Page Nine

43 3 0
                                    

Page Nine.
——————————
"Go Lions!"
"Go Tigers!"
"Tigers for the win!"
"Lions lang ang malakas!"
Ang ingay. Oo. Ang ingay. Kung maraming tao noong first game sa laban ng Lions.. mas malala ngayon. At hati din ang supporters. Well, kung sikat ang Lions because of James and Storm. Sikat din ang Tigers because of Kalvin and their unity during game. Maangas lang si Kalvin at mukhang gago pero hindi sa larangan ng basketball. He's very passionate and competitive. Hindi ko nga lubos maisip na ang isang maangas at gagong katulad niya ay magtetake ng Journalism. Reasons? Hindi ko alam. Nilingon ko si Vanessa na seryoso lang na nakatingin sa court. Magsisimula pa lang ang laro pero mas mukhang kabado siya. Vanessa is wearing a blue oversized printed white t-shirt and highwaist maong shorts. Katty is wearing a blue simple dress. Me? Oh. I'm wearing a blue fitted blouse at highwaist straight cut maong pants. Suot ko rin ang Varsity jacket ni Storm. Kuya Eros handed it to me awhile ago before mag-start ang game. Hindi na kasi makakalapit samin si Storm dahil malapit na magsimula ang laro. Nandito ang family ni Storm at pinilit kaming dito na sa tabi nila maupo. Actually katabi ko ngayon si Tita Alex. Si Kuya Eros naman ay katabi ni Tito Sandro. Sa kaliwa ko naman sina Vanessa at Katty.
"Bakit pala puti suot mo? Wala kang susuportahan?"
Tanong ko kay Vanessa. She smirked at me.
"Naubusan lang ako ng blue tops, beh. Syempre Lions ako."
Umismid ako. Okay. Sabi niya eh pero parang may pagdududa ako. Ngumisi ako dahil sa naisip ko.
"Sun.."
Nilingon ko si Tita Alex na tinawag ako.
"Yes po, Tita?"
"Do you find Storm attractive when he's wearing his jersey?"
Nagulat ako sa kaniyang tanong kaya bumaling ang tingin ko kay Storm na ngayon ay nag-didribble ng bola. Aiming for a two point shot at pumasok ang bola. Biglang sigawan ang tao. Nilingon ko ulit si Tita Alex and smiled at her.
"Honestly po, Storm is attractive kahit ano suot niya po."
Ngumiti siya sakin at tumango tango.
"I really like you, Sun.. for my son."
I chuckled. Ang weird ng Sun for my son. Hahaha! Natawa na rin lang si Tita Alex, nagets niya yata ba't ganun ang reaksyon ko sa sinabi niya.
Sa second half ng laro, naging intense ang laban. Pareho ang score. Nakaramdam ako ng kaba. Kalvin is really good pero magaling din si Storm. Honestly, parang silang dalawa na nga lang ang naglalaro. Nagwawala na ang crowd. Naagaw ni Storm ang bola kay Kalvin. Napatayo si Vanessa sa harap ko.
"Kalvin! Play well! Ano ba?!"
Sigaw ni Vanessa. Nakita ko ang gulat ni Katty. Pati sina Tita, Tito at Kuya Eros ay napalingon kay Vanessa. Napahawak ako sa sintido ko. Sinasabi ko na nga ba. Duda talaga ako sa puting suot niya. Lagi 'tong nangyayari eh. Kapag nanunuod kami ng basketball game lalo na finals? Sa una lang susuportahan ni Vanessa ang kabilang team pero kapag nakita niyang malalamangan ang team nina Kalvin, nagbabago ang sinusuportahan niya. Nanggigigil siya kapag nakikita niyang nauungasan si Kalvin. She'll surely go wild.
"Kalma Van."
Mahina pero madiin kong sabi sa kaniya. I heard her sighed. Umiling iling siya.
"He's unfocused! Nakakairita. Napakayabang niya pero ngayon mukha naman siyang walang ipagyayabang."
I chuckled. Here we go again. Binaling ko ang tingin ko sa laro. Nasa kay Storm ang bola. Inilibot niya ang kaniyang tingin at nang magtama ang paningin namin, he smirked. jumped and aiming for a three point shot. Napasinghap ako. Hindi siya nakatingin sa ring nang tinira niya ang bola. He's just looking at me. Sinundan ko ng tingin ang bola. Pumasok ang bola! I can't help myself from screaming! Muli kong binaling ang tingin kay Storm na ngayon ay nakangisi sakin. Tinuro niya ako and winked at me. I rolled my eyes pero nakangisi rin naman ako.
"Urgh! I hate Kalvin so much! Kita mo yan? Nagagawa ka pang landiin ni Storm while playing."
Siniko ko siya at sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang threatened. Ang tibay talaga! Natatawang may pag-iling na lang si Katty dahil nakatingin siya samin.
Twenty seconds bago matapos ang laro, pareho ang puntos ng maglabilang team kaya yung pressure, matindi. Nasa kay Kalvin ang bola ngayon at ipapasa na sa isang kasama pero mabilis naagaw ni Storm ang bola. Tumakbo si Kalvin papunta kay Storm.
"Kalvin! Beat them up! You idiot!"
Sigaw ni Kalvin. Natawa na lang ako. Binalik ko ulit ang tingin sa laro. Six seconds left. Kinakabahan na ako. Pati ang crowd ay nagkakagulo. Nakita kong tumigil si Storm kaya napasinghap ako. He's aiming for a three point shot again. He's positioning himself. Kabado ako. I know he's good with it pero iba pa rin kapag nakikita mong buong team nina Kalvin nasa paligid niya at handang agawin kay Storm ang bola. Tumalon si Storm at tinira ang bola in a smooth way. Pag-land ng mga paa niya agad siyang tumalikod. Napasinghap ang halos buong manunuod. Hindi naabot ni Kalvin ang bola at dere-deretso itong pumasok sa ring. The audience gets wild at isa na ako doon. They won! Oh my god! Buds won! Nagtilian ang buong tao sa loob ng Audi. Nakita kong tumakbo si Buds papunta sa amin, nakangisi. He jumped over the railings at nagulat na lang ako when he's now in front of me at agad akong kinarga!
"We won Buds! We won!"
I chuckled. I hugged him habang karga niya ako.
"Yes. We won, Buds. Congrats!"
Rinig ko ang tilian ng buong tao. Alam ko nasa amin ang buong atensyon nila but I don't care and we don't care. We won! Okay. Alam kong ang biased ko dahil hindi ang department ko ang sinuportahan ko pero wala naman akong sinuportahang team. Si Storm ang sinuportahan ko kahit na alam kong sa dami ng sumusuporta sa kaniya ngayon, hindi na kailangan ang suporta ko.
Ibinaba ako ni Storm at masayang nakatitig lang sakin.
"Congrats, anak."
Napalingom si Storm kay Tita Alex at niyakap ito. Pati na rin si Tito Sandro at Kuya Eros.
"Congrats Storm! Masyadong ginalingan?"
Vanessa smirked at him. Storm chuckled.
"Thanks Van. Kahit na hindi mo kami sinuportahan ngayon."
Inirapan siya ni Vanessa. I chuckled.
"Congrats Kuya Storm!"
Katty kissed on Storm's cheek. Ang sweet din talaga nang magpinsang 'to. Storm looked at me intently.
"Pumunta ka na sa Team mo. They are waiting for you, Buds."
Tumango siya. Nagpaalam lang siya kina Tita Alex at bumalik na sa Team niya. Napailing na lang ako. Sigurado nang siya ang Star Player for this year Intramurals in Basketball category.
"Sun.."
Nilingon ko si Tita Alex na nakangiti sakin.
"Yes po, Tita?"
"We'll have a small dinner in our house later. Be there. Okay? Isama mo na rin si Vanessa."
Tumango ako at nginitian ko si Tita Alex. May small party din sina Storm with his Team kaya hindi na namin sila hinintay. Sumabay na rin kami kina Tita Alex na lumabas sa Auditorium.
*****
"Kinakabahan ako, Buds."
I heard him chuckled kaya kumunot ang noo ko.
"What's funny, Storm?"
Tanong ko habang nakataas ang kilay ko. Umiling iling siya.
"Nothing.. It's just that.."
Nilingon niya si Vanessa na nasa backseat. Papunta kami ngayon sa bahay nina Storm. Katty and James are already there.
"Van.. kinakabahan si Buds. Isn't it amazing?!"
Natatawa niyang sabi. Vanessa smirked.
"What? Achievement mo ba yan Storm?"
Pang asar sa kaniya ni Vanessa. Storm just smirked at her at saka ako binalingan ng tingin.
"Kinda. Masyadong bato si Buds para kabahan."
Kinurot ko siya sa braso niya. He yelped pero nandoon pa rin naman ang ngisi at amusement niya sakin. I rolled my eyes at him.
"They like you, Buds. Wag kang kabahan. Hindi pa naman 'to tungkol sa kasal."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Vanessa is now laughing.
"Shucks! Ang epic ng mukha mo, Sunny!"
Tukso sakin ni Vanessa. Bago pa man ako makapag react, tumigil na ang sasakyan ni Storm. Binalingan niya ako ng tingin.
"We're here."
Sabi niya sabay ngiti. Agad lumabas si Vanessa sa kotse. Naramdaman ko ang kamay ni Storm sa tuhod ko. He gave me an assuring smile.
"It's okay, Buds. They won't bite you. We'll just eat."
I chuckled. Tumango ako. Lumabas siya ng kotse kaya lumabas na rin ako. I didn't wait for him to open the car door for me. Kaya ko naman.
Agad lumapit sakin si Vanessa at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko. Tumawa siya. Nauna si Storm samin maglakad at nakasunod lang kami. Ang laki ng bahay nina Storm. Alam kong rich kid siya based na lang din sa kotse niya and the family background that he has pero hindi ko naisip na ganito kayaman. Next to mansion na nga. Sobrang classy but may touch of a europian house ang bahay. Well, Storm has their own Firm. Not just a simple Firm but a Corporation. ThompViel Holdings Corporated or mas kilala sa TVHC. Si Tito Sandro ang CEO at si Kuya Eros naman ang umaaktong President at susunod na CEO when Tito Sandro decided to retire. Storm told me about almost everything about him and his family pero hindi siya kailanman nagyabang. Sabi niya nga ang parents niya lang ang mayaman at successful and not him. When I asked him about his dreams? He simply answered me "I want to have my own name. That's my dream." Masyadong mababaw but if you'll mean it in a more deeper level you'll understand how deep is it.
Masayang mga mukha ang bumungad samin pagkapasok namin sa malaking bahay nina Storm. Humalik ako sa pisngi nina Tita Alex at Tito Sandro. Kuya Eros just gave me a slight hug and patted my back slowly. Hindi na ako intimidated kay Kuya Eros kasi lagi na siyang nakangiti kapag nagtatama ang mga tingin namin. It's a good thing naman diba?
Sa may garden ng bahay nila kami dumeretso dahil doon daw kami mag-dinner.
"Van! Sunny!"
Masayang sabi ni Katty. We hugged each other. Akala mo hindi magkasama kanina diba. Sinipat ko ng tingin si James na nasa likod ni Katty. Hinawakan ni James si Katty sa kaniyang bewang na ikinangiti naman ng isa. So they really are official now. Wala nang hiya hiya kahit sa harap pa ng family ni Storm. Tss. Sila na.
Naupo kami sa isang mahabang mesa. Nagsimula nang magkwento sina Vanessa at Katty about the game. We just listened to them. At nagsasalita lang ako kapag tungkol na sa pagiging biased ni Vanessa ang pinag uusapan. Vanessa will just rolled her eyes at us. Kahit sina Tita Alex at Tito Sandro ay nakikisabay din samin. Mga young at heart. Hahahaha that made them more cooler.
It's already 10pm pero we are still here at Storm's house. Nasa entertainment room kami ng bahay nila. Nag-aya ng movie marathon si Vanessa na hindi rin namin tinanggihan. Nagpapahinga na sina Tita Alex at Tito Sandro while Kuya Eros was nowhere to be found. Siguro dahil mas matanda siya samin and he has his own personal problems, hindi siya naeengganyo makipag-bonding sa amin. Naging bonding na rin naming lima ang panunuod ng movies. Kahit anong movie basta movie, pinapatos namin. Siguro pare pareho naming gusto yung katahimikan habang nanunuod at the same time it feels warm kasi alam mo na may mga kasama kang nanunuod din.
"Uuwi pa ba tayo?"
Tanong ni Vanessa. Walang sumagot. Tumikhim si James.
"Van, may late night date ka ba with Kalvin? Uwing uw--aww!"
James yelped. Kinurot siya kaagad ni Vanessa dahil sa sinabi niya. I chuckled. Vanessa glared at me.
"You're enjoying it, beh?"
Tanong niya sakin. Umiling iling ako pero hindi pa rin naman maalis ang ngisi ko. Ang sarap lang talaga tuksuhin ni Vanessa. Pikunin kasi. Pero minsan napapaisip din ako, di kaya gusto talaga ni Vanessa si Kalvin. Shucks! Bakit parang kinikilig ako. Pinisil ni Storm ang palad ko kaya napatingin ako sa kaniya. I mouthed "what?"
"You're teasing your best friend and you're being a bully."
He whispered. I chuckled.
"Ssshhh.."
Pagpapatahimik ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sakin at umiling. Akala mo naman hindi siya bully. Bully din naman siya sobra.
"I am asking you, guys. Uuwi pa ba tayo?"
Nilingon ko si Storm. Uuwi kaya siya sa condo niya? Nakatitig lang din siya sakin. Nilingon ko ulit si Vanessa.
"Uuwi tayo, Van. Ngayon na?"
I asked her. Tumango siya.
"Hahatid ko kayo. Sa condo rin ako uuwi."
"Wait. Why are you in a condo kung hindi naman ganoon kalayo ang bahay niyo, Storm? And you have a car."
Si Vanessa ang nagtanong. Nagkibit balikat lang si Storm.
"I want my own space. Tapos kapag umuuwi ako rito, madalas wala sina Mom and Dad. Si Kuya Eros may sarili ding condo."
Tinuro niya si Katty.
"That's also the reason why Katty loves living in your condo instead here."
Tumango tango si Katty.
"If it's not for the maids here? This will be a haunted house. No one lives here except them."
Dugtong ni Katty. Tumango tango ako. If I were in their shoes, ganoon din gagawin ko. At least sa Condo alam ko sa sarili ko na mag-isa lang talaga ako.
Tumayo si Storm kaya napatingin kami sa kaniya.
"We should go home. Aasikasuhin pa natin ang Awards Night, bukas."
Oh sheez! Bukas na pala iyon. Mabuti na lang talaga walang pasok at iyon lang ang aasikasuhin namin. Tumayo na rin ako. We should be early tomorrow para asikasuhin ang Stage. Tapos we need to be sure na okay ang mga contestants for Mr and Ms Intramurals 2017.
Sumama samin si Katty. Doon pa rin daw siya sa Condo ko matutulog. Niyaya niya rin kami ni Vanessa bukas para bumili ng damit para sa Awards Night. Well, ni-require ang semi-formal sa lahat ng students. It's not just an Awrads Night and Competition for Mr and Ms Intramurals. Isa iyong party to all ALA Students, Teachers, Professors and Admins. Though, hindi naman mandatory ang pagpunta. Kung sino lang ang may gusto, then they are welcome.
Ako naman needed ang sumunod sa attire. We are part of the Event. Isa rin ako sa magbibigay ng Sash, Trophies, and other Awards. Admins naman for MC. Katty excitedly told me na siya ang magme-make up sakin. Syempre hindi na ako tumanggi. Hindi ko na need ang pumunta ng Salon at magbayad. Mabuti na lang talaga may kaibigan akong katulad ni Katty.
Hindi na kami nakapag paalam sa Parents ni Storm dahil tulog na. Mabuti na lang at may gising pang kasambahay kaya doon na lang kami nag-paalam. Storm assured us that it's okay. Siya na lang daw magsasabi kina Tita at Tito.
******
"Wow! You look amazing and gorgeous, Sunny!"
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Harry.
"Thank you."
Sagot ko. Iyon na lang ang kaya kong sabihin. Nandito kami sa backstage. Wala dito si Storm. Nasa crowd siya kasama ang Team niya sa Basketball. At tama nga ako, He's the Star Player of the year. Ga-graduate na nga lang may pahabol pang award. Hindi talaga aalis ng ALA na walang baong achievement ang loko.
Nakita ko ang isang malaking salamin dito sa back stage. Gamit ng mga Contestants 'to. Sinipat ko ng tingin ang sarili. I am wearing a glittered black semi-gown. Paired it with a silver strapy high heels sandal. Ang buhok ko naman ay naka-high pony-tail. Simple lang din ang make up ko na binagay lang sa suot ko. It's not that dark pero ang fierce ng dating. Samahan pa ng kulay pulang lipstick. Hindi pa ako pumupunta sa designated seats dahil hindi pa naman nagsisimula. Sina Vanessa at Katty naman ay paniguradong nasa designated seats for our Department. Ganoon kasi ang ginawang tema dito sa Theater Arts ng ALA. Pinaghati hati ang sa Audience seats per Department. Masyadong malaki ang Theater Arts ng ALA kaya dito talaga madalas dinadaos ang ganitong klaseng events.
Si Amber ay nasa labas na. Syempre magpapatalo ba naman yun? After ng paghahanda namin sa Intramurals Week at itong Awarding Night, Amber never talked to me. Talagang tinatak niya sa utak niya that I don't exist. Hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong pakialam. Nakakapagtaka rin na parang wala siyang reaksyon about me and Storm. Sabi nga ni Katty, I should look after myself dahil baka one day bigla na lang akong awayin ni Amber. Again, wala akong pake though, nakakapagtaka lang talaga.
Aimee called out for me kaya nagpasya na akong lumabas dito sa back stage. Nakasunod lang ako sa kaniya papunta sa designated seats namin. Dito sa unahan ng stage ng Theater Arts ang upuan namin. Hindi kalayuan samin ang upuan ng mga Athletes na kasali sa Intramurals. Nadaanan ng mata ko ang upuan nina Storm. He's laughing with his team mates. Naka-basketball attire sila. Ganoon naman talaga ang suot dahil Awarding.
The Event started. Pagkatapos ng Mr and Ms Intramurals, nagsimula na ang pagbibigay ng Awards. Isa rin ako sa mga nagbigay ng Awards. Inaantok na ako. Past 11pm na at magsisimula pa lang sa Closing Ceremony ang CEO ng ALA. My phone vibrated. Nasa lap ko kasi nakapatong. Nakita ko kaagad kung kanino galing kaya agad ko itong binuksan.
Sleepy? I'll take you home.
- My Buds
Ngumiti lang ako at mabilis na nagtipa nang irereply. Pumalakpak kami after ng Closing Ceremony Speech. Okay. The Party will start na! Pero dahil pagod na ako, gusto ko nang umuwi.
"Sunny! Party tayooo!"
Sigaw sakin ni Vanessa. Ngumisi ako sa kaniya.
"Pass. Dead batt na ako, Van."
Umismid siya.
"Ang KJ!"
Inirapan ko siya.
"I'm not a party girl, Van. Alam mo 'yan."
She sighed.
"Okay. Uwi ka na?"
Tumango ako. Agad akong napangiti nang makita ko si Katty, James at Storm na palapit samin. Maingay na dahil sa malakas na party music. The students are getting wild na, I guess.
"Sunny! Party pa tayo?"
"Pass daw siya. Tayo tayo na lang."
Sagot ni Vanessa bago pa man ako makasagot kay Katty. Katty pouted her lips.
"Ay..edi you're going home na?"
Tumango ako. Nakita ko si Storm na nakatitig lang sakin.
"I'll take her home. You guys enjoy the party."
Sabi ni Storm.
"Kaya pala uuwi. May late night date."
Tukso ni Vanessa. Katty just chuckled. I rolled my eyes at her.
"Wag niyo na ako gisingin ha? Alam niyo passcode ng condo."
Paalala ko sa kanila. Masayang tumango naman ang dalawa. Muli kong binalingan ng tingin si Vanessa.
"I'll cover you up from Tita Mommy for tonight, Van."
Umilinh iling siya at saka ngumisi.
"Mommy knows. No worries, Sunny."
Tumango ako. Kay James naman ako tumingin. Itinuro ko si Vanessa at Katty.
"Make sure hindi magkakalat ang dalawang 'to ha?"
James chuckled.
"Ako na bahala. You two should go na."
Tumango ako. Inalalayan naman ako ni Storm dahil siguro napansin niya na hindi ako kumportable sa suot ko. Nagpaalam na kami sa kanilang tatlo.
"Tired?"
Tanong niya sakin. Umiling ako.
"Not really. Congrats, by the way."
Ngumiti siya.
"You really are gorgeous tonight, Buds."
"Tonight lang?"
Biro ko sa kaniya.
"You're always gorgeous pero mas gorgeous lang ngayon."
Seryoso niyang sagot. Natawa ako.
"Bolero."
"I'm not. Hindi kita kailangan bolahin, Buds."
"Oo na. Ang seryoso mo."
"Ang ganda mo."
Pinalo ko siya sa braso pero mahina lang naman.
"Stop."
Suway ko sa kaniya. Nararamdaman ko kasing pulang pula na ang pisngi ko dahil sa pagpuri niya. Habang naglalakad kami palabas ng School, marami ang bumabati at nag-cocongrats kay Storm. Pero ni minsan ay hindi bumitaw ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Mas kinikilig ako!
"Hindi pa rin talaga mag-sink in sa sistema ko that you like me, Buds."
Kunot noo siyang napatingin sakin. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Malapit na kami sa parking area.
"Why?"
Nginitian ko siya.
"You're unreachable. Kilala ka sa buong school natin. You are also a model. Alam mo yun? Ang layo ng pagitan nating dalawa."
That's a fact. He's unreachable. Pakiramdam ko hindi siya dapat magkagusto sa isang tulad ko lang. I know hindi ganito ang mindset ko pero when I realized my feelings for Storm, doon na rin ako naging aware sa paligid ko. Na parang pati ang sasabihin ng iba iniisip ko na rin.
"What are you talking about, Sun? I was never an unreachable. You are."
"What? Me? Unreachable? Okay ka lang?"
Ngumisi siya sakin.
"You are just a dream to me, Sun. Liking me back is more than enough. Besides, there is no unreachable and reachable human."
I twitched my lips. Pinipigilan ko yung kilig na nararamdaman ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Dahan dahan siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa aking noo na naging dahilan para maipikit ko ang mga mata ko. Iminulat ko ulit ang mga mata ko only to see him staring at me with amusement and admiration.
"I love you, Sun and you are meant for me."
Hindi ko napigilan ang ngumiti ng malapad. Natawa siya.
"Ang daya mo naman, Buds."
Ha? Daya? Bakit?
"Ha? Anong madaya?"
He chuckled.
"Paano ka nagiging cute despite being pretty, already?"
I rolled my eyes at him pero nandoon pa rin naman ang ngiti saking mga labi. Naglakad na ako at hinila ang kamay niya.
"Dami mo alam. Let's go home na."
Tumawa siya. Alam kong hindi ako mabuting tao pero Lord.. Thank you for giving me this man. Thank you for letting me experienced how to be love by Storm Thompson.
****
A/N:
I know this is too short but.. bawi na lang ako Next Page. Hahahaha Enjooooy!
-jajangrayter

Sun and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon