Page Twelve.
——————————
"Ugh. I'm so tired!"
"I feel you, Van. I so much feel you."
Napapailing na lang ako dito sa dalawa kong kasama. Ang sarap ng simoy ng hangin at nililipad ang buhok ko. Nagsimula ulit ako sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ko. I have to finished my report. Tapos mamaya another laptop moment dahil sa sinusulat ko. Nandito kami ngayon sa Field. Naging tambayan na naming tatlo 'to simula nang second semester.
Our Baguio Trip? It really went well pero hindi kami umabot ng isang linggo. Sa pang-apat na araw, kinailangan namin umuwi dahil napaaga ang simula ng On-The-Job Training nina James at Storm. At simula rin ng OJT nila hindi na kami laging nagkikita kita. Hindi na umuuwi si Storm sa Condo niya dahil malayo na sa Company na pinag-OJT. Si Katty naman ay nasa Condo ko pa rin. Madalas thru Video Chat na lang rin niya nakakausap si James. Kami ni Storm? ganoon din naman. video chat, chat, texting or phone call. Pero hindi palagi. Madalas kasi busy si Storm at kapag bakante naman oras niya, ako naman ang busy. I don't mind, tho. The least I could do is to understand him and his busy schedule at ganoon din siya sakin. Busy schedule. Madalas pag-awayan nina James at Katty ang bagay na iyan. Busy din kasi si James pero naiintindihan ko naman si Katty. Sa loob ng isang linggo, bilang lamang magparamdam si James sa kaniya. Minsan wala pang update at wala rin kumusta sa kaniya. I wonder why. Busy si Storm pero hindi to the point na pati ang mag-update sakin araw-araw ay hindi magawa. Wala man kaming proper conversation, Storm never failed to update me and asked how was my day.
"Nagtext ba sa'yo si Kuya Storm?"
Nakakunot noong tanong sakin ni Katty habang nakatingin siya sa phone niya. It's about James again. I am sure.
"Kaninang lunch. Bakit?"
I heard her heavy sighed.
"He never told you anything? like, may gagawin or what?"
Inalala ko ang text ni Storm sakin kaninang lunch. He told me na dadaam siya mamaya sa Condo ko before going home. Umiling iling ako.
"Wala naman. Why?"
Kuryuso kong tanong sa kaniya. Umiling siya.
"Nothing."
"James not texting you again?"
Vanessa asked her. Katty just pouted her lips. So hindi nga nagtext.
"Baka busy lang, Katty. Storm is busy too. Dami rin nila gawain this semester dahil malapit na ang Graduation nila. Kami na nga ni Amber ang nag-aasikaso sa SSC dahil pareho silang wala ni James."
I assured her. Ayoko kasing iba na naman ang iisipin niya. Ayokong maging dahilan naman ng awa nila ni James iyon. Maybe I should asked Storm about James. Umiling iling si Katty na paa bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"I can feel it, Sunny. James is hiding something from me."
Lumapit sa kaniya si Vanessa at hinagod ang likod ni Katty. Mas nakaramdam ako ng lungkot. Madalas kasing sabihin samin ni Katty na parang may tinatago sa kaniya si James. But for some reason gusto kong pagkatiwalaan si James. He's not the kind of man na gagawa ng alam niyang makakasakit kay Katty.
"You two should really talk, Kat."
Vanessa told her and I couldn't agree more. Kailangan talaga nilang mag-usap.
"I tried to talk to him..many times! Pero lagi lang niyang sinasabi na busy siya at maraming inaasikaso pero hindi naman magawang sabihin kung ano mga dahilan ng busy niya! It's frustrating! and tiring!'
Niyakap ko siya at nagsimula nang humagulhol si Katty. She's crying again. Parang inaraw araw na niya ang pag-iiyak. I saw Vanessa looked at me at pareho lang kaming walang imik. Hinayaan lang namin si Katty na umiyak nang umiyak. I tried talking to James pero hindi naman siya nag-rereply sakin kaya hindi ko na rin kinulit pa. Ayaw ko rin sumawsaw sa relasyon nila.
"She's asleep?"
Tanong ko kay Vanessa na kalalabas lang ng kwarto. Umuwi kami after class. Masama pakiramdam ni Katty kaya nakatulog siya pagkauwing pagkauwi namin. Vanessa was on her side the whole time at ngayon lang lumabas ng kwarto.
"Yes. Going out?"
Tanong niya sakin. Nadatnan niya kasi akong inaayos ang damit ko. Tumango ako.
"Lalabas kami ni Storm.'
Nakangiti kong sabi sa kaniya, Ngumisi si Vanessa.
"Sana all."
Ngumisi ako,
"Should I tell Kalvin to ask you on a date?"
I teased her. Agad na umikot ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Yak! Hinding hindi ako makikipag date sa unggoy na yun!"
Inis niyang sabi. Natawa na lang aoko sa reaksyon niya. Madalas ko siyang asarin kay Kalvin dahil nga sa nangyari noong Intramurals.
"Di ka sure diyan, Van."
I teased her more.
"Ugh! Umalis ka na nga!"
Humagalpak ako kakatawa. Napaka pikunin talaga. I checked my phone at napangiti ako. He's here. Sa Parking Area niya na ako hihintayin dahil iyon ang sabi ko. Ayaw ko na siyang paakyatin dahil mapapagod lang siya.
"Nasa parking area na siya. Aalis na ako."
Tumango si Vanessa at saka ngumiti sakin.
"Ask him about James..please."
I nodded.
'I will."
I assured her. Sinamahan niya ako hanggang sa may pinto. Agad akong pumasok ng elevator. Storm never told me where we're going basta ang ang sabi niya lang sakin ay magsuot ako ng kumportableng damit and so I did.
He's leaning in his car nang makarating ako ng Parkig Area. Nang makita niya ako ay umaliwalas ang mukha niya. I smiled at him and he smiled back. Naglakad ako palapit sa kaniya.
"How's my Sun?"
I chuckled.
"Still shinning brigthly even in night time."
Tumawa siya.
"Good to know. You look beautiful.'
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Why so sweet? May nagawa ka bang kasalanan sakin?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"I will say sorry kung sakali man may nagawa akong mali o kasalanan sayo. I would never compliment you just because I wronged you."
I twitched my lips. Surpressing my Kilig na handa nang sumabog.
"Ang sungit mo, Buds."
Tumaas ang kilay niya.
"Because you've got me offended."
I pouted my lips.
"Sorry. I'm just kidding. Di mabiro?"
He sighed. Ginulo niya ang buhok ko.
"Paano pa kita pagsasabihan if you're being this cute..hmm?"
I chuckled.
"Tara na."
Aya ko sa kaniya habang natatawa. Napailing na lang siya sakin habang nakangiti.
Binabaybay na namin ang daan papuntang Antipolo. May magandang Resto kasi doon na gusto niyang puntahan namin na may magandang view lalo na at night. Mabuti na lang I am wearing a comfy clothes tho, wala akong dalang jacket. Panigurado, malamig sa pupuntahan namin. Medyo malayo pa naman daw kami sa pupuntahan namin kaya magandang pagkakataon na n ito to ask him about James.
"Buds.."
Nilingon niya ako saglit at muling ibinalik ang atensyon sa kalsada at pagmamaneho.
"Hmm?"
I sighed.
"Nagkakausap ba kayo ni James?"
Kumunot ang noo niya.
"Namimiss mo ba si James?"
Awtomatikong nahampas ko siya sa braso and he yelped pero nakangisi naman siya.
"Ang sakit ah? Mapanakit ka Buds."
Inirapan ko siya.
"Tinatanong kasi kita ng maayo."'
Tumawa siya.
"Okay. Nagkakausap kami pero hindi ganoon kadalas. Hindi kami magkasama sa OJT. Why?"
Umiling iling ako.
"Lagi ba siyang busy?"
Nilingon niya ako. Siguro dahil nagtataka siya sa tanong ko. Bumalik ang tingin niya sa kalsada.
"Well.. Busy naman talaga siya. Busy kay Katty.'
Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya. Busy kay Katty? Paanong busy siya kay Katty eh umiiyak nga si Katty dahil busy si James sa ibang bagay.
"Really?"
Iyon lang ang naging sagot ko. Ayaw kong sabihin kay Storm ang tungkol sa kay Katty. I know how protective Storm is lalo na pagdating sa pinsan niyang si Katty.
"Why do you asked?"
Umiling iling ako.
"Nothing. I texted him the other day tapos walang response."
Pagdadahilan ko.
"Texted him? For what?"
Taka niyang tanong sakin.
"Just about the upcoming event ng School. You know, Christmas Party."
Patay malisya kong sabi. Inaral ko na kanina ang sasabihin kong palusot sa kaniya sakaling tanungin niya ako kung bakit parang interesado ako sa kay James. Nakita ko ang pagtaging ng panga niya.
"Ask me about it, Sun. I'm the SSC President."
Napalunok ako ng laway dahil sa pagtatago ng kaba. He's using his cold tone at me. Ibig sabihin ayaw niya sa ginawa ko o sinabi ko. Iyon ang napansin ko kay Storm sa pagtagal. Marami akong nalalaman sa kaniya at sa pagkatao niya. At alam kong ganoon din siya sakin. Binaling ko ang tingin ko sa may car window.
"I just thought you're busy that time kaya kay James ako nagtanong, Buds."
Pagpapalusot ko.
"Yes. I am busy pero I'll be very willing to make time for you."
I sighed.
"Okay. I'm sorry. Ang grumpy mo."
Medyo irita kong sabi sa kaniya. Kanina pa siya masungit sakin. Ayaw niyang mag-take ng joke from me. Ang seryoso masyado. He sighed. A deep sighed.. Hindi ko siya nilingon at hindi na rin naman siya sumagot sa sinabi ko. Nagkaroon ng katahimikan between us. An awkward silence, actually.
He parked the car sa sinabing parking area ng Guard doon sa gate na pinasukan namin kanina. Tahimik pa rin kaming dalawa hanggang sa pagbukas niya ng pinto for me. Lumabas ako ng kotse. Nauna na siyang maglakad at ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa kaniya habang nililibo ng mata ko ang buong lugar. It's a nice place indeed. Napahawak ako sa braso ko dahil ang lamig ng simoy ng hangin. I stop walking nang mauntog ako sa isang matigas pero malambot na bagay. Napaangat ako ng tingin only to find out na hindi pala bagay ang napag untugan ko kundi tao. Malaki at gwapong tao. It's Storm.
"I'm sorry. I wasn't looki--"
'I'm sorry, Buds. I just don't like it when you're not asking for my help and instead asking for someone's help."
I sighed. Kung alam mo lang Storm hindi iyon totoo. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Tumango at nginitian siya.
"It's okay, Buds. May kasalanan din naman ako. Let's not ruin the night."
He chuckled.
"Yes. Let's go."
He intertwined our fingers at naglakad na kami papasok g Resto. Bon Voyager's Resto ang pangalan ng resto. And it screams Cruise ship Resto. Ganoon ang theme at ambiance ng Resto na ito. Talamak na talaga ngayon ang Instagrammable Resto saang lupalup ng mundo.
Naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa likod ko kaya agad akong napatingin sa bandang gilid ko. Si Storm. Nilagay niya sakin ang suot niyang jacket sakin. I smiled at him. Ang sweet talaga ng lalaking 'to. Sweet na caring pa. Looking at him right now, Napapaisip pa rin ako kung bakit sa dinami rami nang nagkakagusto sa kaniya sa isang tulad ko pa siya nagkagusto. Sa isang tulad ko na hindi siya magawang bigyan ng label. He's so patient. Sana lahat.
"Did you like this place?"
Tanong niya sakin. Naupo siya sa kaharap kong upuan. Mabuti na lang talaga hindi high-end ang Resto na ito kaya appropriate naman ang suot ko. Marami rami rin ang tao dito sa Resto pero ang iba ay nasa View Deck pumwesto. Doon kasi kitang kita ang city lights. Talagang maganda ang View. Storm asked me awhile ago kung gusto ko din ba doon pero I refused. Malamig kasi. Baka umuwi kaming nagyeyelo na ako. Yeah. Ang oa ko pero hindi kasi talaga ako sanay sa malamig na lugar mabilis akong lamigin. May tinuro rin sakin kanina si Storm na hanging bridge. At dahil adventurous kami pareho at pareho kaming walang fear of heights, Nagpasya kaming subukan ang hanging bridge after namin kumain. Mas maganda daw kasi ang view doon sa dulo ng hanging bridge dahil mas mataas at mas kita ang city lights.
We ate in silence. After a little while, nakapila na kami para tumawid sa hanging bridge. Medyo marami rami ang tatawid. Ang iba naman ay naririnig kong sinasabi na kinakabahan daw sila sa pagtawid dahil mataas at mhaba ang bridge. I just smiled. Mabuti na lang hindi ako takot sa mlataas. Exciting nga iyon eh. Naramdaman ko ang kamay ni Storm sa beywang ko kaya napatingala ako to see his face,
"Nervous?"
Tanong niya. Umiling ako.
'Excited.'
Sagot ko. He chuckled. Nakita ko ang isang grupo ng mga babae na nakatingin samin or I must say, nakatingin kay Storm. Mga mukhang kinikilig. Tumaas ang kilay ko and I smirked. Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Storm kaya napatingin siya sakin. Ngumiti siya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa palapulsuhan siya. He hold my hand kaya napakagat labi ako. Kilig. Binalingan ko ang mga babaeeng nakatingin sa kaniya kanina and I saw them rolled their eyes at me pero tinaasan ko lang sila ng kilay. As if. I heard Storm chuckled kaya nilingon ko siya.
"Ang authorative ng Buds ko."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. I twitched my lips at saka ko siya inirapan.
"So what?"
Mataray kong sabi sa kaniya. He pinched my cheeks with his other hand.
"Cute."
Ngumiti ako. Alam kong cute ako. Cute na maganda pa.
We crossed the bridge in no time. And the view was breathtakingly beautiful. Lalo na kapag nandito ka na sa dulo ng hanging bridge. We stayed there kahit malamig. Mabuti na lang naka-jacket si Storm kaya isinuot niya muna sakin ang jacket niya but he's hugging me from my back right now. Para raw hindi siya lamigin at hinayaan ko na lang din. I like it when he's hugging me.
"do you always go here?"
I asked him.
"No. Si James lang nagsabi sakin about this place."
Ahh. So James had been here. with Katty kaya?"
"With Katty?"
I asked again.
"Yes. They'd been here just last week.'
Last week? But Katty are with us the whole week, last week. Nasa Condo lang kaming tatlo dahil busy kami mag-aral for Preliminary Exam. Baka umalis sila ng gabi? Pero dapat sinabi samin ni Katty kung totoo man na umalis sila ni James. Di kaya..Umiling iling ako. No. Imposible. Hindi naman siguro magdadalas ng ibang babae dito si James diba? He will never cheat. Masyado niyang mahal si Katty. Oo. I should asked Katty about this.. Or kay Vanessa na lang muna?
"Buds.."
"Hmm?"
"Madalas bang sabihin sayo ni James na magkasama sila ni Katty?"
"Yes. Ang alam ko magkasama rin sila kanina. Nagmamadali siya kanina nang makausap ko sa phone para itanong ulit ang tungkol sa lugar na'to. Aalis daw siya. may pupuntahan kaya wag daw ako istorbo."
Pero tulog si Katty sa Condo ko. O baka magkikita nga sila o pupuntahan ni James sa Katty sa Condo? Baka ganoon nga. Dahil nga hindi na umuuw si Storm sa Condo hindi niya na rin alam kung nasaan ba si Katty. Bakit parang gusto ko na rin magduda? Bakit parang lahat nang hinala ni Katty, totoo? Bakit parang gusto ko na rin maniwala na may tinatago nga si James?
We didn't stay ther for long dahil kailangan na namin umuwi. May pasok ako at si Storm naman ay kailanngan nang umuwi ng maaga dahil sa OJT niya. Sinabi niya rin sakin na ilang araw kaming hindi magkikita dahil may out of town project ang Daddy niya at siya ang gustong isama. Sa sarili nilang Firm nag-OJT si Storm. Si James ay sa ibang Company nag-OJT.
"Wag mo na ako ihatid sa Condo, Buds. It's late."
Nguumiti siya pero lumabas pa rin siya ng kotse niya para pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Still the gentleman.
"Buds.."
I warned him but he only chuckled. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siyang ihatid ako. Sabay kaming pumasok ng elevator at hawak niya ang kamay ko.
"Hindi mo naman ako kailangan ihatid, Buds."
Sabi ko sa kaniya.
"But I want to."
Hindi ako umimik.
"Hindi porke't hindi na kailangan, Hindi ko na gagawin. Let me do this while I still can, Buds."
Tumingala ako to see his face. He's looking at me with a smile on his face. Napakagat labi ako. Tumingkyad ako para maabot ko ang mukha niya and when I did nilapit o ang mukha ko sa kaniya and instinctively, I kissed him. Smack lang naman. I don't know how to kiss. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Binitawan ko ang mukha niya at umatras ako para makalayo sa kaniya. Shit! Anong ginawa mo Sunny Daine Alcazar?! Talagang ikaw yung humalik?! Gosh! Nakakahiya ka!
Narinig o ang tunog ng elevator at pagbukas nito. Hindi na ako makatingin sa kaniya. Lalabas na dapat ako nang naramdaman ko ang paghila niya sakin. Pinindot niya ang grounfloor botton kaya muling sumara ang elevator. Tumingala ako only ho his face na sobrang lapit sa mukha ko and I instantly close my eyes. I felt his soft lips on mine. Gumalaw ang labi niya sa labi ko. Kumabog ang dbdib ko. Sobrang lakas na para bang sasabog na ito. He's kissing me! Storm Thompson is kissing me! Sa loob ng elevator. At dahil naging alipin ako ng emosyon ko, Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa beywang ko. He deepened the kiss at sinundan ko lang ang ritmo ng halik niya.
I knew, right at that moment.. I am inlove with him. I am so much deeper inlove with Storm Thompson.
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...