23

121 9 0
                                    

Tinali ko ang ribbon at masayang tinignan iyon. Since, we started sa dating. Hindi ko pa siya nabigyan ng kahit anong regalo. At ngayong fourth monthsarry namin, gusto ko siyang bigyan kahit simple lang pero alam kong magagamit niya.

Nilagay ko sa cabinet iyon at lumabas ng kwarto. Pag labas ko ay nakita ko si Mama na ngiti ngiti habang may kausap sa telepono. Nang makita niya ako ay agad iyong nawala. Taranta siyang pumasok sa kwarto ng hindi ako pinapansin.

Huh? Anong nangyari?

I shrugged my thoughts away. Ayoko mag isip ng kung ano ano ngayong araw. I don't want to ruin this special day.

Ngumiti ako at umupo sa may sofa. Binuksan ko ang phone ko at nakitang kong may message sa gc namin kaya binuksan ko iyon.

Pretty Johann

Cece:
ambaho naman ng name ng
gc natin

Cece:
parang mas bagay yung
Pretty Millie, diba Johann?

Johann:
🙂

Johann Cuanjo removed Cecelia Geromo from the group.

Johann:
parang mas maganda yung walang
may pangalang Cece sa gc

Andrew Villanueva added Cecelia Geromo from the group.

Drew:
please lang Cece, wag ka ng
magulo. In-game ako😭

Cece:
thank you, Drew😘

Cece:
dsurb mo yung pang g-ghost
ni Millis sayo Johann.

Napailing nalang ako habang binabasa ang bardagulan nila. Hindi ko alam kung sino si Millie. Pero may ideya ako kung sino. Hindi ko lang sure.

Nakita kong may nag mention saakin sa gc kaya binasa ko iyon.

Janina:
@Nia, happy monthsarry sainyo
ni Humanista! Enjoy your day, vebs!

Cece:
Oh? monthsarry pala ng mga bibe.

Happy monthsarry PomPoms!

Johann:
damn you Ceceliang mukhang utot

Johann:
Happy monthsarry Poms! Enjoy
your date with your humanistang
fogi! mwahh

Drew:
happy motmot Poms! Sabihin mo
kay Isaac, sama niya na kami sa
libre, lmao

Napangiti naman ako dahil sa pag bati nila. Nag thank you lang ako at binack na ang gc. Nakita kong online na si Isaac, pero hindi naman ito nag cha-chat.

Mag t-type palang sana ako ng chat ng biglang may kumatok sa pinto. Dahil sa isipang si Isaac iyon ay dali dali akong nag lakad papunta sa pinto at binuksan iyon. Agad na bumagsak ang ngiti ko ng makita kong sino ang nasa harap ng pintuan ng bahay namin.

Mr. De Leano.

"Pomona," malalim ang boses niyang saad.

Para naman akong nang hina dahil doon. Ilang taon na rin mula ng huling makita at makilala ko siya. Isang beses ko lang siya nakita pero tandang tanda at kabisadong-kabisado ko ang mukha at tindig niya.

Apple's First Fall | Strand Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon