Page Fourteen

34 3 0
                                    

Page Fourteen.
——————————
Kapag nalaman mo na niloloko ka ng taong mahal mo, Ano gagawin mo? The usual response is you'll confront him or her. Mag-aaway kayo. Itataanong mo kung bakit ka niya nagawang lokohin. Itatanong mo kung bakit ang taong iyon ang kinaalokohan niya. You'll start questioning yourself and your worth. Diba dapat ganoon?
I am expecting Katty to confront James about what we saw sa labas ng cinema. But she didn't. After crying herself out, Gumising siya ng maaga at nag-review. Wala rin siyang sinabing kahit ano samin. Akala mo walang nangyari att wala siyang nakita. Ang tanging kakaiba lang sa kaniya ngayon ay hindi niya sinasagot phoe calls ni James. She shut him down without a warninng. Tapos na kami mag-take g exam for today, Last day na ng examination bukas. Narrinig ko rin ng usapan ng ibang mga estudyante tungkol sa Christmas Party. I never really experienced a Christmas Party here in the Philippines simula noong ten years old ako.
Nawala ang pagbabalik tanaw ko nang mapansin ang phone ni Katty na nagriring. Sinipat ko ng tingin si Katty at nakatitig lang siya sa phone niya. Wala siyang balak sagutin iyon. I heard Vanessa sighed.
"Hindi mo siya magagawang iwasan, Kat."
Sabi ni Vanessa sa kaniya.
"Alam ko. Hindi ko siya iniiwasan. Hindi ko lang sinasagot tawag niya."
She's cold. This is the first time I saaw her like this. Biglang naglaho ang sweet at friendly niyang aura. Parang ibang tao na ang kaharap ko.
"Paano kung puntahan ka niya dito?"
Vanessa asked her. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Better. Just so everything will fall into its rightful place.'
She smirked. She already had a decision. Ganoon lang. But I know Katty. Mukha lang siyang matapang but deep inside she's dying.
"Katty.."
Tawag ko sa kaniya. She look at me at nginitian niya ako kahit alam ko namang hindi totoo ng ngiti niyang iyan.
"Thank you dahil wala kang sinabing kahait ano kay Kuya Storm. Don't tell him anything."
Tumango ako.
"Hindi ko habang buhay maitatago sa kaniya, Kat."
I reminded her. Tumango siya.
"Ako na bahala sa kaniya, Sunny."
I smiled at her.
Palabas na kami ng gate ng ALA nang makita namin si James na nakahilig sa kaniyang kotse. Nang makita niya kami ay agad siyang naglakad palapit samin. Ngayong hindi siya kinakausap ni Katty at hindi nagapaparamdam sa kaniya ay nagawa niyang puntahan dito. Nakatunog yata siya that there is something wrong.
"Babe.."
Tawag ni James kay Katty. Naramdaman ko ang paghila sakin ni Vanessa papuntaa sa gilid. Napalinga linga ako. Kokonti lang naman ang tao ngayon na dumadaan dito.
"Katty. Katty ang pangalan ko."
Malamig na sabi ni Katty. Kitang kita ko kay James ang pagod, pag-aalala.
"Let's talk. Kanina mo pa hindi sinasagot mga tawag at texts ko. May problema ba tayo?"
Napalabi ako. James may problema kayo, malaki.
"We can talk here. Wala tayong problema, James."
"Then why are you being like this?"
Hindi kumibo si Katty.
"Break na tayo. Ayoko na."
Napanganga ako sa sinabi ni Katty. Nilingon ko si Vanessa pero nakatingin lang siya sa dalawa. Hindi siya mukhang nagulat. Para bang inasahan niya na kay Katty iyon.
"Kat--Why?"
Naguguluhang tanong ni James. Katty crossed her arms.
"Dahil ayoko na. No more why's."
Lumapit pa si James kay Katty pero umatras naman si Katty para makalayo sa kaniya.
"Don"t worry. Wala kang kasalanan. Desisyon ko 'to."
"Do you really think I'll believe you?!"
Sigaw sa kaniya ni James.
"Hindi ko hinihinging paniwalaan mo ako, James. I don't even need that. Let's stop everything. Let's just stop. Ayoko na."
Umiling iling si James.
"No. Tell me this is just a dream, Katty. Please.."
"I'm sorry. We're over, James."
Kasabay nang mga salitang binitawan ni Katty ay nagpatakan ang tubig galing sa kalangitan. Para bang nakikisabay din ang langit sa nararamdamang sakit ng dalawang tao sa harap namin. Naglakad si Katty at nilampasan lang si James na kitang kita ang pagtulo ng mga luha kahit na nagsisimula nang humalo sa patak ng ulan.
"Let's go, Sunny."
Tawag sakin ni Vanessa. hindi naalis ang tingin ko kay James.
"Let him be, Sunny. Katty needs us more."
Labag man sa loob ko sinundan ko na lang si Vanessa. James is also a friend of mine. Hindi alam ni Storm ang nangyayari ngayon kaya paniguradong hindi siya magagawang puntahan ni James. Who will comfort him? But because he is at fault and Katty is surely in pain right now, pipiliin kong mag-stay sa tabi niya. Alam ko rin na mas gugustuhin ni James na i-comfort si Katty kesa sa kaniya. Alam kong may naiisip na siyang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Katty.
Katty is still crying while packing her things. Bukas na ang flight niya pabalik ng US.
"Dapat pinakinggan mo siya. Dapat sinabi mo sa kaniya."
Si Vanessa. Kanina niya pa pinagsasabihan si Katty. What she did is wrong. Iyon ang pinupunto ni Vanessa pero para lang siyang hangin kay Katty.
"Katty..''
Umiling lang si Katty.
"Can you still remember na nakatakdang ipakasal si James? Yun ang babaeng kasama niya.."
Napanganga ako sa sinabi ni Katty. Kahit si Vanessa.
"He already left me. He had decided already. Hindi niya lang magawang makipaghiwalay sakin kaya ako na gumawa."
"Paano kung hindi ganoon? Sana hinayaan mo siya ipaliwanag ang lahat."
"No. It will hurt me so much. Mas mabuti nang ako ang magmukhang masama at mali. Hindi ko kayang makita na nahihirapan si James dahil lang sa kagustuhan niyang mag-stay ako sa kaniya."
She chose to hurt herself to protect him. She sacrifice her own happiness for him to live an easy life. That's love. And i were in her shoe, I'll do the same thing.
"Sumuko ka na kahit lumalaban pa siya?"
"Hindi pagsuko ang paggbitaw, Van. bumitaw ako dahil sa pagkakataong 'to, Ito lang ang magagawa ko para sa kaniya."
"Maaatim mo bang makita siya sa iba?"
Umiling siya.
"Mas maaatim kong makita siya sa iba kesa makita siyang unti-unting gumuguho dahil sakin."
"How sure are you na hindi siya guguho ngayon sa ginawa mong pag-iwan sa kaniya?"
I saw Katty smile. Malungkot na ngiti.
"Babangon siya at ipagpapatuloy ang buhay niya para ipamukha saking mali ang pag-iwan ko sa kaniya.'
Hindi lahat nang pag-iwan ay pagsuko katulad nga ng sinabi ni Katty. Sa pagkakataong ito, ang bumitaw lang ang nakikita niyang paraan para hindi unti unting mawasak ang taong mahal niya. She'd take the pain and regrets than to see James suffer because of her. Hindi lahat ng tao makikita ang pinupunto ni Katty pero kung ako ang nasa kalagayan niya, ganoon din ang gagawin ko. Hiindi mo maiintidihan ang isang desisyon kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon. Mas pinili kong wag na magsalita ng kahit ano at nakinig na lang sa pag-uusap nila. At the back of my mind, unti-unti akong nilulukob ng pangamba at takot. Pangamba dahil alam ko n hindi laging masaya ang mararanasan mo sa pag-ibig. Dadaan at dadaan kayo sa bako-bakong kalsada para subukin ang pagmamahal niyo sa isa't-isa. Maaring masaya kami ni Storm ngayon pero hindi laging ganoon. Natatakot ako na baka sa huli, pipiliin ko rin ang bumitaw para sa kapakanan ni Storm. Wala pa man kami sa isang relasyon pero ito na ang nasa isip ko ngayon. Nakakatakot pero ganoon talaga. Hindi ka naman makakaramdam ng takot at pangamba kung hindi ka pa nagmamahal. At ngayong nararamdaman ko na ang takot at pangamba, alam kong nagmamahal na rin ako. Kung umabot man kami sa puntong susubukin na ang aming pagmamahalan sana maisip namin pareho na mas magiging madali ang lahat kapag magkahawak kamay kaming haharapin ang pagsubok na nakaatang samin.
Umalis ng bansa si Katty na kami lang ni Vanessa ang naghatid sa kaniya sa airport. Hindi alam nina Storm na ngayon ang flight niya. She wants to leave the country in peace. Nangako naman si Katty na sasabihin niya na lang kina Storm kapag nasa eroplano na siya.
"We'll see you again, right?"
Tanong ni Vanessa kay Katty. Ngumiti lang si Katty sa kaniiya. Katty told me that coming back is not on her plan anymore. Hindi ko alam kung bakit hiindi niya magawang ipaalam kay Vanessa.
"Just don't cry kapag di na ako makabalik."
Natatawang sagot niya kay Vanessa. Pero halata sa mata niya ang lungkot. Sa aming dalawa ni Vanessa, kay Vanessa siya mas malapit. Siguro mahirap para sa kaniya ang magpaalam kay Vanessa sa ngayon but she will surely bid her goodbye whenever she's ready. I am still hoping na maisipan pa rin bumalik ni Katty at piliing magtapos sa kolehiyo kasama namin ni Vanessa.
"Advance Merry Christmas satin. Girls!"
Masayang bati ni Katty. We hugged each other. Nagpunas ng mumunting luha sa gilid ng kaniyang mata si Katty gamit ang likod ng palad niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan bukod kay Vanessa. Kayaa nakakalungkot dahil alam ko ito na ang huling paalam ni Katty sa amin.
Hinintay namin makapasok si Katty sa boarding line bago kami nagpasya na umalis na ng airport.
"She's not coming back. right?"
Paninigurado ni Vanessa. There's no point of hiding orkeeping it from her.
"Yes. She has no plans of coming back."
"I know."
Tanging sabi niya. Tahimik naming nilisan ang airport.
Pagkarating na pagkarating namin ng Condo. Nakita namin si James na nakatayo sa mismong pinto ng Condo.
"Si Katty?"
Bungad niyang tanong.
"She alrready left."
Si Vanessa ang sumagot sa kaniya.
"Where?"
Hindi sumagot si Vanessa. Naglakad siya papunta sa pinto para buksan iyon. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. I know, Vanessa doesn't want James to be here. Nararamdaman ko 'yun. Vanessa hates James right now.
"Lika na, Sunny."
Nilapitan ako ni James.
"Sunny.. Si Katty.."
"Wala na siya James. Umalis na siya. Umalis na siya at hindi na siya babalik!"
Sigaw ni Vanessa. Nilapitan ko kaagad si Vanessa at hinawakan ko siya sa braso.
"Van.. please."
"No! Dahil sa kaniya kaya hindi na gustong bumalik ni Katty dito! This is all your fault jerk!"
"Vanessa.. stop."
Suway ko sa kaniya. She's mad. so damn mad na isa isa nang tumutulo ang mga luha niya habang nakatingin kay James na ngayon ay malungkot lang din na nakatingin kay Vanessa.
"Ako ang iniwan, Vanessa. Ako ang iniwan na walang sapat na dahilan!"
Sigaw ni James.
"Hindi mo magagawang tumayo kapag nalaman mo ang dahilan, James. I promised Katty kaya mananatiling tikom ang bibig ko."
"Sabihin mo Vanessa. Sabihin mo! Gusto ko rin malaman ang dahilan niya dahil hindi ko alam!"
Napaupo si James sa sahig. Umiiyak.
"I'm fighting for her and for us. Pero iniwan niya ako sa ere. Iniwan niya ako na walang sapat na dahilan. Iniwan niya ako without asking me why's and what. Ang sakit Vanessa.. Ang sakit sakit."
"Sana inisip mo 'yan bago mo binalandra ang babae mo sa isang public place!"
Umangat ang ulo ni James at nakatingin samin. Gulat at pagtataka ang makikita sa mga mukha niya.
"We saw you..at sinabi ni Katty na ang babaeng yun ang binabalak na ipakasal sayo!"
Napatampal si Vanessa sa kaniyang sarili out of frustration.
"I'm sorry Katty. I'm too upset now."
Bulong niya.
"Van..pumasok ka na. I'll talk to James. Please."
Nakatingin lang sakin si Vanessa.
"Please.."
Tumango siya and for the last time, tinapunan niya ng masamang tingin si James bago pumasok ng Condo. Hinarap ko na si James.
"Umalis ka na James. Storm will be here any time soon. Wala siyang alam sa nangyari. Katty don't want you two fight because of her."
Umiling iling si James.
"My parents asked me to date her and so I did. Pero pareho naming ayaw makasal sa isa't-isa. Kinailangan namin magpanggap na nagde-date kami at okay kami para protektahan ang kaniya-kaniya naming relasyon. May balak din naman kaming ipaalam na ayaw namin magpakasal sa isa't-isa. I.. I just--"
"James.. Sa kaniya mo sabihin 'yan wag sakin. But please.. respect her decision for now. The least she wants right now ay ang masira ang relasyon niyo ni Storm."
"Bakit? Bakit hindi niya ako tinanong tungkol doon? Bakit hindi niya muna ako kinausap? Bakit ang dali lang para sa kaniyang bitawan ako?"
Umiiyak siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang sakit. Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan sa kanilang dalawa. Kung nasasaktan ako para sa kanila paano na lang sila mismong dalawa?
"Katty did this for you. She did this for you. You may not realized it by now but you will.. soon."
Because it's true. This is all for him. Ganoon siya kamahal ni Katty.
"Sunny.."
"Buds.. James?"
Nanlamig ako. Dahan dahan akong tumingin sa may-ari ng boses. Si Storm na nagtatakang nakatingin samin ni James.
"Stor--"
Tumigil ako sa pagsasalita dahil nilapitan ni Storm si James at naupo rin para magkapantay sila.
"What happened, bro? Are you okay? Bakit ka umiiyak?"
Hindi ko napigilan ang hindi mahabag na makita silang dalawa na ganito. Storm really cared for him. Not a bestfriend but as a brother. Umiling si James.
"Hindi rin nagpaalam sayo si Katty? Wag kang mag-alala bro, hindi rin siya nagpaalam samin."
Now I do understand Katty. Kung bakit hindi niya gustong malaman ang totoo ni Storm. Storm and James friendship is too deep. At hindi ko rin yata makakaya na makitang gumuho ang pagkakaibigan nila.
Inalalayan ni Storm si James na makatayo.
"Bro.."
"I'm fine, Bro."
"You should be. Uuwi rin naman 'yun dito."
Tumango tango si James. Binalingan ako ng tingin ni Sunny.
"Thank you, Sunny. Aalis na ako."
I smiled at him at saka ako tumango.
"Bro.. Alis na ako."
Tumango sa kaniya si Storm.
"James!"
Tawag ko sa kaniya at nilingon niya ako.
"Katty and I will meet in New York. Baka may gusto kang ibigay o ano, Just let me know."
Nakita ko ang ngiti ni James at agad siyang tumango. Tahimik siyang umalis. James is a friend. It's the least I could do for him. Katty needs to know the truth. Mali man ang paraan ni James ay mabuti pa rin ang hangarin niya sa dulo. Lumipat ang tingin ko kay Storm na nakatingin pa rin sa elevator kung saan pumasok si James kanina. Nakita ko kung paano niya naikuyom ang palad niya.
"Buds.."
Tinignan niya ako at pilit na ngiti ang ibinigay niya sakin.
"They broke up. right?"
Hindi ako nakaimik.
"Katty broke up with him, Buds."
Tumango siya. Hindi siya nagsalita.
"Gustong gusto ko siyang saktan. Gustong gusto ko."
"Buds."
"I heard everything."
Nagulat ako sa sinabi niya. So all along.. Storm..
"I just hope James learned his lessons."
Storm is so calm and controlled. Dapat naisip ko 'to simula pa lang. He's not implusive. Pag-iisipan niya muna ang mga bagay-bagay bago siya gumawa ng aksyon. I should know better.
"It's their relastionship. Hindi tayo pwedeng makialam, Storm."
Tumango siya at mataman akong tinitigan.
"You keep this from me."
"I'm sor--"
"Thank you for being with Katty, all along. Paano na lang kung hindi niya kayo naging kaibigan ni Vanessa? Paano niya mahahandle 'to?"
My heart melt. At the end, Si Katty pa rin ang inisip niya. Kapakanan pa rin ni Katty ang inalala niya. Katty is just so lucky to have Storm as her cousin.
"It's the least I could do. Keeping this from you is so hard but still, it's Katty's decision."
Tumango siya. Niyakap niya ako.
"I can't be with James. I can't be with him for now. Kaya mas mabuti nang nasa isip niyang wala akong alam para hindi siya lumapit sakin."
He said between his hugs.
"He'll be okay. They'll be okay, Buds."
Pag-aalo ko sa kaniya.
"Yes. They should be."

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon