sight ka ba dun?"
Hindi ko pa rin siya sinagot. Na-love at first sight kaya ako? Weh? Totoo ba yun? I don't believe in that shit. Siguro nagandahan lang talaga ako sa babaeng yun pero love? I really can't tell. Hindi mo magagawang magmahal sa taong kakakita mo lang. Attraction pwede pa. Physical attraction. Maganda lang talaga siya sa paningin ko and I got curious dahil na rin sa way nang pag-sorry niya. Oo tama. Ganun nga lang iyon. Hinangaan ko ang babae.
"I don't love her. Love at first sight is not true. It doesn't exist, bro."
Seryoso ang tonong ginamit ko. He just smirked at me na para bang kulang na lang sabihin niya saking mema lang ako. This guy beside me is truly a love guru. Masyado isinabuhay si Kupido. Punong puno ng pagmamahal. Wala namang jowa.
"Crush mo lang?"
Ayooon! Oo. Hindi ako na-love at first sight. It was just an attraction so pwede ngang tawaging crush. CRUSH KO SIYA.
"Yeah. Something like that."
Humagalpak siya ng tawa. It's as if my answer was all a joke.
"Pustahan tayo bro.. you felt something deeper aside from attraction or paghanga."
Mayabang niyang sabi. Inirapan ko lang siya. Nagsisimula na naman siya sa pagiging love guru at kupido.
"May pagpusta ka pa, wala ka namang pera. Besides, I knew myself more than you do."
"Hindi rin. Maaaring kilala mo sarili mo pero hindi ang nararamdaman mo bro."
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba 'to. Hinimas ko ang likod niya na ikinatuwa naman ng loko. Sarap na sarap?
"Bro, wag ka masyado nagbabasa ng romance novels ha? OA ka na."
Inirapan niya ako. Akala mo talaga napakaraming alam. Akala mo talaga lahat alam niya. Pinangunahan pa ako eh sarili ko 'to.
"I am not being OA. Let's just see if CRUSH nga lang ba talaga yang nararamdaman mo. I doubt hindi."
Diniinan niya talaga ang salitang crush. Hindi na ako kumibo. Ito ang paksa na hinding hindi ko gugustuhing makipag debate sa kaniya dahil hinding hindi siya magpapatalo. Siya nga kasi si Kupido. Siya ang nag-imbento ng LOVE kaya alam na alam niya. Ayoko na. Bahala siya diyan.
Tumingin ulit ako kung nasaan nakapwesto ang babae pero wala na. Napakunot noo ako. Ang bilis naman mawala. Where is she? Napatayo ako. I scanned the whole cafeteria pero wala na siya. Shit! Balak ko pa naman sanang sundan para makilala ko. Shit! Daldal kasi nitong kasama ko nawala tuloy ang atensyon ko dun. Bihira na nga lang akong magka-crush o maattract, mukhang magiging hopeless pa! Shit! Baka hindi ko na ulit siya makita.
"Nawala na."
Yun na lang talaga ang tanging nasabi ko sa sarili ko. Pupunta kaya yun dito bukas? I hope, yes. At talagang itatanong ko na pangalan niya.
Narinig kong tumawa itong katabi ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatitig siya sakin habang halata sa kaniyang mukha ang pagkatuwa. Naiinis talaga ako sa taong 'to.
"Bro sigurado ka talagang crush lang yan? Hahahaha!"
Hindi ko na siya sinagot pa. Bahala siya diyan. Kasalanan niya bakit nawala sa paningin ko yung crush ko. Daldal kasi puro naman mema! Nakakabanas talaga!
****
Pinupunasan ko ang aking basang buhok. Kakatapos ko lang mag-shower. Pawis na pawis ako kanina dahil sa basketball practice namin but it feels good. Naramdaman kong may tumabi sakin dito sa bleacher.
"It's raining outside, bro."
Napatingin ako sa kaniya. Shit! Ang hirap mag-commute ngayon kapag ganitong malakas ang ulan. Hindi ko dala ang kotse dahil hiniram ni Kuya. Kung minamalas ka naman talaga.
"Shit."
Tanging nasabi ko. Naramdaman ko ang marahang pagpalo ng katabi ko sa likod ko.
"Buti na lang dala ko kotse ko, bro. Ihahatid na kita pauwi."
Napangisi ako. Buti na lang talaga mahal ako ng diyos! Isa talaga ang maulan na panahon na pinaka ayaw ko dito sa Pilipinas. Mas traffic at mas pahirapan sumakay. Kaya hands down talaga ako sa mga commuter diyan. Ang tibay nila! My Dad gave me a car last year. It's a birthday gift actually. Hindi naman ganun kalayo ang school ko sa bahay namin pero kung commuter ka, mas madami kang wasted time travelling kesa sa ipapahinga mo sa bahay. Been aching for that kaya siguro napilitan na parents ko to give me a car. Buti na nga lang din uso backer sa pilipinas hindi naman kami nahirapan sa pagkuha ng lisensya. Though unfair sa iba, ganun na talaga.
"Sagot mo gas ko ngayon ha? Thanks!"
Nawala ang ngisi ko. Napalitan ng inis. Sarap sapakin ng taong 'to!
"Gago."
Halakhak lang ang tanging sinukli niya sa mura ko. Pero hindi ko rin napigilan ang hindi mapangiti. Minsan masaya rin talaga kapag may siraulo kang kaibigan.
"Tara na."
Pag-aya niya. Tumango na lang ako at sinabayan na siya sa paglalakad.
Nandito na kami sa parking area when I saw someone at the Guard's post. Wait. Kilala ko 'to. Napatigil ako sa paglalakad na ikinatigil naman ng kasama ko. Wala na gaanong students dito sa school. Past six pm na rin kasi. Pinagsino ko yung babae. Hindi kami ganoon kalayo sa Guard's post. Malakas ang ulan pero hindi naman kami nababasa kasi may bubong naman ang nilalakaran namin hanggang Gate.
"Bro yung crush mo"
Bulong sakin ng kaibigan ko. Napatango na lang ako. I can't believe na I'll see her here.
"May payong ka ba diyan?"
Napatingin ako sa kaniya at napakunot noo. Aanhin niya ang payong? Di naman need magpayong kasi nandito kami sa parking area ng school. Malapit lang ang parking area sa gate ng school. Nandito kami sa may entrance and exit ng parking area. Yung Guard's Post ay para sa Parking area though may isang Guard's post pa sa gilid ng Main Gate.
"Oo. Bakit?"
Napapilantik naman ang kasama ko. Akala mo may katangahan akong nasabi. Inirapan ko siya.
"Nandito na tayo sa parking area. Aanhin mo ang payong?"
May itinuro siya kaya napasunod ako. Tinuro niya si crush.
"Obviously yung crush mo kailangan ang payong. Bro, this is your chance to talk to her! Come on!"
Umaliwalas ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Oo nga naman noh? Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang payong ko.
"Go Bro! Dalian mo."
Maglalakad na sana ako palapit kay crush nang maglakad ito pabalik ng building. Nadaanan niya rin kami pero ni hindi siya lumingon sa gawi namin. Deretso lang siyang naglakad. Saan siya pupunta? Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan namin.
"Shit! Bagal mo, bro! Sayang yung chance."
Bagsak balikat akong naglakad.
"Where are you going?"
Tanong niya.
"Sa kotse mo. Uwi na tayo."
Malungkot kong sabi. Wala na. Sayang yung chance. Akala ko pa naman makakalapit na ako hindi pala. Haayy.. Parang nakatadhana yata crush na hanggang tingin lang ako sayo sa malayo.
Sumakay na kami sa kotse. Pinaandar na ito ng kaibigan ko and ready to go. Malakas pa rin ang ulan nang makalabas ang kotse sa parking area. Paano makakauwi si crush kung wala siyang payong? Wala siyang kotse? Wala ring sundo? Nilingon ko ang kaibigan ko.
"Tigil mo sa may Guard. I'll leave this umbrella para kay crush."
Humagalpak ng tawa ang kaibigan ko but I didn't mind. Itinigil niya nga sa Guard's post. Agad naman lumapit samin ang Guard na nakasuot ng kapote. Ibinababa niya ang bintana ng kotse para makausap ko ang Guard.
"Yes Sir? May problema po tayo?"
Tanong ng Guard. Lumapit ako ng kaunti sa pwesto ng kaibigan ko.
"Kuya nasan na po yung babae na nakatayo diyan kanina?"
Hindi kaagad nakasagot si Kuya Guard. Mukhang inaalala niya pa kung sino tinutukoy ko. Nang maalala niya, ngumiti ito.
"Aahh.. Si Maam Alcazar po? Teka.."
Nagpalibot libot ang tingin niya at para may hinahanap. Ngumisi ito. At may itinuro. We can't see it since nasa loob na kami ng kotse at hindi namin alam kung saan banda siya nakaturo.
"Ayun po naglalakad na pabalik dito. Baka hindi nakahanap ng payong. Hindi po kasi siya makauwi dahil sa lakas ng ulan."
Nakaramdam ako nang panlalamig. Pabalik na?! Shit hindi ako ready. Agad kong kinuha ang payong na nakapatong sa lap ko at binigay ko sa kaibigan ko. Taka naman siyang tumingin sakin.
"Iabot mo na kay Kuya Guard yung payong, bro!"
Bulong ko. Ginawa naman ng kaibigan ko ang sinabi ko. Nagtataka man si Kuya Guard pero tinanggap niya ang payong.
"Kuya Guard pakibigay po yan dun sa babae para makauwi na siya. Salamat po."
"Ay sige po. Maraming salamat, Sir. Ingat po kayo."
"Thank you din po."
Tanging sagot ko. Binalik ko ang tingin sa kaibigan ko.
"Come on bro! Paandarin mo na ang kotse!"
Nagtataka man, mabilis niyang pinaandar ang kotse. Nakita ko pa ang paglapit ni Crush kay Kuya Guard. Nakita ko kung paano niya gustong lumapit sa kotse para siguro tignan kung sino yung nagpabigay ng payong. Mabuti na lang tinted ang kotse ng kaibigan ko hindi niya kami nakita.
"Muntikan niya na tayong maabutan, bro."
Kabado kong sabi sa kaniya.
"Naabutan niya tayo, to be exact bro. Tinted lang tong kotse kaya hindi niya tayo napagsino."
Natahimik kami pareho. Oo. Buti na lang talaga tinted.
"Teka nga! Diba dapat nga inantay natin siya para personal mong maibigay? Bakit nagpanic ka nung sinabing papalapit na?"
Napakunot noo ako. Oo nga noh? Potek. Naduwag ako. Oo naduwag ako. Naunahan ako ng kaba! Shit!
"Kinabahan ako bro. Hindi ako handa."
Napapikit ako. Narinig ko ang halakhak ng kaibigan ko. Yung halakhak na napagtanto niya kung gaano ako kawalang kwentang tao. Sana wag niyang pagsisihan na naging kaibigan niya ako. Wag talaga sana.
"Bro.. p*ta. Kinakabahan ka rin pala?! Shit!"
"Bro.. crush ko yun. Tsaka baka isipin ang creepy ko."
Pagpapalusot ko. Pero ang totoo kinabahan lang talaga ako. Hindi ako handa. Akala ko kasi matagal pang babalik. Hindi ako nakapaghanda na kausapin siya. Kaya una kong naisip talaga umalis na.
"Creepy my ass, bro. Ulol! Nangatog ka! Hahahahaha!"
Pang aasar pa nito. Napalunok ako. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maayos. Grabe naman impact ni crush sa pagkatao ko. Malakas!
"Torpe mo, bro. Ang laki mong torpe!"
Dagdag niya pa. Inirapan ko siya.
"Sorry naman. Pagiging gwapo lang talaga ambag ko dito."
Humalakhak siya habang napapailing. Wag sana siya maubusan ng hangin. Ayokong maaksidente. Hindi ko na masisilayan si crush pag nagkataon.
"Gwapong torpe. Bro, gusto na kitang itakwil bilang kaibigan! Hahahaha!"
Inirapan ko siya. Hiyang hiya naman ako sa kaniya. Yang pagiging weirdo niya? Maraming beses ko nang ginustong itakwil siya bilang kaibigan pero sadyang mahabagin lang ako kaya tinanggap ko na lang ang kaweirduhan niya.
"Wala kang alam sa maraming beses na gusto na kitang itakwil bro."
Napailing siya pero nandun pa rin ang malapad niyang ngiti.
"Bro.. di mo ako magagawang itakwil."
"Oo. Dahil mahabagin ako."
Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. Well, we are always like this. Mag-aasaran pero sa huli magtatawanan. Wala eh. Ganito na talaga ang pagkakaibigan namin. Hindi na matitibag. Naalala ko na naman si Crush. Sana makauwi siya ng maayos dahil sa bigay kong payong. Wag din sana siyang mahirapan sa pag-commute. Taga saan kaya siya? Crush pwede kitang ihatid pauwi kahit pati pagsundo. Shit! Ang sarap yata sa pakiramdam nun. Tapos we'll talk about us habang nagmamaneho ako at sakay ko siya sa kotse ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kinililig akong ewan. Crush.. ano bang ginawa mo sakin?
"Bro.."
Nilingon ko siya. Hinihintay kung ano man ang sasabihin niya.
"Itigil mo yang ngisi mong para kang teenager na kinikilig. Torpe ka pa rin naman."
Nawala ang ngiti ko. Pati ba naman yun nasense niya pa? Or sadyang obvious lang talaga sakin? Inirapan ko na lang siya.
"Gago."
At tanging halakhak na lang ang narinig ko.
Crush.. when will I see you again? Ako nga pala si Storm Thompson ang nabihag mo. Yey! HAHAHAHA!
********
Author's Note:
Hi. Please support my story Sun and Storm. Thank you and enjoy reading! :)
- jajangrayter
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...