Page Thirty-four

41 4 0
                                    

Page Thirty-four.
—————————
Lumabas ako ng kotse ni Storm nang iparada niya ang kaniyang sasakyan sa may parking area. Kanina pa ako tahimik nang makita kong dito kami papunta. This is the same place where I left Storm, five years ago. This is where it happened. I didn't know na ito yung Resort that offered me dahil iba na ang pangalan. Akala ko bagong Resort lang dito sa Batangas since Batangas has a lot of Beach Resorts. Ang laki nang ipinagbago ng Resort na ito. Mas lumaki at parang mas dumami ang building. Ibig sabihin, dumami ang Rooms and offers. Sabi ni Ma'am Agnes this is a good Resort dahil nga talagang dinadayo.
"Sun.."
Napatingin ako kay Storm na karga karga ang tulog na si Stormi. Lumapit ako at winala sa utak ko ang mga alaala na pilit kong gustong kalimutan.
"Could you please bring that one bag?"
"Oh! Sure. Or do you want me to carry Stormi?"
Umiling siya.
"Ako na. Stormi is a bit heavy. Let's go."
Tumango ako at sumunod lang sa kaniya papasok. Heavy daw. Gusto niya lang kargahin anak niya eh. Pagkapasok namin nakita ko kung paano agad-agad na inalalayan ng ibang empleyado si Storm. Mukha nga silang kabado ng makita si Storm. Was Storm also popular here? I know he's popular pero hanggang batangas talaga?
"S-Sir Thompson."
Kinakabahang tawag ng isang babae. She's wearing a corporate attire, must be a Manager?
"Available ba ang Villa 5?"
"Yes Sir. Pasasamahan ko po kayo papunta roon."
Nilingon ako ni Storm.
"Leave the bag, Sun. Sila na ang magdadala niyan."
Isang lalaki ang lumapit sakin para kuhanin ang bag na bitbit ko. Tulog pa rin si Stormi sa balikat ni Storm. Sumakay kami sa isang rechargeable mini car papuntang Villa 5 as what Storm asked kanina. Pagkarating namin doon halos mamangha ako. It's huge. So huge and so beautiful! Hindi naman yata Villa Room to eh, this is a mansion.
"Paki-iwan na lang diyan ang gamit. Salamat."
"A-ah Sir.. Sabi po ni Ma'am Shiela kung may kailangan pa raw po ka—"
"Okay na kami Arthur. Salamat. I'll call her whenever we need something."
"Yes Sir. Alis na po ako. Enjoy your stay po."
Umalis na ang lalaki. Nakatingin lang ako kay Storm. Kanina pa ako nagtataka.
"Let's go."
Aya niya. Pumasok kami sa loob at mas namangha ako. Dalawang palapag ang Villa 5 at mayroon pang view deck sa second floor. Nakita ko kanina nang nasa harap kami ng villa . May swimming pool area and a beautiful gazebo na makikita pagkapasok na pagpasok mo sa gate ng Villa. Storm opened the first room with his one hand dahil nga karga niya si Stormi. Sumunod ako sa kaniya papasok at hiniga niya sa kama ang tulog na si Stormi. He sighed. Hinaplos niya ang buhok ni Stormi. At dahil mukhang wala pa siyang balak iwan ang anak niya, lumabas ako ng kwarto. Wala ng ibang room dito sa first floor. Ang hagdan paakyat is made of narra. Matibay. and it's also shiny. Ang railings naman ay made of wood na pininturahan ng itim at glass na nagsisilbing katawan ng railings. It's beautiful. Umakyat ako dahil gusto kong makita ang view kapag nasa View deck ka. May tatlong pinto dito sa second floor at isang mini living area. One long sofa and two ottoman that made in rattan. Grabe! Ang ganda. I wonder how much it cost. Ohh! May free accomodation pala ako sa Resort na ito. Maybe I should tell Storm para makatipid kami. I opened the glass door para makita ang view deck at mas namangha ako. There is a small space to relax here at view deck. Kitang kita rin ang dalampasigan from here. Itong Villa kasi ay nasa mataas na bahagi at malapit sa dagat kaya kitang kita from here ang view sa labas ng Villa. Napapikit ako. Ang sarap ng simoy ng hangin.
"Sun.."
Agad akong napalingon sa likod ko. I saw Storm looking at me. Lumapit siya sakin.
"Did you like it?"
"Y-yeah. Anyway may free accomo—"
"I owned this Resort. And I was the one offered you the three day staycation."
Nagulat ako sa kaniyang tinuran. He looked at me and smiled at me. Tumingin siya sa malayo at tila may malalim na iniisip.
"This is my first investment when SDT Empire started to function. I never knew that I could make it in just a span of three years. I bought this Resort and made it like this." He looked at me."I can't let go of something precious to me, you see."
Hindi ako makakibo. He sighed.
"I will never push myself to you, anymore. Just please.. don't take Stormi away from me."
Umiling ako.
"Wala sa plano ko ang ilayo siya sayo Storm. Never again. I'm tired of hiding."
"You should be. Besides, I won't let you."
Hindi ako nakaimik. Knowing him? May mga nagbago man sa kaniya, Storm is still Storm. Kung ano gusto niya, kukunin niya. No wonder he's a successful businessman.
"Bukas ba ang dating ni Tita Sunshine?"
Pag-iba niya sa usapan.
"Yes."
"They can use the Villa 4. It's for a couple."
"Kasinglaki nitong Villa 5?"
Umiling siya.
"This is for family. Maliit ng konti ang Villa 4. Maganda rin ang view doon, Tita Sunshine and his husband will surely love the place."
Kumunot ang noo ko. How did he knew about Mama and Tito Elias?
"Paano mo nalaman na may asawa na si Mama?"
"I met her before going back to the philippines. She told me that you're in the philippines three years ago pa."
"Did you looked for me?"
Tumango siya.
"Just wanted to ask you."
"Ask me now."
Yes. He can ask me everything now. I'll surely answer it. Umiling siya. He smiled at me.
"I don't feel the need, Sun. It's fine."
I bite my lips. I felt disappointed. Siguro kasi parang pinamukha niya sakin ngayon na hindi na siya interesado pa sa kahit ano at sa totoong nangyari.
"You're here with me now. Stormi is also here. I don't wanna ruin this moment with the two of you. Let's make happy memories here."
"With your daughter, Storm. You don't have to include me. Cherish this moment with Stormi."
He chuckled.
"Why do I feel like you don't want to be with me anymore?"
"Storm.."
"Alright. As what I said, I won't push myself to you. Do you have a boyfriend na ba?"
Kumunot ang noo ko.
"I never think of having a boyfriend nor I need one, Storm."
"Same. Same here."
Tumaas ang kilay ko. Himalukipkip ako at hinarap ko siya.
"Masasaktan si Kyrienne kapag marinig niya ang sinabi mo sakin ngayon."
"Paano nasali si Kyrienne sa usapan?"
"You two are in a relationship. Wag mo i-deny."
Tumawa siya. Storm just laughed his ass out kaya parang nairita ako. Gusto ko siyang sapakin.
"Saan mo naman nakuha yang idea na yan?"
Nagkibit balikat ako.
"It was all over the news."
"So you're interested about me huh?"
Inirapan ko siya.
"Asa ka. Bababa na ako. Baka gising na si Stormi."
Naglakad na ako papasok.
"Stormi will sleep with me tonight."
"What?! No way. She'll sleep with me tonight."
Umiling siya habang nakangisi.
"Nope. Unless you want to sleep with us. Pwede rin naman."
"We'll ask Stormi then?"
"Sure."
Hamon niya. Nairita ako sa mukha niya kaya tinalikuran ko na siya at bumaba na. I heard his small laugh pero hinayaan ko na lang. Mas maiirita lang ako. Tulog pa rin si Stormi nang madatnan ko sa kwarto. Lumapit ako sa kaniya at nahiga rin sa tabi niya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Gumalaw si Stormi at idinikit ang katawan niya sa akin. I hugged her and tapped her leg slowly. I yawned kaya ipinikit ko ang aking mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at may munting ngiti sa aking labi.

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon