Halos manginig ako habang inaayos ang mga bulaklak sa lamesa. Hindi ako nerbyosong tao pero pagdating kay Pona, nininerbyos ako. Tangina kase, e, lakas ng tama ko sa mansanas na 'yun.
"Pano kapag hindi siya pumayag, Vaughn?"
Kinuha ko ang box ng tissue sa may lamesa at agad na binato kay Zoren iyon. What kind of question is that? Tangina nito. I glared at him and if I can just strangle his neck, I will.
"Gago mo, Ren. Huwag mo nga inaasar 'yang si Vaughn, baka umiyak. Ikaw masapak ni Pomona" Kenzo said.
Hindi ko nalang sila pinansin dahil mga inggit lang ang mga 'to. Inayos ko ang suot kong suit at pumwesto sa may harap ng stage.
"They're coming," Lumingon ako kay Arch nang mag-salita ito. Mas lalo tuloy akong kinabahan, shit.
"Salamat, Doc." Kanta ko rito na siyang kina-irap niya.
"Ulol." Mura niya saakin bago umalis para pumwesto sa may piano. Narinig ko pang bumulong ito ng marupok, kaya napailing at natawa nalang ako.
Sus, pag yun dumating na galing Canada, sure akong mas matindi 'to sakin. Paniguradong gagapang 'to sa lusak. Baka isang sulyap nga lang niya sa erpats ko, tunaw na yan.
"Bilis, Poms! Ikakasal na raw si Drew at Serena. Late na tayo, gaga!" rinig naming sigaw ni Cece.
Huminga ako ng malalim ng marinig ang boses nila Pona.
"Oo nga, saglit! Bakit kase biglaan yang kasal nila? Ni hindi ko nga alam na nag proposed na yang si Drew."
I gulped and fix my suit. My heart tump so fast and my stomach started to grumbled. Mas lalo lang itong lumala ng masilayan ko ng tuluyan ang mukha ni Pona.
Katulad ng una ko siyang makita noon, kaparehas nun ang nararamdaman ko ngayon.
***
Kinamot ko ang pisngi ko at chineck ang strand na HUMSS. Architecture ang pinapakuha saakin nila Mom, pero ayaw ko naman nun, e. Gusto ko maging Piloto. Atsaka, ayoko ng STEM, pakiramdam ko mabobobo lang ako dun.
"Hoy, pre! Anong kinuha mo. Ako HE!" saad ni Quiron ng makalabas ako sa may office.
Nakita kong nandoon na rin iyong iba kaya agad na akong lumapit sakanila. "HUMSS." Sagot ko.
Zoren curse and punched me on the arm. "Tangina mo, sabi mo ICT tayo?" inis nitong saad.
Ngumisi ako sakaniya at inakbayan ito. "Ang clingy mo naman, insan." Biro ko rito.
I just really want him to take ICT. Pangarap kase nitong maging Programmer, pero ang gago sunod ng sunod saakin. Kaya panigurado, kapag sinabi kong mag HU-HUMSS ako ay susunod ito saakin. At ayoko nun dahil alam kong gustong gusto niyang mag ICT. Kaso takot lang siya kila Tita.
"Wassup, mga pangit! Andito na ang pinaka-pogi sa balat ng lupa!" mayabang na sigaw ni Stevan na kakalabas lang ng office. Dala-dala nito ang papel niya habang winawagayway ito saamin.
Yabang.
Hindi ko siya pinansin at bahagyang ginulo ang kulot kong buhok. Nag-lakad ako sa pwesto ni Arch at mahinang tinapik ito sa balikat. He just look at me coldly and read his book again. Wew, napaka-seryoso talaga ng erpats ko na 'to.
"Arch, pre, madami bang chicks na nagpa-enroll sa STEM?" Zoren asked.
Arch didn't answer. Tinawanan ko naman ito at malakas na tinapik ang balikat niya. "Mag stick ka nalang kase sa ABM, pre. Atsaka, STEM? Sus, high standards mga andoon. Hindi ka papasa." Iling kong saad.
BINABASA MO ANG
Apple's First Fall | Strand Series 1
Ficção AdolescenteShe was the falling piece of apple bonked on his head. The only Apple he set his eyes with. [STEMxHUMSS]