Page Forty-three

41 3 0
                                    

Page Forty-three.
——————————

May mga kaibigan ako. May Mama rin akong supportive sakin at asawa niyang tanggap ako. May fiance ako na laging nandiyan kahit iniwan ko. May napakabait at napakabibo akong anak at Yaya niyang napakabait at maalalahanin. May Manager/Editor in Chief akong sobrang bait. Pero mag-isa ako ngayon. Walang may gustong sumama sakin. Walang may bakanteng oras para samahan ako ngayon. Nakatunganga lang ako kanina sa bahay mag-isa.  Maagang umalis si Storm kasama si Stormi dahil ihahatid niya sa bahay nila dahil gustong hiramin ng family niya  si Stormi dahil nakita at personal lang nilang nakilala si Stormi nung gabi ng marriage proposal. Si Sabel ay nasa school para magpasa ng mga projects na pinapapasa na. Katty is nowhere to be seen. Si Vanessa ay malamang busy sa asawa niya and she's now back to work. At dahil hindi ako makapagsulat ng maayos, minabuti ko na lang lumabas ng bahay but sad to say, it bores me roaming around here inside the mall at wala naman talagang mapagkaabalahan.

"Siya yun diba? Yung Model at Writer? Yung fiancee ni Storm Thompson?"

"OMO! Tama ka girl! Siya nga yun."

Napatingin ako sa dalawang nagbubulungan na rinig na rinig ko pa rin naman. May ibang napapatingin na rin sa akin at kinukuhanan ako ng pictures. Napalunok ako. Ang kasikatan ni Storm ay hindi pa talaga mag-sink in sa utak ko. That marriage proposal is still trending up until now. Dahil ni-post ni Storm ang video ng gabing iyon and I was tagged. After that, sunod sunod na rin ang posts ni Storm with me. May iba pa ngang tulog ako dahil mas nauuna siyang magising sakin. Yes, it melts my heart pero nababatukan ko minsan si Storm dahil madalas i-flex ang mga stolen pictures ko with bare face. Ang pangit ko! Sabi sakin ni Katty, hindi lang dahil sikat si Storm kaya nag-trending ang marriage proposal na iyon, also because I am popular. I am a model at writer. Kilalang writer, kaya naman ganoon na lang ang impact sa ibang tao. Mantakin pang madalas kong sabihin sa mga interviews ko na I am a single-mom. Yes. Lagi kong ina-address na single-mom ako. Alam naman ng lahat ng may anak ako bit I never posted a picture of Stormi sa dummy accounts ko na sinadyang pinagawa sakin ni Ma'am Agnes para protektahan ang privacy ko. Sa original account ko lang ako nagpopost about Stormi and it's private. Only few friends ang followers ko doon. Halos marami ang negative comments about Storm marrying a single-mom like me. Not knowing that Stormi is our daughter.

I sighed. Pumasok na lang ako sa isang restaurant to eat. Uuwi na lang ako pagkatapos. Nang masabi ko ang order ko ay kinuha ko ang phone ko sa bag at saktong tumatawag si Storm. Sinagot ko ito.

"Where are you, Love?"

"Sa mall. Just roaming around."

"Saang mall? Near your house?"

"Yes. Why?"

"Susunduin kita. We're going to an event tonight."

"Event? You mean party? I don'y have a dress!"

Hysterical kong sabi. If it's an event diba dapat sinabi niya sakin nang mas maaga? Wala akong isusuot! Anong klaseng event ba? Shucks!

"Relax.. I got you, Love."

Umirap ako kahit alam ko namang hindi niya makikita ang reaksyon ko.

"Di nga?"

"Oo nga. I'm on my way there. Text me where you at exactly."

"Okay. Ingat ka."

I ended the call at tinext ko si Storm kung nasaan ako. Dumating na rin ang order ko kaya nagsimula na akong kumain. Naistorbo ang pagkain ko ng may isang babae ang lumapit sa table ko.

"Hi. I'm sorry for interrupting you but.. I'm Jeriah Jimenez of CBC News, You're Sunny Alcazar, right?"

Tumango ako.

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon