Page Two

73 4 0
                                    

Page Two.
——————————
Nagmamadali ako. Lagi na lang akong nagmamadali. Natagalan ako sa Mad Cafè dahil ang tagal nang kapalit ko sa counter. Nameet ko na yung kapalit ko. Sa ALA rin nag-aaral pero Engineering Department. Past time niya lang daw ang pag-apply sa Mad Cafè. At dahil ang tagal ng kapalitan ko, mukhang malelate ako sa SSC Meeting. Jusko! I texted Vanessa na lang na sabihin sa first subject namin today na hindi ako makakaattend dahil sa SSC Meeting. Next meeting ko na lang ipapakita ang excuse letter dahil nga aattend ako ng SSC Meeting ngayon. Lakad takbo na ang ginagawa ko dahil may kalayuan ang Department namin sa SSC Office. Yes. May sariling office ang SSC. Katabi ng Administration Building. Halos nakakakuha na rin ako ng atensyon dahil sa ginagawa kong paglakad takbo. I don't mind. Ang concern ko lang ngayon ay wag sana akong ma-late. Nakakahiya! Ayaw ko pa man din na nale-late ako. Urgh! Kasalanan talaga 'to ni Marlene eh. Ang tagal akong palitan kanina nandun lang naman siya sa locker at tumatambay. Siya talaga yung pinaka ayaw kong employee sa Mad Cafè porke't regular na lumabas na ang pagiging pabaya. Bwiset!
Nasa labas na ako ng pinto ng SSC Office sinipat ko ang oras sa aking relo. I'm not late. Huminga muna ako ng malalim. Inayos ang uniform ko pati na rin ang buhok. Baka kasi mukha na akong aswang dahil sa pagmamadali ko. Isang hingang malalim pa at saka ako nagdecide kumatok. Kakatok na sana ako sa pinto ng may nakita akong kamay na pumihit ng siradura ng pinto. Hindi ako nakagalaw. Umangat ang tingin ko at isang lalaki ang nakita. He's not looking at me. Binuksan niya ang pinto at dere-deretso lang pumasok. Sumunod na rin ako. He looks familiar. Malamang self, familiar. Nasa GC yan panigurado. Wala naman ibang pumapasok dito maliban sa SSC Organization at mga Head Admins ng School namin. Hindi siya mukhang Head. Nakasuot siya ng Uniform. Uniform ng Architect, obviously. Clean cut hair, matangkad at.. maputi. Hindi naman nakakabakla ang puti niya but I don't really like men na maputi. Feeling ko maaarte sila sa katawan kasi nga mapuputi. Baka mas maarte pa sakin ang lalaking 'to.
"Uhmm.."
Hindi ko alam sasabihin ko. Mukha kasing busy ang taong ito dahil na rin kanina pa siya palakad lakad na para bang may hinahanap.
"Excuse me.."
Doon niya lang ako tinignan. Siguro hindi niya nga yata ako napansin. Shucks! Parang ngayon ko gustong isisi na naging kamukha ko si Mama. Hindi nakakakuha ng atensyon ang ganda namin. Para lang akong hangin sa lalaking ito.
"Oh.. Hi. You are?"
Inilahad ko kaagad ang kamay ko sa kaniya. Asking for shakehand because I should be. Professional Sunny mode on.
"Sunny Daine Alcazar. Internal Vice-President po."
Napa-ohh siya sa sinabi ko. Tinanggap niya ang kamay ko and we did shakehands.
"Storm Thompson. SSC President. Wala ka nung oath taking?"
Tumango ako.
"Yes. And I'm sory for that. I'll be active naman from now on."
Tumango tango ito.
"You should be. We have a lot works kasi. You're early, by the way."
Napakunot noo ako. Early? Five minutes na nga lang at 1:30pm na. 1:30pm dapat start na ang meeting. Nasa GC yung announcement at itong lalaking ito ang nag-announce. Didn't know na siya na pala si Storm Thompson. Di ko naman kasi ginawa ang mang-stalk ng mga nasa GC. Tapos yung profile pa yata nitong President namin ay hindi selfie. At hindi ko na rin matandaan kung ano iyon. Basketball player kaya siya? Ang tangkad niya kasi.
"Am I early? Akala ko kasi 1:30pm ang call time."
Tumango ito at saka siya nginitian. Yung kita talaga ang ngipin. In all fairness naman pantay pantay at mapuputi ang ngipin niya. Samahan pa ng dark brown eyes kaya kung sakaling hindi ngumiti ang taong 'to iisipin mo na masungit siya at unapproachable.
"Well, some of them sanay sa filipino time. We'll start the meeting by 2pm. Maglalaan ako ng 30 minutes to wait for the others. Maupo ka."
Itinuro niya sakin ang upuan sa gilid niya. Pagkapasok mo kasi dito sa SSC Office bubungad kaagad sayo ang isang malaking white board at may projector board. For meeting purposes talaga ang Office na ito. May mahabang mesa may swivel chair na labindalawa. Meron pang extra plastic stool chair sa gilid. May bookshelves din at malaking glass window both sides of the Office. Ang aesthetic nga nang pagkaka-design. Nice.
Naupo ako sa itinuro niyang upuan. Isang upuan lang ang pagitan naming dalawa. Binuksan niya ang dala niyang laptop kanina. Maybe looking for his presentation or school stuff.
"Journalism student ka diba?"
Hmm.. dahil hinihintay pa naman namin ang iba. Sige makikipag usap na lang ako sa kaniya.
"Yes. Third year."
Sagot ko.
"Ikaw lang ang nakasama sa SSC from other party daw noong SSC Election?"
"Uhmm.. yes. Fortunately."
"May klase ka ba after ng meeting?"
Nagtataka man sa mga tanong niya. Isinantabi ko lang. Baka kasi gusto niya lang ng kausap at mas maganda rin 'to para hindi ko maramdaman na outcast ako.
"May klase ako from 1-8pm, actually. Nagpa-excuse lang ako."
Oh! Buti na lang naalala ko. I opened my file organizer na bitbit ko. Kinuha ko ang isang papel and I handed it to him.
"Speaking of, magpapapirma sana ako for excuse letter para sa subject ko ngayon na hindi ko mapapasukan."
"Ohh.. right. Akin na."
Tinignan niya ang excuse letter ko. Mukhang binasa niya. Hindi naman ako nakaramdam ng ilang dahil confident naman ako sa isinulat ko pati na rin sa penmanship ko. Pinirmahan niya ito kaya napangiti ako. Buti naman. Iniabot niya sakin ang papel.
"Thank you."
"You're welcome. Nice penmanship, by the way."
"Tha-thank you."
Isang malapad na ngiti ang ginanti niya sakin. Biglang bumukas ang pinto kaya napadako ang atensyon ko doon. Lalaki ulit. Naka-Architect uniform din. I have a feeling na magkaklase sila ng President. He has the carefree aura.
"Hi bro! Sorry la--"
Natigil siya sa anumang sasabihin niya ng mapadako ang tingin niya sakin. Naituro niya ako at tumingin sa President namin. Bigla ay ngumisi ito. Na parang may inside joke. What was that?
"Sorry late ako bro." Naupo siya sa bakanteng upuan na kaharap ko. He waved his hands at me.
"Hi. I'm James Chiu. Auditor."
I smiled at him. He's also nice. Para siyang si Vanessa. Friendly ang aura at parang madaling lapitan.
"Sunny Alcazar. Internal Vice President."
"Woah! She's the outcast bro?"
Napakunot noo ako sa sinabi niya kay President. Bigla niyang itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na siya. Okay ka lang?
"Sorry. I did not say that to offend you. What I mean is you're the only one na nakapasok sa SSC na hindi namin kapartido. You know what I mean, right Sunny?"
"Yes. I understand."
Nginitian ko na lang siya. Natahimik kaming tatlo. Maya maya pa ay may dumating ulit. Babae naman this time. She's too classy. Modelo ba 'to? Taas noo kasi maglakad at may pag kembot pa. Alam mo yung lakad na para bang sa kaniya ang mundo. Ugh. Sana magkaiba ang ugali niya sa aura niya.
"Why hello Amber!"
Masayang bati ni James sa dumating. Amber ang pangalan. Parang pati pangalan sakto sa aura. Yung ugali kaya?
"Hi there James. Hello there Storm!"
Bati niya. Hindi siya inimik ni President na ngayon ay nakatingin sakin. He smiled at me kaya ginantihan ko na lang din ng ngiti. I heard James chuckled kaya nakuha niya ulit ang atensyon ko. Nakatingin siya sakin kaya napakunot noo ako. Inalis niya ang tingin niya sakin at napunta kay Storm.
"I still can't believe it bro."
Natatawa niyang sabi. Inirapan na lamang siya ni Storm.
"Can't believe what, James?"
Nakangiting tanong ni Amber. Sad to say mukhang bumagay ang ugali niya sa aura niya. Nandito ako pero hindi niya man lang ako nilingon. Hindi nga yata siya aware na nandito ako eh.
"None of your business, Amber. Meet Sunny, Internal Vice President."
Doon lang ako tinapunan ng tingin ni Amber. Nawala ang matamis niyang ngiti. Tinignan niya ako na kulang na lang tunawin niya ako ngayon sa kinauupuan ko.
"Nice to meet you, Sunny. I'm Amber, Vice President External."
"Nice to mee you too."
Ngumiti lang siya at ibinaling na ang tingin kina Storm at James na nag-ngingisian. Para silang may pinag-uusapan the way na tignan nila ang isa't-isa. Parang kami lang ni Vanessa minsan. Hindi na kailangan mag-usap kasi tinginan pa lang, naiintindihan na namin ang isa't-isa.
"James, palit tayo ng upuan!"
Maarteng sabi ni Amber. Pinipigilan kong wag umirap sa kaartehan ng tono ni Amber at buti na lang nakaya ko. Hindi naman ako dapat makakaramdam ng ganito towards Amber kaso yung hindi niya pa lang pagbati at pag acknowledge sa presence ko kanina, hindi ko na gusto. At hindi ko makakalimutan yung tingin niya sakin kanina. Para bang inis siya sakin. I can sense it.
"Ayoko."
"Dali na kasi."
"Ayoko nga. Bakit ba gusto mo makipagpalit?"
"Para tabi kami ni Storm. Dali naaa"
"Ayoko nga sabi. Diyan ka na maupo!"
Napunta ang tingin ni Amber sa bakanteng pwesto na upuan ko at ni Storm. Tatayo na sana siya para lumipat pero hindi niya natuloy dahil nilagay ni Storm ang bag niya at ibang dala niya pang gamit. Storm look at me.
"Ilagay mo na gamit mo dito para hindi mo karga karga gamit mo during this meeting."
Malumanay niyang sabi. Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya.
"Palagay din ng gamit ko Storm.."
Malambing na sabi ni Amber kay Storm. Tamad siyang tinapunan ng tingin ni Storm.
"Use the vacant chair sa tabi mo, Amber. And please, act professionally."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang pagkapahiya kahit na si Amber naman ang pinagsabihan niya. Storm treated her like a child. Shucks! Ayaw kong maranasan yan buong buhay ko. Kung ako masabihan sa ganoong paaran? hihilingin kong kainin ng lupa. Nakita ko ang lungkot sa mata ni Amber at ambang magsasalita sana pero pinigilan na siya ni James.
"Amber, stop."
Sita sa kaniya ni James. Wala na lang magawa si Amber kundi ang manahimik. She crossed her arms at hindi na kumibo.
After 20 minutes of waiting, we're complete na. Nagpakilala na rin kami isa-isa.
Storm talks about Supreme Student Council Organization means. Ang mga role namin at kung ano pa. Ang main purpose ng meeting na ito ay para sa gaganapin na Welcome Party sa buong Department. Para talaga ito sa mga freshmen. Ang plano ni Storm ay by Department ang welcome party pero nag-suggest si Amber na gawing para sa lahat ang welcome party. That way daw, magkakaroon ng chance na makilala ang ibang freshmen from other department, we all agreed. Mas maganda nga naman yun. The Date and Time for the Welcome Party are already settled. Natengga kami pagdating sa theme ng Welcome Party.
Amber suggested a Formal Party. Which I really do disagree. Found it too common. Nanghingi pa ng suggestion si Storm sa iba naming kasama. James suggested a masquarade party para daw maiwasan ang group company. Syempre wala ka namang kakilala dahil nakamaskara kayong lahat kaya kung sino makipag usap, yun na yun. The rule of the party is not to tell anyone who you are. Nice idea sana pero, magastos. Ang mahal ng gown rental these days. Si Aimee, the secretary of SSC suggested a black party. Parang formal party but this time color coding. You only have to wear black formal dress and tuxedos for the boys. Parang kulang na lang kabaong pwede na paglamayan ang School.
Wala ng suggestions. Nakatitig lang samin si Storm. Tapos napadako ang tingin niya sakin. Ngumiti siya.
"Any suggestions, Sunny?"
Hindi ako nakaimik. Do I really have to say it? Sabihin ko na lang na wala akong idea? Pero nakakahiya yun. Naturingan pa akong Vice President tapos wala naman pala akong idea. Bahala na. Basta may masabi ako para lang masabing may ambag naman ako. And wala talaga kong nagustuhan sa mga suggestions nila. Puro kasosyalan.
"Well, I suggest to have a relaxing welcome party na lahat ay makakaramdam na they belong to Acres Lincoln Academy."
Napakunot noo si Storm sa sinagot ko.
"What do you mean?"
Tanong niya.
"Not everyone can fit in your suggested theme. Don't get me wrong pero magaganda naman ang suggestions niyo who wouldn't want a fancy party, right? Pero as you can see only those students na afford mag-rent ng gown and dresses ang nagagawang pumunta sa Welcome Party which is hindi naman talaga iyon ang goal ng Welcome Party."
"And you're saying na magastos at mahal ang suggestions namin? Kaya nga the School provides budget for the Welcome Party so bakit hindi pa natin pagandahin?"
Medyo iritableng sabi ni Amber. Tumaas ang isa kong kilay. This woman wants a debate then.
"The school will not provide for almost 20% of Freshmen who can't afford a rental gowns and dresses, obviously."
"Oohh.. so what theme do you want then?"
"Relaxing Party. We can use the School Ground. Put some bean bags to sit on. Provide a big screen and projector. Make them watch a movie while talking to their friends. And for those who doesn't want that, let's put some photo booths with different themes from different departments. Put a buffet table na may maraming pagkain na pwede silang mamili. We can organize a mini amusement park. At magsuot ng damit na kumportable sila at tayo."
"Seriously, Sunny? Iyan na lang talaga ang inabot ng idea mo? I'm a bit disappointed."
Si Amber. Tinignan niya si Storm.
"Stick na tayo sa formal party. Lagyan na lang din natin ng color coding just not black."
Everyone was quite. Si Storm naman ay napahawak sa kaniyang baba, para bang may malalim siyang iniisip.
"Sunny's idea is somewhat unique. ALA never had that kind of Welcome Party. Pwede tayo maglagay ng Ferris Wheel, carousel and mini games. That way kikita tayo. We can earn funds sa rental ng mga yun. Pwedeng for free ang photo booths at ang babayaran lang ay ang photo printing. Walang entrance fee. Malaki rin ang matitipid natin sa theme and we don't have to rent a place for venue."
Nagulat ako. It came from James. Tinignan ko siya at napangiti ako. Akala ko walang may gusto sa idea ko. He winked at me and I chuckled.
"Okay. Para fair, let's do the voting. Majority wins, alright?"
Tumango kaming lahat. Ang pagpipilian ay ang Relaxing Theme Party, color coding formal party and masquarade party. Walang tumaas ng kamay sa masquarade party na suggest ni James and he's okay with that hindi rin siya bumuto sa sarili niyang suggestion. Adik. Sa suggestion naman ni Amber, Si Aimee at Amber lang ang nagtaas ng kamay. Sa suggestion ko naman, si Amber at Aimee lang ang hindi nagtaas ng kamay. Mas mataas ang bilang sa ni-suggest ko kaya yung akin ang masusunod. Nakita ko ang pag-irap sakin ni Amber but I don't mind.
Tumikhim si Storm.
"Soo, Relaxing Theme Party won. Fair and square."
Tumango naman ang lahat except Amber.
"Sunny, I want your 100% cooperation with this since this is your idea."
Tumango ako.
"Now, I'll give you your assigned task."
Ang nangyari si Aimee at ang iba pa naming kasama ang bahala sa venue designs. Si Amber naman sa food and movie lists. Si James ang bahala sa budgeting and mini amusement park rentals. It's about money at may mga kakilala daw siya na willing magpa-renta ng mga nabanggit niyang rides. Our Welcome Party naman will start on Saturday hanggang Sunday. Yes, two days. Sunday night, mayroong open party where in i-aallow ang malakas na music and drinking alcohol. Ako at si Storm naman ang naka-assign sa mga photo booths and other stuffs. Technically, kami makikipag coordinate sa ibang department na mag-isip ng sarili nilang theme para sa photo booths.
Our meeting took three hours. Nakaalis na ang lahat except me and Storm. Sabi niya kasi magpaiwan daw ako para mapag usapan ang schedule namin. Dapat daw kasi magkasama kami na makipag-coordinate every Department Organization. I agreed naman.
"Ano oras ng free time mo tomorrow?"
Nag-isip ako. Wednesday bukas kaya, may pasok ako ng 8am to 11am. Bakanteng oras ko na ang 11am-1pm. Tapos sa hapon naman, by 4pm tapos na klase ko."
"11am-1pm and by 4pm. Ikaw ba?"
Tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman conflict sa sched mo. Puntahan na lang kita sa department ninyo bukas. Can I have your number? Para matext or tawagan kita bukas. Napansin ko kasing hindi ka laging online. Madalas nagseseen ka ng convo sa GC gabi na."
Wow. Napansin niya pa yun? Napaka observant naman.
"Well, yeah. Gabi lang ako may free time after ko magpart time job."
Napa-oohh ulit siya. Napatawa na lang ako sa reaksyon niya. Binigay ko sa kaniya ang cellphone number ko. Inayos ko ang gamit ko and ready to go na ako. Makakaabot pa ako sa 6-8pm class ko. Vanessa texted me na bilhan siya ng snacks dahil nagugutom na siya. Dere-deretso ba naman kasi sched namin from 1pm to 8pm eh.
"Alis ka na?"
He asked. Tumango ako.
"5:30 na eh. I still have class by 6pm. "
Tumango siya.
"Okay. Ingat ka."
"You too. Bye."
I waved goodbye at ngumiti lang siya sakin. Umalis na ako sa SSC Office. Naisip ko naman si Storm, he's too professional. No doubt, he deserves the position kahit na magaling din sana yung tumakbong president sa partido namin. Mas marami lang yatang supporters si Storm. Ang seryoso niya pero kalog naman kapag kay James. Siguro kasi hindi naman niya ako kilala personally at ganun din ako sa kaniya. Madalas ko pa siyang nahuhuli na nakatitig sakin. Kaya talagang nag pa-pay attention ako sa meeting kanina kasi syempre, ako lang ang walang kakilala doon. Buti na lang mababait naman sila, maliban lang talaga kay Amber na akala mo siya yung taong naaalala ang past life niya at may galit siya sakin sa past life niya kaya iritable siya sakin. Mabuti na lang talaga approved ang suggestion ko kasi kung hindi, pagtatawanan ako ni Amber sa utak niya and I will never allow that to happen. I am not Sunny Daine Alcazar for no reason.
****
"How's your meeting, beh?"
Pag uusisa ni Vanessa. I rolled my eyes first at saka ko kinuwento sa kaniya yung nangyari sa meeting. Pati na rin yung Amber.
"Nasa hate list mo na siya noh?"
"Not really. Ayoko lang sa kaniya dahil ayaw niya sakin, Van."
Wala si Katty ngayon. Ang sabi ni Vanessa pumasok sa dalawang subjects pero nagpaalam sa kaniya na hindi na makakapasok sa last subject dahil may emergency daw kaya pagdating ko dito sa room, wala na si Katty.
"Hindi ko talaga alam kung bakit parang ayaw niya sakin."
Reklamo ko kay Vanessa. Ngumisi siya sakin.
"Beh kung hindi lang naman kita naging kababata, hindi rin kita magugustuhan."
Pinalo ko siya sa braso na ikinatawa niya lang.
"Mapanakit ka na beh?"
Inirapan ko siya. Inilapit ni Vanessa ang mukha niya sakin at tinititigan niya ako. Kumunot ang noo ko. Nagtataka sa inaasal niya.
"Alam mo ba may sinabi sakin si Katty kahapon."
"And..?"
"Sabi niya nakakatakot ka daw. Kung hindi ka nga lang daw niya nakikitang tumawa kapag kasama ako, iisipin niyang demonyo ka."
"Pinagsasabi mo?"
"Well, kung pag-uusapan natin kung gaano ka ka-terror as Journalism Department Organization President, masasabi ko talagang demonyo ka beh."
"Aray ha? Nandito lang ako sa tabi mo Vanessa Miller. At alam mong harmless ako."
Umirap siya sakin. Ang harsh naman ng best friend ko. Gusto ko na siyang itakwil.
"Beh, ilang beses ba tayo nasali sa away dahil hot tempered ka noong elementary hanggang high school? Buti nga ngayon pusa ka na. Pero last year talaga, nakakairitang President ka."
"Van, napapaaway tayo noong elementary hanggang high school dahil diyan sa bibig mo. Remember?"
"Kahit na. Ikaw pa rin nakipag-away sa kanila ng pisikal."
"Hiyang hiya naman ako sayong tinulak ako sa nang away sayo noon dahil lang malaki sayo."
Okay. Takaw away talaga kami ni Vanessa simula elementary hanggang high school. Si Vanessa kasi mapagpatol syempre dahil kaibigan ko siya, kinakampihan ko at nakikipag away din ako. Dagdag pang yung mukha ko parang laging maghahamon ng away. But that was all in the past naman na. Hindi na kami ganyan ngayon.
"Pero ayon nga ang sabi ni Katty. Intimidating ka raw and I agree."
"Nakakarami ka na ha?"
Pagbabanta ko sa kaniya. Ngumisi siya sakin.
"Dagdagan ko pa?"
Pang aasar niya sakin. Inirapan ko siya. Naputol ang asaran namin ng dumating ang Prof at nagsimula sa kaniyang orientation. Professor ng Mass Communication ang Prof namin. Familiar ang mukha dahil madalas ako last year sa Mass Comm building.
Gabi na nang makalabas kami ni Vanessa sa school. Nagmamadali kami kasi pupunta kami sa Villa Forth Condominium Building. May titignan kaming isang Condo Unit doon. I told Mom na wag na sabihan si Tita Mommy about sa paghahanap ng condo and she agreed pero nakalimutan kong may best friend pala akong pakialamera sa buhay ko. Kaya heto, binigyan kami ni Tita Mommy ng number nang nagbebenta ng condo sa VFC o Villa Forth Condominium. Hindi ganoon kataas ang presyo ng Condo dito para maganda ang quality. Nagresearch ako kanina about Villa Forth habang nagdadaldal yung Prof namin. May idea na ako sa hitsura ng mga condo unit nila. Sabi ni Vanessa wag na daw kami maghanap sa iba. Maraming bakanteng Condo daw sa VFC.
Sumakay kami ng Jeep from ALA to VFC. Hindi mahirap sumakay papunta roon at hindi siya sobrang layo. Maganda ang transportation. Panigurado may kataasan ang presyo ng condo nila pero kung ikukumpara sa ibang condominium, mababa na ang sa kanila.
Pagdating namin ng VFC, nagtanong kami kung anong floor ang Condo Unit number 186-AE. Ang sabi samin nasa 18th Floor daw iyon. May kalayuan pero hopefully, hindi naman ganoon ka hastle ang pag gamit ng elevator. Surprisingly, anim ang elevator nila. Which is good. Ang ganda rin ng ambiance ng VFC. Sabi nga ni Vanessa para daw akong anak mayaman kung dito ako kukuha ng condo which I really agree. Para tuloy akong na-eexcite na ewan.
Lumabas kami ng elevator nang ilapag kami sa 18th Floor. Pag lingon ko sa kaliwa nakita ko kaagad ang VFC 186-AE. Dumeretso kami ni Vanessa doon at nag-doorbell. Agad naman bumukas ang pinto at isang babae ang bumungad samin. Unang tingin, she looks like on her 20's pero sabi niya she's in her 30's na. Hindi na siya dito nakatira sa unit na ito. She just waited for us para ipakita ang loob ng condo unit. She's Jenella Viernes. Nakabili na raw siya ng bahay sa isang villa malapit lang din daw sa VFC. Wala nang gagamit ng condo nato kaya ibebenta niya. The condo was good. Maganda rin ang view kapag pumunta ka ng veranda. Kitang kita ang city lights, up here. Pumunta kami sa kitchen area and it's good. Sakto pang dalawang tao ang condo na ito. Fully furnished of course. May dalawang kwarto ang condo tapos may malaking space for living area Malapit sa kitchen nandoon na rin ang dining area. Yung huli naming ni-check ay ang banyo. Maganda at spacious. May bath tub rin at glass wall. The first bedroom pala is the master's bedroom. Pwede kong lagyan ng study area at malaki ang glass window. Yung isang kwarto ay maliit lang ng konti sa master's bedroom. Lumiit kasi walang banyo. Sa master's bedroom kasi meron and spacious rin. I looked at the ceiling for the final judgement and the only thing that's rolling on my mind right now is I really like the place. Tahimik tapos may magandang view. This is good for lifetime investment. Hindi ko na poproblemahin ang bahay. Jenella smiled at us.
"So.. do you like it? Dala ko rin ang deed of sale ng condo. Pwede 'tong rental pero kung gusto mong bilhin, kahit three months to pay ay ayos lang. This is good. Actually, isa ang condo unit ko sa may magandang view dito sa VFC."
Tumango tango ako.
"Ate Jenella, kakausapin ko pa si Mama about this pero I'll contact you right away kapag may desisyon na siya. But for me, I honestly love this place. Konting ayos na lang, maganda na kasi dati na siyang maganda."
"I agree beh."
"Well, It's settled then. Hindi ko na ibebenta ito sa iba. I can wait for your decision, Sunny."
Nakangiting sabi ni Ate Jenella. Ngumiti rin ako.
"Thank you, Ate Jenella."
The reason why gusto ko ang condo is because habang tinu-tour kami ni Ate Jenella nagkukwento siya how this place became so memorable for her. She wants to keep this but need niya rin ang pera para sa nalalapit niyang kasal. Kahit pa all expense naman ng fiancee niya iba pa rin kapag kahit papaano may ambag siya sa kasal nila.
Ang kwentuhan namin ay umabot sa Kuya J's Restaurant. Iyon kasi ang pinakamalapit na restaurant dito sa VFC Building. It's past 9:30pm kaya dito na kami nag-dinner dahil ito na lang din ang bukas ng ganitong oras. Ang nakakahiya lang dahil nilibre kami ni Ate Jenella hindi kasi pumayag na magbayad kami. Treat niya na raw samin. She's too nice at maganda pa. All package na. No wonder engaged na siya.
After we ate dinner ay nagpaalam na rin si Ate Jenella samin. Sinundo ng fiance niya. Kinilig pa nga si Vanessa. Kita mo kaagad sa kanila na they are in love and happy. Nag-antay lang kami dito sa labas ng restaurant dahil nagpasundo si Vanessa at isasabay na lang daw ako para hindi na ako mahirapan sa pag-uwi sa apartment.
"Nakakainggit si Ate Jenella noh? Ang pogi at sweet ng fiance."
Sabi ni Vanessa. Napatango na lang ako sa kaniya as I agree to it. Sa edad kong 21 hindi ko pa naisip ang pag boboyfriend. Parang ngayon nga lang nag-sink in sakin na ni minsan wala pang may lumapit sakin to court me. And I also don't mind. Hindi ko kasi talaga naging priority ang pagboboyfriend. Focus ako sa pag-aaral eh.
"Bakit tulala ka na diyan?"
"Van.. ano feeling nang may manliligaw?"
Natawa siya. As if I am a joke right now.
"Tinatanong mo talaga sakin yan ngayon? Oh my god!"
"Wag mo na sagutin bwiset ka!"
May tumigil na sasakyan sa tapat namin. It's Tita Mommy's car. Inunahan ko na si Vanessa sa pagpasok sa kotse. Nakasunod siya sakin na tumatawa pa rin.
"Hi Tita Mommy."
Walang emosyon kong bati. Nakakairita talaga si Vanessa minsan. Nakakatawa ba ang tanong ko? Eh sa hindi ko alam ang pakiramdam ng ganoon dahil wala namang may nanliligaw sakin. Pero bakit nga ba wala? Siguro kasi hindi naman kaligaw-ligaw. Up until now, hindi ko pa nga nagawang mag-ayos talaga ng sarili. Tamang polbo at liptint lang, pwede na.
"Hello Sunny. No kiss kay Tita Mommy?"
Napabalik ako sa huwesyo ko. Lumapit ako kay Tita Mommy sa driver's seat at humalik sa pisngi niya. Nandito kasi ako sa back seat. Si Vanessa naman nasa front seat katabi ng driver's seat. Humalik din sa kaniyang pisngi si Vanessa.
"Ano na naman ginawa mo kay Sunny, Van? Mukhang byernes santo ang mukha."
"Oh.. it's nothing Mommy. Lagi naman byernes santo mukha niyan di ka pa nasanay."
Inirapan ko si Vanessa at tumawa lang siya. Napapailing na lang si Tita Mommy sa aming dalawa.
Lumabas ako ng kotse pagkarating namin sa labas ng apartment ko. I bid my goodbye to them naglakad ako papasok ng malaking gate at dumeretso sa kung nasaan ang apartment ko. Binuksan ang pinto gamit ang susi. Dere-deretso ako sa loob at saka naupo sa upuan. Inilibot ko ang tingin sa aking apartment. Kung iisipin kasing laki ng apartment ko ang isang kwarto doon sa condo unit. Kahit papaano malaki ang condo na iyon sapat lang para sa presyo nito.
Inilabas ko ang phone ko. Isesend ko kay Mama yung mga pictures ng condo. I opened my data connection and messenger notifications flooded me. Lahat galing sa GC's kung saan nandoon ako. School stuff. Hindi ko muna binuksan ang mga iyon at dumeretso ako sa convo namin ni Mama. She's online. Isinend ko lahat ng pictures. After ko isend saka ko binuksan ang mga chats at binasa ko lahat. I reacted and replied sa ibang chats doon na namention ako.
Tumatawag na si Mama. I answered it.
"Hi Ma!"
Masigla kong bati.
"Hello anak. How's your day?"
"Tiring but I'm fine po. Ikaw?"
"Ayos lang ako anak lalo na at kausap na kita ngayon. I saw the pictures. It's good. Malinis din but did you like it?"
"Yes. Medyo mataas ang presyo Mama. Magbibigay na lang din ako para hindi ganoon kabigat sayo. I still have money here Mama."
"No no no! Save it for yourself. I can pay for it. Si Tita Mommy mo na ang mag-aasikaso doon okay? We'll talk after this."
"Ma.. nakakahiya kay Tita Mommy."
Pagpipigil ko sa kaniya.
"No, anak. Okay lang kay Tita Mommy mo. Nagkausap na kami."
I sighed. Si Mama talaga.
"May meeting ako kaya di tayo makakapag chismisan sa ngayon. Bawi ako bukas okay? Ingat ka diyan. I love you, nak."
"You too Mama. I love you too."
And the call ended. May text message akong natanggap from unknown number dahil number lang naman ang nakalagay. I open the text message..
Hi. This is Storm. Save my number.
-0906*******
I saved it. I texted back. Sabi ko lang "already saved." At ang bilis ng reply niya
Him: Good. How are you?
Napakunot noo ako. Close tayo? But still pinigilan ko magtaray. Pinaalala ko lang sa sarili ko na SSC President itong katext ko.
Me: Good. Just tired. Why?
Ayoko ng misleading conversation so I asked him why. Para I know the reason.
Him: just checking up on you. Take a rest. Good night.
Aahh.. iyon lang naman pala. Okay. I replied.
Me: No need to check up on me but thanks. Good night.
Sa pagkakaalam ko graduating na si Storm and James. Siguro nakita niya sakin ang pagiging nakababatang kapatid or talagang he's naturally sweet and caring pero hindi kay Amber. Sa meeting nga kanina para lang siyang nagtitimpi kay Amber. And as I can see mukhang malaki ang pagkagusto ni Amber kay Storm pero mukhang one-sided love. Anyway, it's none of my business.
Tumayo na ako para mag-halfbath at makatulog na. Maaga ang pasok ko bukas. Pagkatapos maglinis ng katawan at magbihis ng pangtulog kinuha ko na ang cellphone at dumeretso na sa higaan. I opened it at napatitig sa screen. Inulit ulit kong basahin ang text message na natanggap ko. Hindi ko na rineplyan pero nananatili sa utak ko ang text message from Storm.
It is my need and will to check up on you, Sun. See you tom.
-SSC Pres

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon