Page Thirteen

27 3 0
                                    

Page Thirteen.
——————————
I had never experienced being kiss by someone.
I never dreamed being kiss by anyone.
At mas lalong hindi ko pinangarap o plinano na humalik sa isang tao. Never in my wildest dream na gagawin ko iyon. But.. Here I am. I kissed the man I love. We just kissed. Napahawak ako sa labi. I can still feel his lips on mine. Kung hindi pa bumukas ang elevator hindi pa yata kami titigil sa halikan namin kanina. Tingin ko kapag makakakita ako ng elevator, Si Storm lang ang maiisip ko. He just left awhile ago. Nandito pa ako sa sofa, calming myself bago pumasok ng kwarto. My phone ringed so I checked.
Good Night, My Sun.
- My Buds
Nakagat ko ang labi ko. Pinipigilaan ang wag tumili o ano pa man. Gosh! Kung ikwento ko kaya 'to kay Vanessa? Umiling iling ako. No! Baka kurutin niya ako at pagalitan. Baka isipin niyang malandi ako. Isipi mo naman diba? Wala pa kaming label pero naghalikan na kami! And it was my first kiss! Si Storm kaya? First kiss niya rin kaya? Panigurado hindi. He lead the kiss. Alam niya kung paano humalik. I pouted my lips. Sino kaya ang first kiss niya? Nakakaramdam ako ng selos. Parang hindi ko kayang tanggapin na may kahahalikang iba si Storm. Ugh! Naalala ko na naman ang halik. Shit! Halos manginig ako sa sobrang kaba ko kanina but deep within me, I love it. I love the feeling of being kiss by Storm. Kung makikita o mababasa lang ni Vanessa ang nasa utak ko ngayon baka itakwil na niya ako bilang kaibigan. Ang halay ko eh. Gosh! Maghunos dili ka nga self! Walang hiya ka!
"So.. How's your date last night?"
Nakangiting tanong ni Katty sakin. Hindi ako agad nakaimik. Naalala ko naman ang nangyari kanina sa elevator. OMO! Ang landi mo self! Mabuti na lang Storm never mentioned the kiss kaninang umaga n magkausap kami. Hindi kami magkikita ng ilang araw dahil may out of town work siya with his Dad. Si Katty naman ay masayang gumising dahil tinawagan siya ni James. Speaking of, Hindi ko pala natanong kay Katty kung dumaan si James sa Condo.
"Bakit parang namumula ka?'
Taka niyang tanong sakin. Umiling iling naman ako sa kaniya.
"Sa init lang siguro. Masaya naman ang date namin kagabi."
Nakangiti kong sabi sa kaniya. Katty pouted her lips.
"Mabuti pa kayo nag-date."
Kumunot naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya. So hindi sila magkasama ni James kagabi? Shit! Di kaya.. No. I'll trust James. Mayroon siyang dahilan. At hindi ko pwedeng sabihin kay Katty ang nalaman ko tungkol kay James dahil sa mga sinabi ni Storm sakin kagabi. Paniguradong masasaktan lang si Katty. I'll wait for James.
"Food is here!"
Vanessa said excitedly. Nilapag niya sa mesa ang binili niyang pagkan para samin.
"Ahhh! Thank you, Van."
Masayang sabi ni Katty. Napangiti si Vanessa sa tinuran ni Katty. Kahit ako napangiti rin. At least hindi siya busangot ngayong araw. Good for her.
"Magkikita ba kayo ni James kaya ka masaya ngayon?'
Tanong ni Vanessa kay Katty. Umiling si Katty pero nandoon pa rin naman ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"No. May aasikasuhin daw siya ng ilang araw. But he'll call me from time to time."
Tumango tango kami ni Vanessa. Sana nga mangyari ang call from time to time na pinangako ni James kay Katty.
While eating sa Cafeteria, Nakwento ko sa kanila ang magiging Christmas Party per Department bago magsimula ang Christmas Vacation. After ng Midterm Examination this week, Christmas Party na. Hindi namin ginawang Mandatory ang pagsali sa Party kasi karamihan sa mga estudyante ay magbabakasyon sa ibang bansa. Just like me. Hindi ko pa nasasabi kay Storm dahil kaninang umaga lang na-confirm ni Mama ang plane ticket ko papuntang New York. I'll spend my Christmas Vacation there hanggang New Year. Yearly Plan naman na talaga namin ni Mama to. Nasa New York ako every christmas vacation hanggang New Year.
Isa pa sa dahilan ng bakasayon ko may ipapakilala daw sakin si Mama. I asked her if boyfriend niya ba pero hindi niya ako sinagot. Iniisip niya yatang hindi ako papayag kung sakaling boyfriend niya nga ang ipapakilala niya sakin. Deserve ni Mama ang magmahal ulit. I just hope that whoever the man he'll loved, eh mamahalin din siya ng higit pa sa kayang ibigay na pagmamahal ni Mama. Mama deserves the best!
"Uuwi ka ba sainyo, Katty?"
Tumango tango si Katty.
"Yes. Kayo ba ano plano niyo this christmas vacation?"
Nagkibit balikat lang ako.
"I'll be in New York."
Simpleng sagot ko na ikinagulat naman ni Katty.
"Really?! Baka pumunta rin kami nina Daddy sa New York. We should meet!"
Humagikhik ako at saka tumango tango.
"Sure. Just tell me."
"Kayo na may bonnding."
Nagtatampong sabi ni Vanessa. Well. Vanessa will surely spend her vacation with Tita Mommy and their other relatives sa Batangas. Ganoon naman lagi. Taon taon simula ng mamatay si Tito Daddy. Daddy ni Vanessa.
"Aww.. It's okay Van. Dalhan ka na lang namin ng pasalubng!'
Excited na sabi ni Katty. Napangisi naman si Vanessa.
"Maraming pasalubong!"
"Sure! Maraming pasalubong!"
Sagot naman ni Katty sa kaniya. Napangiti na lang ako. I will surely miss Vanessa. Katulad ng mga nagdaang taon, Ganitong buwan ko siya namimiss dahil ganitong buwan ko siya hindi nakakasama hanggang january.
Classes are done. Bukas na magsisimula ang examination and by Saturday, Christmas Party na. I wouldn't be there dahil flight ko na by Sunday. Mabuti na lang ang bait ni Amber at hindi namin naging sakit sa ulo ang isa't-isa. Siya na raw ang bahala sa Party dahil hindi naman daw siya magbabakasyon sa kung saan. Katty will be leaving on Friday night, just after the midterm examination. Si Vanessa naman nag-decide na hindi na sumali to help me packed my things bago sila bumyahe papuntang Batangas. Ang sweet talaga ng bestfriend ko.
"Are we going home already?"
Tanong ni Katty. Well it is still early pero dahil midterm exam na bukas, This is a good time to study.
"Why? Wanna go somewhere?"
Tanong ko kay Katty. She pouted her lips.
"Nuod tayo ng sine. Just to relax before the hell exam! Sige naaa!"
Sabay kaming natawa ni Vanessa sa kaniya. At dahil masyado namin siyang mahal, pinagbigyan namin siya pero isang movie lang and we'll go home na para makapag review pa.
Hati kami ni Vaness sa pagbili ng ticket para sa movie na papanoorin namin at sagot naman ni Katty ang popcorn and cola. We waited for fifthteen minutes bago nagpapasok sa loob ng cinema. Agad kaming pumwesto sa hindi kalayuan sa entrance.
"Thank you, girls!"
We chuckled.
"Bastta ikaw, Kat."
Nakangiting sabi ni Vanessa. Natahimik kaming tato nang magsimula na ang palabas. Iyak at tawa lang kami dahil romantic comedy ang pinapanuod namin. Mabilis akong maiyak sa mga movie pero hindi in real life. I don't know pero ganoon ako kapag nanunuod ng movie. Para bang nilalagay ko ang sarili ko sa movie kaya nararamdaman ko ang nararamdaman ng protagonist sa movie. Whenever I write something, Sa movie na napanuod ko ako humuhugot ng emosyon. Oo wala akong jowa o taong nagpapakilig sakin before Storm pero isa akog Romance Novelist. Sabi nga ni Vanessa kung babasahin daw ang mga libro ko akala mo daw marami nang karanasan sa pag-ibig ang nagsusulat. Isang malaking scope nga daw kapag nalaman ng lahat na ang nasa likod ng libro ay isang NBSB na tulad ko.
Pinahupa muna namin ang tao sa loob ng sinehan bago kami lumabas na tatlo. We are still talking about the movie hanggang sa makalabas kami ng sinehan. Nagpaalam si Vanessa na pupunta ng CR kaya hinintay namin siya ni Katty na hindi kalayuan sa exit ng sinehan.
Napansin ko kaagad ang couple na bumibili ng popcorn. Nakatalikod sila samin at ma kalayuan din. The guy seems familiar pero hindi ko mapagsino. Nakapulupot ang kamay ng babae sa braso ng lalaki.
"Uwi na tayo?"
Nawala ang atensyon ko sa couple at binalingan si Vanessa na kakarating lang.
"Ka-Katty?"
Tawag ni Vanessa kay Katty kaya napalingon ako sa katabi kong si Katty. Nakita ko ang mga tumutulo niyang mga luha. Nakatingin siya sa ibang direksyon kaya sinundan ko iyon. Hindi ko kaagad nakita kung sino ang tinitignan ni Katty dahil hinila kami ni Vanessa papasok ng CR. I am clueless. Hindi ko alam ang nangyayari. Napaupo si Kattyy at nagsimulang humagulhol. I looked at Vanessa.
"Wha-what happened?"
Naguuluhan ako. Vanessa sighed.
"James is outside. He's with a girl."
Seryosong sabi ni Vanessa. Natutop ko ang bibig ko. Agad akong lumapit kay Katty na ngayon ay umiiyak pa rin. Mabuti na lang at kami lang ang tao dito sa CR.
"Baka pinsan? kaibigan? Let's ask James."
Umiling iling si Katty.
"No. Hindi na kailangan. Let's go home. I wanna go home.'
Umiiyak na sabi ni Katty. Hinagod ko ang likod ni Katty.
"Mamaya na. Wag kang magpapakita kay James."
Vanessa said. Naguguluhaan man ay hinayaan ko na lang. Hinintay namin matigil sa pag-iyak si Katty bago kami nagpasyang lumabas ng CR. Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa Condo. Sinamahan namin ni Vanessa si Katty hanggang sa kwarto. Mugto ang mata ni Katty at tulala lang hanggang sa makahiga siya sa kama.
"Kat.."
Tawag ni Vanessa sa kaniya. Umiling iling lang si Katty at nagsimula na namang umagos ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Gusto mo bang iwan ka na muna nami--"
"Please don't. Samahan niyo ako, please. I don't think I can handle this alone. I just can't."
Putol ni Katty sa sasabihin ko. Tuumango tango kami ni Vanessa at hindi nga namin siya iniwan. Nakatulog si Katty dahil sa pag-iyak. Nagpasya kami ni Vanessa na lumabas ng kwarto at hayaan na makapagpahinga si Katty.
"May sinabi ba sayo si Storm?"
Tanong kaagad sakin ni Vanessa pagkaupong pagkaupo ko pa lang si Vanessa.
"Tinanong ko si Storm at ang sabi niya si Katty lang naman daw pinagkakaabalahan ni James. Sinabi niya rin sakin na si James ang nagrecommend sa kaniya sa Resto na pinuntahan namin at kasama niya daw si Katty na pumunta doon."
Nakita ko ang pagkuyom n Vanessa sa kaniyang palad.
"That jerk!"
Obviously, James is lying. Ano man ang dahilan, hindi namin alam. Kung hindi na niya mahal si Katty and he's seeing someone dapat sinabi niya kay Katty at hindi ganitong pinagmumukha niyang tanga si Katty.
"Should we tell James? Na nakita natin siya?"
Umilng si Vanessa.
"No. Let Katty decide. Relasyon nila 'to. Hindi tayo pwedeng makialam o pangunahan sila. The less we could do is to be with Katty and support her.'
Tumango tango ako. Nakatingin sakin si Vanessa.
"Don't tell Storm."
At binigaay niya sakin ang cellphone ko. Storm is calling. Tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tawag. Agad akong naglakad at pumasok sa isang kwarto.
"Hello?"
"How's my girl?"
I chuckled. Pero agad din napawi ang ngiti ko nang maalala ko si Katty. Hindi ko pwedeng sabihin kay Storm. Ayaw kong pangunahan si Katty. Sasabihin ko rin pala kay Storm na aalis ako papuntang New York sa Linggo.
"Doing great. How about you?"
I asked him with a happy tune. Ayaw kong mahimigan niyang may kakaiba.
"I'm missing you. Can I see you?'
Tumaas ang kilay ko kahit alam ko naman na hindi makikita ni Storm ang mukha ko.
"Out of town ka right? Hindi tayo magkikita."
I heard him frustratingly sighed.
"Sa Condo ako dederetso ng uwi by saturday. I wanna see you. I wannna be with you.'
I chuckled but deep inside gusto ko nang mahimatay sa kilig.
"Clingy mo naman po."
I teased him. He chuckled.
"Is it bad?"
I twitched my lips. Pinipigilan ang kilig na nararamdaman.
"Of course not. I'm just teasinng you."
"I miss you."
Napangiti ako.
"I miss you, too."
Mahina kong sagot. Rinig ko ang malalim niyang paghinga.
"I'll come over. I wanna see you so bad."
Kumunot ang noo ko. Ang alam ko kasi sa Subic ang out of town project nila. Malayo iyon.
"Lilipad ka papunta dito?"
Biro ko sa kaniya.
"I'm at the parking area. Papasok na ako sa elevator. Labas ka sa Condo mo."
Namatay ang phone call at nagtataka akong napatitig sa phone ko. He's here? He is really here?! Napabalikwas ako sa pagkakadapa sa kama at nagmamadaling naglakad papunta sa kwarto. I'm still wearing my uniform kailangan ko magpalit. Si Vanessa naman ay nakatingin lang sakin habang nagmamadaali ako sa pagpalit ng damit.
"Aalis ka?"
Tanong ni Vanessa habang nasa banyo ako para magbihis.
"Storm is here."
"Ohh! Akala ko may out of town project?"
"Akala ko rin. But he.s here."
Lumabas ako ng banyo na nakabihis na. Nakataas ang kilay ni vanessa na nakkatingin sakin.
"Miss na miss? Magkasama lang kayo kagabi."
I rolled my eyes at her.
"I have to go. Be with Katty muna."
Paalala ko sa kaniya. Tumango naman siya.
"Don't tell Storm, Sunny."
Tumango tango.
"Alam ko. Alis na ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. dali dali akong naglakad papuntang pinto at binuksan ito.
Storm is wearing a Long sleeve white polo and black slocks. Sa itsura niya halatang galing ng opisina o meeting. Ngumisi siya kaagad pagkakita sakin at agad akong sinalubong ng yakap. I chuckled.
"I miss you."
Bulong niya sakin.
"I miss you too."
Sagot ko. Mas humigpit ang yakap niya.
"Ugh! Namiss ko ang jollibee!"
Tuwa kong sabi. Storm chuckled. Nandito kami ngayon sa Condo niya at dahil pareho kaming hindi nagdinner ay nagpa-deliver na lang siya ng pagkain. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito sa Condo niya.
"How's Vanessa and Katty?"
Tumikhim ako. Pilit ang ngiti ko sa kaniya.
"They're fine. Busy mag-review."
Tumango tango si Storm.
"I have to tell you something pala."
Pag-iiba ko ng usapan. He waited for me to talk.
"May flight ako ng Sunday Evening.'
Kumunot ang noo niya.
"Flight?"
Tumango ako.
"I'll be spending my christmas vacation until new year with Mama. Sa New York."
Hindi siya nagsalita. Curious tuloy ako kung ano nasa isip niya ngayon. Hindi naman siya mukhang galit. Pero halatang may malalim siyang iniisip.
"Ihahatid kita."
"You don't have to. Ihahatid naaman ako nina Tita Mommy at Vanessa.'
Umiling siya. Nakatingin siya sakin.
"Ihahatid pa rin kita. Susunod din ako sayo sa New York."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ihahatid niya ako tapos.. susunod siya sakin sa New York? Seriously?"
Umiling iling ako.
"No, Buds."
"I wanna meet Tita Sunshine too."
"But--'
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil natuon na ang atensyon ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Gusto kitang kasama. Just let me be with you."
"Ano sasabihin sakin nina Tita at Tito? It's the only time na makakasama mo ang family mo."
Umiling siya.
"They'll surely understand, Sun. Trust me."
Hindi na ako umimik. Hindi ko na siya mapipigilan. What Storm wants, Storm surely gets. Napaangiti na lang ako.
"Fine. It seems like hindi na kita mapipigilan pa."
Ngumisi siya.
"Hindi talaga. Hinding hindi."

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon