Page Thirty-seven

36 4 0
                                    

Page Thirty-seven.
——————————

"Can he have another villa?"
"Why don't you get your own villa ha?"
"Bakit ako? Pwede namang ikaw! I'm Sunny's second best friend!"
"I'm one and only Storm's best friend and he owned this Resort!"
"I'm his cousin, by the way."
Hinilot ko ang sintido ko na nararamdaman ko na ang pagkirot ngayon dahil sa dalawang tao na nandito sa Villa namin ngayon.
"You okay? Sumasakit naman na ba ulo mo?"
Storm whispered. Nakatayo kaming dalawa rito habang nasa harap namin sina James at Katty na nagtatalo dahil pareho silang nandito sa Villa namin. They both want each other to be out in here. Kung silang dalawa na lang kaya paalisin ko? That's a better idea, actually. Hindi sila magkasundo and it seems like naging lambingan nila ang magtalo.
"Kayong dalawa na lang kaya ang umalis?"
Napalingon sakin ang dalawa dahil sa sinabi ko.
"You both don't want each other so.. better leave us alone here."
"Sunny!"
Reklamo ni Katty.
"Kung ayaw niyo magsama sama tayo dito, You can leave our Villa at bahala na kayo kung saan kayo tutuloy."
Humalukipkip si Katty at galit na tinignan si James. James just smirked.
"You can use the two bedrooms upstairs. Itong sa baba naman ginagamit namin."
Suhestiyon ni Storm.
"You're sleeping together?!"
Turo samin ni Katty. I sighed.
"Kasama namin si Stormi."
"Ohh! Right! Stormi. Where's Stormi by the way?"
"Nasa kina Mama at Tito Elias. They're having fun, I guess."
"Bro.. Kailan tayo magha-having fun?"
"We're just waiting for Kalvin and Vanessa.."
Napalingon ako kay Storm habang nakakunot noo.
"May gagawin tayo? Hindi natin kasama sina Mama?"
Umiling siya and he smiled at me.
"Tita Sunshine told me not to disturb them, Sun. So we'll have fun."
"Si Stormi.."
"She's fine, Sun. Come on. Give yourself a break.. with our friends."
Napalabi ako. Simula nang dumating si Stormi sa buhay ko, I really admit nawalan ako ng time sa sarili ko at sa mga kaibigan kong nandiyan para sa akin. Puro lang ako trabaho. This is the first time na nakapag bakasyon ako na hindi iisipin ang kalagayan ng anak ko. She's in good hands. I don't need to worry.
"Thank you, Storm."
"You're welcome."
"Geez! Nagkabalikan na ba kayo?"
Nakita kong sinamaan ng tingin ni Storm si James.
"May kasalanan ka pa sakin, James."
"Oh right! Kalvin texted me that they're already here. Sunduin ko na."
"Sasama ako! I want to see Vanessa agad!"
"Wag na!"
"Wala kang magagawa!"
Napapailing na lang ako.
"Tingin mo magiging okay pa sila? They fight a lot."
"Okay na sila, Sun. Trust me."
Natatawa niyang sabi. Napanguso na lang ako. Ganoon ba ang okay? Weird.
Pagkadating nina Kalvin at Vanessa ay agad kaming kumain. Sina Mama, Tito Elias at Tita Mommy kasama si Stormi ay nag-island hopping. We made some video calls dahil namimiss ni Stormi ang Daddy niya. Yeah. Si Storm ang namimiss niya and not me. Pero alam ko namang inaasar lang ako ng anak ko. She seemed happy naman with them and I don't need to worry. Mag-eenjoy na lang talaga ako ngayon.
"We'll do scuba diving! Yehey!"
Masayang sigaw ni Vanessa. I chuckled. Ito yata ang unang beses sa mahabang panahon na nagkasama sama kami at nadagdagan pa kami ng isa, Si Kalvin. Yhe boys are busy preparing for our scuba diving. Kami unang sinuotan bago sila. Lumapit kaagad sakin si Storm after niya magsuot. Storm is acting weird din simula nang dumating ang mga kaibigan namin. Actually, kaninang umaga pa pagkagising ko dahil ginising niya ako. Maagang nakarating sina James at Katty. Inalalayan niya ako and he's the one who even prepared for our breakfast. He seems sweet today.
"You okay?"
He asked. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Grabe.. Looking at the two of you, pakiramdam ko bumalik ako sa College."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vanessa. Kalvin is right beside her too. Si James naman at Katty ay nagbabardagulan doon sa gilid. Hayy.. Nandito kami ngayon sa isang malaking bangka. Wala kaming kasama na ibang tao o kahit man lang life guard dahil lahat naman kami marunong lumangoy at lahat kami may experience na rin sa scuba divingm This would be easy. I know the last time I did this, was five years ago. Look how destiny play its role? Same guy, same place and same activity. Nadagdagan lang kami ng kasama ngayon.
Right through that scuba diving we did, Storm never leave my side. He's holding my hand, nakaakbay or pasimpleng nakahawak sa siko o braso ko. I don't know why but he's acting like the same Storm five years ago. Ako namang gaga hinahayaan lang siya because honestly, I like the feeling of being taking cared of by Storm.
At dahil galing sa byahe ang apat, hindi na kami nag-try pa ng ibang activity and we'll save it for tomorrow. Pumunta si Tita Mommy dito sa Villa namin para kunin ang ibang gamit ni Stormi. Hindi naman na nadede si Stormi kaya hindi na rin iyon problema. She jusy drink milk before going to sleep and waking up every morning. Kalvin and Vanessa will stay here sa Villa namin and they'll use the other bedroom sa second floor. Sina Storm at James naman daw sa kabilang bedroom. Itong kwarto sa baba, kami ni Katty ang mag-se-share. Ang tatlong boys ay hindi pinalampas ang gabi na walang drunk session so here we are sa may swimming pool. It's around 5pm at may araw pa naman kaya napush pa namin ang two piece na tatlo while yung tatlong lalaki ang nag-iihaw ng barbecue while drinking their beers. Kami namang tatll nandito nakalublob sa pool while having our wine. Katty doesn't like beer kaya nakuntento kami sa wine. Nakalalasing naman 'to, masarap pa sa beer kaya pwedeng pwede na.
"Ugh. Sana lang wag maingayan samin sina James at Storm mamaya. Sound proof naman yata yung rooms noh?"
Tumawa si Katty samantalang ako napapailing na lang sa kahalayan ni Vanessa. Ganoon ba talaga kapag may asawa at sobrang active ng sexlife? Parang iyon na lang bukambibig ni Vanessa eh. Sana mabuntis na siya para magtigil sa kakasexlife kapag naranasan niya nang magbuntis manganak!
"Did you two still using protection ba?"
Umiling si Vanessa.
"Nah. Not anymore. After the wedding, We stop using protection at hindi na rin ako nag-pi-pills."
"Omo! Are we having another little angel ba?!"
Kinikilig na sabi ni Kattym Tumango naman si Vanessa.
"I just hope so.. We're waiting for it."
Hindi ko alam kung ako lang ba 'to or there is something about what Vanessa said awhile ago.
"So tell us, Sunny. Anong level na kayo ni Storm?"
Vanessa whispered. Katty giggled at inilapit ang sarili niya sakin. Akala mo naghihintay talaga ng chika eh.
"Friends? Civil?"
"Di ka sure, beh? Eh ano yung mga alalay, sweet, caring at pasimpleng hawak sayo. Wala lang? Friends lang?"
"Wait. Bakit feeling ko we're going back five years ago? Y'know, no label pero same feelings kayong dalawa?"
I sighed. Uminom ako ng konting wine sa baso ko.
"Walang ganoon. We're just civil. He's seeing someone."
Nagulat sila sa sinabi ko. Tumango ako.
"Yes. He's already seeing someone. Sa kaniya mismo nanggaling."
"Bakit hindi niya kasama dito if meron nga? If I were the woman, Hindi ko hahayaan na hindi mabakuran si Kuya Storm lalo na kung nandito ang ex tapos kasama pa anak. I would be threatened."
"Agree. Baka keme na naman ni Storm yan, beh. Alam mo na.. Five years ago akala mo may long time crush siya iyon pala, ikaw pa rin naman yung long time crush."
"This is different, girls. Besides, We're being like this for Stormi."
"Stormi's not here, girl. Wag kang reasonable."
"True. No excuses! Tell me.. Do you still love him?"
"Itatanong mo pa talaga Katty? obvious naman."
I rolled my eyes at them. Dami nilang alam. Isa isang bumaba sa pool ang tatlong lalaki kaya natigil kami sa pinag-uusapan namin. We spent our night there. Talking and laughing. Storm was on my side never leaving me and I don't know why.

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon