Page Forty-two

37 3 0
                                    

Page Forty-two.
——————————

"Ayaw mo ba talagang kunin yun? Ranzella is a popular fashion designer. Napakalaking bagay na mapabilang sa isa sa mga modelo niya, Sunny."

Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"I told you, I don't want to do modeling again, Ma'am Agnes."

She sighed.

"Tell me why? Sabi mo isang buwan lang, bakit ngayon ayaw mo na?"

"I want to spend the rest of my life with my family."

Nag-iba ang ngiti ni Ma'am Agnes.

"Ayy! So kailan ang kasal?"

"I don't know and I'm not really thinking about it."

Kumunot ang kaniyang noo.

"At bakit?"

"Darating din kami doon."

"No proposal? Ay! Di ko bet!"

Napabuntong hininga ako. It's been a month since Storm and I are back together. Lagi namab niyang binabanggit ang kasal sakin pero oo, walang proposal. At hindi rin ako umaasa sa proposal. Ang isa pang ipinagtataka ko, hindi ko pa namemeet ulit ang family ni Storm. Para bang may hindi siya sinasabi sakin at hindi ko rin naman magawang itanong sa kaniya. Natatakot akong baka hindi niya ako sagutin o hindi niya magawang sabihin.

"Was it really needed?"

Tanong ko kay Ma'am Agnes. Ngumuso siya.

"Hindi naman talaga sobraing kailangan pero Sunny, kilalang tao ang boyfriend mo o fiance mo o kung anuman ang mayroon kayo. Kahit ikaw kilala ka rin. Some people might think the negative way."

Umismid ako.

"Wala naman kaming pakialam sa sasabihin nila."

"Well.. kayo naman yan. Kayo bahala. Anyway, Congratulations for winning the best romance novelist again."

I chuckled.

"Thank you, Ma'am Agnes."

I won the best romance novelist under EasyWrite Company again. Wala namang party or what. Just a simple recognition. Nakita kong tumaas ang kilay ni Ma'am Agnes.

"Alam kong hindi ka nagpunta rito para lang makipag-chismis sakin at personal na sabihing hindi mo tatanggapin ang alok ni Ranzella."

I chuckled. Nandito kasi ako ngayon sa Company. Bumisita ako for a very important reason. Nilabas ko ang isang ginawa kong kontrata kalakip ang story guideline nang panibagong isusulat ko.

"Ano yan?"

"Read it."

Agad niyang kinuha ang ipinatong kong mga papel. Una niyang binasa ako sinulat kong kontrata. Ang EasyWrite ay may dalawang klaseng kontrata. A contract from your commitment with the EasyWrite Company, and a contract that was made by the author that should be given a consideration by the company. Ganoon kaganda at ka-legal ang EasyWrite Company. I waited for her to finished it. Bumuntong hininga siya at nakatingin siya sakin na para bang nagtataka at napaka-imposible ng mga sinulat ko.

"Are you kidding me, Sunny?"

Hindi ako nakasagot nang may marinig kaming katok mula sa glass window ni Ma'am Agnes. Agad na lumiwanag ang ngiti ko nang makita ko si Randall na ngayon ay nakapasok na sa Office ni Ma'am Agnes.

"Randz!"

Excited kong tawag sa kaniya. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya para mayakap siya. He chuckled. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka ngumuso.

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon