Page Four

60 3 0
                                    

Page Four.
–—————–———
"Uugghh.. ayoko na Van!"
"Ayoko na rin, beh. Swear!"
"Kumain na muna kayo, Van! Sunny!"
We got up. I can smell the pizza and carbonara! I can smell it from here sa living area.
Where are we? Nasa Condo ko na. Nakalipat na ako dito kagabi pa. And now, akala ko tapos na ako sa pag-aayos but suddenly Tita Mommy and Vanessa came at may dala dalang mga gamit. All are new.  Some are from home depot and ikea. Yeah. Seriously! Ang sabi ni Tita Mommy plan daw ni Mama. She also gave the remaining money na binigay ni Mama sa kaniya. Yung hatian sa condo? Ayaw ni Mama. Kaya ang ending, mapera ang bank account ko. Nilagay ko lahat. Itong binigay sakin ni Tita Mommy ngayon? Ill just keep it. Hindi pa ako nakakapag grocery at baka doon ko na lang gagamitin itong pera.
We're done na sa kama ko. Vanessa actually made my room aesthetic. At yun din ang plano niya sa ibang area pa ng condo ko. Wala daw kasi siyang trust sa designs ko so might as well, siya na lang daw. Hinayaan ko na. Ayaw kong sirain ang pangarap ng kaibigan kong maging designer ko.
Agad akong kumuha ng pizza. Shems! Ang sarap talaga ng pizza ng shakeys though mas gusto ko pa rin ang yellow cab. Anyway, lahat naman masarap basta usapang pagkain at kapag gutom na ako!
"Iiwanan ko kayo ni Vanessa dito. Plano niyang matulog dito sa condo mo Sunny."
Nagulat ako but then I felt the excitement!
"Seriously, Tita Mommy?!"
"Yes."
Napatili ako. Vanessa just laughed at me. Actually, hindi kasi talaga pinapayagan si Vanessa na mag-stay or matulog sakin. Not because hindi safe sakin. Iniisip kasi ni Tita Mommy na kaya ako umalis sa poder nila dahil ayaw ko ng kasama. Though, I've cleared it naman na still ayaw ni Tita Mommy and she wants to be with Vanessa all the time. Syempre si Vanessa lang naman kasi ang anak ni Tita Mommy at sila na lang din naman ang magkasama.
"Tita Mommy, Vanessa can stay here anytime po. It's fine with me. Really. Masaya nga yun may kasama ako."
Hindi nagsalita si Tita Mommy pero halatang may iniisip siya.
"Okay. Ganito na lang. Vanessa will stay here weekdays and I'll take her home by friday afternoon at sa bahay siya until sunday. Is it okay?"
Sabay kaming tumango tango ni Vanessa? Duh?! Gustong gusto namin yun! Hahahaha
"Really, Mommy?!"
Tumango tango si Tita Mommy while smiling.
"Guess.. I have to let you go since you're not a baby anymore. In just one condition. This is for the both of you."
We wait for her to speak, again.
"No boys. Okay?"
I rolled my eyes.
"Tita Mommy, we surely never take a boy here. As if."
"Just reminding you. Okay? Deal?"
"Deal!"
Masayang sagot namin ni Vanessa. We both giggled. We are so excited! Mabuti na lang dalawa ang room dito sa condo ko. But for sure, hindi magagamit ang isang kwarto. Magkatabi kami ni Vanessa na matutulog.
****
"I still can't believe that Tita Mommy let you live with me, Van!"
She giggled. Bumingisngis din ako. Wala na si Tita Mommy at natapos na rin kami sa pag-aayos ng condo though marami pang kulang na appliances at ibang gamit. Sabi ko kay Vanessa sa saturday na lang kami bumili. Nagpapahinga lang kami saglit tapos mamaya aalis kami para mag-grocery. Buti na lang ang lapit lang ng supermarkets dito. Katabi lang ng Condo building ang Mall. Diba? Kaya gustong gusto ko dito eh.
"Me too! But seriously beh, kailangan natin ng matinong living area. May sosyal pa naman tayong friend!"
She's reffering to Katty. May kaartehan kasi si Katty pero ayos lang naman. It suits her. Katty came from a rich family kaya given na ang pagiging maarte. Childish din. And when I think about James courting Katty? Parang ayaw kong maniwala. Kasi yung tingin ko kay James mature na babae ang gusto. But then, he fell inlove with Katty na hindi ko malaman kung ilang taon na ba talaga. She's too innocent and pure.
My phone vibrated na ikinagitla ko. Nasa may bandang dibdib ko kasi naipatong. Nandito kami sa sala na wala pang sofa. Mabuti na lang ay may TV at console. May fur carpet na light blue. Dala ni Tita Mommy kanina, at yun ang hinihigaan namin ngayon.
I checked my phone. Text message.
"Jobee Buddy?"
I immidiately took my phone away from Vanessa. Dumapa siya kaya parang nakadungaw siya sakin. Ganyan ang posisyon namin ngayon. Puno ng katanungan yung mata niya.
"Who's Jobee Buddy?"
I rolled my eyes at her.
"Wala ka na dun."
Natatawa kong sagot sa kaniya. Bumangon ako sa pagkakahiga. Ramdam ko ang nakasunod na mga mata ni Van. I opened the text message from Storm. Yeah. It was Storm. From SSC President pinalitan ko ng Jobee Buddy yung name niya sa phone. Why? Gusto ko lang. SSC President is too formal samantalang yung bond naman namin ni Storm is not just SSC President slash Vice President relationship.
I finished It ends with us! Any recos?
-Jobee Buddy
Napangisi ako. Mabilis akong tumipa.
"So.. are we keeping secrets now?"
Nilingon ko si Vanessa. Nakataas ang kilay at nakahalukipkip. Waiting for me to speak or at least explain. Knowing her? Hinding hindi niya ako tatantanan. Wala naman kaming ginagawa ni Storm pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya.
I sighed.
"I am not keeping a secret from you, Van."
"Uh..huh?"
My phone vibrated again. It's Storm. Hindi ko na muna binasa. Itinaas ko ang dalawang kamay.
"Okay. It's Storm."
Ngumisi siya. Yung ngisi na alam mong any moment manunukso na.
"Are you two..?"
Umiling iling ako.
"Weh? Di nga? Bakit mo hindi sinasabi sakin?"
Panunukso niya.
"Dahil ganyan ka."
Kumunot ang kaniyang noo. Itinuro niya sarili niya.
"What about me?"
"You being so o.a. me and Storm are just friends."
Tumaas ang kilay niya.
"Okay. What kind of friends? Eating together? Seeing each other secretly?"
I rolled my eyes.
"No. Friends like us."
Naglakad ako papasok ng kwarto and I grabbed my jacket and keys.
"There is really nothing to explain Van. Tara na. We have to buy our food for the whole week!"
Vanessa chuckled.
"So defensive."
Pang-aasar niya.
"I am not."
"Yes you are."
"No."
Nagtatalo pa rin kami. I opened the door at yung kaharap na pinto ng condo ko ay bumukas din. Nagulat ako sa taong lumabas sa may pinto at kahit siya ay nagulat din.
"Storm!"
"Sun!"
Sabay naming sabi.
"What are you doing here?"
"What are you doing here?"
Magkasabay rin naming tanong. No one answered. Tumawa si Storm kaya natawa na rin ako. Mukha kaming tanga.
"Ahem.."
We stopped laughing. I looked at Vanessa na ngayon ay pinipigilan lang ang pagtawa. Para akong napabalik sa present.
"Oh! Storm this is my best friend, Van. Vanessa Miller." Nilingon ko si Van. "Van, This is Storm, SSC President and my friend."
Inilahad ni Vanessa ang kamay niya kay Storm.
"Nice to meet you Storm. Sunny's Jobee Buddy."
Kinurot ko si Vanessa sa hita niya pero hindi siya natinag. Storm just chuckled. Kinuha niya ang kamay ni Vanessa and they shakehands.
"Nice to meet you too, Van."
"So.. you're living here?"
Tanong ni Vanessa sa kaniya.
"Yes."
He answered. Saka siya tumingin sakin.
"You're living here? You never told me. Akala ko nandun ka pa rin sa apartment mo."
"He knows where your apartment is?"
Nandoon ang pagtataka at gulat sa mukha ni Vanessa. I just smiled at her. Syempre hindi ko nasabi sa kaniya na hinatid ako ni Storm doon. Nung Wednesday and Friday. Yes. Again, we had our dinner sa jollibee. Pero ewan ba namin at mukhang hindi naman kami nagsasawa. Sabagay hindi naman araw-araw.
"Fortunately, yes."
Si Storm ang sumagot. Tumaas ang kilay ni Vanessa. As if warning me about me not telling anything to her. I sighed.
"Mag-gogrocery kami ni Van. So, una na kami?"
Tumango si Storm.
"Okay. Nakalimutan ko yata wallet ko sa loob. Ingat kayo."
Tumango na lang ako. The elevator opened kaya pumasok na kami ni Vanessa sa loob. We are not talking. Pagkasara ng elevator hinarap ako ni Vanessa.
"How did he knew your apartment, Sunny Daine Alcazar?"
I rolled my eyes.
"Naihatid niya ako dun."
"Kailan? How? Why?"
"Van.."
I warned her. Inobserbahan niya muna ako. I heard her deep sighed.
"Okay fine. I won't force you to tell me anything if you're being uncomfortable."
I smiled at her.
"Pero shit..."
Nilingon ko siya. Nakangisi siya pero she's not looking at me.
"Pero what, Van?"
Umiling iling siya. Parang tanga to.
"Grabe.. ang pogi niya sa malapitan, beh! Gusto kong maihi sa panty ko! Tapos ang manly ng kamay! Shems!"
I rolled my eyes. Potek! Pinagpapanstasyahan niya lang pala si Storm. Whatever Vanessa. Kahit kailan talaga unfocused ka.
"I think he likes you, beh."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sabog ba siya?
"No. He's inlove with someone else, Van. And we are just friends."
Medyo inis kong sabi sa kaniya. Paulit ulit na lang kasi kami.
"Yeah. Pero.. may iba talaga eh."
"Nagpapakupido ka na naman, Van."
"No. No. No. May iba talaga, beh. May iba sa kaniya."
Humalukipkip ako.
"Sige nga, anong iba?"
Tumingin siya sakin.
"Iba ngiti niya sayo sa ngiti niya sakin eh."
I rolled my eyes.
"Of course, iba. We are friends and you two are not."
"Sabagay.."
"Enough na okay? May ibang mahal yung tao pinupush mo sakin. Magkaibigan lang kami."
"What if.. what if lang beh ha?"
I waited for her to speak.
"What if he'll likes you? Ano gagawin mo?"
Oo nga noh? Hindi naman kasi pwedeng ako yung magkagusto sa kaniya kasi it will never really happened. But if Storm likes me? Sa lalim ng pagmamahal niya sa babaeng gusto niya? No. Suntok sa buwan na mangyayari yan. Umiling iling ako.
"Imposible yan, Van. Napaka imposible."
"I doubt that. Same condo building? Magkaharap ang unit? Nagkasabay sa paglabas? It's too imposible yet it became possible."
"Van.."
I warned her again. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay.
"Okay. Okay."
****
"Beh.. why don't you cook for our dinner na? Ako na bahala sa pag-aayos nitong mga pinamili natin."
"Okay. What do you want for dinner?"
I asked. Parang hindi ko alam kung ano kakainin ko ngayon. Ang nararamdaman ko lang ay pagod. I never saw Storm na after kanina. He never texted me siguro kasi hindi naman ako nag-reply. Anyway, hayaan na. Mabuti na lang talaga at tinulungan kami ng ibang lalaki na nasa lobby. Medyo mabigat kasi yung apat na box. Hanggang elevator lang naman kasi hindi naman na ganun kalayo yung elevator sa unit ko.
"Hmm.. pork adobo na lang?"
"Okay."
Nakangiti kong sagot sa kaniya. Nagsimula na ako sa pag prepare ng mga kakailanganin sa pork adobo. Vanessa is also busy.
Nagsimula na ako sa pagluluto at mukhang patapos na rin si Vanessa sa kaniyang ginagawa. Inilagay ko na ang karne. Tinimplahan ito at hinalo halo ko para mahalo rin iyong mga inilagay kong sangkap. I heard a doorbell. Nagkatinginan kami ni Vanessa.
"You invited someone?"
I asked her.
"No. Sabi ni Katty hindi siya pwede ngayon kasi may date daw sila ni James."
Kumunot ang noo ko.
"Check mo nga Van."
Itinuloy ko na ang pagluluto.
"Pasok ka Storm. Feel at home. Though Mommy remind us na bawal ang boys dito."
Tama ba ang narinig ko? Si Storm?
"So.. you know how to cook?"
I heard his voice. Hindi ako makalingon dahil nagluluto ako. Ayaw kong nadidikit yung karne sa kawali kaya hinahalo ko. I guess pwede na'to. Kailangan na lang i-simmer. Tinakpan ko iyon at hininaan yung apoy. Hinarap ko siya.
"Yes. Why are you here?"
Ipinatong niya ang kaniyang dalawang siko sa may dining table. Nagpangalumbaba siya.
"I'm bored.. and hungry."
I rolled my eyes at him.
"Manghihingi ka ng ulam noh? Being your kalapit condo is not a good idea."
Tumawa siya. I also heard Vanessa giggled.
"Bingo! I texted you na pupunta ako dito. You didn't reply. Kaya ako na nagdecide."
Grabe. Hiyang hiya naman talaga ako sa kaniya.
"Kapal ah. Kapal ng mukha."
"Is it true? Boys are not allowed here?"
"Yes."
"Can I meet Vanessa's Mom?"
Nagulat ako sa sinabi niya mas lalo na si Vanessa na nilapitan pa si Storm.
"Wanna meet my Mom? Why?!"
Nandoon ang kilig niya at ako naman ay naguguluhan. Di kaya si Vanessa ang.. napatakip ako ng kamay sa bibig ko. Parang na-sense ni Storm ang iniisip ko kaya itinaas niya ang kamay niya saming dalawa ni Vanessa.
"Hey.. hey.. ayaw ko diyan sa iniisip mo, Sun. I just want to meet Vanessa's Mom your Tita Mommy para maipakita sa kaniyang I am harmless. Okay?"
Napatango tango ako. Ganoon din si Vanessa.
"Shit! Muntik ko nang isiping na-love at first sight ka sakin Storm at gusto mo na hingin kamay ko kay Mommy!"
Malakas ang pinakawalang tawa ni Storm. Tumawa na lang din si Vanessa. Natameme ako. Ang lakas talaga ng loob ng bestfriend ko. Hindi na talaga siya nahiya. Bumalik ang atensyon ko sa niluluto ko. It's done.
"Van?"
"Hmm?"
"Kain na tayo. Dito ka na rin kumain, Buds."
Storm smiled at me.
"Thank you, Buds."
"Buds?"
Si Vanessa.
"It's a friendly endearment, Van. Buds kasi jobee buddy and book buddy kami ni Buds."
Magiliw na sabi ni Storm. Vanessa gets excited at sinimulan niya ng ichika si Storm. Yung isa willing na willing naman. Feeling ko nga mas naging close pa silang dalawa kesa samin ni Storm.
Ako na lang ang nag-prepare ng dinner namin. When everything is settled. We started eating. Panay pa rin ang kwentuhan nila ni Vanessa. Vanessa even asked Storm about James. Hindi na yata nawala ang admiration niya kay James Chiu. Storm promised Vanessa na ipapakilala niya si James dito. Tuwang tuwa naman ang isa. We also agreed na ipakilala si Storm kay Tita Mommy. Baka kasi kung ano isipin ni Tita Mommy sakin lalo na at pinayagan niya si Vanessa na dumito sakin. Ibig sabihin noon, She trusted me. Na hindi ko ipapahamak ang nag-iisa niyang anak.
Our kwentuhan didn't stop there. Nagka-ayaan pa ang dalawa na mag movie marathon. Magkausap pa rin sila ni Vanessa pero minsan ay sinusulyapan ako ni Storm. I just gave him an assuring smile. Hanggang sa naging tahimik kami dahil sa intense na pinapanood namin.
Nagpaalam na si Storm bandang 11pm. Monday bukas, maaga ang pasok namin. Pumasok na si Vanessa sa kwarto kaya ako na naghatid kay Storm palabas.
"Thank you for the dinner and.. well for your time."
I smiled at him.
"Wala yun. I hope hindi ka nairita sa kadaldalan ni Van?"
Umiling iling siya at saka ngumiti.
"No wonder magkasundo sila ni Katty. They have the same wavelength."
"I agree."
"And we have the same wavelength."
Itinaas niya ang kamay niya. Asking for a fistbump and so I did what he asked. We both laugh.
"Good Night, Buds."
"Good night, Sun."
I closed the door. Nakangiti pa rin akong naglakad.
"Still smiling? Happy yern?"
Napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat kasi ako kay Vanessa. Akala ko nakahiga na sa kama pero nasa pinto pala ng kwarto at hinihintay ako.
"Let's sleep. Magsisimula ka na naman."
She giggled. Mabuti na lang at hindi niya ako inasar. Siguro kasi antok na rin siya at wala ng energy para asarin ako.
Nakahiga na ako pero hindi ko pa rin magawang makatulog. I felt my phone vibrated. Kinuha ko ito. Storm again.
Sleepwell, Buds :*
- Jobee Buddy
Napangiti ako pero hindi na ako nagreply pa. Nakaramdam na ako ng antok kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.
*****
"Eeeeeehhhh! Kinikilig ako Van!"
"Kumusta naman ako na nakikita talaga sila diba?"
"Yiiieeee! Friends lang talaga kayo ni Kuya Storm, Sunny?"
I rolled my eyes. Ayoko na magsalita. Napapagod na ako sa paulit ulit talaga. Binibigyan nila ng ibang kahulugan ang mga napakasimpleng bagay.
Yung utak ko nandun lang sa magiging agenda ng meeting mamaya. This time hindi sa SSC Office ang meeting kundi sa school ground. Sa may Field. Kasi doon ang venue ng welcome party this coming saturday. This week is a total hell week for me.  Mabuti na lang talaga wala ako sa Mad Cafè kahit papano malelessen yung burden ko.
Maaga rin akong tinawagan ni Mama kanina. Nagtataka daw siya dahil offline ako. Sinabi ko na lang na busy kami ni Vanessa. Marami pa kaming napag-usapan. She reminded me to buy the things I needed lalo na sa condo. Sabi ko baka isingit ko na lang bukas or thursday kasi 1pm pa ang pasok ko. Hindi ko na kasi ito magagawang asikasuhin by Friday dahil magpeprepare na kami para sa welcome party. Sa saturday naman, nasa School kami dapat. Ngayon ko pinag-iisipan kung sasali ako ng SSC Organization next year.
Napasubo na lang ako ng sandwhich habang iniisip ko ang magiging buhay ko sa mga susunod na araw at sa mga susunod na buwan.
"Sandwhich for lunch?"
Natigil ako sa pag nguya. Nakita ko si Storm kasama si.. James? Agad kong nilingon si Vanessa. Tahimik siya at pasimpleng nakatingin kay James. Kay Katty naman ako tumingin. Nakangisi lang si Katty na ngayon ay nakatingin kay Vanessa. Siniko ko si Vanessa, katabi ko kasi siya. Nakuha ko naman ang atensyon niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Dahan dahan inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Umayos ka nga. Kaharap mo lang si Katty. Taksil kang kaibigan."
Bulong ko sa kaniya. Umayos naman siya. Nilingon ko si Storm at James. I waved my hands.
"Hi James. Upo kayo."
And they did. Nasa kaliwa ko si Storm at si James naman ay tumabi kay Katty na ngayon ay kaharap ni Vanessa.
Tumikhim si Storm. Kaya ang buong atensyon namin ay nasa kaniya.
"James, Vanessa your number one fan."
Turo ni Storm kay Vanessa.
"Vanessa? This is James Chiu. Your ultimate crush"
Akala ko maiinis si Vanessa sa ginawang pagpapakilala ni Storm pero ngumiti lang ito.
"Hi Vanessa! Nice to meet you."
"Nice to meet you too."
Mahinhin na sagot ni Vanessa. I rolled my eyes. Kinalabit ako ni Storm kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sandwhich lang lunch mo?"
Mahina pero dinig ko pa rin ang tanong niya. Why is he whispering?
"Yeah. Ayoko ng heavy meal."
I whispered. Bumubulong kasi siya kaya ginaya ko rin.
"Eat something else Buds. May meeting tayo later."
"I can buy snack, later."
"Ang tigas talaga ng ulo."
"Buds, walang malambot na ulo."
Nagbubulungan pa rin kaming dalawa. Nakita ko ang pagpikit niya ng mata na para bang konting konti na lang masasagad ko na pasensya niya.
"Just make sure you'll buy snack later."
"Oo nga. Kulit mo."
"Uhmm.. Guys? Hello!"
Sabay kaming lumingon kay Katty na nagsalita. Sinulyapan ko rin si Vanessa at James na ngayon ay nakangiting aso habang tinitignan kami.
"What are you guys doing?"
Tanong samin ni Katty. Obvious ba? Nag-uusap kami.
Kumunot ang noo ko.
"Nag-uusap, Kat."
Kumunot ang noo niya.
"Nagbubulungan kayo, Sunny. Hindi nag-uusap."
"Yiieee.. ano pinagbubulungan niyo, beh? Ha? Ano?"
I rolled my eyes. Tinuro ko si Storm.
"Bumubulong kasi siya kaya bumulong rin ako." Sinamaan ko ng tingin si Storm.
"Bakit ka ba kasi bumubulong?!"
"Te-teka bakit ka sakin galit?"
Sagot lang ni Storm. Inirapan ko siya at humalukipkip ako. Nagtawanan naman sina Vanessa, Katty at James. Binato ni James si Storm ng pinabilog na tissue.
"What are you doing, James?"
Medyo iritang tanong ni Storm kay James. Binato siya ulit ng tissue.
"Wala. Gusto ko lang. Tulad ng gusto niyong magbulungan diyan."
Lahat sila tumawa maliban lang samin ni Storm. Tinapunan ko ng sama ng tingin si Storm but he just smirked.
****
"Did you buy your snack?"
Umiling ako. Hindi ko na naisip ang bumili ng snack nung natanggap ko ang text ni Storm na magsisimula ng maaga ang meeting namin dito sa field. Hindi ako nakapasok sa last subject ko pero nakapag-excuse naman ako. Our Professor understands naman dahil maagang na-announced ang patungkol sa welcome party na magaganap.
It's 3pm pero yung init akala mo, tanghali. I am sweating. Naiirita na rin ako. Nasa may lilim naman kami ng puno pero ewan ko ba at pinagkaitan kami ng init ngayon.
Nandito kami sa isang bench table sa gilid lang ng field. James is already here and the others. Susunod na lang daw si Amber dahil may dinaanan pa.
I feel a thing in my forehead. Aapila na sana ako pero Storm has this serious expression habang pinupunasan ang pawis ko sa noo.
"You're sweating, Buds."
I pouted. Humalukipkip ako.
"Ang init!"
Reklamo ko. Tumigil siya sa pagpunas ng pawis ko nung masiguro niyang wala ng pawis. I don't mind about his action. Kasi kung siya rin ang makita kong pinagpapawisan at may panyo ako or face towel, I'll do the same. Because why not?
Bwiset kasi! May dala akong panyo kanina pero hindi ko na maalala kung saan ko nailagay o kung saan ko naiwan. Tss.
"We'll start the meeting without Amber. Para makaalis na tayo dito."
Maawtoridad na sabi ni Storm. We all agreed.
The meeting started. Storm gave us the sketch para sa magiging itsura ng field sa Welcome Party. Lahat naman kami sumang-ayon.
The budget fund are also settled. The Admins wants a free photo booths and free rides. No need to worry sa funds and budgets dahil sagutin na ng ALA iyon. Iyon ang paliwanag samin ni James. Which is good.
Nagbibigayan na ng budgets para sa booths by Department. Storm gave me the budget for our Department. Bukas ko ito ibibigay sa President namin.
"Guys! Nandito lang pala kayo?!"
Sigaw samin ni Amber. She's sweating at medyo hinihingal din ng makalapit siya sakin. She glared at Storm.
"I've waited all of you sa SSC Office! You didn't told me na dito ang meeting!"
Pasigaw niyang sabi kay Storm. Storm still calm.
"I did told you na dito ang meeting, last week pa Amber."
"But I did told you na sa SSC Office tayo magmemeeting dahil hindi ko kakayanin ang init dito sa field!"
"I also told you that we should do it here dahil tungkol sa venue and set-up ang meeting. We have to see the actual place."
Inis at galit ang nakikita ko kay Amber ngayon.
"Wala kang sinabi na final na ang desisyon mo, Storm. I thought you reconsider my opinion! Ang init dito! Look, I am sweating hindi pa man ako umaabot ng isang oras dito!"
Napatayo si Storm sa kaniyang pagkakaupo at marahas na ipinatong ang hawak niyang papel. Nakita ko ang pagkagulat ni Amber at ng iba naming kasama maliban samin ni James.
"Magdadalawang oras na kami dito, Amber. We are all sweating. Iniinda namin ang init. But we still managed to continue the meeting."
Inilibot niya ang tingin niya samin. Sa akin siya huling tumingin bago tinapunan ng tamad na tingin si Amber.
"We waited for you for more than 45 minutes. Kung sa 20 minutes na naglagi ka sa SSC Office at nakita mo na walang dumating samin sana dumeretso ka na dito."
We are all quiet. Ang sagutan nila ay sa kanila lang dalawa. James can't hide his amusing look. Ngumisi siya ng makita niya akong nakatingin siya. Umiling na lang ako. Ginawa pa yatang entertainment ang sagutan ng dalawa.
"I thought you will consi--"
"I never consider an invalid opinion, Amber! Hindi kami mag-aadjust para sayo! Bago ka pa man mag-run for that Position sinabi ko na sayo na hindi ko itotolerate ang kaartehan mo!"
That moment nagulat ako. Ngayon ko lang narinig na tumaas ang boses ni Storm. Parang pati ang salitang pasensya ay nawala sa kaniya. Amber shut her mouth. Now, she's scared.
"We're done here. Pwede na kayong umalis. I want you all early by tomorrow."
Kalmadong sabi ni Storm pero nandoon pa rin ang seryoso at madilim niyang aura. Tinapunan niya ng tingin si James.
"Yung rides, I want it to be here tomorrow morning, James."
Sumaludo lang sa kaniya si James bilang pagsang ayon.
"7am, call time Guys. Thank you for your time."
We all nodded. Nag kanya kanya na kami ng tayo but Storm hold my arms. Tinignan ko siya.
"Wait here, Buds."
Dahan dahan akong tumango. Inayos ko na lang ang mga gamit ko. James chuckled at nagpaalam na samin. Ganun din ang iba. Si Amber? Nandito pa rin at para bang inaantay si Storm.
"Leave, Amber. If you want to be still in this Organization, be professional."
Nag-aalangan man, wala nang sinabi si Amber. She glared at me at padabog na naglakad paalis samin.
Tahimik si Storm na inaayos ang mga gamit niya. When I saw him finished kinuha ko na ang bag ko but Storm took it from me. Kunot noo akong tumingin sa kaniya dahil sa ginawa niya.
He smiled at me. Wala na ang madilim at seryoso niyang aura. He's now my Jobee Buddy.
"Ako na magdadala. You look tired, already."
Ngumisi ako.
"Di ka na galit?"
Tanong ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo.
"Hindi ako galit. If it's about Amber, I just want to teach her a lesson."
Tumango ako. If I were him, gagawin ko rin iyon. You know, strict akong leader. My blockmates can attest to that. Pero sabi nga nila, I am the best leader kahit napaka strikto.
"Let's eat tapos sabay na tayong umuwi."
Magiliw niyang sabi.
"Mauna ka ng umuwi, Buds. Dadaan ako ng Ikea or Home Depot eh."
"Why? You'll buy something?"
I nodded.
"Yep. As you can see my condo has not much of furnitures that I surely need."
"I can come with you."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala ka bang sariling buhay to mind about?"
Ngumisi lang siya sakin.
"As of now, wala. So I'll meddle your life. Okay na?"
I groaned. Inirapan ko siya. Narinig ko ang kaniyang halakhak. Urgh. Akala ko pa naman magiging tahimik ang buhay ko ngayon pero mukhang hindi pala. May asungot akong kasama.
But on second thought? This is good. At least hindi boring. Dapat talaga hindi ko 'to gagawin pero dahil maagang natapos ang meeting, may time pa ako para dumaan sa bilihan.
Sa Mad Cafè kumain dahil iyon ang pinaka malapit. Mabuti na lang, dala ni Storm ang car niya so we don't have to commute lalo na at maya maya rush hour na. We've talked about the Welcome Party and school stuffs.
We went to Home Depot first and luckily nakita ko ang ibang hinahanap kong gamit. Vanessa can't come with me dahil may lakad daw sila ni Katty at hindi ko rin nasabi na may plano akong dumaan dito.
Home depot offers free delivery, kaya hindi na namin kailangan dalhin ang mga pinamili namin.
Next stop is Ikea. Doon may mga nabili akong home decors. Storm also give his ideas about designing my condo. Ikea also offer free delivery kaya pinatos ko na. Bukas ang dating ng delivery pati na rin yung sa Home Depot. Nandoon naman siguro si Vanessa kaya pwedeng siya na lang ang ipa-receive ko since nasa school na ako by 7am.
It was past 7pm nang makarating kami sa Condo Unit namin. Kinuha ko na ang bag ko kay Storm.
"Thank you, Buds"
And I mean it. Ang patient niya sakin, sobra. Tapos baging instant driver ko pa siya. He smiled at me.
"It's nothing Buds."
He handed me the food from Jollibe na ni-take out niya kanina. Akala ko it is for him. Though, nag-dinner kami sa malapit na Resto sa Ikea kanina.
"Eat it with Van, Buds."
Tinanggap ko iyon at nginitian siya.
"Thank you so much!"
He chuckled. Ginulo niya ang buhok ko.
"Pasok na."
Tumango ako. I waved goodbye to him bago ko binuksan ang pinto at pumasok.
"San ka galing?"
Napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat ako sa nagsalita. It's Van. I rolled my eyes at her ng makita ko siyang nakangisi sakin dahil sa pagkagulat ko.
"Bumili ng furnitures and home decors. Bukas ang delivery nun, nandito ka ba bukas ng umaga?"
I asked her. Nilapag ko ang jollibee paper bag. Lumapit doon si Vanessa at natatakam na binuksan ito.
"Yes. Ako na bahala dun. May meeting kayo bukas right?"
Tumango ako. Agad akong pumasok sa kwarto para magpalit. Hinayaan ko na si Vanessa doon na kumain. I'm so tired. Iyon na lang talaga nararamdaman ko sa ngayon.

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon