Page Forty-five.
——————————Parang hinahalukay ang tiyan ko na hindi maintindihan. Panay suka pa ako dahil sa ayaw ko sa amoy ng pabango ni Storm. Ugh! I hate this morning sickness! Halos yakapin ko na ang inidoro dahil sa kakasuka.
"Buds.. you okay?"
"Oh please, Storm! Lumayo ka sakin dahil ayaw ko sa pabango mo! Nasusuka ako lalo!"
"O-okay. Lalabas na ako."
"Gamitin mo perfume ko at i-spray mo sa buong kwarto natin! I hate your smell so much!"
"Ha?"
"Anong ha? Bingi ka ba?!"
"Ah.. si-sige."
Umalis siya sa pinto ng banyo at ginawa ang pinapagawa ko. Tss. Nakakairita. Hindi naman sobrang sensitibo ang pagbubuntis ko kay Stormi noon pero ngayon, ang tindi! Hindi ko kinakaya. Magdadalawang linggo na rin simula nang malaman kong buntis ako. Agad akong sinamahan ni Storm sa OB ko para magpa-check up at sinabi saming three weeks pregnant na ako. Ngayon naman ay malapit na mag-five weeks. Ilang linggo pa ang titiisin ko sa morning sickness na ito? Nakakapagod na. Nang pakiramdam ko naisuka ko naman na lahat ay lumabas na ako ng banyo at nakita kong nakaupo si Storm sa gilid ng kama at tila ba hinihintay ako. Nakatingin lang siya sa sahig at parang malayo ang iniisip. I sighed. Alam kong ang sungit ko sa kaniya tuwing umaga dahil sa morning sickness ko pero hindi siya nagrereklamo. Naamoy ko na ang pabango ko sa buong kwarto kaya mas unaliwalas na ang pakiramdam ko. He changed his office clothes. Marahil ay dahil sa pabango niya.
"Buds.."
Agad siyang tumingin sakin at saka ako nginitian. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Nagulat man sa ginawa ko ay niyakap niya din ako.
"I'm sorry kanina."
And I mean it.
"It's okay Love. I'm okay. You want some breakfast? Umalis na pala sina Sabel at Stormi dahil may pasok pa anak natin."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka ngumuso.
"Ayoko ng luto mo Storm. May niluto ba si Sabel for breakfast?"
"Ye-yeah. Ihahatid ko ba rito o sa baba ka na kakain?"
"Sa baba na. Doon na rin ako magsusulat. Pupunta ka pang SDT diba?"
"Pwede naman akong mag-stay dito if you want."
Umiling ako.
"Buntis lang ako Storm pero hindi pa naman ako lumpo. Tara na."
Aya ko sa kaniya. Inalalayan niya ako lalo na sa pagbaba sa hagdan. Hindi ako sanay dahil nga nang magbuntis ako kay Stormi wala naman siya sa tabi ko pero kahit ganoon, nakakatuwa na nandiyan siya para sakin. Ang bilis lang ng panahon. Dati pareho lang kaming estudyante ni Storm at walang alam kundi ang mag-aral at maging best sa kung saan kami nag-e-excel. Looking back, ang laki nang ipinagbago naming dalawa but still there are some point in our lives na nandoon pa rin ang pagkatao ng batang Storm at Sunny.
Pinaghanda ako ni Storm nang makakain at nakatitig lang siya sakin habamg sumusubo ako ng pagkain. Ngumuso ako.
"Hindi ka ba kakain?"
Umiling siya at saka ngumiti.
"Nag-breakfast na ako with Stormi at Sabel kanina. But if you want, pwede akong kumain ulit para sabayan ka."
Ngumisi ako.
"No need, Buds. I'm fine as long as you're there watching me."
"Ayaw mo talaga sa luto ko?"
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...