Page Twenty-three

34 3 0
                                    

Page Twenty-Three.
——————————
Matapos ang masaya at unforgettable Grand Ball experience ko, heto at school works naman ang inaatupag ko.
That Grand Ball was unforgettbale and memorable. Not just for me pero pati na rin dito sa babaeng kaharap ko. Tumaas ang kilay ko at nandito na naman ang urge ko to teases her.
"Van.."
"Sunny Daine Alcazar, kung wala ka rin namang magandang sasabihin, manahimik ka na lang."
Tumawa ako. Napaka. Ang seryoso masyado. Gusto ko lang naman malaman what happened during Grand Dance. Hindi namin alam na papatayin pala ang ilaw pagpatak ng twelve midnight at ibabalik ang ilaw after five minutes. Nakaupo pa rin naman kami ni Storm during that time pero nang bumalik ang ilaw, I saw Vanessa and Kalvin staring at each other. Na para bang meron silang sariling mundo. I knew they kissed pero ayaw aminin ni Vanessa at ayaw niya rin ikwento. Ilang beses ko nang sinubukan na kausapin siya about it pero masyado talaga siyang matigas.
"Bakit kasi ayaw mo magkwento ha? Para namang hindi mo ako best friend!"
Ngumuso ako. She sighed.
"Alam mong hindi uubra sakin yan. diba?"
"I'm serious, Van."
Talagang inayos ko ang ekspresyon ko para maniwala siyang seryoso ako kahit na seryoso naman talaga ako ngayon.
"Okay. What do you wanna know ba?"
"Ang conyo! Lagi kayong magkausap ni Katty noh?!"
Himig nagtatampo na ako dahil nagtatampo talaga ako! Tss. It's like mas marami pang alam sakin si Katty pagdating kay Vanessa eh.
"Kasalanan ba namin na lagi kang wala dahil kasama mo si Storm?"
Inirapan ko siya. Hindi naman kami laging magkasama ni Storm pero madalas naman kaming magkausap kapag hindi kami magkasama.
"Ano ba gusto mo malaman?"
Seryoso niyang tanong sakin. I sighed.
"Ano ba ang gusto mong ipaalam sakin? Hanggang saan ba ang kaya mong sabihin at aminin sakin?"
Hindi siya nakaimik. I sighed.
"I am not asking you because I want you to tell it to me, willingly. I am not asking you right now. I'm teasing you, Van."
"Are you.. mad?"
Pag aalangan niyang tanong. Umiling ako.
"Nagtatampo? Oo. Pero if you're not uncomfortable with me, it's fine. Hindi kita pipilitin basta sabihin mo lang na ayaw mong sabihin sakin para alam ko where to stand in your life, Vanessa. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ako."
Kinagat niya ang kaniyang labi. Right now, I am not teasing her. Seryoso ako. May mga bagay din naman akong itinago sa kaniya at piniling wag sabihin but in the end, sinasabi ko pa rin whenever I am ready.
"Kalvin is courting me. Alam mo na yun, Alam ko. I.. like him. No.. I love him. I did love him a long time ago."
Nagulat ako sa sinabi niya. Lumaki nga halos ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko siya magawang sagutin. There is one reason why I just can't."
"And what is it?"
"He likes you, Sunny. Matagal ka na niyang gusto."
What?! Me?! Si Kalvin?! How?! Why?!
"Pinagtitripan mo ba ako Vanessa Miller? Wag ka na mag-kwento."
Tinampal niya ako sa noo.
"That's why I'm telling you na clueless ka sa paligid mo. Na wala kang pakialam sa paligid mo. Hindi mo alam na maraming nagkakagusto sayo. At isa na dun si Kalvin."
"Ano bang pinagsasabi mo Van? Hindi ka na nakakatuwa."
"I'm not trying to make you laugh right now. Yan ang dahilan kaya hindi ko magawang sabihin sayo ang tungkol samin ni Kalvin."
"Kaya wag mo na ikwento. Hindi na ako interesado."
Pagputol ko sa gagawin niyang kwento. Alam kong hindi siya nagbibiro pero gusto ko na lang isipin na nagbibiro siya. No. Ayoko. Ayokong isipin ang sinabi niya. Ayokong isipin na may nasasaktan ako at best friend ko pa.
"Interested or Not, I guess Katty is right. Dapat kong sabihin sayo ang lahat para alam ko rin kung dapat ko bang sagutin si Kalvin o hindi. Dapat matanggal ang doubt at what if's sa puso ko bago ko papasukin si Kalvin sa buhay ko."
"You opened your door for him the moment you realized that you like him."
She chuckled.
"Ohh! Love guru ka na rin?"
"Kwento ka na. I'll listen. But before ka magkwento I want you to know that Kalvin likes you.. so much. Nakita ko yun."
She rolled her eyes at me. Tumingin siya sa malayo na para bang may malalim na iniisip.
"I first met Kalvin because of you. I did like him dahil ang caring niya satin pero mas nga lang sayo. Nakuha niya atensyon ko dahil may mga bagay kaming pagkakapareho. Hanggang nung mag-high school tayo, nandoon pa rin ang pakiramdam na gusto ko siya pero ibang level na. And ayon.. napagtanto ko that I'm falling inlove with him."
"Go on."
Sabi ko nang tumigil siya sa pagkwento.
"Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko nang minsang marinig ko sila ng mga kaibigan niya na nag-uusap tungkol sa babaeng gusto ni Kalvin. Nag-expect ako na baka ako yun kasi akala ko mas nagkakaintindihan kami kesa sainyong dalawa. Pero hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko hanggang sa nag-graduate tayo sa high school."
"And it was your grieving year because Tito Daddy died. right?"
Tumango siya.
"Naalala mo bang madalas umaalis ako ng bahay sa hapon?"
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Oo. Naaalala ko iyon. Dapat nga susundan ko siya kung saan siya nagpupunta but Tita Mommy and Mama told me not to. Na hayaan ko muna siya dahil alam kong nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ni Tito Daddy. So I let her be pero lagi akong nakaabang sa pag-uwi niya.
"Kalvin and I are always together. Siya ang naging takbuhan ko noon to forget the pain. We used to go to arcade just to play basketball. Naging bonding namin iyon hanggang sa nagsimula na ang pasukan sa ALA. Alam ko doon pa lang na hulog na hulog na ako sa kaniya at akala ko may nararamdaman na rin siya para sakin."
"Sinabi mo ba sa kaniya ang nararamdaman mo?"
Marahan siyang tumango. She leave a deep sighed.
"Nagtapat ako sa kaniya. I told him that I love him. Pero alam mo ba kung ano ang sagot niya sakin?"
Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang eksaktong sinabi ni Kalvin pero alam ko it involves me.
"Sorry, Van. I like Sunny. Matagal na. Yun ang sabi niya. Right from there, I forbid myself from liking him. Doon na nagsimula na lagi kaming nagtatalo. Na akala mo dahil lang sa nagkasagutan kami sa isang subject natin noong freshmen year? No. That's the time that he told me that he likes you and he was sorry that he mislead me."
"Van.."
Malungkot kong sabi. Umiling iling siya.
"Wala kang alam. Hindi mo alam. Kaya ni minsan hindi ako nagtanim ng inis sayo at hindi ako nagalit sayo. Pero minsan napapatanong ako kung bakit hindi ako magawang gustuhin ng taong gusto ko samantalang ako yung laging nandiyan para sa kaniya."
"He loves you, Van. Kalvin loves you right now."
"Paano kung hindi? Paano kung ginawa niya lang yun dahil alam niyang gusto ko siya hanggang ngayon at hindi ka na pwede dahil kayo na ni Storm?"
"Trust him. Sabi mo sakin noon, I should trust Storm. Yun din ang dapat mong gawin. You should trust him."
"Paano kung saktan niya lang ako? Paano kung marealized niya na ikaw pa rin talaga ang gusto niya?"
Umiling iling ako.
"Van.. Hindi ganoon si Kalvin. Kilala mo siya. Hindi siya ang taong gagamit ng ibang tao para manakit ng iba at saktan ang sarili niya. He's true to his words."
"That Grand Ball was the best grand ball I've ever attended. Naging special ang gabing yun because I got the chance to be with him. Sobrang saya ko, beh. Sobrang saya ko na takot na takot ako ngayon."
Gumaragal ang boses niya at nakita kong tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Tumayo ako at naglakad papunta sa kaniya para yakapin siya. Hindi ko alam na ganito na pala pinagdadaanan niya. Hindi ko alam na ako naging dahilan kung bakit ganito ang iniisip niya ngayon. Kung paano niya kinimkim ang sakit habang nasa tabi ko siya is beyond my imagination. Ni hindi ko nakitang nasasaktan ko siya. Lagi siyang masaya kapag kausap at kasama ako.
"I'm sorry, Van. I'm really sorry. Hindi ko alam na.."
"Wala kang kasalanan, Sunny. Please.. This is just my insecurities and doubts. Wala kang kasalanan."
"Still. Napaka insensitive ko. Wala akong alam, Van."
"Sshh.. Wag ka ngang umiyak diyan! Ako lang dapat ang iiyak!"
Natatawa niyang sabi. And yes, I am crying. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Hindi ko lang lubos akalain na ako nag-trigger ng insecurities niya at doubts niya. Hindi ko akalain na may ganoon na palang nangyayari na hindi ako aware sa kahit na ano.
"Do you think, Kalvin's worth the risk?"
Tanong niya. Pinunasan ko ang mga luha sa kaniyang mata gamit ang palad ko. I smiled at her.
"Of course, yes. He loves you, Van. If you only knew. Kung ano man ang nararamdaman niya sakin noon? It was all in the past. You're his present and future kapag sinagot mo na siya, syempre."
Pinalo niya ako ng mahina sa braso ko. Ngumiti siya sakin.
"Tingin mo alam ni Storm na gusto ka ni Kalvin dati?"
Napaisip ako sa tanong niya at umiling.
"Hmm.. Hindi ko alam and I don't care. It doesn't matter, anyway. Kaya dapat.. ganoon ka rin. 'wag mo na isipin yun. Tapos na yun. Ikaw na mahal niya, Van."
Tumango tango siya. Mabuti naman. She smiled at me.
"Pupunta tayo sa birthday party ni Kalvin pala. At siguro, doon ko na rin siya sasagutin? What do you think?"
Natawa ako. Dalaga na best friend ko.
"Parang ang saya naman masyado ng birthday ni Kalvin. Hindi mo pahihirapan? Makabawi man lang sa pananakit niya sayo?"
She rolled her eyes at me.
"He deserves all the happiness. Kapalit nang pananakit mo sa kaniya ng maraming taon!"
Tumaas ang kilay ko.
"Wow! So am I the Villain here?"
"Tss..honestly speaking, mapanakit ka Sunny."
"What?!"
Tumango tango siya.
"Mapanakit ka. Ilang lalaki kaya ang nasaktan mo nang pinili mo si Storm?"
Kinurot ko siya sa kaniyang braso.
"Dami mong alam! Kain na tayo. Gutom na ako!"
Pag-aaya ko sa kaniya. Agad naman siyang sumunod sakin. At the back of my mind. Hindi ko kailanman naisip na may mga tao rin palang nagkakagusto sakin. Akala ko kasi talaga, Si Storm lang ang nag-iisang lalaki na nagkagusto sakin. Dahil siya lang naman ang lalaking nagawang lumapit sakin na walang pag-aalinlangan. Magkaibigan si Storm at Kalvin, matagal na. Alam kaya ni Storm ang tungkol doon? Now I'm wondering kung naiisio din ba ni Storm na may ibang nagkakagusto sakin?
After ng klase namin ay nagpaalam sakin si Vanessa na aalis sila ni Kalvin. Kung saan? Hindi ko alam at hindi ko na tinanong. Basta pinaalalahanan ko lang siya na umuwi ng maaga dahil pupunta si Tita Mommy sa Condo ngayon.
Dali dali akong naglakad nang makita ko sa labas ng gate ng ALA ang kotse ni Storm na nakaparada sa gilid ng kalsada. Nang makalapit ay kumatok ako sa bintana ng kotse niya. Agad siyang ngumiti ng makita ako. I opened the car door at pumasok doon. Agad kong nilapit ang mukha ko kay Storm at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. He chuckled kaya napanguso ako.
"What?"
Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya.
"Nothing. How's your day? Bakit hindi mo kasama si Vanessa?"
"Kasama si Kalvin. Oo nga pala, Did Kalvin invite you to his birthday party, tomorrow?"
Tumango siya.
"Lagi naman akong nandoon. Ikaw lang ang wala. Ang alam ko magkaibigan kayo ni Kalvin eversince elementary ah. Bakit hindi ka pumupunta? You two aren't close either."
"Curious ka?"
"Oo. Kasi hindi naman kayo nagpapansinan sa School. Para ngang hindi kayo magkakilala."
"Hindi naman nasusukat ang pagkakaibigan sa dalas nang pagsasama. In our case, Kalvin and I are friends without the bond or anything."
"Kaya siguro hindi niya nagawang mag-confess sayo dahil ni-friendzone mo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. He knew?!
"A-alam mo?!"
Ngumisi siya.
"So.. alam mo na rin? Kailan pa?"
"Sinabi ni Vanessa sakin."
Ngumuso ako. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Really? anyway, it was already in the past. Besides, hindi ka naman talaga gusto ni Kalvin in a romantic way, Buds."
"Seriously?!"
Tumaas ang kilay niya.
"Disappointed ka? Hmm.."
"Hindi noh! Napaka mo Buds."
Tumawa siya.
"Well, Kalvin thought he likes you at first. Pero nang mag-confess sa kaniya si Vanessa at nilayuan siya ng best friend mo, doon niya lang narealized na, He likes you but he loves Vanessa."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"He likes you as a woman. You're smart, beautiful and talented. Kaya nagustuhan ka niya. You're beyond his dream girl. Pero si Vanessa ang nagturo sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. He loves Vanessa Miller so much na handa siyang maging manliligaw ni Vanessa habang buhay."
Natawa ako sa sinabi niya. That's not impossible, actually. Kapag naisipan talaga ni Vanessa na hindi siya sagutin, magiging manliligaw lang siya ni Vanessa habang buhay.
"Kaya ba hindi ka nagseselos when Kalvin is around me?"
"Not really. Not until I saw you talking to him the day after my confession. Handa na akong suntukin siya for trying to comfort you."
Oohh.. Naalala ko ang araw na yan. May pinabigay pa nga siyang pagkain para sakin kay Vanessa. So.. He's jealous pala that time. Kaya pala masama ang tingin niya kay Kalvin.
"Alam mo bang ang dami dami kong kaagaw sayo?"
"Pinagsasabi mo?"
He rolled his eyes at me.
"Seriously, Buds. Kahit sa bsketball team namin ikaw halos ang bukambibig nila. Those assholes!"
"Bibig mo, Storm thompson!"
Saway ko sa pagmumura niya.
"Mabuti na lang mga torpe sila. They never got this chance."
"Proud ka na niyan sa sarili mo?"
Nakangiti siyang tumango tango habang nakatingin sakin.
"Of course! You're mine now. Officially mine. Who wouldn't be proud?"
"Di mo naman naisip na baka kaya ka lang ganyan sakin kasi you did saw me as a trophy? a challenge?"
Tinaasan niya ako ng kilay at pinitik niya ang noo ko. I yelped.
"What was that for?!"
Inisi kong sigaw sa kaniya.
"You are never a trophy nor a challenge for me. You are my everything, woman!"
"O kaya ako niligawan mo kasi hindi mo magawang ligawan ang ling time crush mo?"
Tumaas ang kaniyang kilay at tumawa. Oo. Tumawa siya na para bang may sinabi akong nakakatawa kahit wala naman.
"Patawa tawa ka pa diyan. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang long time crush na sinasabi mo."
"Buds.. You're really impossible!"
Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Tell me the truth, Storm. Sino ang long time crush mo? Baka naman si Melissa lang yan?"
"Melissa? Melissa Rastan?! No way!"
"Then who?!"
He sighed.
"You really wanna know?"
"Oo!"
Matapang kong sabi kahit na hindi ko maiwasang isipin na baka masaktan ako. Syempre long time crush niya yun eh.
"Okay. Meet her then."

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon