Page Nineteen.
——————————
Hindi ko inaasahan na aabot ako sa puntong mental blocked. Iyong alam mo naman mga gagawin mo pero parang hindi? Iyong sa sobrang dami mong iniisip at sa dami mong gagawin nag end up ka na lang sa pagkakatulala and asking yourself kung ano mga gagawin mo. Ganoon. Ganoon na ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Tambak ang school projects, paperworks, SSC obligation, exam, story deadlines. These are all killing me inside! Shucks1 Bakit kasi kailangan pa natin mag-aral? Tumigil na lang kaya ako sa pag-aaral tapos tanggapin ko na nang tuluyan ang offer na permanent job ng EasyWrite? Kikita naman ako ng malaki dun maliban pa sa kinikit ko sa bawa libro na nirerelease ng EasyWrite. Malaki na rin ang ipon ko. May condo akonng sarili. I can really live by my own self. Seriously, I can.
"Pahiram ng reviewer mo beh."
Tumango ako at binigay ang hinihingi niya. Tinitigan ko ulit ang laptop ko at sandamakmak kong To-Do List na parang hindi naman nababawasan at araw-araw pa ngang nadadagdagan. Hindi ako nagrereklamo. Nakakapagod lang talaga.
"Okay ka lang beh?"
Tumango ako. Binuksan ko ang Story Drafts ko dahl balak kong tapusin na ang isang chapter dahil deadline na ngayong araw. Kulang na naman ang sasahurin ko kapag hindi ko ito naipasa ngayon sa Editor ko.
"Hindi ka mag-aaral?"
Tanong niya sakin. Siguro kasi nakita niya kung ano nasa laptop ko. Katabi ko kasi siya ngayon. Nandito kami sa Cafe na pinagtatrabahuan ko dati. Dito namin naisipan na mag-review kasi parang ni-occupy na ng mga ALA Students ang Library at Field para lang mag-review. Well, Pre-Final na ng second semester kaya siguro nangangarag ang mga estudyante.
"Ayoko. Tinatamad ako. Napapagod ako, Van."
"Oh? First time yan ah."
Ngumuso ako. Kung alam niya lang nasa utak ko ngayon baka mas magulat siya. Isipin mo yun? Yung Dean's Lister niyang friend balak na tumigiil sa pag-aaral at magtrabaho na lang. Kung iisipin hindi naman na masama. Pagiging Writer naman talaga ang pangarap ko. Kaya lang naman ako nag-aaral ng journalism para mas marami akong matutunan sa pagsusulat. Pero dahil nakaka-stress pala, gusto ko nang itigil to. I sighed. Siguro talagang hindi ko lang ma-intake yung nangyayari ngayon kaya ganito ako. And I am missing someonw right now. Pakiramdam ko sa kaniya lang ako hihinga at makakahinga. But that someone is so busy again. At nakakalungkot isipin. Nilabas ko ang phone ko, ni-check ko kung may message from Storm pero wala. I sighed again.
"Itext mo na. Wag mo laging hintayin na siya yung nauunang magtext sayo. Pabebe ka masyado."
I glared at her pero tinawanan niya lang ako. Umatras ako ng kaonti kay Vanessa at saka nagtipa. Nang makontento sa tinipa ko nilapag ko na ang phone ko at nagsimula na rin akong magtipa. After this, susubukan kong mag-aral.
Tahimik lang kami ni Vanessa for the next two hours or so. Namalayan ko lang na matagal na kami roon nang nakaramdam na ako ng gutom.
"Van.. may gusto ka kainin? Order tayo."
Umiling lang siya sakin. Hindi ko na siya kinulit. Tumayo na ako to order some food pero may pamilyar na mukha akong nakita at papalapit na siya sakin ngayon. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya and I instantly smiled back.
"You're here!"
Saad ko nang makalapit siya sakin. Tinapunan niya ng tingin ang nasa gilid.
"Hi Van.."
Bati niya kay Vanessa.
"Hello Storm! May dala ka bang pagkain?"
Tanong ni Vanessa. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang kapal ng mukha niya to ask for food samantalang kanina ayaw niya. I heard Storm chuckled.
"Nag-order na ako."
Nag-thumbs up sa kaniya si Vanessa.
"You're the best!"
Sabi niya pa kay Storm. Napailing na lang ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at nasa bakanteng upuan naman si Storm na katabi ko pa rin naman. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakasuot siya ng uniform.
"Naka-uniform ka? why?"
"Nag-apply for graduation. Mabuti na lang tinext mo ako kung nasaan ka."
Ngumiti ako. Ugh. I miss him so much. Magkasama lang naman kami kahapon. Hinatid namin si Melissa Rastan sa Airport. Yes. I met his childhood friend. Melissa was nice and too pretty. Nakaka-insecure ang kagandahan niya but she's so down to earth. Nang makita niya ako ay sobrang gulat na gulat siya. Hindi kasi sinabi ni Storm sa kaniya na kasama niya ako. Nagkwentuhan kami habang hinihintay ang oras ng flight niya. I was expecting a bitch woman katulad sa madalas kong mabasa at makita sa mga palabas but I was wrong. Truly, Iba ang real life sa mga nababasa mo lang at nakikita mo sa TV.
"Tired? Stress?"
Ngumuso ako at tumango. But now that he's here kahit papaano nabawasan nang kaonti ang pagod at stress ko.
He hold my hand at doon lang siya nakatingin.
"May pupuntahan ka pa after here?"
I asked him. Umiling siya at saka ako nginitian. Lumapit siya ng kaonti sakin para ayusin ang buhok ko na natatabunan ang mukha ko.
"Nah. My Sun needs me now."
I twitched my lips. Kung alam ko lang na ganoon lang pala ang dapat ko itext para puntahan niya ako whenever I misses him? Ginawa ko na dati pa. Edi sana hindi pa kami nagkaroon ng misunderstanding noon. Pero kung hindi nangyari iyon, marerealized ba namin na in order for this to work, We should learn how to communicate.
Buds.. I'm so tired and stress. Nandito kami sa Mad Cafè ni Van and everything stresses me big time. When can I see you? I want to breathe.
Ganyan ang text ko sa kaniya kanina. Oo. Hindi ako ganyan sa kaniya madalas pero kanina I just can't help it. Part of me needs him right now because being with him relaxes me.
"Ahem.. Nandito pa ako. Mga insensitive!"
Tumawa si Storm kaya natawa na rin ako. Binalingan ko ng tingin si Vanessa na ngayon ay masama ang tingin samin.
"Wala talaga kayong awang dalawa noh?"
I heard her phone ringed kaya tinuro ko iyon while looking at Vanessa.
"Someone's calling you, Van."
Tinignan niya kaagad kung sino iyong tumatawag at mas naging busangot ang mukha niya pero sinagot niya naman ang tawag.
"Oh bakit?"
"Where are you?"
Kumunot ang noo ko. Parang kilala ko ang boses ng kausap niya. Ni-loud speak niya kasi. Ganoon naman si Van ayaw niyang nilalagay sa tenga ang phone niya dahil yung radiation daw pumapasok sa tenga at maaapektuhan daw iyon. Well, somewhat true. But holding and using a phone has radiation already.
"Bakit?"
"Puro ka bakit. Asan ka nga?"
Mukhang iritable na ang kausap niya.
"Puro ka where are you. Nanay ba kita?"
Natawa si Storm kaya siniko ko siya. Tumigil naman siya kaagad pero nakangiti pa rin siya.
"Milleria.. umayos ka."
"Kal-vovo maayos ako, Ikaw tong hindi maayos. Ano ba kailangan mo ha? Tapos na ang project natin. Wala ka na dapat kailangan sakin."
Ohh.. Si Kalvin pala kausap niya. Napatingin ako kay Storm and now he's smiling widely. Para siyang may inside joke. Weird.
"Nasaan ka nga?"
"Nasa puso mo. Ikaw lang naman tong hindi makapasok sa puso ko."
Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Pati si Storm tumatawa na rin.
"Hey! May mga kasama ka ba? Ni-loud speak mo na naman?"
I saw Vanessa rolled her eyes.
"Pakialam mo ba? Cellphone ko 'to."
"Van.."
I heard Kalvin's warned tone. Pero si Vanessa parang wala lang.
"Alright. Where are you ba? Ako na pupunta sayo."
"The usual place. I'll wait."
Kalvin ended the call. Nakatingin lang ako kay Vanessa at unti-unti kong pino-process ang pag-uusap nila. Bakit parang may mali?
"So.. I'll leave you two."
"Bye Van.. Fighting!"
Natatawang sabi ni Storm but she only smirked.
"Keep an eye with my best friend. May gustong agawin yan from you."
Mas kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vanessa.
"No worries, Van. I can handle it."
"Good. Byee!"
Hindi na ako hinintay ni Vanessa na makapag react. Tanging likod niya na lang ang nakikita ko. Naglalakad palayo samin.
"Are they.. dating?"
Wala sa sarili kong tanong. Parang napakaimposible naman kasi. I mean, they hate each other so much to the extent na kulang na lang patayin nila isa't-isa pero.. Ano yung narinig ko? It seems like they're keeping a secret. Iyong para bang may sekreto sila na sila lang din ang nakakaalam.
"Not yet, Buds."
Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.
"You knew?"
Pinitik niya ako sa aking noo kaya napahawak ako doon at tinitigan siya ng masama. Nginisian niya lang ako.
"You're so dense."
Inirapan ko siya.
"Take out na lang natin yung ni-order ko and we'll go somewhere?"
Biglang nawala ang isipin ko about Vanessa and Kalvin dahil sa sinabi niya. Gustong gusto ko talaga ng new environment ngayon. Para lang ma-refresh utak ko.
"Saan naman tayo pupunta?"
Ngumiti siya sakin ng malapad at agad akong hinalikan sa noo.
"Somewhere that could help you think and freshened your mind. Tara?"
Ngumisi ako sa kaniya at tumango. He helped me fix my things at siya na rin nagdala ng bag ko. Yey! Iba talaga kapag may Storm Thompson kang may kotse! kahit saan pwede ninyong puntahan! Perks of being his girl. Yiiee! Kinikilig ako. My one text away lover. Hihi! Landi mo self. Gusto kitang batukan!
He parked his car sa bakanteng lote. Actually, isa talagang malaking bakanteng lote ang tinigilan namin.
"Where are we?"
"In my safe haven. Tara."
Nakangiti niyang sabi. I opened the car door at ganoon din ginawa ni Storm. May bangin. Storm reached for my hand at saka ako nagpatianod sa kaniya. As we are walking near the cliff unti-unti kong nakita ang city lights at ang malalaking bundok. Napanganga ako. This is so beautiful! Mukha lang siyang bakanteng lote pero It's more than that.
"Wooow! Ang ganda dito! How did you know this place?"
Tanong ko sa kaniya. Parte na'to ng Bulacan. Yeah. Bulacan. Nakita ko naman kasi kanina ang binabaybay naming daan.
"This is mine, actually. Ito ang katas ng pag-mo-modelo ko."
Mangha akong napatingin sa kaniya. Wow. He knows how to handle his finances! Plano ko rin ang ganito pero hindi pa naman ganoon kalaki ang kinikita ko kaya kailangan ko talaga ng magandang trabaho in order to buy my own lot.
"Really?! Dito mo ipapatayo bahay mo?"
He nodded while smiling at me.
"Wow! Parang gusto ko na rin mag-modelo para makabili rin ako ng ganito. Tingin mo I had a potential?"
Biro ko sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Para bang tinatantiya niya ako kung nagbibiro ba ako o hindi. Inirapan ko siya.
"Ang panget ng tingin mo ha? Oo na. Hindi na ako pang-modelo."
Inis kong sabi sa kaniya.
"Wala naman akong sinabing ganoon ah?"
"Pero ganun na rin yun. Tingin mo pa lang."
"I don't want you to be a model, honestly."
"Why? Dahil hindi ako bagay doon?"
"No. Ayaw ko lang madagdagan ang mga nagkakagusto sayo. Besides, I am selfish lalo na if it's you we're talking about."
Pinigilan ko ang kilig na nararamdaman ko.
"Sus. Palusot ka pa. Di mo lang masabi na hindi ako bagay mag-model."
Inirapan niya ako.
"Kinikilig ka lang, Buds."
"Luh? asa ka."
Tumawa siya kaya natawa na rin ako.
"Wait here. Kukunin ko lang sa kotse ang pagkain."
Tumango ako sa kaniya. Saan kaya kami kakain dito? Looking at this land, parang napipicture out ko na kung gaano kalaki ang bahay ni Storm and it's only for him. Talagang hindi siya umaasa sa yaman ng pamilya niya and step by step he's building his own name. Nakakaproud. Bibihira na lang sa panahon ngayon ang mga mayayamang anak na may sariling pangarap. Madalas umaasa na lang sa bigay at yaman ng mga magulang. Storm is different. He has goals and dreams. And I am happy for him. Ga-graduate na siya at plano niyang sa kanila mismo magtrabaho pero magsisimula sa mababang position. Storm told me na naranasan niya mag-construction when he was still in high school. That explains his broad body. Bata pa lang batak na.
Bumalik si Storm na may dalang malaking mat at pagkain na ni-take out niya sa Mad Cafè. Kinuha ko sa kaniya ang pagkain kaya nagawa niyang ilatag ang mat dito sa damuhan. Naupo siya at hinila niya ang kamay ko.
"Sit."
And so, I did. Nilapag ko ang pagkain.
"Picnic?"
Natatawa kong sabi sa kaniya. He chuckled at saka tumango.
"Whenever I am stress, I'll always go here."
"Wala kang balak palagyan ng bakod? Baka magulat ka na lang may umangkin na dito?"
"I don't want to. Besides pwede naman paalisin kung sakali. I just want this to stay like this for awhile."
"Why?"
"Kasi baka may mga by passers na gustong huminga or stress at gusto ang tahimik na lugar, then this is the best place for them. I'll let them rent my lot for awhile."
Again, I was amazed by his insights. Actually, Hindi ito kalayuan sa main road pero sapat lang ang layo para hindi mo marinig ang ingay ng mga sasakyan.
"Bakit dito mo naisip bumili ng lote?"
"Because it's far from busy cities. I can rest here after a long tiring day."
"Kailan ka mag-start ipagawa ang bahay mo dito?"
"When you said yes to me na."
Nagulat ako sa sinabi niya na napatigil ako sa pagnguya ng pagkain. He chuckled.
"Dito tayo titira. When I bought this land five years ago, ang dahilan ko lang ay para may investment ako. But when I met you and made sure of what I truly feel for you, Doon ko na naisip that this lot is ours."
I am speechless. Ang layo na nang narating niya pero ako nandito pa rin sa thought na kailan kami magiging official. I am ready. Yes. Napagtanto ko yun after namin magkaayos. Nang pinuntahan niya ako sa Condo. But then, Hindi ko pa rin magawang sabihin sa kaniya na pwede na kami officially. Hindi niya ako tinatanong. And everytime na kasama ko siya, napapatanong ako kung iyon na ba ang tamang araw o hindi pa. Is this the right time?
"Kailan mo nasabi sa sarili mo na ako na yung babaeng gusto mo makasama?"
"Our first jollibee bonding. Still remember?"
Napatakip ako ng bibig gamit ang palad ko. Wait? Ganoon kadali?
"Ganoon kadali? Gu-gusto mo na ako that time?!"
Gulat kong tanong sa kaniya. Nginisian niya ako at tumango siya.
"Gahd. You're impossible!"
"Alam mo bang napakasaya ko nang umuo ka nun? Ginawa ko talagang asikasuhin ang gagawin natin that time because I wanted to date you."
"Tapos sinabi mo sakin nun that It was just a friendly lunch?"
Tumawa siya. At napakamot siya sa kaniyang batok.
"Ugh. I felt embarrassed right now."
He felt embarrassed? Kumusta naman ako diba? I didn't know. Now that I think about it, gusto kong maself-conscious. Like hello? Sobrang kumportable ko sa kaniya ng mga panahong yun tapos may mga time pa na hindi ako nag-aayos. Nakakahiya!
"Anong nagustuhan mo sakin?"
Wala sa sarili kong tanong. Syempre gusto ko rin malaman kung ano tingin niya sakin at kung paano niya ako nagustuhan. He sighed. Pinisil niya ang kamay ko dahil hawak niya ito ngayon.
"I honestly don't know. Basta ang alam ko lang.. I love everything about you. I love you in every angle."
Again, I am speechless. Dahil na rin sa mixed emotions nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. I close my eyes and I kissed him. Kumawala ako sa halik and I saw his eyes full of passion. I smiled at him.
"I love you, Storm. And yes, I am now your girlfriend."
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...