Page Seven

46 5 0
                                    

Page Seven.
----------
"I love you. I love you Sunny Daine Alcazar."
Paulit ulit sa utak ko ang huling sinabi sakin ni Storm nang nasa Sky Eye kami. Yung fear of heights ko pakiramdam ko biglang nawala dahil iyon na lang yata ang maaalala ko kapag nasa matataas akong lugar.
After that Tagaytay Date we had. Hanggang sa pag-uwi nahihilo pa rin ako sa confession ni Storm. But he assured me na, it's okay. Na he's willing to wait for my response. Ang pakiusap niya lang ay wala sanang may magbago sa aming dalawa. Ginawa ko. Dinadaldal ko pa rin naman siya noong pauwi kami ng condo. Hanggang sa pag-uwi, kinakausap ko siya at masaya naman siya sa pagsagot sakin. Nasa isip ko, it's nothing. I can figure it out after a long time of thinking about it. I should talk to Vanessa and Katty about Storm's confession to figure myself too. Para naman may gumising sakin.
But as I enter my condo unit, nakabungad sakin si Vanessa at Katty na para bang hinihintay talaga nila ang pagdating ko.
"Beh, can you explain this?"
She handed me her phone and so I checked it. It's an Instagram post from.. Storm. Dalawa ang picture na iyon. Ang unang picture ay ang papalubog na araw. Nagulat ako at the same time kabadong kabado. Nasa Sky Eye kami nito. I swiped left at mas nagulat ako kung ano iyon. It's a stolen picture of me looking at the sunset. Mukha ko hanggang balikat lang ang kita. Napatingin ako sa baba and I was shocked nang mabasa ko kung ano ang caption niya.
thestormT: I love view and you :) itssunnydaine :*
Isang oras pa lang ang nakakalipas ng i-post niya iyon pero umani na ng almost 5,000 reactions and 2000 comments. Hindi ko na ni-check ang mga comments. Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako which is, kinikilig naman talaga ako pero nandoon ang kaba at pag-aalinlangan sa hindi ko malamang dahilan. Napaupo na lang ako sa sofa.
"Are you two..?"
It's Katty. Yung kilig kitang kita ko sa kaniyang mukha. Vanessa is just staring at me with a smirked.
Umiling iling ako.
"No."
"No?! So ano yan?!"
Gulantang na tanong ni Katty.
"He.. he confessed to me nung nasa sky eye kami and.. and.."
"And what?! Wag kang pa-curious diyan beh!"
Tumatawang sabi ni Vanessa.
"Wala akong response. Wala akong masabi."
"Eh?"
Dismayadong sabi ni Vanessa.
"Hindi ka nagsalita after his confession?! Ano ba sinabi niya sayo? Spill!"
Si Katty.
"I love you. I love you Sunny Daine Alcazar."
Sabay silang tumiling dalawa. Hinayaan ko. Gusto ko rin tumili kung alam lang nila pero hindi ko magawa. At hindi ko alam kung bakit.
Katty gasped. Napatingin kami sa kaniya ni Vanessa. Iniharap niya sakin ang phone niya.
"Kuya Eros just commented. Read it."
Erosthompson: Wow! Wanna meet her, Storm. When are you two available?
Napa-face palm ako. Gosh! Storm did just put me into the spotlight!
Tumili si Vanessa na nakibasa rin sa comments.
"Girls.."
Natigil sila at nakangising nakatingin sakin. I am worried. Tinignan ko sila.
"What should I do?"
Nilapitan ako ni Katty.
"Mahal mo ba?"
"Pagmamahal na ba agad 'to? I mean.. parang ang bilis naman."
Umiling siya.
"Wala sa tagal o bilis 'yan, Sunny. It's on how you feel about it."
Umiling ako.
"Hindi ko alam. Honestly, I don't know. Storm assured me na he can wait for me but.. I feel guilty."
"Guilty.. because?"
Si Vanessa. She's now serious.
"Because.. I don't think I am ready for this or will I be ready for this."
Hindi sila umimik. Dahan dahan nilapitan ako ni Vanessa at niyakap ako. Hindi ko alam what did happened to me but I just cried. Umiiyak ako. Naramdaman ko ang paghagod ni Katty sa likod ko as if assuring me that everything will be okay and it's kinda soothing.
"Sunny, you don't have to force yourself into anything lalo na if you're not ready. Just let Storm know what you really feel about it."
She looked at me and smiled at me.
"Storm will understand you. You two should talk. When you're ready."
Tumango ako. Kailangan ko yata munang kalmahin ang sarili ko. Kailangan kong pag-isipan 'to.
*****
I woke up early at umalis ng condo ng mas maaga. Hindi ko na hinintay pa sina Vanessa at Katty. I was just here in our room. Nakapangalumbaba at malayo ang tinatanaw. I can see the department ground from here. May SSC Meeting mamayang hapon at hindi ko alam kung aattend ba ako o hindi. Parang hindi ako handang harapin si Storm. I sighed. Ayaw ko siyang harapin. I honestly doubt that I can still be comfortable around him. Akala ko okay na. Yung sakin lang siya nag-confess. Pero iba pala kapag iniisip ko na baka pinag uusapan ng ibang tao yun lalo na at wala pa naman akong sagot sa sinabi niya. Hindi ko alam where should I stand.
"Wow! You're too early, Nerdy Sunny!"
Inirapan ko siya. Nawala ang ngisi niya at kunot noong lumapit sakin.
"For someone who had an admirer like Storm Thompson? Ang taray mo naman ngayon. Busangot pa mukha!"
Inirapan ko ulit siya. Naupo siya sa kaharap na upuan ng upuan ko. Nakatitig lang siya sakin na para bang tinatantya niya mood ko. I sighed.
"Kalvz.. please."
Sabi ko. Wala talaga ako sa mood ngayon. And for pete sake! Naisip ko na ang ganitong eksena. Na may makakapuna. Hello?! Si Storm Thompson yun! Ako nga lang yata ang hindi nakakakilala sa kaniya dito sa ALA.
"Oohh.. one sided love pala? You don't like him? That's the first! Hahaha!"
Tumatawa niyang sabi. Seryoso ko siyang tinignan.
"What do you want, Kalvz?"
Umiling siya at nginisian ako. He patted my shoulder.
"I don't know what you are exactly feeling right now, Daine. But.. let me tell you this.."
I waited for him. Okay. Here's a little fact about me and Kalvz at kung bakit ganito siya sakin makipag-usap. Kalvin was my elementary classmate. Pero dahil outgoing siyang bata, hindi kami naging malapit sa isa't-isa. But we are fine with each other. Sila lang naman ni Vanessa ang hindi talaga nagkakasundo kahit noong mga bata pa kami. Kalvz is someone who will know what's on your mind by just looking at you and talking to you. Mukha man siyang maangas at literal siyang gagong estudyante but this guy is smart. He's nice. Kahit pa madalas niya akong tawaging Nerdy Sunny. He was only person who called me by my second name. At kapag tinatawag niya ako sa second name ko, I know he wants to have a serious conversation with me.
"Storm is a nice guy. And when he likes someone, it's true. When he wants something, he'll make an effort to get it."
Tinaasan ko siya ng kilay but I didn't say a word. He smirked.
"I thought you are already a couple two months ago. But it seems like, ang hina talaga ni Storm."
Inirapan ko siya and he chuckled. Pinisil niya ang pisngi ko. Napa-aww ako kaya binitawan niya rin naman agad at tumawa.
"Lingon ka sa kaliwa. He's here. At malapit niya na yata akong patayin."
Agad akong napalingon sa kaliwa. Sa may pinto nakita ko si Storm na masama ang titig samin. Bumalik ang tingin ko kay Kalvz. He patted my shoulder again as if telling me na "it's okay. He won't kill me." Umalis na si Kalvin at naupo sa usual seat niya.
Nilingon ko ulit si Storm pero nakita kong natabunan na siya ni Vanessa at Katty. It looks like they're talking. Maya-maya nakita kong umalis na si Storm at pumasok na sina Katty at Vanessa sa room. Naglalakad palapit sakin. Vanessa smiled at me at may ipinatong na paperbag from starbucks.
"Pinabibigay ni Storm. You should eat daw."
Tumango ako. I was touched. I appreciate the effort, really. Pero mas umaapaw ang pag-aalinlangan.
"Di mo na kami hinintay, Sunny."
Si Katty. She pouted her lips na akala mo nagtatampo.
"I'm sorry, Kat."
"Iniiwasan mo siya? You can't do that for a lifetime, beh."
Si Vanessa.
"Alam ko. I just want to stay away from him.. for now."
Tumango siya.
"Iyon nga ang sinabi ko sa kaniya kanina."
Kumunot ang noo ko. Kinausap niya si Storm? Why?
"Guess you can't tell him to stay away from you for now kaya ako na nagsabi on your behalf."
Ngumisi siya. Inirapan ko na lang. Napatingin ako sa paperbag. Binuksan ko ito. A coffee and a bagel na may strawberry toppings. There's a small note.
You should eat, Buds.
- Storm
Napangiti ako. Still sweet. Ewan ko lang kung bakit parang galit siya sakin kanina siguro dahil nararamdaman niyang iniiwasan ko siya.
Our classes went well. Nagpaalam ako kina Vanessa at Katty na mauuna na ako sa kanila dahil may meeting kami sa SSC Office. Lakad takbo ang ginawa ko papuntang SSC Office. Mukhang late ako ngayon pero wala eh. Naparami ng kwento Prof namin at hindi namalayan ang oras. Nasa may harap na ako ng SSC Office. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang buhok ko pati ayos ko. Kumatok ako ng tatlong beses at saka ko pinihit ang seradura ng pinto. Cold air coming from the aircon ang bumungad sakin. Nagulat ako when I saw all of them looking at me. Napakagat labi ako. I am so late! Tumikhim ako.
"I'm sorry late na ako. Kagagaling ko lang sa last subject ko."
Paumanhin ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Amber na ngayon ay nakahalukipkip na nakatingin sakin.
"So are we."
Mataray niyang sabi. Hindi ko na siya pinansin. Naupo ako sa bakanteng upuan.
"It's okay, Sunny. Magsisimula pa lang naman."
Harry assured me. Ngumiti ako. Napatingin ako kay Storm na ngayon ay sa laptop niya nakatingin.
"Okay. Let's start."
Tanging sinabi niya at nagsimula na ang meeting.
Ang ikinaganda lang ng Intramurals Week, hindi sa amin ang full responsibility. This time Admins ang obligadong makipag-coordinate per department. Ang trabaho lang namin ay ang budget para sa pagkain ng mga athletes and coaches, their designated room during their game. Ang auditorium kung saan iheheld ang Intramural Games. And lastly, ang Mr and Mrs Intramurals this year at isasabay na rin ang Intramurals Night or Awarding Night. Friday ng gabi ang Intramurals Night. Tahimik lang ako during meeting until Storm ended it. Isa-isa na kaming nagpaalaman.
"Pauwi ka na Storm? Sabay na tayo!"
Si Amber. Hindi ko na sila tinapunan ng tingin. Kailangan ko na makaalis dito. Inayos ko na gamit ko at isinabit na sa balikat ko ang bag ko.
"Going home, Sunny?"
Tanong ni James na papalabas na ng office. Tinanguan ko siya. He smiled at me. Pinauna niya akong lumabas. I wonder kung ano sinagot ni Storm kay Amber. But it's a blessing in disguise for me. Hindi ako nahirapan sa pag-iwas kay Storm.
"May LQ ba kayo ni Storm?"
Nilingon ko si James. Pinantayan niya ang paglalakad. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
"Iniiwasan mo siya."
For sure, James knows everything. Matalik silang magkaibigan. Wala rin namang sense kung itatago ko o magdedeny ako.
"Hindi mo siya gusto? You hate the idea of liking him?"
Umiling ako.
"I just don't know how to deal with this situation we had. Akala ko kaya kong ignorahin pero hindi pala."
Tumango siya expecting that answer from me. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. He smiled at me.
"But you like him?"
Hindi ako sumagot.
"Okay. You like him."
I waited for him to say something pa. He sighed.
"Sasabihin ko 'to not because Storm is my bestfriend.." seryoso siyang nakatingin sakin.
"If you're not ready for anything, make it clear to him. Para alam niya kung saan siya lulugar sayo. Naiintindihan kita, Sunny. But I don't want to see my bestfriend, hurting."
I get it. I know what he's trying to say. Tumango ako.
"Just talk to him. He'll surely understand you. And he will surely wait for you."
Itinaas niya ang kaniyang kamay at winagayway ito. Kumunot noo ako.
"Bro!"
Was it Storm? I glared at James. Tss. Traydor. Nasa kay Storm talaga ang loyalty niya. Naramdaman kong may tao sa likod ko. At amoy pa lang ng pabango alam kong si Storm iyon. Tumingin sakin si James at saka ngumiti.
"Guess I'm done here. You two should talk. Please, talk."
Sabi niya saming dalawa at saka naglakad palayo samin. I sighed. Naramdaman ko ang pagkuha ni Storm sa bag kong nakasukbit sa balikat ko.
"Ako na magdadala."
Mahina niyang sabi. Tumango ako. Siguro kailangan na nga naming mag-usap at maipaintindi sa kaniya ito. Nararamdaman ko ang mga pasimpleng tinginan ng ibang estudyanteng nakakakita samin. Marami rami pa ang estudyante sa ALA.
"Jobee.. dinner with me?"
Tanong niya at saka siya tipid na ngumiti sakin. Tumango ako. It's better to have a talk there kesa naman dito sa ALA.
****
"Eat Sunny. We'll talk, after."
Tumango ako at sabay na kaming kumain. Hindi kami sa jollibee kumain sa sobrang daming tao doon. Kaya nandito kami sa Mad Cafè at sakto hindi masyadong madami ang tao. Dito kami sa rooftop pumwesto para hindi madami ang tao. I am still sipping in my frappe. Deep in my thoughts iniisip ko kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko o ano ba ang sasabihin ko.
"Buds.."
Nilingon ko si Storm. He's looking at me intently.
"Hmm?"
"Am I being too pushy?"
Kumunot ang noo ko. Pero hindi ko magawang makasagot.
"Did my instagram post made you uncomfortable? Did I triggered you in any way?"
Kita ko ang pag-aalinlangan niya. I know he's worried. I sighed.
"Buds.. you're not being pushy. I'm.."
Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Wala akong maapuhap na salita na pwede kong idugtong. I take a sip again. Calming myself.
"If you want some space, I'll give you your space. I won't bother you."
Kumunot noo. Ayoko sa sinasabi niya.
"You're avoiding me simula kanina, alam ko. I just realized na maybe I have to distance myself from yo--"
"Buds! Parang tanga 'to!"
Putol ko sa mga sasabihin pa niya. Distance? Space? I don't want that! Ayoko! Natigil siya at malungkot na nakatingin sakin. I sighed.
"I am not ready for a relationship, Buds. These are all new to me.. you know? Ang hirap. Para akong nagising sa isang lugar na hindi ko alam kung saan."
He sighed. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito.
"I am not forcing you, Buds. If you don't want a relationship..for now, so be it."
"Ayoko maging unfair sayo, Buds. Ayaw ko rin mag-expect ka. Ayaw kong magkasakitan tayo. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil dito."
"Okay. Hindi ako mag-eexpect and you are not being unfair to me, right now. Please.. just.."
Ipinikit niya ang kaniyang mata at muli itong iminulat. Mukha siyang nagsusumamo sakin that it breaks my heart just by looking at him right now.
"Just please.. let me love you. Let me show you how much I love you. Please Buds.."
I sighed. Pinisil ko ang kaniyang kamay na nakahawak sakin.
"Buds.. I like you. I do. Hindi pa ako handa sa isang relasyon but there is a part of me that I want to take this risk because I like you. I can't promise you anything so don't expect anything from me."
Tumango siya. At pakiramdam ko ano man ang sabihin ko ngayon sa kaniya, tatanggapin niya na lang.
"Is it okay to you, if we'll just live in the moment? and we'll see where this lead us?"
Tumango tango siya.
"Yes Buds. Yes. Kung ano lang ang kaya mong ibigay sakin as long as hindi ang iwasan ka, tatanggapin ko. Pero sana.. hayaan mo akong ipakita sayo kung paano kita mahalin."
Tumango ako. Pinisil ko ulit ang kamay niya and I gave him an assuring smile.
"Buds.. ang drama nating dalawa. Hindi ko kaya."
Biro ko sa kaniya. He chuckled. Inilapit niya ang kamay ko sa kaniya and he kissed the back of my palm. There's a sudden electrifying feeling sa simpleng paghalik niyang iyon.
"Thank you, Buds."
Tumango ako. I chuckled. Hindi pa muna kami umuwi matapos ang usapan naming iyon. We talked about school and stuffs. Part of me, kinakabahan ako kung saan ba patungo ang desisyon kong 'to pero isinasantabi ko na lang. Nang nabanggit ni Storm ang distance sumikip ang dibdib ko. Parang hindi ko yata kayang isipin na lalayuan niya ako. Malakas lang ang loob kong iwasan siya dahil alam kong lalapitan at lalapitan niya ako. Pero kung siya mismo ang iiwas? It will surely break my heart.
I came from a broken family. Ni hindi ko nga kilala ang tatay ko. Eversince, nagbago ang pananaw ko sa pag-ibig. That's the reason why I never had a relationship with anyone at wala rin naman akong nagustuhan. Kung meron man, buong paghanga. Not until I met Storm. He rocked my world in a different level. Parang lumakas ang loob ko na subukan ang magmahal. Paunti-unti gusto kong maramdaman ang magmahal at mahalin. Looking at Storm smiling at me telling me how happy he is, ang lakas ng loob kong mag-take ng risk. Na parang hindi ako natatakot masaktan. Na kung masaktan man ako, alam kong nandiyan lang si Storm para sakin. At kung masaktan niya man ako, handa akong maramdaman yun dahil alam kong kahit papaano naranasan ko ang mahalin niya. Naranasan ko ang mahalin ng isang Storm Thompson.
****
Magkahawak kamay ni Storm hanggang sa makarating kami ng Condo Unit namin. He smiled at me and handed my bag. Kinuha ko naman iyon kaagad. He put his two hands on his pocket.
"May morning class ako tomorrow and basketball practice in the afternoon. Maybe we'll see each other at lunch?"
Umiling ako.
"Baka hindi. Dito kami mag-lunch bukas."
Tinuro ko ang Condo. Tumango naman siya.
"I'll text you then."
Nakangiti niya sabi. I chuckled at saka tumango.
"Pasok ka na. For sure, they're waiting for you. Wait.."
Naghintay ako sa sasabihin niya.
"Nagiging pabigat ba si Katty sa inyo?"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"No. We are happy to be with him, Buds. Napaka mo kay Katty."
He chuckled.
"Just kidding. You three seems so close. Para kayong magkakapatid."
Tumango ako.
"Yeah. Triplets!"
Pareho kaming natawa at my remarks.
"Sige na Buds. Pumasok ka na and take some rest."
Tumango ako.
"Good Night, then. Thank you, Buds."
Paalam ko. He sighed. Lumapit siya sakin. He grabbed my waist kaya mas napalapit kami sa isa't isa. Nakatitig lang siya sakin at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya. Napapikit ako. Hahalikan niya ba ako? Sunny! Konting kahihiyan, awatin mo sarili mo! Habang nakapikit may naramdaman akong dumampi sa noo ko. Inimulat ko ang mga mata ko and Storm is still looking at me with an amused look. Binitawan niya ang pagkakahawak sa bewang ko.
"I don't have the right pa to kiss you on your lips. Forehead is enough. Good night, My Sun."
Ngumisi siya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko siya tinampal sa braso niya. Agad niya naman itong hinawakan at umaktong nasasaktan. Inirapan ko. Akala mo naman nasaktan talaga.
"Papasok na ako. Pumasok ka na rin. Good Night."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niyo pero dinig ko ang halakhak niya. Napangisi na lang ako. Lakas ng trip. Akala ko talaga sa labi ko ako hahalikan, sa noo lang pala. Lang pala?! Seriously Sunny?!
"Mukhang okay na sila noh?"
"Probably. Umuwing nakangisi eh."
"Parang nagpipigil ng kilig."
"Mukhang sila na noh?"
"Mukha nga. Hindi umabot ng linggo ang LQ?"
"Marurupok!"
Nawala ang ngisi ko nang marinig ang pinag-uusapan nina Katty at Vanessa habang nakahalukipkip at nakatayo dito sa harap ng pinto. Ako at si Storm ba tinutukoy nila? I sighed. Nababaliw na naman ang dalawang 'to.
"Kumain na ba kayo?"
I asked them. Tumango naman silang dalawa.
"James brought us food kanina. Sabi niya kasi magkasama kayo ni Storm kaya hindi ka na namin hinintay."
Si Katty. Mabuti naman kung ganun. Hindi marunong magluto sina Vanessa at Katty kaya minsan nag-aalala akong iwan sila dito sa Condo. Baka mamatay kakapadeliver ng pagkain.
"Kayo na?"
Si Vanessa. Too nosy. Umiling ako.
"Di pa ako handa. Sabi ko we'll just go with the flow and we'll see where will this lead us."
Tumango siya and smiled at me.
"Good. I just hope wag kayong masanay sa ganyang set-up. I am warning you Sunny, mahirap kapag walang label."
"I disagree. Hindi mahirap ang walang label. Basta nandoon ang assurance that in the end, kayo at pipiliin niyo lagi ang kayo."
Si Katty. I smiled at her. Syempre we are in the same situation now kaya para kaming nagkakaintindihan. Inirapan na lamang kami ni Vanessa.
"Nagkasundo talaga kayong dalawa."
****
It's Tuesday morning. Katty is still asleep and Vanessa is sitting in the sofa at hawak ang cellphone niya. Kinuha ko ang phone ko to call Mama. Agad niya naman itong sinagot.
"Hi Anak! Kumusta?"
I smiled at her.
"I'm fine po. Ikaw Ma?"
"Ayos lang. I just got home from work."
Nakangiti niyang sabi. I sighed.
"Tired?"
Umiling siya.
"No. Not anymore. How's your studies? Where are your friends?"
"Hello Tita Mommy!"
Napalingon ako sa likod ko. It's Vanessa. Narinig niya yata na kausap ko si Mama.
"Oh! Hi Van! Where's Katty? And the two boys? James and Storm?"
"Katty is still asleep po. May pasok naman sina Storm and James, Mama. Hindi sila laging nandito."
Tumango tango naman ito.
"I saw Storm's IG post pala. Are you two dating, anak?"
Shit! Napapikit ako ng mga mata. Hindi ko naalala na Storm and Mama followed eache other on Instagram and even on Facebook. Tumawa si Vanessa.
"Tita Mommy, they're dating but not in a relationship.. PA"
She emphasized the word PA. Mama chuckled.
"Oh.. that's okay. Hindi kailangan magmadali."
"Ma.. wala ka man lang konting pag-strikto diyan or what?"
Tanong ko sa kaniya. Some Moms kasi halos ayaw ipaligaw ang mga anak nila pero si Mama, parang wala lang.
"Why would I do that? Malaki ka na, anak. For sure, alam mo na pinasok mo, hindi ba?"
Tumango ako.
"Sana lahat, Tita Mommy. Baka pag ako nagkaroon ng manliligaw, mag-hysterical si Mommy."
Tumawa si Mama at saka umiling. Pati ako natawa rin. Obviously, agree ako sa sinabi ni Vanessa.
"Well.. Your Mom will surely understand. May nanliligaw na ba sayo, Van?"
Umiling iling naman itong katabi ko.
"Wala, Tita Mommy."
"Then, it's okay. But if the time comes na you'll have a suitor, don't worry. I got you!"
Natatawang sabi ni Mama. I rolled my eyes. Open-minded talaga si Mama na kabaligtaran naman ni Tita Mommy, mommy ni Van. Kaya nga they are bestfriends kasi magkaiba sila at the same time they like each other's company.
"Is that, Tita Sunshine?"
Nilingon namin si Katty na nagpupungas pungas pa. Bagong gising but still look fresh. Grabe. Ibang level talaga ang ganda ni Katty. Tumango kami sa kaniya ni Vanessa. Lumapit siya samin. Inayos ko naman ang phone ko para makita siya ni Mama. She waved her hand and smile.
"Good Morning, Tita!"
Mama chuckled and waved her hand too.
"Good evening, Katty. You look stunning even in your pantulog outfit!"
Tumawa si Katty. Gustong gustong pinupuri! Hahahaha
"You're beautiful, Tita. Thank you for the compliment early in the morning."
We both laughed. Nagkwentuhan pa kami ng ilang saglit nang magpaalam si Mama na matutulog na. I ended the call and we heard a doorbell. Agad na binuksan ni Katty ang pinto at iniluwa nito si Storm na naka- architecture uniform. His hair is still messy but looks good on him. Merong nakasukbit na gym bag sa balikat niya. May bitbit siya.. paperbag from starbucks. Naglakad ako palapit sa kaniya. Iniabot niya kay Katty ang paperbag na agad naman tinanggap ni Katty. Naglakad siya ng konti palapit sakin. Grabbed my waist slowly and planted a kiss on my forehead. Napapikit ako because of the sudden electrifying sensation I felt for just a simple kiss.
Tumikhim si Vanessa and Katty just giggled. Napahawak ako sa tiyan ni Storm dahil sa paghatak niya sakin kanina to kiss me. Ganun pa rin ang itsura namin. I smiled at him and he smiled back.
"I won't stay for long dahil may pasok ako. Wag ka na magluto. I bought your breakfast."
"Kasama ba kami sa budget?"
Si Vanessa habang tinitignan ang paperbag. I rolled my eyes. Makapal talaga ang mukha. Bumitaw si Storm sa pagkakahawak sa bewang ko.
"Yes. Sainyong tatlo yan."
He answered while still looking at me.
"Thank you, Kuya Storm."
Masayang sabi ni Katty. Nilingon ko ulit si Storm.
"You should go na, Buds."
Tumango siya sakin. He kissed me on my left cheek bago magpaalam kina Vanessa at Katty. Hindi ko na siya hinatid sa pinto dahil mas inuna ko lapitan ang paperbag from starbucks. It's not frappe this time. Three iced coffee and bagels with chocolate coating.
"Ang sweet naman. Hindi pa kayo niyan."
Tukso ni Vanessa. Inirapan ko lang siya pero ibinigay ko sa kaniya ang iced coffee niya. Si Katty naman ay kinuha mismo ang natitira pang iced coffee.
"Sana araw-araw may ganito."
Nakangising sabi ni Katty. I smirked at them at tahimik kong ininom ang iced coffee ko. We decided to watch a movie while having our breakfast na dala ni Storm.
****
"Gusto kong magtatalon sa tuwa!"
Masayang sabi ni Vanessa. Paanong hindi sasaya? Wala kaming pasok. Nataon kasing yung Professor namin ngayong araw ay coaches ng ALA. Nagsisimula na kasi ang training and practices para sa Intramurals week na gaganapin next week.
"Tatalon ka pa ba sa tuwa kapag nakita mo 'to?"
Pinakita ko sa kaniya ang emails ng mga Professors namin na hindi kami magagawang pasukan. Puro assignments and projects that should be done by next meeting. Bumusangot ang mukha ni Vanessa.
"Urgh! Nakakairita."
Inis niyang sabi. I chuckled. Si Katty naman ay busy sa phone niya. Hindi ko alam kung ano pinagkakaabalahan niya sa phone niya. Baka si James lang.
"Girls.."
Si Katty. We waited for her to speak again.
"Punta tayong Auditorium. Gusto ko manuod ng basketball practice nina James."
Kumunot ang noo ko. Ang sabi ni Storm gabi pa ang basketball practice nila. Parang nahimigan naman ni Katty ang pagtataka ko..
"Nagbago ng sched ang practice since kailangan din mag-practice ng ibang department na kasama sa basketball game."
Tumango ako. Ni-close ko ang laptop ko at nilagay ito sa bag ko. Kinuha ko ang phone ko and looked at my messages. Baka may text message si Storm. And.. meron nga.
Napaaga ang practice namin. Let's date after?
-My Buds
I replied. Mabilis ang reply ni Storm to me right now.
Good. Love you :*
- My Buds.
Tss.. landi. At ang landi ko rin para kiligin ng ganito. Hindi na ako nagreply. Inilagay ko na sa bag ang cellphone ko at binaling na atensyon ko kina Katty at Vanessa. I didn't Storm na may plano si Katty manuod at balak kong sumama. Wanna see his basketball practice kahit na ayoko sa sports. Sorry, taong libro ako. Hahaha!
"Ano Sunny? Sama ka samin?"
Si Katty. Tumango ako at saka ngumiti.
"Why do I get this feeling na kaya kayo pupunta dahil sa mga lalaki niyo? At ako, sabit lang dito?"
Nagrereklamong si Vanessa. I giggled.
"Beh, Si James ang dahilan kung bakit mahalaga sayo ang Intramurals ng ALA, diba?"
I reminded her obsssesion towards James, before. Inirapan niya ako.
"Noon 'yun. Kay Katty na siya ngayon."
"He's mine even before Van.."
Katty smirked. I chuckled. Humalukipkip si Vanessa.
"Oo na, Kat! Oo na. Parang gusto ko na lang agawin sayo si James!"
"Hahahahaha! Di ka niya type!"
"Urgh! Kaibigan ko ba talaga kayo?!"
Pabiro niyang pagpapakita ng inis samin. Umiling na lang ako.
"It's okay, Van. Maybe it's time for you to cheer for our department sa upcoming Intramurals."
Napanganga siya dahil sa sinabi ko.
"No way! Never kong ibababa ang ganda ko para i-cheer ang Kalvin Dela Costa na yun!"
Tumawa ako. Honestly, It's because of Kalvin why Vanessa never cheer or support our basketball team. Vanessa and her damn ego!
"Why do you hate Kalvin so much? He's nice naman and cool."
Si Katty. Umirap si Vanessa.
"He's not nice and not even cool. Isa siyang malaking kupal!"
Tumawa kami ni Katty. Ang harsh. As we walked papuntang Auditorium, marami ang tumitingin samin. Oo nga pala, papuntang Architectural and Engineering Department na ito. I don't want to assumed pero feeling ko alam ko na dahilan. Pwede naman kaming wag dumaan dito papuntang audi but this is the nearest way kasi. Nasa kabila pa kasi yung another entrance sa Audi which is need mo pa ikutin. At least kung dito kami dadaan sa Department nina Storm, mas madali.
"Wait. I knew her!"
"Who?"
"That girl with a wavy long hair. She's Storm's girlfriend!"
I heard someone's gasped. Naramdaman ko ang kamay ni Vanessa na humawak sa braso ko.
"Beh, should we go back?"
"Oo nga Sunny. Nakalimutan kong maraming fans si Kuya Storm dito. Baka awayin ka."
Umiling iling ako.
"Hindi 'yan. Hayaan na lang natin."
Tumango naman sila. Pagkarating namin ng Auditorium, sabay na kumalas ang kamay nina Katty at Vanessa sa magkabilaang braso ko at saka sila huminga ng malalim.
"Gosh! Kabadong kabado ako!"
"Me too. Nakita mo yung tingin nila satin? Parang kakainin tayo ng buo. Gosh!"
I pouted my lips.
"Di ko napansin."
Sabi ko.
"Wala ka naman kasing pakialam, Sunny."
Tumango ako.
"Right. Kaya dapat mawalan din kayo ng pakialam."
Sabi ko. Umismid si Vanessa.
"Tss.. pasok na nga tayo bago ko pa ipagkanulo 'tong babaeng 'to para kabahan naman ng konti."
Tinawanan ko lang siya. As if. Who the hell are they para pagtuunan ko ng pansin? Nung una naisip ko yan kaya nga umiwas ako kay Storm dahil baka sa sobrang kasikatan niya dito sa ALA, pag-initan ako ng mga fans niya. Pero later on, I realized na anong pakialam ko? Basta we are happy. That's enough. As long as I know that Storm is just there for me? Nothing would scare me.
Pumasok kami ng Audi at dinig namin ang tunog ng mga sapatos at ng bola. I saw James and Storm na halos naliligo na sa pawis. They are still practicing. Nandito kami sa left side ng Audi. We occupied the third bleachers hindi kalayuan sa team player bleachers. May mga nakapatong na mga bag so maybe, kina Storm yun.
Una kaming nakita ni James. He waved at us saka siya lumapit kay Storm para ituro kami. He smiled at me at saka siya nag-focus sa practice.
"Pawis na pawis ang bebe James ko.."
Si Vanessa. I smirked. Katty chuckled. Nilingon siya ni Vanessa.
"You really don't see me as a threat, Katty?"
Umiling si Katty.
"I wanted to. Pero.. hindi talaga eh."
Tumaas ang kilay ni Vanessa.
"So feeling mo mas maganda ka sakin? Di ka threatened sa ganda ko? Sure na yan?"
Tumawa ako. Pati si Katty tumawa na rin.
"Van.. you don't like James romantically. You fantasized him, yes. But admiring him and wanting him all for you? Hindi ko nakita sayo 'yun. So I can never see you as a threat."
Vanessa smirked at saka niya binaling ang atensyon niya sa laro.
"Me and James are very similar. Kaya, hindi ko siya magagawang mahalin at hilinging maging sa akin."
Tumango ako. Vanessa never wants to have a boyfriend na kapareho niya sa maraming bagay. Nang tinanong ko siya noon kung bakit, she just answered me "I can't deal on my own self, dadagdag pa ba ako ng taong katulad ko sa buhay ko? No. I want someone whose capable of taming me and also can be tamed by me.
"Diba it is easy nga to be with someone na kapareho mo? Ibig sabihin lang nun, you'll get along."
Umiling si Vanessa. Pero ang tingin niya ay nasa practice pa rin. Tumingin din ako doon. I saw Storm dribbling the ball and preparing for a three point shot. Babarahin na dapat ni James pero hindi niya naabot ang bola. Pasok ang bola. Napangisi ako. Magaling yan? I never saw Storm play basketball, this is the first time. Kasi tha last two years hindi naman siya sumali. Nandoon ako every Basketball game kahit hindi naman ako into sports. Sinasamahan ko kasi si Vanessa. Familiar ako sa mga player ng Department nina Storm because of Van.
"Shit! Swabe ng three points ni Storm, beh!"
Natawa ako. Hindi niya na yata napansin ang tanong ni Katty.
"It's boring. We have the same wavelength. So kapag pareho naming ayaw, wala nang susubok samin since we both hate the same thing. I need someone who can tame me and I can tame."
Sagot ni Vanessa. I smirked. Namangha si Katty sa sagot ni Vanessa.
"Gosh! That's exactly what James said! Kaya nga minahal niya ako."
Tumango si Van sa sinabi ni Katty.
"Yes. I know. You and James are opposite and.. opposite attracts."
Muling gumawa ng three point shot si Storm. Nagulat kami sa pagtayo ni Vanessa bigla at pumalakpak.
"Wooooh! Go Storm! Kaibigan ko yan! Woooh!"
Pareho kaming nagulat ni Katty dahil sa pagsigaw ni Vanessa. Pinalp siya ni Katty sa pwet na ikinatawa ko.
"Van.. nakakahiya ka! Practice pa lang 'to."
Bulong sa kaniya ni Vanessa. Humalakhak si Vanessa. Gaga gaga talaga 'tong si Vanessa. Napaka unpredictable talaga niya.
"Mas titindi pa 'to sa mismong araw ng game, girls." Pumalakpak siya ulit.
"Yes! Go Storm!"
Napa facepalm na lang ako. Nakakahiya talaga siyang kasama. Kahit noon pa man hindi na talaga nabago ang ganitong side ni Vanessa. Pag ginusto niya, ginusto niya.
"Save it sa game, Vanessa! You'll be the best cheerer our department could ever had!"
Natatawang sigaw ni James sa kaniya. Napatampal ako sa noo. Grabe. Same wavelength, indeed.
"Gosh Sunny! Di ko na sila kaya!"
Natatawang sabi ni Katty. Tumango na lang ako.
Their practice ended after an hour. Hindi pa rin kami umalis sa bleacher. Nagpaalam si James at Storm na mag-shower lang tapos babalikan nila kami.
"Feeling ko mamamaos ako, girls."
Sabi ni Vanessa habang hinihimas ang lalamunan niya. Natawa ako.
"Baliw ka kasi. Sigaw ka nang sigaw. Dinaig mo pa yung Coach nila."
"Natuwa ako masyado kay Storm. Magaling pala siyang maglaro?"
"Hmm.. Kuya Storm is a good basketball player. Sa pagkakaalam ko hindi pa siya nagkaroon ng talo sa laro. He never played basketball when he entered College. He's popular in his high school days."
At this point, marami pa pala akong hindi alam kay Storm. Maybe because hindi naman namin napag-uusapan ng maayos. Maybe I'll ask him mamaya. I should start asking about him and his life para I'll get to know him more. Parang unfair kasi na halos na-share ko na ang buhay ko sa kaniya pero hindi ko nagawang itanong ang buhay niya.
"Bakit nag-stop siya?"
Si Vanessa ang nagtanong. I waited for Katty to answer. Pero nagkibit balikat lamang ito.
"I don't know. Maybe he wants to focus on his studies. Hindi naman passion ni Kuya Storm ang basketball. It's just his past time."
Tumango tango si Vanessa.
"He's born with talent kung ganun. Lumaban lang siya Nationally, mapapansin siya at paniguradong pag-aagawan ng kung sino to enter NBA. He has the it."
Vanessa knows when someone is good at basketball. She loves basketball so much at kahit siya mismo naglalaro ng basketball. Hindi niya passion. Sadyang minahal niya lang ang sport na iyon because of his Dad.
"Mukhang mahihirapan Department natin ngayon kung ganoon?"
Tanong ko kay Vanessa. She smirked.
"Matatapos na kayabangan ni Kalvin. Huh! I can't wait to see him fail!"
"Ang sama mo, Van."
Si Katty. Natawa na lang ako at umiling iling. Napakunot noo naman si Vanessa sa inasal ko.
"May nakakatawa, beh?"
Tanong niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Beh, sabi mo nga diba? You hate Kalvin so much but you can't deny the fact na magaling siya. Nagagalingan ka kay James pero hindi siya kasing galing ni Kalvin. Sadyang ayaw mo lang maging fan ni Kalvin kaya si James pinapantasya mo."
"Really?!"
Si Katty. Tumango tango ako kay Katty at inirapan lang ako ni Vanessa. I smirked. Akala niya ha? Minsan nga iniisip ko kaya ayaw niya kay Kalvin kasi opposite niya. Opposite attracts, sabi niya. Hahahaha!
"Well.. magaling si Storm. Ewan ko lang kung magagawa siyang talunin ni Kalvin." Seryosong sabi ni Vanessa.
"This years Basketball game will be so exciting!"
Dugtong niya. Nakita ko ang ngisi niya. She giggled. See? Kinilig sa sarili niyang thoughts. That's Vanessa Miller, everyone!
****
A/N:
I am planning to write a story of Vanessa. Pero not sure pa kung isasabay ko sa pagsusulat ng Sun and Storm. Hahaha Happy reading! :)
-jajangrayter

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon