Page Thirty-six

42 3 0
                                    

Page Thirty-six.
——————————

"Come on Storm! Wag kang puro pictures diyan!"
"Geez! Sun! Ang lamig!"
I giggled.
"O.A mo. Dali na!"
Napilitan siyang lumapit sakin. Bandang bewang ko ang tubig dagat at bandang balakang lang ni Storm ang tubig dagat. Dito kami pumunta after namin kumain kanina to take some pictures na i-po-post ko sa social media accounts ko for promotion. May mga videos din na kinuha si Storm. Ganoon siya ka-hands on ngayon sa akin. A real businessman indeed.
"Ang lamig!"
Reklamo niya. Tinawanan ko lang siya.
"Ano pa ni-o-offer ng Resort mo, Storm?"
"Jetski, Scuba diving, banana boat, snorkeling and many more. Wanna try them? Pwede natin gawin bukas with Tita Sunshine."
Ngumuso ako at ngumiti sa kaniya.
"Aren't you busy? Hindi ka dapat nandito ngayon kung hindi mo nalaman ang tungkol kay Stormi."
Well, yes. Hindi dapat namin siya kasama dito ngayon pero dahil nalaman niya nga ang tungkol kay Stormi nakasama namin siya papunta rito.
"James can handle the SDT well, while I am here. He should pay for what he did, Sunny."
Hindi ako umimik. Alam ko ang tinutukoy niya.
"Besides, Katty is there. He don't mind kahit mag-overload pa ang trabaho niya doon."
Oh! Ano na kaya ang nangyari sa dalawa? I giggled.
"They're coming tomorrow, by the way. I also invited Kalvin and Vanessa."
"Tita Mommy?"
I asked.
"She'll be here, tonight. She's on her way."
Napangiti ako. Oh my god! This will be a happy vacation then!
"Are you happy?"
Kinagat ko ang labi ko pero ngumiti rin at tumango tango.
"Thank you, Storm."
"You're welcome."
Storm took some pictures while I was enjoying the sea. Naupo kami sa buhanginan nang magsimula na ang paglubog ng araw. Of course, Storm took some pictures of me and the sunset was my background.
"This Resort is a really good spot for sunset viewing."
"It's one of the reason kung bakit binabalik balikan ito ng mga tao."
"Nagbago ang pangalan ng Resort kaya hindi ko alam na ito pala yung Resort five years ago."
"Sun.."
"Hmm?"
"Was there a moment that you regreted leaving me?"
Tipid akong ngumiti pero hindi ko siya tinignan. Ayokong makita niya ang hindi mapigilang emosyon na gustong kumawala sa buong pagkatao ko. I don't want him to know how regretful I am.
"Yes. But looking at you now? Leaving you was all worth it. You already have everything, Storm. You should be happy and be proud of it."
"But I don't have you."
Seryoso niyang sagot. Nilingon ko siya but he's not looking at me.
"Does it matter?"
Doon lang niya ako tinignan at malungkot na ngumiti sakin.
"It does. But I promised to myself that I will never push myself to you. I'll never take the chance to have you back."
Masakit ang mga sinabi niya pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. I am still inlove with him, pero siya parang wala na. Ang layo niya na. Sabagay, sa araw na iniwan ko siya alam ko sa sarili ko na walang kasiguraduhan na maibabalik namin ang dati. Nasaktan ko siya, alam ko. Ang hindi ko lang inaasahan sa ngayon? Ang katotohanan na sa loob ng limang taon, ni minsan hindi ko nagawang magmahal ng iba. Hindi ko nagawang tumingin sa iba dahil siya at siya pa rin ang mahal ko at gugustuhin kong makasama. Knowing that he's already seeing someone breaks my heart at mas masakit marinig mula sa kaniya na ayaw niya na. Na handa na siyang ipagpatuloy ang buhay niya na wala ako. Marahil ako nga ang nang-iwan pero ako ngayon ang mas nasasaktan.
"Hindi ko ilalayo si Stormi sayo. I promise."
Ang tanging nasabi ko. Ngumiti siya sakin.
"That's more than enough for me, Sun. Thank you."
We stayed like that for an hour hanggang sa nag-decide na kaming bumalik ng Villa. May dinner pa kami with Mama and Tito Elias kaya binilisan namin ang kilos.
It's the same restaurant kung saan kami kumain noon, five years ago. The theme is still the same. Para bang bumalik ako sa nakaraan. Kung may nagbago man, marahil iyon ang mga empleyado pero ang mismong restaurant? Walang ipinagbago. Agad kong nakita sina Mama, Tito Elias at Stormi sa isang mahabang mesa. Mas napangiti ako nang makita ko si Tita Mommy. Agad akong lumapit papalapit sa kanila. Storm is on my side.
"Tita Mommy!"
Tawag ko. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Tita Mommy. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ko nang lumapit ako kay Mama at Tito Elias.
"Baby! Hindi mo ba ako namiss?"
Tanong ko kaagad sa anak ko na ngayon ay katabi ko. Si Storm ay tumabi kay Tito Elias at nag-uusap tungkol sa Resort. Si Mama at Tita Mommy naman ay panay pa rin ang kwentuhan. Hinihintay namin ang pagkain na i-serve.
"Of course, I miss you Mommy and also Daddy po."
"Sa amin ka sasama mamaya, okay?"
Stormi nodded. Dumating na ang pagkain at nagsimula na kaming kumain. Nag-usap lang kami tungkol sa Resort at kung ano pa. Stormi is just silently eating. Parang may sariling mundo dahil hindi niya rin naman maintindihan ang mga pinag-uusapan namin. Inaalalayan ko rin siya sa pagkain.
"Sun.."
Inangat ko ang aking tingin at nakita si Storm sa tabi ko.
"Palit tayo. Ako na kay Stormi para makakain ka ng maayos."
Nag-aalangan man ay tumango ako sa kaniya at nagpalit nga kami nang upuan. I heard Tita Mommy giggled kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumisi lang siya sakin na para bang may inside joke siya. Tumikhim si Mama.
"Stormi will stay with us, tonight."
Nagulat ako sa tinuran ni Mama.
"What? No, Ma."
"Anong No ka diyan? Ngayon ko na lang ulit makakasama ang apo ko at hindi rin naman ako magtatagal dito sa Pilipinas, anong no?"
"Ma.. Gusto rin naman siyang makasama ni Storm."
"Really, Storm?"
Tanong ni Mama kay Storm. Tumikhim si Storm. Tumingin muna siya sakin bago nilipat ang tingin kay Mama.
"Ayos lang naman po kung doon na muna si Stormi sa inyo, Tita. Mas maraming beses ko po siyang makakasama dahil po nasa iisang bansa lang kami. Unlike you po na uuwi ulit sa New York."
Nagulat ako sa sinagot ni Storm. Hindi niya na ako muling tinignan. Halatang umiiwas sakin.
"Exactly! Wag kang madamot, Sunny. Apo ko 'yan."
So ano? maiiwan kami ni Storm sa Villa? Shucks! Parang hindi ko kaya.
"Honey, why don't you let Stormi decide? Stormi's decision matters."
"Oh my god, Elias! You're so clueless!"
Tumaas ang kilay ko. Sabi ko na nga ba. May ibang dahilan talaga tong magaling kong Ina. sinasadya niya. Ginagawa niyang excuse. Tumawa si Tita Mommy.
"Mama.."
I warned her. Tumikhim si Storm kaya napatingin ako sa kaniya, hindi siya sakin nakatingin kundi kay Tita Mommy at pareho silang nagpipigil ng tawa. Tumaas ulit ang kilay ko.
"Stormi, baby.."
Tawag ko sa anak ko. Agad ko naman nakuha ang atensyon niya. She smiled at me.
"I'll stay with Lola Mama po, Mommy. Can I po? I miss you and Daddy but I miss Lola Mama more po."
Napabuntong hininga ako. Tumawa si Mama at tumingin sakin.
"See? You lose."
Inirapan ko siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Marami namang kwarto sa Villa, I can use other rooms. Hindi kami pwedeng magtabi! Huh! Asa. No way. No way!
Inaantok na si Stormi kaya napilitan na kaming umalis sa Restaurant. Mag-stay si Tita Mommy sa ibang Villa. Family Villa rin ang binigay ni Storm kay Tita Mommy dahil doon mag-stay sina Vanessa at Kalvin pagkadating bukas. Sina Katty at James naman ay magdedecide kung saan sila mag-stay pero nahihimigan ko nang samin sila pupunta dahil may mga bakanteng rooms pa. At ipipilit ko rin na samin sila mag-stay para hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Na dalawa lang kami ni Storm sa isang Villa.
Nagpaalam na kami kina Mama. Naglakad lang kami papunta sa aming Villa. Tahimik lamang kami. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Hindi naman sobrang dilim sa nilalakaran namin dahil marami namang streetlights pero nakakaramdam ako ng lamig dahil summer dress lang naman ang suot ko.
"You're cold."
Hindi iyon tanong. Nginitian ko siya.
"I'm fine. Malapit naman na tayo sa Villa."
Sagot ko. Tumango siya. He's wearing a tshirt and summer shorts. Panigurado giniginaw din siya.
"May mga gagawin ka pa ba pagdating ng Villa?"
"Yes. Writing."
"I'll make you a coffee, then."
"You don't ha—"
"I insist."
Hindi na ako sumagot pa. Mapilit siya eh. Tumango na lang ako and he smiled at me.

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon