Page Forty-seven.
----------Kung may bagay man sa mundo na pinagsisisihan ko ng sobra? Iyon ay ang mga nasayang na oras. Mga oras na mas pinili kong magtrabaho nang magtrabaho habang nag-aaral at hindi ko binigyan ang sarili ko ng oras para magsaya kasama ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Mga oras na hindi ko piniling kasama ang Mama ko. Mga oras na hindi ko kaagad pinakilala kay Storm si Stormi. Limang taon. Limang taon na pinilit ko ang sarili ko na wag tumakbo papunta sa kaniya. Itinago ko ang tungkol sa anak namin. Halos apat na taon ang ipinagkait ko sa kanilang mag-ama. At ngayon, may isang buhay sa tiyan ko ang kailangan kong protektahan at itaguyod na mailabas ko sa mundong ito ng maayos.
"Sunny.. you can't be pregnant!"
"But I did, Doc."
Hinilod niya ang kaniyang sintido.
"You are under medication, Sunny. At kapag buntis ka hindi ka maaaring magpatuloy sa medication mo because it will affect the baby in your womb. Umiinom ka pa ba ng gamot?"
Umiling ako.
"Hindi ako umiinom ng gamot simula't sapul na nalaman ko ang tungkol sa sakit ko."
"What?!"
I smiled at her.
"Kaya ko, Doc. Gusto ko lang itanong sayo kung ilang buwan na lang ang buhay ko? Is it enought until manganak ako?"
Kita ko ang gulat at pagkamuhi niya dahil sa mga binitawan kong salita.
"God Sunny! Parang gusto ko na lang magpakamatay sa pinagsasasabi mo!"
I chuckled. After my headache attack na kasama ko ang mga kaibigan ko at nagsuka ako, umalis ako kinabukasan para magpatingin sa doctor. Nasa may parking area na ako ng hospital na'to nang magkaroon ako ng another headache. Sobrang sakit na nahihirapan akong huminga. And there I met Doc Xyrien and she helped me that day. I was so thankful nang malaman ko na isang neorologist at psychiatrist si Doc Xyrien. Of course marami siyang ginawang test sa akin at doon niya sinabi na may sakit ako. It's a brain tumor, a rare case brain tumor. Curable at madadaan sa operasyon dahil hindi naman siya kumakalat sa buong utak ko pero lumalaki siya. Kapag hindi nakuha ang lumalaking bukol na iyon, mamamatay ako. Magagamot sa operasyon pero may possibility na tamaan ang ibang ugat sa aking utak at maging dahilan para mawala ang lahat ng mga alaala ko. At first, ayaw kong magpa-opera dahil ayokong magising na lang na wala na akong maalala but because of Storm and Stormi, I decided to undergo an operation. Di bale nang wala akong maalala basta ba magkakaroon pa ako ng chance na makasama sila. Kahit na makaligtas man ako sa brain tumor, hinding hindi ako makakaligtas sa alzheimer. Yes, I do have an alzheimer, isa pang sakit ko na hindi na magagawang gamutin. At dahil may brain tumor ako mas maaga kong nararanasan ang alzheimer. May mga pangyayari na sa nakaraan na hindi ko na maalala but still it was all in the past kaya di bale na kung makalimutan ko. Napabuntong hininga ako. I was about to undergo an operation kapag nasabi ko na kay Storm ang sakit ko but.. nalaman ko that I am pregnant kaya hindi ko na natuloy pa ang dapat na pagpapagamot at hindi ko na magawang sabihin kay Storm ang tungkol sa sakit ko.
"Sunny.."
Bumalik ang atensyon ko kay Doc at saka ako ngumiti.
"Just tell me Doc."
Nag-aalangan siyang tumango.
"We'll have an MRI test para makita natin ang tumor sa utak mo, alright?"
"Alright."
And there, Dic Xyrien ran some tests sa ulo ko. I waited for her hanggang sa bumalik siya dito sa room niya at dala-dala na ang result ng tests.
"Sunny.."
"Hmm?"
She sighed. Saka niya nilapag sa kaniyang mesa ang mga resulta nakita kong medyo lumaki ang bukol. Ngumisi ako. Look how destiny play it's role in my life at halos sa bawat buhay ng tao. You'll never know what kind of life is waiting for you. But never in my life that I pitied myself. Umiyak ako at nanghinayang sa mga oras na nasayang pero hindi ko magawang kaawaan ang sarili ko. Bakit pa? To cry more? To put another pain in my heart? Nah. I had enough of that. I'd rather be happy and be thankful sa araw-araw na nagigising ako katabi ang asawa ko at ang anak ko. Nagigising ako sa umaga na hindi ko pa nakakalimutan ang mga taong nasa paligid ko.
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...