Page Thirty-two.
——————————
"Ano ginagawa ng hayop na'to dito?!"
"Itigil mo bunganga mo, Vanessa. Inistorbo mo tulog ko."
"Hoy! Hindi ko pa nakakalimutan ginawa mo six years ago!"
"Kinalimutan niya na ako't lahat tapos ikaw hindi pa rin makalimot? Grabe ka! Umusad ka."
"Bakit nakausad ka na ba?"
"Tigilan mo ako Van."
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Yung presensiya mo hindi ko tinanong kung bakit nandito."
"This is my best friends's house, obviously."
"This is my friend's house, obviously."
"Friend? Kaibigan mo 'to, Sunny? Kailan pa?"
Hinilot ko ang sintido ko. Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko sa dalawang 'to. Parang hindi ko sila kayang makitang magkasama. Hindi naman sila ganito dati. Humalukipkip ako at nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Tapos na ba kayo? Samahan niyo na kami ni Stormi."
Agad na tumayo si James at inayos ang sarili niya.
"Let's go."
"Wait! Sasama ako sa inyo!"
"Sinabi ko bang iiwan ka namin?"
"Sungit mo ah. Ikaw na nga 'tong tinago sakin na may pinapatuloy kang ibang tao dito, Sunny."
"Ibang tao ka rin naman pero pinatuloy ka ni Sunny."
"Enough. You two. Pag si Stormi nagulantang sa inyong dalawa, pareho ko kayong palalayasin at itatakwil."
Sinamaan ko sila ng tingin at nauna na akong maglakad. Hawak hawak ko ang kamay ni Stormi at sa kotse kami ni Vanessa pumasok. James doesn't want to drive and Vanessa didn't let James to be our driver. Baka raw sadyain na ipunta kami sa lugar na makikita kami ni Storm. Ewan ko ba. Gusto ko na ngang tawagan si Kalvin at sabihing kunin na ang asawa niya dahil nababaliw na.
"How's Kalvin?"
Seryoso kong tanong kay Vanessa na nag-da-drive. Nandito ako sa front seat at nasa back seat naman sina James at Stormi na busy maglaro sa ipad. Tinuturuan naman siya ni James sa word puzzle na laro. Pinakita kanina ni Stormi kung ano nilalaro niya eh tapos si James naman tinuruan siya.
"He's busy, as usual. Ayaw niya na halos akong bitawan beh. Parang gusto lagi ng honeymoon. Parang hindi pa nakunten--"
"Van! Ano ka ba?! May bata tayong kasama."
Sita ko sa kaniya. She bit her upper lip at saka tumingin sa rearview mirror tapos sakin.
"Sorry."
I rolled my eyes at her. Sa car window ako tumingin at naging tahimik na ang byahe namin.
We're roaming around the Mall hanggang sa mabili na namin ang mga kailangan ni Stormi. Nagpaalam si James kung pwede isama si Stormi sa Toy Store at umuo naman ako. I warned him not to buy everything that Stormi wants to have. Ayaw ko siyang lumaking spoiled. Naiwan kami ni Vanessa dito sa Department Store. nagtingin tingin na rin ako ng damit when a teenage girl approached us.
"Hello po. Ikaw po si LovelyWrites diba po?"
Nakangiti niyang sabi. Ngumiti ako at tumango. I saw her smiled widely.
"Pwede po ba pa-picture at pa-sign na rin po."
Pinakita niya sakin ang isang libro na sinulat ko. Napangiti ako lalo at kinuha iyon para pirmahan ko. I also leave a heartwarming advice to her and asked for her name. Nang matapos ay nag-picture kaming dalawa. The other whole body picture was taken from Vanessa. Nang makuntento siya ay nagpaalam na siya samin. Vanessa sighed.
"Grabe beh.. Never in my wildest dream na makikita kitang ganito kasikat."
"Me too. Never ko nakita ang sarili ko in this situation. Parang ang imposible.."
"And it's now possible because It's happening to you."
I smiled at her. Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya.
"Tell me about your honeymoon in Paris, Van."
"Ohh! Sure. Alam mo ba our first night there wa--"
"Van! I don't care about your sexlife! Yung lugar at yung experiences ang tinatanong ko! Ang baboy mo!"
Napanganga siya sa sinabi ko at umaktong akala mo nasasaktan.
"Wow ha? Eh yun lang ginawa namin dun! May magagawa ka ba?"
"Weh? Seryoso?"
Tumango tango siya. Pinalo ko siya sa kaniyang braso.
"Puro ka kalokohan."
Tumawa siya.
"Ang epic ng mukha mo, beh! Feeling virgin yan?"
"Magtigil ka nga!"
"Anong masama sa sinabi ko? Hoy Sunny! Ilang taon ka ng walang jowa, walang ano.. Wag mo sabihin sakin na hindi ka naghahanap? O nagsasarili ka noh?"
Hinampas ko siya sa braso.
"Manahimik ka nga, Van.."
Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay.
"So nagsasarili ka?"
"Hell no! Anong akala mo sakin, Vanessa?"
"Na babaeng may pangangailangan ka. Tell me, hindi mo ba namimiss na may humahawak sayo, may naglalambing sayo, may humahali--aww!"
"Enough, Van. Siraulo ka! Kumain na lang tayo."
Natigil ako sa paglalakad nang may humarang sa dadaanan ko. Lalaki. Dahil sa nakikita kong rubber shoes and a khaki shorts. Umangat ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mukha ng lalaki na nasa harap ko.
"Storm?!"
Sigaw ni Vanessa. Nakita ko ang pagngiti ni Storm at nakatingin sa babaeng nasa likod ko.
"Vanessa! Congrats on your wedding. I'm sorry I wasn't there."
"Naku. Wala yun. May dahilan ka naman eh."
Tumango siya. Binalingan niya ako ng tingin. Kumunot ang noo niya nang mapadako ang tingin niya sa.. damit ko? May mali ba sa suot ko.
"Are you alone, Storm?"
Tanong ni Vanessa sa kaniya. Umiling siya.
"Nah. I'm with someone."
"Storm!"
Sabay sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya at halos kapusan ako ng hininga ng mapagsino ito.
"Oh my gosh! Sunny?!"
Tumikhim ako at inayos ang pagkakatayo ko. I smiled at her. Yung pekeng ngiti.
"Hello Kyrienne."
She waved at me happily. Mas lumapit siya kay Storm at ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Storm. Napatingin sa kaniya si Storm but she didn't mind.
"Hello there, Sunny. How are you? You're a famous writer na pala ngayon ha?"
"And a famous model too, Kyrienne."
Dagdag ni Vanessa. Umismid lang si Kyrienne.
"Really? Hindi ko alam na model siya. Maybe not famous enough?"
I rolled my eyes. This woman. Ilang taon na ang nagdaan ganoon pa rin ang ugali.
"It's nice seeing you, two. Now if you don't mind, may pupuntahan pa kasi kami ni Vanessa."
Pagtatapos ko sa usapan. Tumaas ang kilay ni Kyrienne and Storm is just looking at me.
"Halika na, Van."
"Oh, sure. May naghihintay na rin kasi satin."
Alam kong may iba sa tono nang pananalita ni Vanessa but I didn't mind. Hindi na namin hinintay na makapagpaalam ang dalawa at basta na lang kami lumabas ng department store. Nang medyo makalayo kami, tumigil ako sa paglalakad. Agad kong nilabas ang phone ko and dialed James number.
"Where are you?"
"Nasa toy store. why?"
"Storm is here. Please take Stormi out of here. now."
"O-okay. Mauuna na kami sa parking area. Bilisan niya."
"Oo."
I ended the call at hinarap si Vanessa.
"Let's go. Baka magkasalubong na naman tayo nina Storm."
Tumango tango siya at sumunod na lang din sakin. Lakad takbo ang ginawa namin para makarating kaagad ng parking area.
"Sheez! Nakalimutan ko na kasama natin si Stormi for awhile."
"Stop talking, Van. We're in a hurry."
"Oo na. Panic mode ka na naman."
Hindi na ako umimik at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nakahinga ako ng maayos nang makapasok kaming apat sa loob ng kotse ni Vanessa.
"Mommy? Are you alright?"
Tanong ni Stormi sakin. Nandito ako sa backseat kasama si Stormi at si James naman ang nasa front seat.
"Yes. I'm fine, baby. Kailangan na natin umuwi dahil may gagawin pa si Mommy ha?"
Tumango siya.
"Okay po. Daddy James bought some jigsaw puzzle for me po."
Nilingon ko kaagad si James na agad na napakamot sa batok. Ngumisi si Vanessa.
"James.."
"What? It's just a jigsaw puzzle, Sunny."
"Whatever."
Pagod na ako sa lakad takbo na ginawa ko kaya wala na akong oras pangaralan si James. I closed my eyes. At least, I can now breathe.
****
Agad akong napaupo sa sofa pagkarating na pagkarating namin sa bahay. Nilingon ko si Stormi na walang kamalay malay sa pag-uwi namin kaagad at ang jigsaw puzzle na kaagad ang pinagdiskitahan niya. James helped her with the jigsaw puzzle. Si Vanessa ay napaupo rin sa sofa.
"I'm so tired. Can I parked my car here? Papasundo ako kay Kalvin."
"Seriously?"
"Yes. Seriously. May asawa akong willing akong sunduin anytime, anywhere."
"Gusto kong maawa kay Kalvin, Van."
Inirapan niya lang ako.
"Saan kayo pupunta?"
"Sa guest room. Ingay niyong dalawa di kami makapaglaro ng maayos ni Stormi."
Tumawa si Stormi at sumunod naman kay James. Tss. As if, I'll buy his excuse. Umalis siya because he knew hindi kami makakapag-usap ng maayos ni Vanessa kapag nandito si Stormi.
"I can't believe you're letting James. Paano kung sabihin niya ang tungkol kay Stormi?"
"Yan din ang inisip ko kay Kalvin, Van but still I trust him. Trust James."
"Tss.. Anyway, Katty is coming."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Weh? Di nga?"
"Oo nga. Pero hindi niya sinabi kung kailan. Makikitira raw siya sayo."
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Sakin?! Bakit?!"
"Alangan naman sakin, diba? Malamang sayo. Magsama kayong mga single."
"Laging nandito si James."
Ngumisi siya.
"Ayaw mo pa nun? Magkikita ang dalawa. Hahaha! I can imagine their reactions!"
Siniko ko siya.
"Ang sama mo."
Inirapan niya ako at saka siya humalukipkip.
"Kailangan na nilang magkita, Sunny. They need to fix their issue. Halata namang naghihintayan lang silang dalawa."
"Yeah."
Pagsang-ayon ko.
"Kailan mo pala sasabihin kay Storm ang tungkol kay Stormi? Three years ago, Iyan ang ginawa mong dahilan kaya ka bumalik ng pilipinas."
I sighed. Iyon ang talagang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas kahit na maganda naman na ang buhay ko sa New York. Pero until now, hindi ko pa rin nagawang ipakilala si Stormi kay Storm.
"Hindi ko alam, Vanessa."
"Wag mo hintayin na malaman ni Storm sa ibang tao ang tungkol kay Stormi. He had enough reason to hate you when you left him five years ago. Don't give him another reason to loathe you."
"Paano kung hindi niya tanggapin si Stormi?"
"Are you kidding me?!"
"Bakit?"
Napailing iling siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Para namang hindi mo kilala si Storm, Sunny. Baka nga kunin pa sayo si Storm—wait! Iyon ang dahilan mo kaya hindi mo maipakilala si Stormi noh?!"
"H-Ha?"
Pag-aalangan ko. Hinampas niya ako sa braso.
"You're afraid na kunin niya si Stormi sayo hindi dahil sa baka hindi niya tanggapin si Stormi! Siraulo ka!"
Hindi ako nakaimik. Well, I am afraid na baka kunin niya si Stormi sakin at baka hindi niya ring akuin si Stormi. I don'y wanna see Stormi hurting just because her dad can't accept him.
"Nagkita na ba kayo ni Storm?"
Oo nga pala. Hindi ko pa pala nasabi sa kaniya na nagkita na kami.
"Yes. Sa Isang fashion event ni Michaela. He's cold, Vanessa. He's not the same Storm anymore."
She giggled kaya tinignan ko siya na nakakunot ang noo ko.
"Sunny, kahit ako naman magiging cold towards you. Iwan mo ba naman ako nang walang pasabi tingin mo ipapakita ko sayong masayang masaya akong nakita kita? Asa ka!"
Sinimangutan ko siya. I felt her hand on mine.
"Sunny, Storm deserves to know about Stormi, her daughter. And Stormi deserves to know about her father. Wag mo ipagkait sa kanila ang karapatan nila. Wag mong dagdagan ng isa pang pagkakamali ang nauna mong pagkakamali."
"Anong pagkakamali?"
She sighed.
"Isang malaking pagkakamali na iniwan mo siya instead of fighting for him and for your relationship."
"Van.. That decision was..
"for his own good. Yes. I get it. Pero inalam mo ba kay Storm kung para ba iyon sa ikabubuti niya? Sunny, ikaw lang ang nag-desisyon para sainyong dalawa. Tinanggalan mo siya ng karapatan to fight for you. Hindi mo siya binigyan ng chance. You didn't trust him."
Again, I am dumbfounded. Hindi ko magawang magalit kay Vanessa because the moment na nalaman kong buntis ako kay Stormi, I then realized how wronged I was five years ago. Nagpadala ako sa emosyon ko. Nagpadala ako sa mga sinabi ni Kuya Eros. Hindi ako nagtiwala kay Storm.
"Tell him about, Stormi. Hindi naman siguro kayo magbabalikan diba?"
"Vanessa.."
"Alright. At least karapatan nila pareho iyon. Wag mo ipagkait. Hindi man kayo magkabalikan at least maging mabuti kayong magulang kay Stormi."
Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Vanessa hanggang ngayon. It's already midnight and Stormi is sleeping in my room. I can't sleep kaya naupo ako rito sa office table ko hoping na makapagtipa ako sa story na sinusulat ko pero walang pumapasok na kahit ano sa utak ko maliban sa mga sinabi sakin ni Vanessa kanina bago siya umalis.
Paano ko sasabihin kay Storm ang tungkol kay Stormi? Parang hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa. Ayaw kong makagulo sa buhay ni Storm. Looking at him with Kyrienne parang gusto kong paniwalain sarili ko na at some point tama naman ang naging desisyon ko noon na iwan siya. He's now living a good life with Kyrienne. Hindi ko man alam kung sila ba talaga o hindi pero as far as I know, Taken na si Storm. At dahil magkasama sila ni Kyrienne baka si Kyrienne nga ang girlfriend niya. Hindi na rin ako magtataka. They look good together kahit na parang ang sakit makita silang dalawa.
My phone vibrated. James is calling me. Kunot noo oong sinagot ang phone call.
"Storm is on his way there."
Nakaramdam ako ng kaba. Napatingin ako kay Stormi na mahimbing na ang tulog ngayon.
"Why?"
"That asshole! Sinapak ako. He saw me leaving your house at inisip niyang may relasyon tayo. Ramdam ko pa rin yung sapak niya Sunny."
"Ano na—"
I stopped when I heard the doorbell.
"Guess he's here, James."
I heard him sighed.
"Talk to him. At sabibin mong balikan niya ako dahil hindi ako nakaganti. Sasapakin ko rin siya!"
I ended the call. Madali akong bumaba dahil baka magising si Stormi.
I opened the gate at bungad sakin ang gigil na gigil na mukha ni Storm. He calm his self first at saka ako pinasadahan ng tingin. Tumikhim ako. Hindi na ako nakapag-ayos dahil sa pagmamadali. Inayos ko ang suot kong silk robe. Buti na lang I am still wearing a bra pero kita naman dahil sa manipis na suot kong pantulog.
"What are you doing here?"
"Tell me.. Are you seeing my bestfriend? May relasyon ba kayo ni James?!"
"Ano ba Storm? Wag kang mag-eskandalo. Pumasok ka nga."
Pumasok siya sa gate at sumunod siya sakin papasok ng bahay.
"Maupo ka muna."
Kukuha sana ako ng tubig to offer him pero hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko.
"Tell me, Sunny. Are you having an affair with James?!"
"So what if I am?!"
Nagulat siya sa sinabi ko. Binitawan niya ako.
"What?"
"So what if I am? Wala kang pakialam whom I wanna date with, Storm."
"Why?! Because you left me?! Dahil tinapos mo na ang lahat sa atin?!"
"Oo! I broke up with you five years ago, Storm!"
"And you're now dating my best friend?! Wala ka bang delikadeza ha?! Iyan ba ang natutunan mo sa New York?! Iyan ba ha?!"
"So what?! You got nothing to do my life, Storm! Tapos na tayo! matagal na!"
Lumapit siya sakin. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Storm is so mad at halos manginig ako sa kaba at takot. Kaba dahil ang lapit lapit niya lang kay Stormi ngayon. Takot dahil baka magising niya si Stormi at magkita silang dalawa. He needs to get out of my house. Maling desisyon pa yata na pinapasok ko siya pero ayaw ko naman magising ang mga kapitbahay namin dahil sa lakas ng boses ni Storm. Literal talagang Storm ang aura ngayon ni Storm.
"Tinapos mo. but I never said we're done, woman!"
"Mo-mommy?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Ramdam ko ang buong panlalamig at panginginig ng katawan ko. Si Stormi. Shit!
"Ye-yes baby?"
Itinuro niya si Storm.
"Who is he? and why is he yelling at you?"
Napatingin ako kay Storm na ngayon ay titig na titig kay Stormi. Shit. Hindi ganito ang naiisip kong pagtatagpo nila. Hindi ganito.
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...