AFF (SIMULA)

621 13 7
                                    

Strand Series will tackled about the Senior High School Life of a student in different strand (STEM, ABM, HUMSS, HE, ICT).

I wrote this series for you to see the struggles, fights and the criticism of each strand takes. And for us to be aware that strand criticism should be take down. Also, this series will tackled the different kinds of love.

After all, this story is a work of fictions. All the names of the characters, places, happenings, events, incidents, are just all made by author's imaginations. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Apple's First Fall (Strand Series 1): completed

___________________________
____________

Katulad ng isang bangka, kailangan mong sumabay sa agos ng alon. Katulad ng isang tula kailangan mong tumugma.

Teen-age life start once you entered high school. This will be the pace wherein you'll find yourself being in the midst of the crowd.

The beginning of everything. The start of your growth as an individual. The time you'll know the real essence of life.

"Poms, diba sa UDA ka pag-aaralin nung Papa mong mayaman?? Pero saang strand ka mag a-apply?" tanong saakin ni Emma, ang pinsan ko.

Tinigil ko ang pagbabasa at nagtaas ng tingin sakaniya. She was busy doing something on her phone. "STEM, ikaw ba?" I answered, not minding her first words.

"Sa dating school lang ako. HE kukunin ko. You know, luto luto lang naman daw yun." kibit balikat niyang saad. "Sure ka na ba sa STEM? Dami raw Math and Science dun, ah?" nag-taas siya ng tingin saakin.

Mariin lang akong tumango. "Oo. Doon din kase related yung kukunin kong course sa college." sagot ko sakaniya.

Ngumiwi siya. "Psh, ewan ko talaga kung bakit may mga katulad nyo na kumukuha ng STEM. Mas pinapahirapan nyo lang sarili nyo. Atsaka balita ko pa, mayayabang daw mga tangkay, sige ka, baka mahawa ka sakanila." pananakot niya.

My face crumpled. "Are you aware na nag i-strand descrimination ka na?" I tried not to sound rude while asking.

Strand descrimination do really exist.

"Woah, chill ka lang, Poms. Masyado kang seryoso, sinasabi ko lang naman yung narinig ko. Grabe, galit ka na niyan agad?" sarkastiko niyang tugon.

Umiling nalang ako at hindi na sumagot. If I tried to defend myself against her words, ako nanaman ang magmumukhang masama. Well, sanay na rin naman akong laging na m-misinterpret. They always think that I'm snob and an attitude, dahil lang sa pagiging tahimik ko at hindi nakikipag socialize masyado.

"Hay, ewan. Bahala ka na nga diyan. Basta mayayabang mga STEM. Matatalino nga nandoon mga mayabang naman. Anong silbi ng talino nyo, yuck?"

Napa-irap nalang ako dahil sa sinabi niya. Masyado talagang matabas ang dila niya. She's being unreasonable for no reason.

"Such a brat," bulong ko.

Narinig ko ang pag bukas-sara ng pintuan ng bahay. I just shrugged Nad continue to read the book I'm holding.

Lumipas ang ilang araw at palapit ng palapit ang pasukan. Nakapagpatahi na si Mama ng uniform ko, nakabili na rin kami ng mga kailangan ko sa school. At ngayon ay namimili naman kami ng sapatos na susuotin ko.

"Isukat mo nga 'to, Pona."

Kinuha ko ang pares ng black shoes na binigay ni mama saakin. Umupo ako sa may upuan at sinubukan ito. At sumakto naman ito sa size ng paa ko.

Tinanggal ko ang sapatos at tumayo. Agad na hinanap ng mata ko si Mama. Nang makitang may kausap ito ay umupo nalang ako muli at hinintay silang balikan ako rito.

Napatingin ako sa prize ng sapatos na hawak at halos malula ako sa presyo. Ang isang pares lang ng black shoes ay umabot na ng 400. Napahilot nalang ako sa may noo ko at tumayo para ibalik ito sa may stall.

Hindi naman maipagkakaila na maganda ang desinyo at quality ng sapatos. But the fact that it's not budget friendly.. nah. I won't waste money for something like that. Alam kong importanteng bagay iyon, pero hindi ko maatim na bumili ng sapatos sa ganoong presyo, kung kaya namang makahanap ng mas mura, na may magandang quality.

Isa pa, hindi naman kami mayaman at kailangan din naming mag tipid.

"Oh? Asan na 'yong sapatos? Hindi ba kasya sayo?" Kunot ang noong tanong ni Mama ng makalapit saakin.

Tahimik akong umiling sakaniya. "Hindi po. Sa palengke nalang po tayo bumili, Ma. Marami naman po siguro doon... at mas mura pa." bulong ko sa mga huling salita.

Kinuha ni Mama ang ibang paper bag. "Oh siya, sa palengke na tayo mag tingin sa susunod. Halika na at mag ga-gabi na, may pasok pa ako mamaya sa karenderya," aya ni Mama.

Kinuha ko ang ibang paper bag at agad na sumunod. Bumaba kami ng Magic at naglakad papunta ng sakayan. Nang mapadaan kami sa may Jollibee at tumingin ako sa loob.

Napalunok nalang ako sa sariling laway ng manuot ang amoy ng manok sa ilong ko ng may lumabas sa pinto ng Jollibee. Agad akong umiwas ng tingin at mas binilisan nalang ang paglalakad ng makitang medyo malayo na si Mama saakin.

Ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng may nabunggo ako. Muntik ng mahulog ang mga dala ko kaya't halos hingalin ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Dala ko pa naman ang mga babasaging binili namin kanina.

"Sorry, Miss." hingi ng tawad noong lalaki at agad na iniwan ako.

Nagtaas ako ng ulo at sinundan siya ng tingin. The guy is tall, wearing hoddie. Isang beses siyang lumingon saakin kaya't nagtama ang paningin namin.

Napakurap ako at umiwas ng tingin. I shook my head and let out a heavy sigh. I fixed the paper bag i was holding. Isang beses pa akong lumingon sa likod bago patakbong sumunod kay Mama, dahil mukhang hindi nito naramdaman na wala na ako sa likod nila.

Nakauwi kami sa bahay ng saktong mag a-ala-syete ng gabi. Halos sampong minuto lang ang hinintay namin para mapuno ang jeep. Last trip narin kase iyon kaya't mabilis na napuno. Mabuti na nga lang at nang sumakay kami ay kunti pa ang tao.

"Alis na ako, Pona. I-lock mo ang pinto at mga bintana. Kapag may kumatok, wag mong bubuksan." bilin ni Mama saakin. "Matulog ka rin ng maaga, wag puro wattpad, hah." dagdag pa ni Mama.

Tamad akong tumango. Nang tuluyang makaalis si Mama ay agad kong ni-lock ang pintuan ng bahay. Nang masiguradong sarado na rin pati ang mga bintana ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.

I sat on my bed and took my phone from the table. As I opened it, notifications from wattpad popped out on my screen. Binuksan nakitang sunod sunod ang update ng story na inaabangan ko.

Agad akong humiga sa kama at binasa iyon. Halos umabot ako ng dalawang oras para basahin iyon. Isang ngiti ang pumaskil sa labi ko dahil sa kilig na nararamdaman sa binasa.

Hay, sometimes I really wondered if those kilig moments, i read, ay ma I-experience ko. I'm curious what's the feeling of having a butterfly in my stomach. I can't stop imagining those scene from the books. Pero alam ko namang impossible ang mga bagay na 'yon. Dahil sa libro lamang iyon at kung mangyari man sa totoong buhay, alam kong isa ako sa mga malas na taong hindi mararanasan iyon.

On the other hand, it's fine. Ayos naman na saakin na i-imagine lang ang mga iyon. Isa pa, alam ko rin naman sa sarili kong hindi ako handa para pumasok sa ganoong bagay. At alam ko rin sa sarili kong baka hindi talaga ako magkagusto sa totoong tao.

It may sounds funny and weird but those un-existed people set my standards so high. To the point that I'm no longer interested on liking men in reality.

The last sort I had is to have a simple and peaceful SHS life.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon