10

194 11 0
                                    

"Madaya! Madaya ka naman Pomona!" reklamo ni Isaac ng mas madami akong makuha ng ticket sakaniya.

Pinulot ko iyon at nilagay sa ibabaw ng machine. "Hindi ka lang talaga magaling," pang-aasar ko.

We were playing the basketball thing chu chu. Iyong kailangan lang namin pindutin yung isang botton habang ginagalaw yung handle para habulin iyong mga ring. Malay ko bang hanggang dito ay malas siya sa basketball.

"Isa pa! Isa pa!" competitive niyang saad.

Nag-hulog uli ako ng dalawang token, ganon din siya. Nag-umpisa na uli kaming maglaro. I can see on my peripheral vision how Isaac eyes turned serious while playing the game.

Ngumiwi ako at sineryoso rin ang nilalaro. My competitive side was showing. Well, I can't lose with him. Kahit crush ko siya, hindi siya exemption.

After a minute ay napapalakpak nalang ako ng makitang mas marami ang ticket ko sakaniya. Well, nakuha ko kasw ang jackpot kanina kaya nagkaroon ang remaining 30 seconds. My ticket was 238, while his ticket was 134.

Yumuko ako at pinulot ang mga iyon. Nang tumayo ako ay tumingin ako kay Isaac. He was pouting while glaring at the machine. He even kicked it kaya naman ay sinipa ko rin siya sa may paa.

"You're such a child," I mumbled.

Isaac surprisingly look at me. "Wow," he uttered. "Mas bata ka nga kaysa sakin. Tapos yung height moㅡ" sinamaan ko siya ng tingin. "Matangkadㅡsyempre naman tangkad tangkad kaya ng mansanas na 'yan!" bawi niya.

Inirapan ko siya at inayos ang mga ticket na nakuha. "Ikaw nga malas sa basketball."

Mahina akong napaigik ng hampasin niya ang braso ko, hindi naman iyon kalakasan sadyang nakasanayang reaksyon ko nalang 'yon.

"Ang sama mo talaga. Hindi ko na nga tinuloy na sabihing pambata ang height mo." usal niya.

Wow. Hindi pala sinabi.

"Matangkad ka lang pero hindi ka magaling mag basketball." pikon kong ani.

E, sa totoo naman. Hindi naman talaga siya marunong sa basketball. Tapos siya pa itong may gana magsabi kanina na madaya ako. Madaya kase mas magaling ako sakaniya.

"Grabe, ang harsh harsh mo sakin, Pomona! Para namang hindi mo ako crush," saad niya na may halo ng pang-aasar.

Hindi ako nakasagot. Umiwas ako ng tingin sakaniya at inilagay nalang sa basket ang mga tickets ko. Well, susulitin ko na mag Timezone, minsan lang naman at libre.

"Ayie, hindi tumanggi. So, crush mo talaga ako?" tinusok niya ang tagiliran ko kaya inis akong lumayo.

I look at him and saw that's his wiggling his brows. Mapang-asar ang mga mata niyang nakatitig saakin habang hinihintay ang sagot ko.

I raised a brow. "At sino naman ang nagsabi niyan sayo?"

Hindi ko alam kung halata na ba ako. Pero sinusubukan ko namang itago, e. Sinubukan ko namang pigilan lalo na kapag malapit siya.

"Yung notebook mo!" he said proudly.

Kinuha ko ang katabing hammer toy at hinampas sa may tyan niya. "Naniwala ka rin," deny ko.

Hinablot ni Isaac saakin ang hammer toy at mahina akong pinukpok sa ulo. Sinamaan ko siya ng tingin at pilit inagaw iyong sakaniya. Pero dahil mas matangkad siya ay wala akong nagawa kundi ipaubaya nalang iyon.

"Mukha kang nagagalit na puppy, Pomona." ungot niya.

Aba't! Ginawa pa akong aso ng lalaking 'to. E, siya nga mukhang scare crew, hindi ko naman sinabi.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon