Page Twenty-One.
——————————
Heart designs and shape are all over the field. Maraming estudyante. May nagtatawanan. May mga magkakasamang kumain and some are just roaming around. It's Love Week at ALA. Pero bukas pa ang Grand Night Ball. Every Students are just having fun after hell week. Pre-final exam was done last week. Hanggang bukas na lang ang Love Week dito sa school. Nung isang araw pa ito nagsimula. Kagagaling ko lang sa hell week tapos the next week ito naman ang inasikaso namin. I am just here at the field para maglibot at tignan ang bawat booths na itinayo per department.
May Jail Booth, Wedding Booth, Secret Message Booth, Food Stall are everywhere. May bilihan din ng flowers, teddy bears and chocolates. Ugh! Looking at this? Nakakawala ng pagod. Ang pinaka pino-problema ko lang sa ngayon ay ang gaganaping Grand Ball bukas ng gabi. I still have nothing to wear. Ang theme ng Grand Ball ay Masquarade. Tho, It has always been like that. Pero ganoon pa rin naman magkakakilala lahat kahit may mga suot na maskara. Ang pagkakaiba lang ng Grand Ball this year ay ang Kissing Midnight. This was already explained sa aming SSC Officer and other organization kaya nasabi na rin sa ibang estudyante. After ng sayawan by Twelve Midnight, You have to kiss the person you were dancing with that time. Not a good idea for me but para sa iba, It is something they look forward too. Wala namang pilitan sa pagsali. It's just that if you are dancing with someone may be a woman or a man, You have to kiss your dancing partner pagka nasaktong twelve midnight and you're still dancing. If ayaw mo naman mahalikan then the only way to avoid it is to stay at your place and don't dance with anyone lalo na kapag malapit na ang twelve midnight.
As I was roaming around. Nakita ko si James malayo pa lang. Sa tinagal tagal, ngayon ko lang siya nakita dito sa Academy. Halatang iniiwasan kami o medyo busy din siya sa kung ano mang ginagawa niya. Naglakad ako palapit sa kaniya. Nasa may Stall siya ng mga bulaklak.
"Would you buy a flower for me?"
Napalingon siya sakin. I smiled at him at unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Hinarap niya ang nagbebenta ng flower at bumili siya ng artificial yellow tulips flower at saka niya binigay sakin. I chuckled at tinanggap ang binigay niyang bulaklak.
"Thank you, Mr. James Chiu."
I teased him. Tumawa siya sa sinabi ko. He bow his head.
"My pleasure, Ms. Sunny Daine Alcazar."
Sabay kaming natawa dahil sa kabaliwan naming dalawa.
"How are you?"
I asked. Bumuntong hininga siya.
"Felt better. How about you?"
"Same old. Same old."
"Good."
Nakangiti niyang sabi. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid.
"You guys did great. Mabuti na lang magagaling kayo kahit wala kami ni Storm."
I rolled my eyes.
"Duh? Nagmemeeting tayo sa GC. May ambag pa rin kayong dalawa."
Tumawa siya. Totoo naman. May mga personal meeting kami at wala sila pero sa GC halos araw-araw may ganap doon. They are still guiding us lalo na si Storm. He knew everything kahit na may mga ibang ganap na nakakalimutan niya dahil na rin sa tambak niyang gawain at isipin.
"How's you and your Storm? Kayo na raw?"
Nagulat ako sa kaniyang sinabi.
"Paano mo nalaman?"
"Storm told me. The night na sinagot mo siya he called me. It was the first time he called me after me and Katty broke up. He was so happy and still can't believe that you are now his girlfriend."
Hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi. Kahit masama ang loob ni Storm kay James nagawa niya pa rin i-share ang masayang araw niya sa best friend niya. Gusto niyang alam pa rin ni James ang nangyayari sa buhay niya.
"He was so happy. Sunny.. Make him happy. Ikaw lang ang taong nagpapasaya sa kaniya ng sobra. He's not the kind of person na manghihingi ng atensyon at pagmamahal dahil nakukuha niya yun sa pamilya niya at mga kaibigan. But still, You're different. You're his life. So don't kill him by breaking his heart."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman but one thing is for sure. They miss each other. Their bond and their friendship. I just hope maibalik nila ang dati nilang pagkakaibigan. At alam kong mangyayari pa iyon, Not now, but soon.
"Ikaw? Kumusta ka na?"
He smiled at me.
"I'm fine. Doing great. Hindi..Hindi ako pumayag sa kasal. I am not living with my family anymore."
Napanganga ako sa sinabi niya.
"I am trying to live alone. Earning some money by my own skills and talent. I was so busy with my life that this is the only day I did tried to relax. And I am more relax that I did spend my free time with you."
Tanging ngiti lang ang binigay ko sa kaniya. Deep inside I wanna cry for James. He's alone and no one is there for him. Paano niya nakakaya ang bawat araw na dumadaan? I heard him sighed kaya muli akong napatingin sa kaniya. Malayo ang kaniyang tingin pero nandoon ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi.
"I am waiting for her. I want her to know that I don't need an easy life without her. I can take all the pain, sorrow and tiredness as long as she's with me. Katty, chose the life that I don't want to have. And it still break me."
"James.."
"Ugh. Gusto mo kumain? Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng gutom. Are you free?"
I rolled my eyes at her pero nakangiti ako.
"Basta libre mo?"
Ngayon ay siya naman ang umirap sakin.
"Di ba pwedeng KKB tayo? I'm still broke!"
Tumawa ako.
"Biro lang. Tara!"
"Birol lang din. Hahaha!"
Sagot niya. Pareho kaming tumawa habang naglalakad palabas ng Academy. Kung walang ibang tao sa tabi niya, Then I can be with him.. as a friend.
Pinili namin sa Mad Cafè kumain dahil ito lang ang may magandang view at malapit sa ALA. We're now sitting sa may book area. Mas tahimik kasi dito. We both rent a book pero parang wala naman kaming balak basahin ito.
"Saan ka nagtatrabaho? Anong sabi ng family mo about your decision?"
"Wala silang pakialam but I know they loathed me. I don't care anyway. Nagtatrabaho ako as an intern archetict sa mismong company kung san ako nag-OJT."
"Hindi ka sa Company niyo nag-OJT?"
Tumango siya.
"These are all my plan even from the start. Pero hindi ko sinama sa plano ko ang iwan ako ni Katty, Sunny."
"She loves you so much, James. You can't blame her."
"I won't blame her in any way, Sunny. Masama lang ang loob ko that she didn't trust me."
"Itinago mo kasi. Hindi mo sinabi ang mga plano mo at gusto mong mangyari."
"Kapag sinabi ko ba, maiintindihan niya? Mas lalo niya lang akong lalayuan."
Hindi ako nakaimik. Because it's true. Mas lalo siyang ipupush ni Katty palayo. Ganoon si Katty. Hindi niya gugustuhing piliin ni James ang mahirap na buhay para lang makasama siya.
"Bakit hindi mo siya kausapin ngayon? Bakit hindi mo siya puntahan? Take her back!"
Umiling iling siya.
"Wala pa akong maipagmamalaki sa kaniya, Sunny. Hindi ko pa siya kayang kunin sa Pamilya niya. Hirap pa nga ako na mag-isa lang paano kapag kaming dalawa na? Ayaw ko siyang bigyan ng mahirap na buhay."
I sighed.
"Ang kumplikado niyo talagang dalawa!"
Tumawa siya sa sinabi ko at napapailing na lang siya.
"How's.. Van?"
Nag-aalangan niyang tanong. Napairap ako nang mabanggit niya si Vanessa. Yung babaeng yun napakatigas.
"Ugh. That woman! Hindi niya kayang intindihin ang nangyari sainyo ni Katty. Gusto ko na ngang itanong kay Tita Mommy kung saan niya pinaglihi si Vanessa at napakatigas ng ulo at sarado ang utak."
James chuckled.
"Van is Vanessa Miller, Sunny. Hindi siya si Van kung hindi siya ganun. And I understand her. You're just a rational person kaya kinakausap mo ako ngayon."
"And you think I am irrational dahil hindi kita kinakausap?"
Mabilis na nilingon ni James ang nagsalita. It's Vanessa Miller with.. Storm thompson. Napangisi ako. Sabi ko na nga ba, They both misses James. I texted them both na kasama ko si James habang kumuha ng order namin ang kasama ko. Hindi na nakasagot si James at nakatitig na lang siya sa dalawang bagong dating. We're almost complete. Si Katty lang ang wala. Naupo sa tabi ko si Storm at seryosong nakatingin kay James. Si Vanessa naman ay tumabi kay James at masama ang tingin sa katabi niya. Napalunok si James.
"Sunny, Hindi ko pa naman huling araw ngayon noh?"
Tumawa ako sa sinabi ni James.
"Of course not. Miss ka lang ng dalawang yan."
"Tss.. Miss ka diyan!"
Deny ni Vanessa muli niyang tinignan si James.
"Really, James? Am I irrational?!"
"That's not what I meant, Van."
"Then what?!"
"You're just being you. You're just being true. And it's alright."
Tumango tango siya.
"Buti alam mo. Plastic yan si Sunny. Wag ka nagpapadala sa mga ngiti niya at in-control facade. Pinapatay ka niyan sa utak niya."
Paninira niya sakin pero ngumisi lang ako.
"Do you need an extra job? I can recommend you sa Manager ko. Do the Modeling, Bro."
Pag-iiba ng usapan ni Storm. Gulat siyang tinignan ni James. Storm knew? I heard him sighed.
"I know everything, Bro. I know everything. I am waiting for you to ask for my help. Para namang hindi mo ako kaibigan."
Tahimik lang na nakatingin sa kaniya si James pero kita ang saya sa kaniyang mga mata.
"Ayaw mo man o gusto, ipapasok kita sa modeling agency kung nasaan ako. Trust me."
"I hate modeling, Bro."
"Wag ka mag-inarte. Hindi ka na mapera."
"Ouch, Bro! Ang sakit!"
"Deserved."
Sali ni Vanessa sa usapan nang dalawa. I can't help myseld but to laugh. I miss this. I miss this so much. If only, Katty's with us. Mas masaya sana. Hindi kami buo kung wala siya. I hope she'll realized how James love her. I just hope they'll their way to each other. Deserved nila ang isa't-isa.
Humaba pa ang usapan at pag-uupdate namin kay James ng mga ganap namin sa buhay and little by little he opened up his self with us. I just couldn't believe that James chooses this kind of life and I am so proud of him. Living alone is not an easy life, but it is fulfilling. Not everyone can live their life alone, Kaya to all the people out there who's living their life alone? I am so proud of you. Cheers to more struggle but makes us stronger life! We are all amazing and brave!
"Hindi ko aakalaing darating ako sa ganitong punto, James. Hindi ko aakalaing makikisakay ka sakin dahil wala kang sasakyan!"
Natatawang sabi ni Storm. Gigil na inirapan siya ni James.
"I'd rather choose a good apartment than to ride a luxurious car, Bro. Nasa tamang tao naman yun."
"Kanino ka nagpatulong ibenta sasakyan mo?"
"Kay Kalvin. Maraming kilala yun eh. Yun nga lang, Inulan ako ng kantyaw ng hayop!"
Tumingin si James sa rearview mirror. Nandito kasi kami sa likod nakaupo ni Vanessa.
"Van.. Wag mong sasagutin yung hayop na yun. Pahirapan mo! Deserved niya yun!"
Tumawa kami sa sinabi niya. Inirapan lang siya ni Vanessa.
"Desisyon ka, James?"
Napanganga si James sa sinagot ni Vanessa at napatawa kami ulit ni Storm.
"You! inlove ka dun?! Magkaaway kayo diba?!"
"Buhay ko 'to, James. Wag kang O.A diyan."
Napapailing na lang ako. Kung hindi makapaniwala si James mas lalo na ako. Hindi ko lang talaga natyetyempuhan itong si Vanessa ng kaming dalawa lang. Hindi ko tuloy makausap nang masinsinan.
"Bro! Can you imagine?!"
"Kalvin likes her for a long time, Bro. Di ba nasabi ni Kalvz sayo?"
Napapilantik si James. Kalvin likes Van a long time ago? Oh? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko napansin?
"Dito na ako, Bro. Salamat."
Ni-park ni Storm ang kotse niya sa gilid ng kalsada.
"Bro..Doon ka na lang kaya sa Condo ko? I can lend it to you naman."
"Nah. Wag na, Bro. I want to earn everything."
"Buy it, then."
"What?!"
"Buy it. Ibebenta ko sayo. Hindi naman na ako nakatira dun. Hindi lang din naman nagagamit."
"Ang mahal ng Condo mo, Bro."
"Hulugan, then. Come on, Bro. Stay there. Let me help you this time."
Nakatitig lang sa kaniya si James na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Storm. May iniabot si Storm kay James. Alam kong susi ng sasakyan iyon.
"I bought your car. I want you to have it again. Take it as my gift dahil malapit na rin tayo grumaduate. Please.. Bro. Let me help you, this time."
"Sobra sobrang tulong na'to, Bro. I don't deserved this."
"You do. Pag-isipan mo yung Condo. Yung kotse mo nasa Condo building lang din. I parked it there. Waiting for the right time to give it back to the rightful owner."
"Bro.."
"Have it. Wag mo na akong iyakan. Kadiri!"
Natatawang sabi ni Storm. I chuckled. Vanessa sniffed kaya napatingin ako sa kaniya. There is tears in her eyes. Napatingin siya sakin at napangiti siya.
"I am just happy. Their friendship is inevitable."
"Just like us."
Tumango siya.
"Yeah. Just like us."
After namin ihatid si James ay kami naman ang hinatid ni Storm. Bukas na lang daw kukunin ni James ang sasakyan niya na nakaparada dun sa Condo building namin ni Storm.
"Buds, How did you know about James situation?"
I asked. Nasa Condo niya kami ngayon. Si Vanessa nasa Condo ko. Tinaboy kami dahil ayaw daw niyang magkulong sa kwarto. Kaya dito na lang kami nag-stay sa Condo niya.
"Sinundan ko siya at inalam mga whereabouts niya nang tawagan ako ni Kalvin para sabihin na binebenta ni James ang kotse niya. James will never do that lalo na sa kotse niya. Mahal na mahal na mahal niya yun kesa saking kaibigan niya."
"Nagtaka ka kaya inimbestigahan mo sarili mong kaibigan?"
I teased him.
"Yeah. Hindi ko siyang pabayaan kahit na nasaktan niya si Katty. And Katty will get disappointed kapag nalaman niyang inabanduna ko si James."
That's for sure. Kaya nga ginawa ni Katty iyon dahil ayaw niyang tuluyang magkasira ang magkaibigan pero hindi niya pa rin nagawang itago ang totoong dahilan sa dalawa. But still, nagkaayos pa rin silang dalawa. Nandoon pa rin ang pagkakaibigan na binuo nila ng ilang taon. They don't treat each other as friends but as brothers. Thinking about it, Kalvin had a biggest part in their friendship dahil sa basketball. Kung hindi ko nakilala si Storm at Katty hindi mo matututunan ang makilala ang ibang tao at hayaan silang maging parte ng buhay ko.
I am a loner and aloof. Kahit si Mama ay nagulat sa pinagbago ko but she's proud of me. Speaking of, Mama knew about Storm and I. She's happy pero lagi kaming pinaalalahanan na wag gumawa ng mga bagay na pagsisisihan namin pareho. Alam na namin ni Storm kung ano yun.
"Napakaswerte ni James to have you, Buds. Really lucky."
Umiling iling siya.
"I am also lucky to have him as my friend, Buds. Para ko na siyang kapatid. And I don't want him to suffer lalo na kung alam ko namang may magagawa ako para sa kaniya."
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ugh. Lord, Thank you for giving me someone like him. Hindi lan siya mabuti sakij kundi sa lahat ng tao sa paligid niya. No wonder he's receiving so much love from us because he's not afraid to give all his love to us. He's truly an angel.
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...