Page Twenty-Four.
——————————
I was expecting to meet a human. A woman to be precised but I was wrong. This a house. A huge house. There's a pool and a beautiful garden and a huge parking space. Bahay nina Storm to be exact. Ano naman ang gagawin namin dito sa bahay nila? Nandito ba ang long time crush niya? Dito nakatira? Seriously? Kunot noo kong binalingan ng tingin si Storm.
"Nandito ang long time crush mo?"
He smirked at me.
"Gusto mo talaga siyang makilala?"
"Mukha bang hindi, Storm?"
Humalukipkip siya.
"Why?"
"Just because. Nothing else."
But the truth, I am curious of who the girl is. Kung ano itsura niya at kung ano kaya ang mga nagustuhan sa kaniya ni Storm. Part of me was.. was jealous. Pakiramdam ko kasi I was an option. That if Storm pushes and made an effort sa long time crush niya, Walang Sunny sa buhay niya. Hindi talaga ako vocal sa feelings ko. Sanay akong sinasarili lang lahat ng emosyon ko.
"Really?"
"Really. Anyway, Bakit tayo nandito sainyo?"
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"I want to show you something. Ayokong nagseselos ka."
Tumaas ang kilay ko at iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Anong nagseselos?!"
Niyakap niya ako at narinig ang mahina niyang pagtawa.
"It's okay Buds. It's okay."
"Heh! Tigilan mo nga ako!"
Storm started laughing at kumawala sa pagkakayakap sakin. He hold my hand again.
"Let's go."
"Nandiyan Parents mo?"
Umiling siya.
"No. Out of town."
Nakahinga ako ng malalim. I know Tita Alex and Tito Sandro are cool naman with me pero syempre nakakakaba pa rin. Isa pa the last time that I saw them, hindi pa kami official ni Storm. Masyado rin kasing maraming nangyari kaya hindi nagkaroon ng chance to meet them. Tho, I received so much gifts from the two of them nung bumalik kami ni Storm from New York. Yeah. Ganoon sila ka-sweet sa girlfriend ng anak nila.
We walked in silence. Naiwan ako sa living area nila dahil magpapalit lang daw ng damit si Storm. Nagpahanda rin siya ng pagkain sa gazebo nila for the two of us.
"Sunny?"
Napalingon ako kaagad sa tumawag only to see Kuya Eros and a woman in a baby bump beside her. Napanganga ako. Siya ba si Dakota? Yung girlfriend ni Kuya Eros na dinaan sa dahas para maikasal sila? Oh my god! No wonder, dinaan siya sa dahas. Mukha siyang dyosa na pumunta sa mundo ng mga tao! She's so beautiful!
"Kuya Eros. Congratulations pala on your wedding."
"Thanks. Oh! By the way, This is Dakota, my wife."
"Hello po. I'm Sunny."
Nakangiti siya sakin.
"Nice to meet you, Sunny. I've heard so much about you from Storm."
"Talaga po?"
"Tumango tango siya. Lumapit siya sakin at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko.
"You really look familiar, Sunny! I've really seen you somewhere. Diba Eros?"
"Yeah. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita."
"P-po?"
Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila. Familiar ako sa kanila? Paano? Ganyan din ang sinabi ni Kuya Eros when he first met me. Familiar daw ako sa kaniya. Parang nakita niya na raw ako somewhere.
"Oh nevermind! Hun, Isama mo na lang kaya si Storm? I'll make time for Sunny while you two are away."
Tumaas ang kilay ni Kuya Eros at nakakitaan ko ng pangamba.
"Hun.."
He said in a warned tone. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ate Dakota.
"Oh come on, Hun! Mag-uusap lang naman kami."
Tumingin sakin si Kuya Eros.
"Sunny, be patient okay? Don't let yourself forget the fact that she's pregnant. Okay?"
Tumango tango naman ako kahit na hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Guess I met a weird couple.
"Kuya! Ate Dakota! You're here!"
"Oh! Hi Stormy.."
Malambing na sabi ni Ate Dakota. Kumalas ang kamay niyang nakapulupot sa braso ko at lumapit kay Storm para halikan ito sa pisngi. Stormy? Pfft! Gusto kong matawa. Napaka-childish ng tawag ni Ate Dakota kay Storm.
"Storm, samahan mo ako kunin yung mga gift souvenirs. Your Ate Dakota is inlove with Sunny right now."
Napa-oohh si Storm and he chuckled.
"Just don't take het away from me, Ate ha?"
Biro ni Storm kay Ate Dakota.
"Of course! He's all yours. Hihiramin ko lang naman."
Natawa ako sa biruan nila. Nagpaalam na ang dalawang magkapatid kaya naiwan kami ni Ate Dakota. Nandito kami ngayon sa gazebo at nilalantakan ang pinahandang pagkain ni Storm para samin sanang dalawa. I'm sure he won't mind kung kami ni Ate Dakota ang kakain.
Si Ate Dakota ay nakatitig lang sakin. Para bang isinasautak niya ang mukha ko for no reason. Parang kulang na lang kabisaduhin niya ang pagmumukha ko. I felt awkward, seriously pero hinahayaan ko na lang. Iniisip ko na lang na buntis siya kaya siya ganito. Weird.
"Alam mo ba, maliit pa si Storm when I first met him. Looking at you now as his girlfriend amazes me. Ang laki na niya. Samantalang dati he would cry his heart out kapag hindi namin siya naisasama sa lakad namin ni Eros."
Pagkukwento niya. I chuckled. naiimagine ko kasi si Storm na umiiyak.
"Storm must be really fond of you. Parang ate na po ang turing sayo."
Tumango tango naman siya sa sinabi ko.
"Oh wait! Have you seen his bedroom?"
"No. I've never been there. Pangalawang beses pa lang po ngayon na nakapunta ako dito."
"Really?! Tara!"
"P-po?"
"Sa kwarto ni Storm! May mga baby pictures siya doon. and some pictures na siya ang kumuha. Storm loves photography maliban sa architecture. He loves arts so much!"
That hit me. Hindi ko iyon alam. Napansin yata ni Ate Dakota ang pag-iba ng mood ko.
"It's okay, Sunny. Don't belittled yourself. When me and Eros started dating, marami rin naman akong hindi alam sa kaniya. It's part of growing while you two are in a realationship."
I looked at her. She smiled at me.
"At least, May nalaman kang bago ngayong araw. Make that as one of your everyday goal. To learn or know something new about him."
I chuckled. Tumango ako at saka tumayo para sundan siya. She's so excited. Ako naman ay nasa likod o gilid niya lang. Medyo bumpy na kasi talaga ang tiyan niya at baka mapano siya habang naglalakad.
"Ito ang kwarto ni Storm."
Turo niya sa pintong nakasarado. She opened it. Nauna siyang pumasok. Unang bumungad sakin ay ang malamig na paligid dahil siguro sa aircon. Walang tao pero naka-on ang aircon? Magkano kaya electricity bill nina Storm sa loob ng isang buwan?
Pumasok na ako at nakasunod lang kay Ate Dakota.
"Napakalinis talaga ni Storm sa kwarto niya. Oh! There's the baby pictures!"
Turo niya sa isang corner. Oo, napakarami ngang mga larawan na nakadikit sa dingding ng kwarto ni Storm. It looks like a picture diary. Lumapit ako doon at tinignan ang mga baby pictures. Napangisi ako. Storm is so adorable when he was still a kid. I can see it just by looking at the pictures.
"Kaya pala you really look familiar, Sunny.."
Nilingon ko si Ate Dakota. Nasa may side table siya ng kama ni Storm na black and white ang kumot at unan. Ang kulay naman ng pader at dingding ay puting puti. Kaya litaw na litaw ang mga pictures. There is a big picture sa taas ng head board ng kama ni Storm. It's a picture of a woman pero side view lang. Kumunot ang noo ko. That woman really looks familiar.
"You have so many pictures here in this corner pala."
Muli kong binalingan si Ate Dakota. She's now staring at me at nakangiti siya ng malapad sakin. Naglakad ako palapit sa kaniya para makita ang sinasabi niyang pictures ko. Hindi naman na ako magtataka kung may pictures ako dito. I am his girlfriend, anyway. Mas magtataka ako kung wala akong picture dito.
Nang makalapit ako kay Ate Dakota doon ko lang nakita ang isang board corner at may mga nakadikit na pictures. As I was eyeing the pictures ay napanganga ako. Naitakip ko ang palad ko sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwal sa mga pictures na nakita ko. It was me. Ako lahat ng iyon! Hindi ko ma-process sa utak ko ang nakita ko ngayon kaya dahan dahan akong napaupo sa gilid ng kama ni Storm. Nanghihina ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Totoo ba talaga lahat ng nakita ko? Oo. Ikaw yun, Sunny! Hindi naman edited iyon! Gaga! But.. Oh my god! I still can't believe it! Hindi ko magawang paniwalaan.
"Are you okay, Sunny?"
Nag-aalalang tanong sakin ni Ate Dakota. Marahan akong tumango. She hold my hand for support. Naramdaman niya yatang nanghihina ako.
"Want to take some rest? I'll call the-"
"No. Ayos lang po ako. I-I just want fresh air, Ate Dakota."
"Su-sure. Tara na?"
Tumango ako sa kaniya. Ako dapat itong umaalalay kay Ate Dakota pero it turned to be her taking care of me. Tinawag niya ang isang maid at humingi ng tubig nang makababa kami pabalik ng living area. Pinaupo niya ako sa mahabang sofa that made in a soft leather material.
"Sunny.."
"Ate Dakot, please don't tell Storm na pumasok tayo sa kwarto niya."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero agad naman siyang tumango. We stayed like that for a couple of minutes. Nakainom na rin ako ng tubig na binigay ng maid. Si Ate Dakota naman ay nakaupo lang sa tabi ko at parang may malalim na iniisip. I heard her sighed.
"Now, I remember something.."
Sabi niya. Nilingon ko siya and she's now looking at me intently.
"I asked Storm who the girl is, Iyong picture na malaki sa taas ng head board ng kama niya.. I knew you saw it. Hindi mo ba namukhaan?"
"Hindi.."
Wala sa sarili kong sagot. I am still thinking about those pictures sa board corner. Mga pictures ko. Mga pictures ko na hindi ko akalaing magkakaroon siya. Ibang mga pictures ko ang inaasahan kong makikita roon. Kaya pala nasabi ni Kuya Eros na I am familiar with him the first time we met. Marahil ay nakita niya rin iyon nang minsang pumasok siya sa kwarto ni Storm.
"She's my first love, Ate. I don't believe in love at first sight but, She's an exception."
Ngumiti si Ate Dakota sakin.
"That's the exact words he told me, four years ago. And that girl in the picture.. Is you."
Nakatitig lang ako sa kaniya. And then it hit me. Yes, it's me. Hindi ko lang kaagad narealized kanina while looking at it dahil hindi ko naman naisip na ako iyon. Ang buhok ko kasi doon ay medyo maiksi pa. Naka-side view rin at medyo blurred ang pagkakakuha. Halatang stolen shot iyon. It was in my freshmen year.
Iyong mga pictures ko na nasa board corner, ay purong stolen shots ko from freshmen year up until this year. Karamihan sa mga larawan ko doon ay pawang mga nakangiti. Hindi ako nakaramdaman nang pagkakilabot pero nanghina ako dahil sa isang katotohanan na ngayon ko lang nalaman at napagtanto.
I am his long time crush. I am that woman na pinag-uusapan ng mga nakakaalam na may long time crush si Storm. I am that woman, na pinagseselosan ko. Pinagseselosan ko ang sarili ko. Bakit hindi sinabi sakin ni Storm? Wala ba siyang balak sabihin sakin 'to? Why?
"Hindi niya sinabi sayo. Baka naisip niyang matakot o mandiri ka sa kaniya."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko iisipin yun at hindi pumasok sa isip ko yun. It's kinda.. sweet and overwhelming, actually.
"Storm really loves you, Sunny. He waited for you. Bakit kaya ngayon lang siya nakalapit sayo?"
"Well.. Tanong ko rin yan."
Natawa si Ate Dakota sa sinabi ko. Kaya napatawa na rin ako. We are in that scenario nang makita ko ang pagpasok ni Storm na may dalang box na hindi naman kalakihan. Kasunod niya si Kuya Storm na may dala ring box.
"Oh. You two get along ah?"
Storm smirked. I smiled at him. Now I know your secrer, Storm Thompson. Lumapit si Kuya Eros kay Ate Dakota and planted a soft kiss in her forehead. Napapikit naman si Ate Dakota. They really look good together.
"Oh! Before I forgot, Bring Sunny on our wedding day, Storm."
Nakangiting sabi ni Ate Dakota.
"Of course. Hindi ko pa nga lang nasasabi sa kaniya."
I rolled my eyes at him. Daming nakakalimutan ni Storm sabihin sakin.
"Dito ka na mag-dinner, Sunny."
Aya ni Kuya Eros. Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon.
The dinner went well naman. Tumawag din si Tita Alex to tell Storm that he should take care of me and drive me home safely. Napangiti na lang ako. I couldn't ask for more. And knowing that I am Storm's first love and long time crush, made my heart melt. Love moves in mysterious ways, indeed.
I texted Vanessa na malelate ako ng uwi at nagreply naman siya ng okay. She also texted me na hindi natuloy ang punta ni Tita Mommy sa Condo dahil may biglaang meeting at hindi rin siya masusundo dahil may business trip, ulit. Napapadalas ang business trip ni Tita Mommy this year. So unusual pero siguro ganoon talaga kapag na-promote sa trabaho.
Storm drive me home. Pero hindi siya kaagad umuwi. Pumasok pa siya sa Condo at nadatnan namin si Vanessa na tulog na sa kwarto.
"You want coffee?"
I asked him pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto dahil nagbihis muna ako and did a quick halfbath. Feeling ko kasi hulas na hulas itsura ko sa buong araw. Tumango naman si Storm. He's watching a k-drama right now. Isa iyan sa nalaman ko kay Storm. Hilig niyang manuod ng k-drama dahil sa ganda at quality ng palabas ng korea. I couldn't agree more. They are truly the best lalo na sa fantasy movie or drama. Lahat talaga nag-hi-hit. Iba sila gumawa ng pelikula. Superb!
Nagtimpla ako ng kape at nang matapos ay dinala ito papunta sa sofa at binigay kay Storm ang kape.
"Ang sarap mo talagang mag-timpla ng kape!"
Natutuwa niyang sabi. He made another sipped again.
"Your room is huge."
Napatigil siya sa paghigop ng kape at napatingin siya sakin na may halong pangamba.
"Yo-you mean.. room ko sa Condo?"
Umiling ako. Napalunok siya.
"Sa bahay niyo. Ate Dakot tour me."
"H-ha?"
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Nakatingin lang siya sakin.
"When are you going to tell me, Huh Buds?"
"Te-tell you what? I-I mean.."
Tinaasan ko siya ng kilay. Muli siyang napalunok. Kitang kita sa paggalaw ng kaniyang adams apple. He sighed at saka ipinikit ng mariin ang kaniyang mga mata.
"Buds.."
"Why didn't you tell me?"
"I.. I just can't. Baka isipin mo kasi ang creepy ko."
Tumango ako.
"At least aware ka na ang creepy mo."
I teased him. Kinagat niya ang labi niya at tinignan niya ako. mata sa mata.
"Being near you is just a dream to me, Sun. I never imagined myself being inlove with someone I barely knew. But to you.. It just happened."
"You love photography. You love arts. Ngayon ko lang nalaman."
Pag-iiba ko ng usapan. Baka kasi hindi ko ma-contain ang nararamdaman kong kilig at halo-halong emosyon at magawa ko na namang halikan ang taong 'to.
"Yes. And you're my favourite subject."
Napaawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. Hindi pa man ako nakakabawi sa sinabi niya ay dinugtungan niya pa na halos naging dahilan para mahirapan akong huminga.
"You're my subject. You're my masterpiece. You're my everything and you're mine."
And there. We sealed the night with a passionate kiss. My Storm. My love and surely, My everything too.
BINABASA MO ANG
Sun and Storm
RomanceStorm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It was and will never be his forte. He loves playing basketball. And his attention and heart was already...