Page Thirty-three.
——————————
"Mo-mommy?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Ramdam ko ang buong panlalamig at panginginig ng katawan ko. Si Stormi. Shit!
"Ye-yes baby?"
Itinuro niya si Storm.
"Who is he? and why is he yelling at you?"
Napatingin ako kay Storm na ngayon ay titig na titig kay Stormi. Shit. Hindi ganito ang naiisip kong pagtatagpo nila. Hindi ganito. Tumakbo ako papunta kay Stormi.
"Nagising ka ba? Do you need something, baby?"
Umiling siya.
"No po. But why is he yelling at you po, Mommy?"
"No. He's not yelling at me, baby. May pinag-uusapan lang kami. You go back to my room na ha?"
"But.. Mommy.."
"Please, baby? Susunod si Mommy. Okay?"
She pouted her lips. Sinilip niya si Storm at nakita ko ang pag-ismid niya rito. Kung hindi lang tensyonado ang gabing 'to baka natawa na ako kay Stormi. Tumalikod si Stormi at nagsimulang akyatin ang hagdan papunta sa kwarto ko. Hinarap ko si Storm. Ang tingin niya ay nasa kay Stormi pa rin.
"Storm, please.. Umalis ka na."
"Is she your daughter? May anak ka?"
"Let's talk some other time, Storm."
"Anak ko ba siya?"
Napapikit ako. Shit. Ano ba gagawin ko? Lumapit ako sa kaniya..
"Storm please.. Saka na tayo mag-usap. It's late."
Ngayon lang ako ulit tinignan ni Storm at kita ko ang mga mata niyang nagtatanong. He sighed. A deep sighed.
"Just make sure you'll have a good reason for this Sunny. I'll be here tomorrow for us to talk and don't dare give me lies excuses because I won't buy it!"
Tinalikuran niya ako at malakas niyang sinara ang pinto mula sa labas. Napaupo ako sa sahig. Sobrang nanginginig ang buong katawan ko ngayon. I don't think I can stand up and walk.
"Ate? Ate Sunny! Anong nangyari? Ginising ako ni Stormi dahil may lalaki raw na nang-aaway sayo!"
Rinig kong sabi ni Sabel habang bumababa siya ng hagdan. Lumapit siya sakin at agad akong niyakap. I started crying. Crying every tear my eyes can give. Sabel gave me a glass of water para kumalma ako. I am now sitting in the sofa.
"Ano po ba ang nangyari? Sino po ba ang pumunta dito kanina?"
"Si Storm."
"Storm? Storm?! Daddy ni Stormi, Ate Sunny?!"
Tumango ako. Napatakip siya sa kaniyang bibig gamit ang kaniyang palad.
"Nakita niya si Stormi?"
"Oo, Sabel. At pupunta siya rito bukas para kausapin ako about Stormi and I don't know what to do."
"Umalis na tayo ngayon din, Ate. Tutal aalis din naman talaga tayo para pumunta ng Batangas, diba?"
Umiling iling ako. Naisip ko naman na yan pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Storn will surely loathe me.
"Hindi pwede, Sabel. Ayokong mas magalit si Storm sakin. Isa pa, hindi ko na magagawang iwasan at taguan siya. Ito naman talaga ang dahilan nang pagbalik ko hindi ba?"
"Ano po plano mo kapag nasabi mo na sa kaniya?"
I sighed and I look at her.
"I'll just keep moving forward, Sabel."
Tumango lang siya at niyakap ako. I feel the comfort that I badly need this time.
I woke up around 11am and I keep on cursing while nag-pe-prepare ng sarili ko. Aalis kami ngayon papuntang Batangas dahil sa free three day staycation offered by the Sunset View Resort. Hindi ko alam kung anong oras pupunta rito si Storm pero sinabi ko kay Sabel na kapag pumunta ay ipaalam na lang kung nasan ako. Sabel is not coming with us dahil need niyang pumunta ng school kung saan siya pumapasok. Ngayon din ang dating ni Mama with his husband Elias from New York at dederetso rin sila sa Batangas. It's just me and Stormi ang babyahe papuntang Batangas.
As I finished packing my things and Stormi, dali dali akong bumaba and natigil ako nang makita si Stormi at Sabel na nakatitig sa taong dumating.
"Sabel."
Nilingon ako ni Sabel at kita ko ang pag-aalala niya habang hawak niya sa balikat si Stormi.
"Ate.."
"It's alright, Sabel."
Pagkalapit ko sa kanila ay nilapag ko ang dalawang travel bag na bitbit ko.
"Sabel, palagay na lang sa kotse nitong travel bag."
Tumango si Sabel at nag-aalangan na kinuha ang dalawang travel bag.
"You're leaving again?"
Tanong niya. Umiling ako. Alam ko kung anong leaving ang tinutukoy niya.
"Stormi.."
Hindi natinag si Stormi. Nakahalukipkip at nakatingala siya para bigyan ng masamang tingin si Storm. Yes. Storm is here. At nakatitig lang din siya kay Stormi. Maliwanag na maliwanag na ngayon kaya alam kong kitang-kita niya ang mukha at itsura ni Stormi.
"Stormi."
Sa pangalawang pagtawag ko ay nagawa na akong lingunin ng anak ko. Itinuro niya si Storm.
"Mommy he's here again."
"Yes, Baby. He's here to talk to me."
"He'll just yell at you, Mommy! No. Di po ako papayag!"
I sighed. Stormi is being protective and it touched me. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Kinarga ko siya para kahit papaano ay magpantay sila ni Storm.
"Stormi he's a visitor. Don't be rude."
Saway ko sa kaniya. She just pouted her lips at sinubsob ang mukha niya sa balikat ko. Mabilis magdamdam si Stormi kapag napagsasabihan. Napatingin ako kay Storm ng tumikhim ito.
"S-Stormi..?"
Malambing na tawag ni Storm sa anak ko. Awtomatikong napaharap sa kaniya si Stormi.
"I won't yell at your Mom this time. I promise."
Itinaas niya pa ang kaniyang kamay para ipakitang nag-po-promise siya. Marahang tumango si Stormi. Nakita ko ang muling pagpasok ni Sabel mula sa labas.
"Sabel. Kunin mo muna si Stormi. Doon muna kayo sa taas."
"No, Mommy."
Hinaplos ko ang buhok ni Stormi.
"We'll just talk, baby. He promised you, right?"
She pouted her lips again at hindi na nagsalita pa. Kinuha na siya ni Sabel sakin. I waited for them na makaakyat papuntang kwarto. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, saka ko hinarap si Storm.
"Kumain ka na ba? Gusto mo ba ng kape? juice?"
Hindi siya umimik at doon pa rin sa may hagdan ang kaniyang tingin.
"Storm.."
He looked at me with pain and hatred in his eyes. I can't blame him.
"Do you want to eat something? Before we.. talk?"
"Kumain ka na ba?"
He asked. Nagulat ako sa kaniyang tanong but I composed myself. Umiling ako.
"I woke up late and I'm in a hurry. Gusto mo bang kumain? I mean.. sabaya-"
"Sure."
Pagputol niya sa sasabihin ko. Tumango ako. Naglakad ako papuntang hapagkainan at laking pasalamat ko na may pagkain sa hapag. Nakahanda na actually ang pagkain. Sabel cooked. Thank god.
"Maupo ka. Let's eat."
Tipid akong ngumiti sa kaniya ngunit seryoso lang siyang nakatingin sakin pero sinunod niya naman ang sinabi ko. Naupo ako sa upuan na kaharap niya. Kumuha siya sunny side egg at.. nilagay niya sa plato ko. I thought it's for him. Pinagsandok niya ako ng kanin at ganun din ang ginawa niya sa plato niya. We ate in silence. Pero ito yata ang unang beses na parang hindi ko naramdaman ang pagkain na dumaan sa bibig ko. Kabadong kabado ako.
"Where are you going? Malayo ba?"
He asked after we ate.
"Batangas. May isang Resort doon na nag-offer ng free three day staycation kapalit ang promotion sa Resort nila and recos. Magkikita kita rin kami nina Mama doon."
"How old is she?"
"She just turned four noong february.. 14."
Napasinghap siya.
"Ano mga gusto niya?"
"She likes jigsaw puzzle these past few weeks pero nagbabago bago naman ang mga gusto niya. But she likes arts and drawings deeply."
Nakita ko ang ngiting kumawala sa kaniyang labi pero agad ding naglaho. Tumingin siya sakin.
"Batangas right? Ihahatid ko na kayo."
"But.."
"No more buts, Sunny. You're not running away from me this time. Not with my Stormi."
Marahan pero madiin niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita. At wala na rin akong magagawa pa.
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...