Page Thirty-eight.
----------"S-Storm.."
Nakapikit siya habang hinahalik halikan ang kamay ko. Dapat ko nang alisin iyon pero hindi ko magawa.
"I told myself that I will never push myself to you.. pero ang hirap. Ang hirap hirap pa rin talaga."
"Storm.."
He look at me with pleaded eyes. He reached for my face at napapikit na lang ako sa marahang paghaplos niya. How I miss his touch. Sa muling pagbukas ng mata ko ay sinalubong ako ng halik ni Storm. It's a passionate kiss. Nagulat ako sa ginawa niyang paghalik pero imbes na itulak ko siya ay muli akong pumikit at napahawak na lang sa magkabilang braso niya para hindi ako matumba. Nanghihina ako. Sobrang nanghihina ako dahil sa iba't-ibang emosyon na bumabalot sakin. He's inlove with someone. He's seeing someone. Mali ito! Pero hindi ko magawang talunin ang sarili kong emosyon. My body is longing for Storm's touch. I miss him touching me! Lumalim pa ang halik ni Storm kaya napahiga na ako sa kama at nakaibabaw na siya sa akin.
"Uhmm.."
Nagpakawala ako ng marahang ungol nang bumaba ang halik ni Storm sa leeg ko. I'm starting to lose myself and my sanity. Kapag lumalim pa 'to baka hindi ko na talaga magawang pigilan pa si Storm.
"S-Stoorm.."
Isa dapat iyong warning kay Storm at sa akin na rin pero hindi ganoon ang dating. Bumalik ang labi ni Storm sa labi ko. He's kissing me deeper. It's as if he's kissing my soul and trying to awaken it. Naliliyo na ako sa mga halik niya at malapit na malapit na talaga akong magpadala sa mga halik niya pero biglang tumigil siya sa paghalik sakin at sabay kaming napatingin sa pinto. Someone's knocking. Shit! Para akong nagising sa katotohanan kaya naitulak ko si Storm at bumangon ako sa pagkakahiga.
"Guys! I don't mean to interrupt but.. Stormi's here."
Boses ni James iyon. Alam ko. Inayos ko ang sarili ko pati na rin ang nagulong buhok ko. Napatingin ako kay Storm na matamang nakatingin sakin. Nang mapagtanto niyang okay na ako ay binuksan niya ang pinto. Agad na pumasok si Stormi na may ngiti sa kaniyang labi.
"Bulagaaa!"
Tumawatawang sigaw ni Stormi. Natawa na lang din ako dahil ang cute cute niya. Agad siyang kinarga ni Storm at tumayo na rin ako. Naunang lumabas ang mag-ama at sumunod na rin ako. Iba ang tingin ng apat na ipinukol nila sakin. Alam ko ang iniisip nila. Shit. Muntikan na. Kung hindi lang kumatok si James hindi ko na alam kung saan kami umabot ni Storm sa ginagawa namin kanina. That was unexpected. Masyado talaga akong nagpadala sa emosyon ko. Lumapit ako kay Vanessa na nakataas ang gilid ng labi habang nakatingin sakin. Si Katty naman na katabi niya ay panay ngisi rin. I rolled my eyes at them.
"Sino naghatid kay Stormi, dito?"
"Si Mommy. Nasa labas sila, papasok din mamaya. Okay na ba kayo?"
Si Vanessa. Nag-alangan akong tumango.
"Mommy, I won't sleep again here, tonight. Aalis po kami nina Lola Mama and Lola Mommy somewhere po."
I sighed. Namimisa kong katabi si Stormi sa pagtulog but I can't do anything about it. Gusto ko rin magbonding sila ni Mama dahil babalik na rin sila ni Tito Elias sa New York.
"Hindi mo ba ako namimiss katabi, baby? No one's hugging Mommy."
Pagpapaawa ko. She chuckled. Lumapit siya sakin at umupo sa legs ko dahil nakaupo ako ngayon sa long sofa. Katabi ko sina Katty at Vanessa. Si Storm ay nakatingin lang samin. Sina James at Kalvin ay nasa kusina. Maybe cooking.
"Daddy.. You should hug Mommy when she's cold!"
Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Stormi. Pagak na tumawa sina Katty at Vanessa. I looked at Storm and he's smirking. Wow ha? Tuwang tuwa yan?
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...